webnovel

Bitter Start

Bitter Start

May malaking dahilan ang nanay mo kung bakit ka n'ya gustong sabunutan noong nalaman n'yang wala ka pa sa wastong edad pero kumekerengkeng ka na.

Ganoon rin ang tatay mong gigil na gigil na paputukin ang nguso ng jowa mong kilig na kilig ka pa sa tuwing hinahalikan mo.

Kaya makikinig kayo sa kanila kahit nakakarindi, nakakairita, at kahit minsan ay pakiramdam n'yo unfair sila. Palagi pa rin kayong makikinig sa kanila.

"Mommy, please, makikinig na po ako sa inyo palagi. Mommy, please, I'm begging you."

Lumuhod na ako sa harap ni mommy habang s'ya ay nananatili lamang na tulala sa kawalan. She was so shocked at what I told her while tears streamed down her beautiful face.

"Mommy, mahal ko lang po talaga s'ya kaya ko 'yon nagawa. Mommy, please, I will not talk to him anymore. I will not love him anymore. I will forget about him. Mommy, please, I am so so sorry." I cried even more and Mom finally looked at me. She was obviously in pain and it broke my heart so much.

"Mommy, please, help me tell daddy na huwag na pong ipakulong si Tristan, mommy, please!"

My mom pulled me into a hug as she tried to calm me down kahit s'ya mismo ay nangingig sa sobrang pag-iyak.

This is my precious mom I am hurting while I beg her to stop my wonderful dad who is trying to hurt the amazing man my young heart loves.

This is the result of my stupidity, my selfishness, and my recklessness dahil hindi ako nakinig sa kanila.

Next chapter