41 Vampire who loves strawberries

NAGISING ako sa maliliit na halik sa `king mukha. Pagdilat ko ang nakangiting mukha ni Vlad ang unang bumati sa akin.

"Good morning my sweet little Erin."

Napangiti ako nang malaki. Mas siniksik ko ang sarili sa mabango niyang dibdib. My whole body was sore and aching. But it was all worth it. Nang maalala ko kung ilang beses namin ginawa iyon ngayong araw ay hindi ko maiwasang hindi mamula.

Hinaplos-haplos ni Vlad ang buhok ko habang pinagmamasdan ko nang taimtim. His eyes never lost its sparkles. His lips never stops smiling and my heart is drowning in happiness.

Pero nang maalala ko na may sakit siya ngayon at unti-unti nang nalalason ang kanyang katawan ay biglang binawi sa akin ng tadhana ang pansamantalang kaligayahan. Nabuo agad ang mga luha sa `king mata.

"Hey... why are you crying?" Nag-aalalang pinahid ni Vlad ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Hindi ko kasi kaya, eh... hindi ko kayang mawala ka sa `kin," I answered between my sobs.

"Hush," he kissed my lips. "Sino ba'ng nagsabing mawawala ako sa `yo? I will stay by your side for the rest of our lives, Erin. I will never leave you."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Puno nang pagtataka. "Huh? Eh, diba... m-mamatay ka na? Diba nalason ka sa dugo ni Khrysler?"

Napabangon siya bigla sa sinabi ko. His face was so confused. "Me? Dying? Poison? Where do you get that Erin? I'm not dying and most of all I'm not poisoned. I'm completely fine."

Napatayo din ako bigla. Hindi makapaniwala. "P-pero... b-bakit namumutla ka mula pa nung huling tayong nagkita?"

He scratched the back of his head. "I got used with the taste of your blood that's why my appetite had been a little moody. I haven't drinking blood regularly for the past few weeks."

Napaamaang ang bibig ko sa sinabi niya. So, all this time I was tricked! I was tricked again by that scumbag! Umusok na tila tambutso ang dalawang butas ng ilong ko. Kahit `di ako tumingin sa salamin alam kong mukha na akong torong galit. "Magbabayad talaga sa `kin ang tarantadong Romeo na `yun! He tricked me again!"

"Romeo? Romeo said I was dying and poisoned?"

Tumungo ako. Nakakainis talaga ang bampirang `yun! He likes playing dirty games! Then biglang tumatawa si Vlad. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya. "Bakit ka tumatawa? Dapat naiinis ka ngayon dun sa pinsan mo sa dami ng atraso niya sa `tin. Siya kaya ang nagsabi sa `kin na pinaglalaruan mo lang ako kaya ako nagalit sa `yo. Tapos ngayon niloko na naman niya ako at pinaniwalang mamatay ka na!" pagmamaktol ko.

Umiling-iling si Vlad habang hindi pa rin maalis ang mga ngisi. Nainis ako sa kanya. Parang tuwang-tuwa pa siya sa mga nangayari. "Nakakainis ka! Inaasar mo pa ata ako, eh! Sige, pagtawanan mo pa ako! Diyan ka na nga!" Akmang tatayo ako nang pigilan ako ni Vlad at yinakap sa bewang.

Pinatong niya ang ulo sa balikat ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa `kin mula sa likuran. "Hey... it's not like that. Sa totoo lang galit na galit ako sa ginawa niya sa `tin. I almost killed him after I discovered what he said to you. I'm sorry, Erin. Please forgive me for lying to you. That time it was the only way I could possible think on how I could give myself a chance to enter into your life. Ever since I have first saw you, I was already drawn to you like a moth in a flame. And even though Romeo tricked you again at some point I am thankful that he did that."

Napanguso ako nang husto sa sinabi niya. "Because of that lie you, came here and confessed your feelings for me. If he didn't do that then I would never know that you feel the same way for me. Akala ko kasi all this time it was still Jonathan. Noong pinaalis mo ako, I still watched over you."

"Huh? Talaga?" Humarap ako sa kanya.

Tumungo siya. "Yeah... and I then saw the two of you. I thought you were happier when he's the one with you instead of me. And so the, I pushed myself to leave you alone. All I want is your happiness Erin."

Na-touch ako nang husto sa mga sinabi niya pakiramdam ko lolobo na ang puso ko. Nag-pout ako at hindi maitago ang ngiti. Kinulong ko ang dalawa niyang pisngi sa mga palad ko at tinignan siya nang taimtim. "Wala na akong nararamdaman para kay Jonathan kundi pagmamahal bilang kaibigan. Saka `yung mga sinabi ko sayo noon, hindi totoo `yon. Sinabi ko lang `yon para umalis ka na."

Vlad's face lightened in relief. "Yes, I was kind of happy with Jonathan noong nawala ka only because he kept me occupied. But I was never been happier when I am with you. Vlad, thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin. But above everything else, I realized a lot of things too. I discovered more about myself. No'ng nawala ka, oo, malungkot ako pero natutunan ko rin na mas mahalin ang sarili ko. Na-realize ko na ang kasiyahan hindi mo makikita sa ibang tao o bampira lang. Kung hindi mas magiging masaya ka kung mamahalin mo ang sarili mo higit kanino man.

"Now, I am more ready to give my love to you. Kasi mas buo na ako at patuloy ko pang bubuuin ang sarili ko. At habang ginagawa ko iyon, masaya ako na nandito ka sa tabi ko at umaalalay sa akin."

He smiled and softly kissed me on the forehead. "Erin, I'll always be here for you. And it would be my greatest happiness to watch you grow on your own. I will support you to whatever adventures you want. You showed me a whole new world full of colors and joy. I've never felt this before. Thank you for coming into my life. I love you with all my cold and unbeating heart, Erinna Jewel Beautiful King."

I giggled at hinampas ko siya sa balikat. "Tarantado!"

"But soon, you'd be no longer a Beautiful King but Youngblood."

I cried of so much happiness. Kinawit ko ang dalawang braso sa batok niya at hinalikan siya ng madiin sa labi. "Mahal din kita, Vlad. Pero pwede in few years pa bago mo palitan ang napakaganda kong apelido?"

"Of course, my queen."

And we hugged each other for the rest of the day. Making our promises for each other, to love and cherish one another forever and ever. As long as we live.

avataravatar
Next chapter