webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · Fantasy
Not enough ratings
19 Chs

CHAPTER 11

AN: Malapit na kaya tayo sa katotohanan? Ano ba sa tingin niyo ang magiging kapalaran ni, Bonita at Rius? Hahaha. Anyway salamat po sa patuloy na support.

==========================================

RIUS VALDEZ

NASA LABAS lang ako ng bahay at nakamasid sa mga taong padaan-daan, kung saan ang inuupahan ni, Bonita. Malalim na nag-iisip ako dahil sa pagkakahawak ko sa kamay ni Bonita, nakakita ako ng malabong imahe ng dalawang taong nakahubad. Ang pinagtataka ko kung bakit hindi ko malinaw na makita ang bagay na 'yon.

Nakaramdam ako ng bampira sa paligid kaya bumalik ako sa itaas upang silipin si, Bonita. Sino kaya ang bampirang nagpunta dito? At mukhang si Bonita ang pakay niya.

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama at payapang natutulog, lumapit ako at pinagmasdan ko siya. Sino ka ba talaga, Bonita? Bakit parang may koneksyon tayong dalawa?  Napako ang mata ko sa leeg niya na malinaw kong nakikita ang ugat nito, ang pagpintig nito.

Naramdaman ko na magigising na siya kaya umatras ako ng bahagya.

"R-Rius! Nandito ka pala, p-pasensya ka na nakatulog ako." nahihiyang salita nito at bumangon.

"Sige na matulog ka na." sagot ko lang.

"Hindi na ako inaantok, sandali bakit ka pala nandito?" takang tanong nito.

"Lilipat tayo ulit." seryosong salita ko sa kanya na pinagtaka niya. "Hindi ka puwede rito lalo na at wala kang kasama. Hindi kita laging mababatantayan," pagpapatuloy ko.

"Teka nga? Bakit ba kailangan mo akong bantayan, may kukuha ba sa akin?" naguguluhan na tanong nito.

Mabilis na nakalapit ako sa harapan niya na kinalaki ng mga mata niya, napahawak pa siya sa dibdib.

"Makinig ka na lang sa akin," malamig ang boses na salita ko. At lumayo na ako dahil kapag nakikita ko ang leeg niya para akong hinahatak papalapit sa kaniya.

"S-Sige, kailan ba?" tanong lang nito.

"Ngayon na." sagot ko lang. Namilog naman mata niya dahil sa sagot ko sa kaniya.

"Ano ba 'yan, kadarating nga lang ng mga gamit lilipat agad tayo." kakamot-kamot sa ulong reklamo nito.

Hindi na ako nagsalita at tinawagan ko si, Damien. Upang hanapan kami mismo ng bahay na malapit sa kanila upang mabatantayan niya na rin.

"Hala! Valentine's day pala ngayon."

Nilingon ko naman si Bonita habang nakatingin sa sirang kalendaryo sa may pintuan.

"Bampira! Este! Rius, happy valentine's pala sa'yo." nakangiting bati nito.

Tumango lang ako dahil kausap ko si, Damien. Matapos ko makausap at maghihintay na lang kung may nahanap siya.

"Dito ka lang muna, maghahanap ako ng truck na maghahakot ng mga gamit natin dito." mahinang salita ko at mabilis na lumabas.

'Ayt! Nakakainis naman siya wala man lang happy Valentine's din'

Narinig kong salita sa isip ni Bonita, hindi ko na lang muna pinansin at lumabas na ako. Iniwan ko siyang malungkot ang mukha, mabilis na nakalabas ako at pinuntahan ang motor ko na nakatago sa may likod ng bahay dito.

"Pogi! Kilala mo ba 'yung lalaki na pabalik-balik dito?"

Natigilan naman ako sa paglalakad ng may magsalita itong babae sa may tindahan, yung may-ari ng bahay. Lumapit naman ako dito para sabihin na rin naaalis na kami.

"Sinong lalaki? Nakita niyo ba ang itsura?" seryoso na tanong ko.

"Hindi ko nakita kasi nakayuko at madilim ang mukha niya dahil medyo malayo naman siya dito. Baka kako kakilala niyo at hinahanap kayo sa lugar dito." sagot naman nito na busy sa hawak na cellphone.

"Ganon ba? Aalis na kami mamaya, kukuha lang ako ng maghahakot ng gamit namin." salita ko lang at tumalikod na.

"Ano!? Kakalipat niyo pa lang aalis na kayo agad? Hindi ko maibabalik ang down niyo dahil binayad ko na sa ilaw at tubig ko." malakas ang boses na salita nito.

"Hindi na kailangan hindi ko naman sinabi na ibalik mo." sagot ko lang at naglakad na.

"Aba? Sigurado kayo, mapera ata kayo sige salamat." masayang salita pa nito.

Nagpatuloy na ako sa paglakad at hindi ko na pinansin ang nagtatakang pag-iisip ng may-ari.

--------

Habang nasa biyahe na ako kung saan-saan lumilingon ang mata ko at naghahanap ng puwedeng makaarkila ng truck. Hindi ko puwede magpunta sa mga nagpapa-arkila dahil wala akong puwedeng i-presenta na i.d ko. Hanggang sa may matanawan akong kakatapos lang siguro magababa ng kung ano naman.

"Arkilahin ko 'tong truck niyo, magkano ba?" tanong ko agad, gulat naman ang nakita ko sa mukha ng dalawa dahil sa bigla akong lumitas sa likod nila.

"Hindi po puwede may pupuntahan pa kami at--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sabihin niya dahil ginamitan ko siya ng hipnotize. Sinabi ko na ipapahiram niya sa akin ito kahit magkano gusto nila babayaran ko. Pinahinto ko naman ang kasama niyang isa na biglang lalapit sa amin.

"Sige, sir. Tatlong libo lang ang arkila, ngayon na po ba?"

Salita na nito matapos ko siyang gamitan ng hipnotismo.

Bago kami umlis nakakita ako ng isang flower shop sa may bandang kaliwa sa dulo. Nagpunta muna ako doon at bumili ako ng isang bugkos na pulang rosas, para 'kay, Bonita. Dahil kahit bampira na ako hindi ko naman nakakalimutan ang valentine's day.

--------

Pagdating namin sa inuupuhan namin, biglang kumabog ang puso ko at nakita ko sa balintataw ko ang imahe ng isang lalaki at isang babae. Pilit nitong kinukaha ang babae ngunit nagpupumiglas ito.

Bonita!? Mabilis na bumaba ako sa motor ko at pinuntahan agad si, Bonita. Sinipa ko ang pintuan at nagulat pareho ang nasa loob pagdating ko.

"Rius!" malakas na salita ni, Bonita.

"Bakit nandito ka!?" sigaw ko rito 'kay Dexter, ang prinsipe ng mga bampira. At nabitawan ko sa sahig ang rosas na dala ko.

Ngumisi naman ito sa akin habang hawak sa braso si, Bonita.

"Hindi mo siya puwede ilayo sa akin, Rius. Kahit pa nangaling sa huwad na haring bampira, hindi mo puwedeng angkinin si, Bonita. Dahil siya ang nakatakdang maging asawa ko."

Nakangiting salita ni, Dexter. Kumuyom naman ang kamao ko dahil sa sinabi niya at sa isang iglap nahawakan ko ang kuwelyo niya at ubod ng lakas ko siyang sinuntok.

"Kahit na saktan mo ako walang mangyayari. Dahil kukunin ko pa rin si, Bonita. Hindi siya nararapat na mapunta sa pangangalaga mo, dahil mamatay siya o ikaw ang mamatay." nakakalokong paliwanag nito.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi mo siya kukunin! Dahil ako ang makakalaban mo, kahit isa kang prinsipe hindi ko 'yan hahayaan!" gigil na sagot ko, samantalang gulo-gulo naman si, Bonita.

"S-sandali, paano mo naman nasabi 'yan, Dexter? Hindi nga kita kilala at ako rin, saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?" seryosong tanong ni, Bonita.

"Bonita, noong magkasama tayo hindi ko pa alam. Pero simula ng takasan mo ang customer ko na bampira rin, nag-isip ko kung bakit gano'n na lang ang naging resulta ng pagkagat sa'yo. Naisip ko magpunta 'kay Tandang Gani, dahil naaalala ko ang propesiya na sinasabi niya noon." seryosong kuwento ni, Dexter.

Natigilan naman at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, tanging pakikinig lang ang nagawa ko sa kanila.

"Ano ba ang pipiliin mo, Rius? Ang ipaubaya sa akin si Bonita, na magiging maganda ang buhay niya o hayaan siya sa piling mo at maaari siyang mamatay?" nakangising muling paliwanag ni, Dexter.

"Isa ka lang mahina na prinsipe ng mga bampira! Umalis ka na dito kung ayaw mong patayin kita ngayon." galit na salita ko sa kanya at naramdaman ko ang pagpalit ng kulay ng mata ko.

"R-Rius..." mahinang sambit ni, Bonita.

Naramdaman ko ang ginawa ni Dexter, sinusubukan niyang pahintuin ang bawat gala ko. Dahil tulad ko may kakayahan rin siyang mag-control sa kahit na anong bagay, maging sa tao man.

"D-Dexter, anong ginagawa mo 'kay, Rius?"

Salita ni Bonita na hindi makapaniwala dahil sa nakikita niyang pilit na nilalabanan ko ang ginagawa ng prinsipe.

"Babalik ako at sisiguraduhin ko na makukuha ko si, Bonita."

Tumatawang salita nito at nanumbalik na ang paggalaw ng katawan ko. Pagdating sa ganitong laban, kapag naunahan ako gumamit ng mind controler hindi ko kayang pantayan ang lakas na 'yon.

"R-Rius, ayos ka lang ba?" nag-aalalang salita ni, Bonita.

"Ayos lang ako, sinaktan ka ba niya?" tanong ko agad sa kanya, at ini-scan ko ang buong katawan niya gamit ang mata ko.

"H-Hindi naman pero hindi ako makapaniwala na bampira rin si, Dexter. At isa pang prinsipe, pero ang mas pinagtataka ko 'ay ang sinasabi niyang nakatakda akong maging asawa niya." naguguluhang salita nito at napatingin sa bugkos ng rosas na nasa sahig.

"Bonita, hindi kita ibibigay sa kanya. Kahit mamatay ako gagawin ko huwag ka lang mapunta sa kanya. Dahil alam kong gagamitin ka lang niya sa pansariling dahilan niya." sagot ko at lumapit ako sa bugkos ng mga rosas at dinampot ko ito. Inayos ko pa ang iba dahil nahulog na ang ibang tangkay.

"Happy valentines, Bonita." seryosong salita ko at lumapit ako sa kanya.

Nakita ko kung paanong nabago ang itsura mula sa pagkabahala at sa biglang napangiti ito. Inabot ko ito sa kanya at kinuha niya na naman na tila nag-aalangan.

"S-salamat, Rius." pigil ang ngiting sambit niya at inamoy ang mga bulaklak.

Lumapit naman ako ng husto sa kanya at tumapat, pinakatitigan ko ang mukha niya. Hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha ko palapit sa nakaawang niyang labi.

"Rius..." anas niya.

Bumaba na ang labi ko at naglapat na ito, napapikit ako at dinama ang malambot niyang labi.

"Sir, sisimulan na ba naming maghakot? May pupuntahan pa kasi kami."

Napabitaw naman ako 'kay Bonita at napapakamot sa batok ko, tiningnan ko naman ang dalawang lalaki na nasa pintuan na parehong nakangiti.

Binalingan ko naman si Bonita na pigil ang pagtawa niya.

------------