27 Romeo

SAKA LANG ako nakahinga nang maluwag nang naglalakad na ako sa kalsada. Wew! Muntik na akong ma-deds doon sa bampirang `yon! Sino kaya si Romeo at ano'ng kaugnayan niya kay Vlad? Hindi kaya galing din siya sa Kingdom of Transylvania?

In fairness! Mukhang pugad ng mga gwapong bampira ang Kingdom of Transylvania. Makapagbakasyon nga roon at makapag swimming sa dagat ng mga absssss at biceps!

Naglakad pa ako hanggang sa stoplight sa sakayan ng bus nang may natanaw ako sa kabilang kalsada. Doon sa tapat ng Mcdonalds. Nanliit ang mga mata ko. "Si Apple ba `yon? Teka, sino ang kasama niyang lalaki?"

Natanaw kong tila nagtatalo silang dalawa. Na parang mag-jowa na may LQ. Pero mukhang si Apple lang ang naiinis dahil nakangisi lang ang lalaki. Blonde ang buhok nito, medyo matangkad. Mas payat ito kay Vlad pero fit ang pangangatawan. Parang foreigner. Sino ang lalaking `yon at anung relasyon nila ni Apple? Parang wala naman nakukwento si Apple sa amin na boyfriend niya.

Naputol ang panonood ko sa kanila nang huminto na sa harapan ko ang bus pa byaheng Ayala. Natakpan tuloy sila. Pag-akyat ko sa bus agad akong dumungaw sa bintana pero mabilis na silang nawala.

Weird.

Nakarating ako sa bahay na madilim na. Naabutan ko si Vlad na naghihintay sa akin sa labas ng pinto. Pabalik-balik siya nang lakad at hindi mapakali.

"Vlad?"

Pag-angat niya ng tingin. Para siyang nabunutan ng malaking tinik. Pero mabilis ding nagbago ang itsura niya at nakakunot ang noo na nilapitan ako. "Where have you been? It's already past nine, Erin!" Medyo hysterical siya.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Vlad. Bigla tuloy akong kinabahan. "Uhm... traffic kasi sa Edsa."

Ginulo-gulo niya ang buhok niya. "You should have called me! Kanina pa ako naghihintay dito akala ko baka may nangyari na namang masama sa `yo!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Then I found myself smiling widely. Sumibangot siya. "What? Why are you smiling like an idiot? Are you playing shits with me Erin?"

Oh boy, my vamp is so mad.

"Chill ka lang. Walang nangyaring masama sa akin. Buong-buo ako. Walang nawawala sa parte ng katawan ko. Look!" Umikot pa ako.

Unti-unti naman siyang nakahinga nang maluwag. And then kumunot uli ang noo niya at bigla akong hinigit sa braso. "Then what's this?"

Pagtingin ko sa siko ko may galos ako roon. Dumudugo na pala nang hindi ko man lang namamalayan. Naalala ko na ito ang unang tumama sa sahig pagkabagsak ko kanina. Nakagat ko ang labi. "Ah... eh... kasi..."

Nagalit na naman siya. "Erin, who did this to you? Tell me!"

Medyo napapikit ako sa lakas ng boses niya. "Uhm ang totoo kasi niyan... m-may kumidnap sa akin kanina—"

"WHAT!"

Napapikit ulit ako sa lakas ng boses niya. "`Wag mo naman akong sigawan!"

"How can I calm down eh muntik ka nang mapahamak? Who did this to you? Tell me!"

Binawi ko ang braso sa kanya. "Si Romeo!"

Bigla siyang natulala. "Romeo?"

"Oo... si Romeo. Bampira rin siya."

Nanigas ang panga ni Vlad. His eyes suddenly blazed with anger. Ano ba talagang kaugnayan niya kay Romeo and why do I feel na may alitan silang dalawa?

"I'm gonna kill that fvcker." He gritted his teeth. Without a warning, Vlad jumped off from the railings of the hallway and turned into a big black bat, and flew up in the air."

Tanginalungs! "Hoy Vlad, saan ka pupunta!"

Mabilis akong bumababa ng hagdan palabas ng building at agad siyang sinundan. Nakarating kami hanggang sa madilim na parke sa plaza sa lugar namin. Naabutan ko si Vlad na nakatayo sa isang sirang swing. At sa harapan niya nakatayo si Romeo. Mga sampung dipa ang layo nila. Nagtago ako sa mga halaman at sumilip sa kanila.

"Long time no see, bro!" magiliw na bati si Romeo. "How's your vacation in the human world?"

Vacation?

Inantay kong sumagot si Vladimir. Ilang sandali bago siya nagsalita. "What are you doing here Romeo?" Seryoso ang boses niya.

Romeo smirked and slowly stepped forward. "I'm just visiting you. Namimiss na kasi kita. Don't you missed me?"

"I don't have time for your childish game, Romeo. And if you think you could get away from what you did with my girl, nagkakamali ka. I'm gonna make you pay for touching her with your filthy hands!" Vlad growled. His eyes flashed red in the dark and his long fangs elongated. Napanganga ako. He's even scarier than Romeo. What's happening between the two of them?

Nagtaas ng dalawang kamay si Romeo. "Woah, woah... I'm so scaaaared." He made weird faces and mimicked a girls voice.

Ugh! Napaka childish talaga ng isang `to.

Sa isang kurap, agad nakarating si Vlad sa harapan Romeo at hinawakan ng malaking palad nito ang leeg ng huli at binuhat ito paangat. "Go home Romeo! I don't want to see your face anymore. And don't you dare come near Erin again. You know what I can do." Mas lalong naghinang ang pulang mga mata ni Vlad.

Biglang nalusaw ang yabang sa mukha ni Romeo. Lumukot ang mukha nito na namumula na sa magkahalong inis at paghihirap. "Tsk! F-fine! I'm just playing."

Binitiwan ni Vlad ang huli. Napaupo ito sa sahig at hinabol ang paghinga.

"Go home!" huling babala ni Vlad bago ito tumalikod at lumakad palayo.

"That girl... she's just a food what's so special about her?" pahabol na sigaw ni Romeo.

Nahinto si Vlad sa paglalakad. Dahan-dahan itong lumingon pabalik sa huli. "She's not just food for me." Iyon ang huli nitong salita bago muling lumakad palayo. Naiwan si Romeo na nagmumukmok. Madilim ang mukha niya at halatang naiinis pa rin. At dahil umalis na si Vlad kaya agad ko siyang sinundan hanggang sa makalayo kami sa plaza. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya at nagtatago sa mga poste at pader na nadadaanan.

"Come out already, Erin, I know you're there."

avataravatar
Next chapter