3 Man in my bed [1]

UNTI-UNTI kong binuksan ang `king mga mata nang may naramdaman akong kakaibang kirot sa kaliwang parte ng leeg ko. Wala sa sariling hinawakan ko `yon. May nakapa akong tila dalawang maliliit na sugat.

Sugat?

Hindi pa man ako tuluyang nakadidilat nang maayos ay agad-agad na `kong bumangon. Hinanap ko ang salamin sa side table kung saan ko iyon laging pinapatong. Nang makuha ko ang pakay, agad kong pinuwesto ang salamin sa tapat ng leeg ko at chineck kung ano ba itong nakakapa ko.

Dalawang maliit at magkadikit na sugat ang una kong nasilayan sa repleksyon ng salamin. Parang medyo sariwa pa nga. Gamit ang nanliliit na mata, mas lalo kong inilapit ang hawak at tinitigan itong mabuti. Ano `to? Paano ako nagkaroon nito?

"Hmmm."

Nanigas ako na parang yelo nang makarinig ng pag-ungol. Gumalaw ang kama. Aguy, juice ko po! Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang may lumingkis sa bewang ko.

What the bloody hell!

Ano `tong pumupulupot sa `kin? Matigas, malaki at… at… at...

Dahan-dahan kong binaba ang hawak na salamin at pumihit paharap sa right side ng kama. Tumirik ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang matagpuan ang isang hindi kilalang lalaki. Tahimik siyang natutulog sa tabi ko. Nakahubad siya at tanging kalahati lang ng katawan niya ang natatakpan ng puting kumot.

Napalunok ako nang madiin. Mabilis kong sinipat ang kabuuan niya. Parang isang siyang natutulog na anghel. Mahaba at natural na mapilintik ang kanyang pilikmata, daig pa ang naka eyelash extension super curly edition. Makakapal din ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang features. At ang ilong, jusmiyo marimar, ang tangos! Havey na havey! Sunud na bumaba ang titig ko sa mapula niyang labi na bahagya pang naka-buka at may lumalabas doon na mahihinang hilik. How cute.

Gumapang uli ang paningin ko mula sa kanyang mukha pababa sa kalahati ng makisig niyang pangangatawan. Hindi ko napigilang mapasinghap nang malaya kong napagmasdan ang maumbok niyang oh-so-yummy-chest-of-a-God! May tattoo pa siyang black roses sa right chest.

Gravity! Tao ba `tong nakikita ko o si Hercules? Baka naman imaginations ko lang siya? Walang pintas para siyang isang drawing sa sobrang perfect niya.

Bumaba lalo ang tingin ko hanggang sa kanyang tiyan. Agad akong nakaramdam ng matinding pagka-uhaw. Water! I need tubig! H20! Electrolytes! Rain! Saliva! Tears!

Wala sa sariling yumuko ako at dinutdot-dutdot ko ang matitigas niyang mga abssssss. Madaming "s" kasi madami rin yung abs niya. One, two, three, four, five, six. Six fucking abssssss! Amazeballs! Sino ba kasi ang mama na `to at bakit katabi ko siya sa kama? Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over. Erin, gaga ka! Mag isip ka nang mabuti. Ano'ng ginawa mo kagabi? Lintik pala `yang si kumpareng Empi! Traydor!

"Hmmmm." Muli siyang gumalaw at siniksik niya lalo ang sarili sa `kin. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa tiyan ko at dinikit nang husto ang mukha niya roon. Aba! Ang maharot, ginawa pa akong unan!

Kinagat ko ang labi ko. Kenekeleg eke! Mey gwepeng leleke neghe-heg seken!

Napapikit ako at pinigil ang kumakawalang tili. Mabilis na tumakbo ang imaginations ko. Siguro sa sobrang kalasingan ko kagabi nawalan ako ng malay. Tapos napulot ako nitong si Mr. Pogi. Tapos hinatid ako niya `ko rito sa apartment ko. Tapos… tapos… tapos...

Nang makapa kong wala pala akong suot na saplot agad kong nahigit ang sariling hininga. Shit! Wala akong damit! Bakit wala akong damit?!

Mabilis akong tumayo at lumayo sa kama. Bitbit ko ang kumot pangtakip sa hubad kong katawan kung kaya diretsong nahila ang buong comforter at nawalan ng pangtakip ang lalaki. Nakarating hanggang kabilang galaxy ang tili ko nang makita ko ang oh-so-lively and standing-ovation niyang...

Five letters starts with letter "P."

"AAAAAHHHHH!!!"

avataravatar
Next chapter