5 The contract [1]

UMUUSOK ang dalawang butas ng ilong ko habang nakahalukipkip at nakatangin kay Vladimir or "Vlad" in short. Iyon daw ang pangalan niya at prinsipe siya galing sa Kingdom of Transylvania.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Hindi ako bumibitaw ng titig sa kanya. Nakapalumbaba siya sa lamesa habang tamad na nakatingin din sa akin.

"Sigurado ka ba talagang walang ibang nangyari sa atin?" ngumunguso kong tanong.

He rolled his eyes. "I already told you for the 100th time, human. Nothing happened between us. Don't worry sweetie, you still have your precious virginity," kampanteng sagot nito na tila normal lang sa kanyang banggitin ang tungkol sa puri ng babae.

Namula ang mukha ko. Bwisit `to walang preno ang bibig! Where's your manners? In your balls?

Pinakiramdamam kong mabuti ang sarili ko. Sabi nila kapag nakuha na raw ang "bandera" ng isang babae, makararamdam ito ng sakit sa bandang "doon" ng ilang araw. Depende kung gaano raw "kalalim" ang pagkakasugat. Base na rin sa nakita kong size ng *ehem* Monster Pet nito, eh siguradong hindi lang isa o dalawang araw na sakit ang mararamdaman ko. Malamang isang buwan! But so far wala pa naman `kong ibang nararamdamang mahapdi sa `king katawan maliban sa leeg kong kinagat lang naman niya ng dalawang beses.

"And I told you the reason why you woke up naked it's because you puked on your clothes. Then you stripped yourself," dagdag pa nito.

Natameme ako sa sinabi niya. Nag-init ang buong mukha ko. Gaga ka talaga, Erin! Nakakahiya ka! Mentally ay inuuntog ko na ang ulo ka sa pader.

Mabigat akong nagbuntong hininga. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may kaharap akong isang ubod ng gwapong bampira na may nag-mumurang six packs abssssss at nagpuputukang biceps.

"Eh, bakit pati ikaw nakahubad?"

Pilyong ngumisi ang loko. Sa tuwing naaalala ko talaga ang Monster Pet niya namumula ako na parang kamatis. Kainis talaga ang balasubas na bampirang `to. Pasalamat siya gwapo siya at kahit papaano, eh, nasa-satisfy naman ang mga mata ko sa katawan niya. Char!

"Because I sleep naked," sagot ni Vlad.

Napangiwi ako. "Genern?"

"What? Speak English!"

Pumamewang ako. "Excuse me! `Wag kang bossy riyan. Gagamitin ko kahit anung lenggwahe ang gusto ko at kahit mag-bekimon pa ako rito wala kang paki, okay? Ikaw nga `tong dapat na mag-Tagalog dahil nasa Pinas ka!" inis kong singhal sa kanya. Demanding masyado! Hmp! Katakot-takot na pag-irap ang pinukol ko sa kanya.

Ngumisi siya at nagtaas ng dalawang palad. "Okay, fine, chill."

"Mag-Tagalog ka sabi, eh. `Di ka ba marunong mag-Tagalog? O pa-conyo ka lang talagang hayop ka?"

Binaba ni Vlad ang dalawang kamay niya at muling pumalumbaba sa table. "First of all, mereneng ekeng meg-tegeleg."

Aba! Sosyal ang lolo mo! Maruno nga. May accent pa! Hmp. Sakalin ko kaya ang *tooot* nito tignan ko lang kung `di mag-straight ang dila.

"Second, hindi eke heyep. I'm a vampire and not only an ordinary vampire because I carry a royalty blood. I'm the crown prince of our kingdom." Dinuro-duro niya pa ako habang nagsasalita siya. Inirapan ko siya. Paki ko ba sa royalty keme na `yan!

"Hindi eke heyep." Panggagaya ko pa sa accent niya. "O, siya, siya! Prince na kung prince. Magkaliwanagan nga muna tayo, Prince Vladimir of the Kingdom of Translyvania!" Nilakihan ko pa ang boses ko sa huling tatlong salita para inisin siya. Malakas kong hinampas ang lamesa at pinaningkitan siya ng mga mata. "Ang sabi mo, nawalan ka ng powers kaya hindi ka makabalik sa kingdom mo, tama?"

Tumungo ito. "Yah!"

Yah... Yah... Yakapin kita riyan, eh!

"Eh, paano ka naman nakalabas mula sa cabinet ko? I mean... sa dinami-dami ng lugar na pwede kang maligaw, eh, bakit sa kwarto ko pa talaga?"

Saglit itong nag-isip. Hinawakan niya pa ang sariling baba at tumingin sa kisame. Dahil medyo naka-sideview siya kaya malaya kong napagmasdan ang matangos niyang ilong at mahahabang pilikmata. Wala na bang kapintasan ang bampirang `to?

"What I remember is that I was running back to our castle. I'm in the middle of the forest, and when I reached the boundary near our kingdom. I jumped off from the last tree. That's when I used my teleporting powers. But instead of my room, I brought myself to your closet." Tumingin siya sa akin. "At kahit anung concentration na gawin ko, I can't go back to our home. I can't use my teleporting abilities." Bumagsak ang balikat niya.

Nakaramdam naman ako ng kaunting awa para sa bampira. Para kasi siyang isang lost puppy na hindi na makauwi pabalik sa kanyang amo. In some way, I feel na may responsibility ako sa kanya. Bigla kong naalala ang hiling ko sa wishing well kagabi.

"Sana magkaroon na `ko ng lovelife. Gusto ko `yong pinakagwapo, pwede na'ng kamag-anak ni Johnny Depp. Pinakaseksi, dapat may matitigas na six-packs abs at pumuputok na biceps. Ayoko ng hairy ah, kadiri! Dapat hindi mabuhok ang bulbo—este ang chest! Higit sa lahat bigyan mo ako ng pinakanakaaakit na lalaki sa buong mundo. `Yong kaiinggitan ako ng mga bilat, ex-bilat at half-bilat sa planet earth!"

Hindi kaya nagkatotoo ang wish ko at itong si Vlad ang binigay sa `kin ni Lord? Tahimik ko siyang pinagmasdan. Masasabi kong si Vlad na talaga ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Undeniable rin kung gaano ka-perpekto at oozing-hot body niya. Literal na may nakikita akong usok na lumalabas mula sa katawan niya sa sobrang pagka-sexy. Para nga siyang inukit na estatwa sa sobrang perpekto. Idagdag pa ang naglalakihan niyang chest, biceps at six fucking abssssss.

Hindi talaga maitatanggi kung gaano siya kaakit-akit. Hay naku! Sigurado ako na kung siya ang boyfriend ko, ha! Iiyak ng dugo at pawis ang bawat bilat sa mundo sa sobrang inggit at lilitaw ang mga legendary malalandi para agawin siya sa `kin. Naku! `Wag lang silang magkakamali dahil gigilitan ko sila sa leeg gamit ang nail cutter!

"Hey!"

"Huh?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bahagya siyang sumigaw. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Naaliw ako masyado sa imaginations ko. Mehehehe.

"I said... I need you to agree with me."

Nagsalubong ang kilay ko. "Agree? Saan?"

Tumayo si Vlad at may inabot na papel. Nilapag niya `yun sa harapan ko. Kunot noong dinampot ko ang papel. "Anu `to?"

"Read it, stupid."

Tinignan ko siya ng matalim. Makalimutan mo sanang huminga.

avataravatar
Next chapter