30 Growing feelings

DINALA ako ni Vlad sa ice cream parlor and buy me a cup of salted caramel.

"Thank you kanina."

He ordered a black forest kahit hindi naman niya kinakain. Just to look normal.

"You don't need to thank me Erin. That asshole deserves it at `pag ginulo ka pa niya baka hindi na ako makapagtimpi at—"

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. He relaxed again. "Vlad, okay na ako. You don't need to worry. Besides, alam kong lagi ka naman nandiyan sa tabi ko, diba? Hindi ka naman mawawala?"

For a while I think I saw a hintness of uncertainty in his eyes pero mabilis iyong napalitan ng mga ngiti. "Of course. I'm always here for you, sweetie." He held my hand until I finished eating ice cream. At dahil hindi naman niya kinakain ang inorder niya kaya ako na rin ang umubos.

We still held hands noong pauwi na kami. For the first time in forever ay na-enjoy kong sumakay ng bus sa kabila ng traffic at siksikan. Nakatayo kami ni Vlad dahil puno na'ng upuan. He was so tall at pinagtitinginan talaga siya ng mga tao lalo ng mga babaeng pasahero.

I just smirked at them and flipped my hair. Inggit kayo sa boyfriend ko? Gusto ko sanang abutan ng tissue lahat ng babae doon pampunas ng mga laway nilang tumutulo. Ha!

Nasa likuran ko nakatayo si Vlad at everytime na napapahinto bigla ang bus at na-a-out of balance ako ay napapapasandal ako sa matigas niyang dibdib habang ang isang braso naman niya na hindi nakahawak sa handle ay nakapulupot sa bewang ko at sumusuporta sa `kin. Tatlong beses na nangyari iyon nang maramdaman ko na'ng matigas na umbok sa puwetan ko. Napasinghap ako. Tumikhim si Vlad at bumulong sa `kin. "Damn, I want to take you home now, fuck this traffic."

I find myself secretly grinning sa kilig. Nang makababa na kami sa bus ay sumakay naman kami ng jeep. Pawis na pawis na si Vlad. Hindi kasi sanay sa init at siksikan. "You always do this everyday? This is tiring. I'm gonna buy you a car tommorow para hindi ka na nagko-commute," he nonchalantly.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Most of the time ay nakalilimutan kong prinsipe nga pala sa isang sulok ng mundo ang kasama ko.

"Baliw! `Wag na! Okay na `ko mag-commute. Sanay na `ko. Isa pa, `di rin naman ako marunong mag-drive."

"Then, I'll give you a driver."

"`Wag na sabi, kulit mo."

Ngumuso lang ang huli na parang batang nagmumukmok. Naawa na talaga ako sa kanya at naliligo na siya sa pawis. Bakat na rin ang suot niyang v-neck shirt at yung babae na nakaupo sa tabi ni Vlad, papikit-pikit pa habang feel na feel ang pag-amoy sa kili-kili ni Vlad. Nakahawak kasi si Vlad sa hawakan ng jeep kaya naka-flex ang maganda niyang biceps.

Napataas ang kilay ko sa babae. Makasinghot lang sa kili-kili ni Vlad wagas? Ano `te nakaka-adik ba? Sa inis ko'y kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha ni Vlad. Parang nabigla pa siya sa ginawa ko. "Naku, pawis na pawis na ang baby ko, kawawa naman." Sinadya kong lakasan ang boses at buong lambing na pinunasan si Vlad.

Napa-ismid ang babae at lumayo. Ha! Panget nito mukha namang bangus.

Paglingon ko pabalik kay Vlad ay ngising-ngisi na ito. `Saka ko lang napansin na sobrang dikit na namin at kaunti na lang ay mahahalikan na niya ako kaya dumistansya ako nang kaunti.

Bago umuwi ay dumaan pa kami ng palengke para mamili ng lulutuing ulam. First time ulit ni Vlad sa palengke dahil sa supermarket pa lang siya nakakapasok. At dahil siksikan sa makitid na daan ay napapayakap uli si Vlad sa likuran ko. Kung ganito ba naman kasama ko mamalengke araw-araw. Ay nako! Makatambay nga ng palengke!

Bigla akong natapilok at muntik nang matumba nang mabilis na pinulupot ni Vlad ang braso niya sa tiyan ko. "Careful, sweetie."

Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga at napakat labi. Em she lende telege.

Nakauwi kami bago magdilim. Pinagluto ulit ako ni Vlad ng kare-kare na paborito ko. Pero tignan ko lang siya nabubusog na ata ako. Asual. Napadami na naman ako nang kain. "Hay naku! Tataba ako `pag ikaw lagi ang nagluluto." Sumalampak ako sa sofa at hawak-hawak ang pumuputok kong tiyan.

Tumabi siya sa `kin. "That's good. You're so thin, Erin, you need a little fat."

Ngumuso ako. "Ayoko nga! Baka ayawan mo na `ko `pag balyena na `ko!"

Tumawa si Vlad at dumikit nang husto sa `kin. Mabilis na nagwala ang mga alaga ko sa tiyan.

Anu ba `tong nangyayari sa `kin? Bakit masyado na ata akong un-easy kapag nasa malapit si Vlad?

"Even if you're the heaviest woman in the world, I'll never stop liking you, Erin."

Napalunok ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa `kin. Napaatras ako hanggang napahiga ako sa arm rest ng sofa. He moved forward again until he positioned his self on top of me.

"Erin..." Banggitin niya lang ang pangalan ko ay nawawala na `ko sa sariling katinuan.

"Vlad..." Our eyes met and I felt a strong urge to kiss him. Hinatak ko ang batok niya at siniil siya nang madiin na halik.

avataravatar
Next chapter