9 My boyfriend’s plan

TAIMTIM NA TUMINGIN sa `kin ang malalim niyang mga mata. Nangungusap. Nagmamakaawa. Nangungunsensya.

Ayan! `Yang mga tingin niya na `yan talaga ang kahit kelan hindi ko matiis. Na tuwing nag-rerequest siya ng kung ano-ano, tignan niya lang ako nang ganito, napapa-oo na agad ako.

Naalala ko tuloy nag nag-request siyang magpalakad sa kaklase namin no'ng grade seven pa kami. `Di ko nga alam kung bakit crush niya ang Katrina na `yon, eh, mukha namang espasol ang mukha sa sobrang puti ng foundation at parang nginudngod sa ketchup ang nguso sa sobrang kapal mag-lipstick. Palibhasa muse ng section kaya feeling ang ganda-ganda niya. Eh, nakita ko nga `yong binti niya ang daming barya. Iba-ibang sizes may piso, limang piso at centimos pa.

Isa lang si Katrina sa sandamakmak na babaeng nilakad ko kay Jonathan noon. Ako na nga talaga ang mananalo sa olympics ng kamartyran at kagagahan.

"Please, Erin." Hinawakan ni Jonathan ang isang kamay ko. Pero bigla niya rin itong nabitawan nang may malakas na pwersa ang humatak sa `kin palayo sa kanya.

"Hey."

Napasinghap ako nang malakas nang makita ko si Vladimir na nakatayo sa gilid ko at mahigpit ang hawak sa braso ko. Nakasuot siya ng aviator shades at plain white v-neck shirt na humahapit sa maumbok niyang dibdib. Bakat ang sleeve ng shirt niya sa kanyang namumutok na biceps. Tinernuhan niya iyon ng loose brown pants at topsider shoes. Naka-brush-up din ang itim niyang buhok. Bagong shave ang mukha niya at umaalingasaw ang mabangong amoy ng panlalaking body wash.

Halos lahat ng mata sa paligid sa kanya nakatingin. Parehong nakatunganga sina Apple at Sam sa kanya. Pwede na ngang pasukan ng isang pakwan ang mga bibig nila sa sobrang laki nang pagkakabuka. Siguro tusukin ko lang sa pisngi ang mga `to at bababagsak na sa sahig ang mga panga.

Napalunok ako. Ano'ng ginagawa ng bampirang `to rito? "V-vlad, bakit ka nandito?"

Imbis na sagutin ako, nauna niyang inakbay ang matigas niyang braso sa balikat ko sabay nilapit ako sa katawan niya. Tumusok agad sa ilong ko ang amoy niya. He smells so fresh like a morning sunshine in the middle of the forest. Hinalikan pa ako ni Vlad sa tuktok ng ulo bago siya sumagot.

"I missed you, sweetie. I just fell asleep and when I woke up you're already out. You just left me like that in your room," anito sabay ngumuso na tila nagtatampong bata.

Hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ko ang eksaheradang pagsinghap nina Apple at Sam. Pati na rin ang pagbulungan ng mga estudyanteng nakikiusisa sa amin.

Pasimpleng pinandilatan ko siya ng mata. "Vlad, sabi ko naman sa `yo diba, antayin mo na lang ako sa bahay." Nakangiti ako sa kanya pero matalim ang mata ko habang bumubulong ng: "Gago ka. Anung pinagsasabi mo riyan? Hahambalusin kita ng tsinelas!"

Ngumisi si Vlad tapos nag-pout ulit. "I won't forgive you for leaving me like that. As your punishment, you need to kiss me." Amusement was visible in his twinkling green eyes.

Nanlaki nang husto ang mata ko sa sinabi niya. Walang preno ang boses niya at ang lakas pa nang pagkakasabi. Nag-iinit ang pisngi na tumingin ako sa mga kasama ko.

"Erin, who is this?" Kunot na kunot ang noo ni Jonathan. Medyo masama ang tingin niya kay Vlad na parang batang nakalingkis sa `kin at ayaw akong bitawan.

"Ah... si... si Vlad, uhm my friend––"

"Boyfriend. I'm Erin's boyfriend," biglang sabat ni Vlad.

"BOYFRIEND!?" malakas at sabay na ulit nina Apple at Sam. Halata sa mukha nila ang shock habang tila bola ng ping pong na pababalik-balik ang tingin nila saming dalawa ni Vlad.

"Err..." Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Boyfriend?" ulit ni Jonathan. "May boyfriend ka na agad? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" medyo mataas ang boses niyang tanong.

Teka lang, ha! Ano `yan? Bigla-biglang nagagalit? Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya pero knowing Jonathan, ayaw niya lang na nagsisikreto ako sa kanya ever since noong mga bata pa kami.

"Uhm, ahhh kasi..."

"Hey, sweetie. Why do you need to explain everything to this caterpillar? I'm demanding my kiss here, remember?" sabat na naman ni Vlad.

Sabay na tumawa ng malakas sina Apple at Sam pero nahinto rin iyon agad nang makita nilang nag-dilim ang mukha ni Jonathan. Pinigilan ko rin matawa. Paano kasi, itong si Jonathan may ugali na nagteterno ng kulay ng damit. Tulad ngayon na nakasuot siya ng green polo shirt at green maong pants. Green din ang rubber shoes niya. Pwede na siyang sabitan ng christmas lights!

"What did you call me?"

Nataranta ako nang makaamoy ng nagbabadyang gulo. Agad kong hinatak sa braso si Vlad, "Ah! Sige guys, alis muna kami. Mamaya na lang. Vlad tara na!" Dali-dali kong hinatak si Vlad palayo sa lugar na `yon. Sabay pa akong tinawag nina Apple at Sam pero sinabi kong mamaya ko na lang sila imi-meet sa next subject.

Nagdadabog na kinaladkad ko papasok si Vlad sa loob ng stock-room sa dulo ng hallway. "Ano na naman ba'ng trip mo? Bakit ka nagpunta rito at bakit mo sinabing––"

Nahinto ang sinasabi ko nang bigla niya `kong hinalikan sa lips. What the...? Mabilis lang `yon pero agad akong na-kuryente. Mula bunbunan hanggang talampakan ko na-ground. Hindi kaagad ako naka-recover at medyo nag-hang pa ang utak ko ng ilang seconds. "Smack pa lang `yan, Erin. What if I kissed you torridly? Baka mabaliw ka na?"

I snapped back to reality at agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib. "Ano ba! Ang manyak-manyak mo talaga! Bakit mo `ko hinalikan? Nakakainis ka talaga, Vlad! Ugh! I hate you!"

What the heck! First kiss ko `yon! That's my freaking FIRST EVER KISS!

Huhuhu. Lord, hindi na po virgin ang lips ko. Patawarin niyo po ako. Kailangan ko na po bang magpanata sa Black Nazarene? O kaya, lumuhod sa simbahan ng Baclaran? Maligo kaya ako ng holy water? Hindi na ba ako tatanggapin sa langit?

Sinangga niya ang mga hampas ko sabay hinuli ang dalawa kong braso. "Listen, Erin. `Di ba you wished to have that Jonathan the caterpillar all yours? This is it, I'm helping you." Natigilan ako sa sinabi niya. "We'll make him jealous. We'll make his life miserable and soon, he'd be crawling back to your arms begging for another chance. Now stay strong and pretend that you dont have feelings for him anymore. Guys always realized the real worth of someone when they are already gone."

Natahimik ako sa sinabi niya. Base na rin sa naging reaksyon ni Jonathan kanina gusto kong isiping nagseselos talaga ito. Pero sino ba naman ang hindi ma-iintimidate sa napakagwapo at mala greek-god na bampirang ito?

Muli kong tinignan si Vlad mula ulo hanggang paa. Tama! Tutal, ginagamit naman niya ako bilang pagkain. Dapat lang na pakinabangan ko rin siya in exchange. Hindi na uso libre at TY sa panahon ngayon `no. At mukhang sa tingin ko maraming maitutulong sa `kin ang isang `to.

"Okay. Sige, sabi mo, eh. Basta siguraduhin mo lang na magiging akin siya sa bandang huli."

"Deal?" Nilahad niya ang isang palad niya.

Inabot ko iyon. "Deal."

Ngumisi si Vlad at sa gulat ko ay kinorner niya ako sa likod ng pinto. He held my chin upwards and brushed away the scattered strands of hair on my neck completely exposing my pale skin. Vlad traced my jawline using his lips slowly before he traveled down to my neck. He bit my collarbone, a sweet tease from him. "Vlad..." My breath skipped faster than normal.

"Hmm. I'm hungry." Vlad raised his head again and nipped my earlobe as he planted butterfly kisses under it. His solid arm snaked on my waist, pulling me towards him, exposing more of my throat to his greedy mouth.

"Kakain mo lang kaninang breakfast, ah."

"Only few sips. Promise, konti lang. I can't help it. Whenever you're near to me like this, I can't stop my crave for your blood. Your scent is like a drug to me, Erin."

Napasinghap na lang ako nang maramdaman ang kagat niya sa leeg ko.

Damn this seductive hungry vampire!

avataravatar
Next chapter