11 Naughty little Erin [1]

PAGKA-UWI ko ng apartment naabutan kong naliligo si Vlad sa banyo dahil naririnig ko ang tunog ng shower. Bahagya pang nakabukas ang pinto ng kubeta. Agad kong sinalansan sa cabinet at refrigerator ang mga stock na pinamili ko. Natapos na `ko sa paglalagay ng lahat nang narinig kong huminto ang shower at bumukas ang pinto.

"Binilan pala kita nang strawberrie––" naurong ang dila ko pagharap ko sa kanya.

Droplets of water were falling from his wet hair. The sweet fragrance of my strawberry shampoo instantly tickled my nose. Gumapang ang tingin ko mula sa matitigas niyang chest at biceps na tila nililok ng magaling na sculptor. Sunud na lumipat ang mata ko sa bato-bato niyang abs na tinutuluan pa ng tubig mula sa buhok niya. Madiin akong napalunok at bigla akong nauhaw. Tuluyan pang gumapang pababa ang atensyon ko at halos malaglag sa sahig ang dalawang eyeballs ko sa nakita.

"Vlad!!!" Nagtakip agad ako ng mukha gamit ang dalawang palad at tumalikod. Ano ba naman ang bampirang `to! Wala atang katiting na hiya sa katawan! "Mag-tapis ka nga!"

He chuckled. "How? There's no towell in the bathroom."

Naramdaman kong naglakad siya patungong kusina at nagbukas ng ref. Pinipigilan ko ang sarili na lingunin ang hubad niyang katawan. "Oh, you bought me strawberries!"

Dahil curious ako sa reaction niya, nawala ako sa sarili at lumingon. Nahigit ko ang hininga nang bumungad sa `kin ang biyaya ng Diyos. Nakatalikod si Vlad habang nagkakalkal sa ref kaya naman malaya kong napagmasdan ang maumbok nitong pang-upo in it's oh-so-raw form. Rawr!

Jeskelerd! This is such heavenly scenery!

Wala sa loob na nakagat ko ang ibabang labi. Pagharap ni Vlad punung-puno ng strawberries ang bibig niya. Mabilis akong naglihis ng tingin, nagmadaling pumasok ng kwarto at kumuha ng tuwalya sa drawer tapos binato ko sa kanya. "Ayan! Mag tapis ka na nga!"

Tumalikod ako at naiinis na nagpapadyak. My ears and cheeks are burning. I heard him chuckled. Pagtapos ng ilang segundo, nagsalita na siya ulit. "I'm done!"

Nakahinga ako nang maluwag at muling humarap sa kanya. Nakatapis na nga ang gigolo. Haaay! Pinagpawisan ako dun, ah! Pagtingin ko sa mukha ni Vlad, ngising-ngisi ang kumag. Bwisit! Inirapan ko siya at inabala na lang ang sarili sa pagluluto ng hapunan.

Makapagluto nga ng hotdog!

Habang kumakain ay abala ko sa pag-i-sketch ng tinatapos kong plates since deadline na ito bukas at dahil masipag akong estudyante ako `yung tipong parating cramming `pag malapit na'ng pasahan. Duh! Mas gumagana kasi ang right hemisphere ko every last minute.

Si Vlad naman, abala sa panunuod ng Frozen sa Disney Channel. Naroon sa eksenang kumakanta ng "Let it Go" si Elsa at nagbi-build ng ice castle. Naalala ko tuloy bigla `yung matabang bata na bini-videohan ang sarili niya habang kumakanta ng Let it go. Sa Facebook ko napanuod `yun na-shinare ni Sam. Ang lakas ng tawa ko nang biglang lumabas ang uhog ng bata pagkatapos niyang maubo habang kumakanta ng "Let it go." Napa-let-out tuloy pati uhog niya. Dahil naalala ko na naman. Natawa ako mag-isa. Para akong tanga.

"Hey? Why are you laughing?"

Pinigilan ko ang tawa ko pero nang nilingon ko si Vlad at tumama ang mata ko sa TV. Naalala ko na naman ang nakakatawang itsura ng bata.

"HAHAHAHAHA! Wala may naalala lang akong nakakatawa HAHAHA! `Wag mo `kong pansinin, manood ka lang diyan. HAHAHAHA!" Halos maiyak na ako sa sobrang ligaya. Pinipilit kong pigilan pero ang hirap.

Lumapit si Vlad at umupo sa tabi ko. "Humans are really weird. You're laughing without any reason," naiiling niyang sabi. Pumalatak pa siya habang nakatingin sa `kin. He looked at me like I'm a hopeless case.

Natapos ang tawa ko pagkatapos ng ilang minuto. Sumakit ang tiyan ko. Daig ko pa ang nag-abs workout. Bumalik na rin agad ako sa pagkain at pagri-review. Pero hindi na bumalik si Vlad sa sala at pinapanood niya lang ako. Nailang tuloy ako. Ayoko ng may nanunuod sa akin.

"Hoy, ano ka ba? `Wag mo nga `kong tignan at hindi ako makakain, eh."

"Just a seconds ago, you're laughing like a lunatic and now you turned into a mad ape? Tsk-tsk. Crazy girl."

Inirapan ko siya. "Weirdo ka naman! Freak!"

"Freak, huh?"

"Oo, kasi abnormal ka. Hindi ka tao kaya freak ka! Freak!" pang-aasar ko sa kanya. "Bloody drinker freak! Bleeeh!" Bineletan ko siya. Iyong itsura ni Vlad parang naiinis pero tinatago lang sa mga ngisi.

"Just because our food is different doesn't considered us as a freak, okay?" Medyo sumeryoso siya.

Ha! Napipikon siya! Evil laugh! (BWAHAHA!)

"Freak ka pa rin kahit anung sabihin mo. Freak! Freak! Vlad, the Bloody Drinker Freak!" paulit ulit ko pa siyang inasar. Kinanta-kanta ko pa ang sinasabi ko.

Tumayo si Vlad at umalis. Ha! Napikon ang loko. I win! Pero nawala rin agad ang pagdidiwang ko nag bigla niya akong binuhat patiwarik at sinabit sa balikat niya na parang sako.

avataravatar
Next chapter