18 Bacon and pancakes

NAKAGUGUTOM na amoy ng bacon at pancakes ang agad bumati sa `kin pagmulat ko ng mga mata. Kumportable ang naging pagtulog ko. Nakasuot ako ng pangbahay kong shorts at oversized white shirt. Paano ako nakapagbihis?

Gusto ko sanang magalit nang maisip ko kung sino'ng nagpalit ng damit ko pero nang maalala ko ang lahat nang nangyari kagabi ay mabilis na nawala na parang bula ang inis ko.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Umaga na pala. Naabutan kong nagluluto si Vlad sa kusina. Asual, damit ko na naman ang suot niya. Iyong paborito niyang strawberry printed shorts ko pa talaga. Nakasuot siya ng apron habang topless. Nakatalikod si Vlad at malaya kong napagmasdan ang bato-bato niyang likuran. And don't forget that sexy ass!

Aba, eh, kung ganito ba naman ang bubungad sa `yo tuwing umaga, gaganahan ka talagang mag-almusal. "Mmmm... ang bango naman niyan. Nagutom ako lalo." Umupo ako sa dining table.

Nakangiting humarap sa `kin si Vlad. Parang pansamantalang huminto ang tibok ng puso ko nang makita ang ngiti niya. Gulo-gulo pa ang buhok ni Vlad at halatang hindi pa naghihilamos. But I find him more attractive with his morning face.

"Here, I made you brekky." Mula sa kawali ay sinalinan niya ang plato ko ng fried bacon at pancakes. May fresh brewed coffee pang kasama.

Hindi ko naiwasang mapangiti. "Marunong ka palang magluto? Eh, hindi ka naman kumakain ng pagkain ng tao diba?"

Umupo siya sa tabi ng upuan ko at pumalumbaba habang nakatitig sa `kin. He's so adorable like a puppy. Sarap pisilin ng pisngi. Kakagigil! "When you live forever you need to find some things to occupied your time."

Oo nga naman!

"Thank you for this Vlad and for last night," sinsero kong pasalamat.

Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang pisngi ko. Magaan lang ang haplos niya subalit nakapagbigay iyon sa akin ng kakaibang init. "Please don't do that again, sweetie. Don't wander alone late at night. You got me really worried when you didn't came home in time. I used my senses to smell your scent and luckily, I was just in time to save you."

May kung ano sa paraan ng tingin sa `kin ni Vlad na sobrang nagpatatalon ng puso ko. Parang gusto na nitong mag-cartwheel sa labis na saya. Ano ba `tong nangyayari sa `kin? Bakit panay ang dug-dug nitong dibdib ko?

Naghinang ang mga mata namin dalawa. Dahan-dahan siyang lumapit sa `kin hanggang sa nagdidikit na'ng tungki ng mga ilong namin. "Don't make me worry again understood?" he lowly murmured, it's almost a whisper.

I found myself nodding obediently like a kid. Slowly, Vlad's face moved closer to mine. I can smell his minty breath, my mind is spinning while his eyes held me like a prisoner. Mas malakas pa ang tama nito kaysa sa caffeine.

Our lips are only an inch apart. I held my breath and closed my eyes.

♫ Baby `wag ka nang mag-alinlangan pa. Alam mo naman talaga na kailangan ka. Ang katulad mo ay matagal kong hinahanap at gusto kong makita yeah, gusto kong makita. Isang dalagang Pilipina, yeah! ♫

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang ringing tone ng cellphone ko. Tumikhim si Vlad at awkward na nagkatinginan kaming dalawa. Binalot ng init ang buong mukha ko. Ako na ang lumayo at mabilis na kumilos upang kunin ang cellphone na nasa kitchen counter. Hindi ko na binasa ang screen at nagmamadali itong sinagot. "Hello!"

"Hello anak! Papunta na kami riyan ngayon sa apartment mo, salubungin mo na kami kasi malapit na kami. We'll be there in five minutes."

Biglang nilubayan ng kulay ang mukha ko. "M-mama? Ano? Teka... bakit?"

"Sige na, anak maghanda ka na at ito malapit na kami, bye!"

Narinig ko ang busy tone pero ilang seconds pa akong nanatili sa kinatatayuan.

"Your mom's coming over?"

Nagising ako sa boses ni Vlad. Five minutes. Oh shit! I only have freaking five minutes!

"Naku! Magtago ka! Bilis! `Di ka nila pwedeng makita dito!" Agad ko siyang hinatak sa loob ng kwarto.

"Why don't you introduce me to your parents? I'm your boyfriend, they should meet me."

"Letse! Tumigil ka nga diyan. Hindi naman talaga kita boyfriend. Ano na lang sasabihin nila mama kapag nalaman nilang dito ka natutulog? Malalagot ako, naku sinasabi ko sa `yo mapapatay ka ng tatay ko!"

Sa inis ko ay tinawanan lang ako ni Vlad at hindi niya siniseryoso ang sinasabi ko. Umalingawngaw ang sunud-sunud na doorbell. Oh no...

"Anak nandito na kami!"

Patay na!

Hindi na ako nakapag-isip pa at dire-diretsong tinulak si Vlad sa loob ng closet ko. "Diyan ka lang. Please, `wag kang gagawa ng ingay. Wala ka bang invisible powers?"

"Na-uh." Umiling siya.

"Okay, basta dito ka lang!" Sinara ko na'ng pinto ng closet at nagmadaling binuksan ang pinto sa labas. Naghahabol pa ako ng hangin ng salubungin ako ng nakangiting mukha nina Mama, Papa at ng bunso kong kapatid na si Ethan.

"`Ma.... `Pa... Ethan!"

I swear ang mukha ko naninigas na sa kaba.

HOLY MADAPAKERSHEEEEEEEET!!!

avataravatar
Next chapter