3 Chapter 3

"Iihh, para ka namang baliw babe," maharot na tugon ni Angie,

"Sayo lang mababaliw," pambawi naman ni Gino dahilan para lalong kiligin si Angie, parang natatae lang yung hagikgik niya.

"Umayos ka nga--" hindi na niya natapos ng kilitiin siya ni Gino dahilan para mabangga niya ako. Andito kami ngayon sa isang kainan sa bayan, dito daw yung tambayan nila palagi dahil masarap daw Ang halo-halo dito, well masarap naman talaga siya dahil libre,

"Okay ka lang ba Caralina? Pansin ko kanina ka pa tahimik saka tulala simula kanina pag-alis natin sa bahay," napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Gino. Sino ba naman kasi hindi tatahimik kung silang dalawa lang naghaharutan? Bukod sa naguguluhan pa din ako sa nangyari sa akin kagabi eh naging pambansang third wheel pa ako.

"Wala, di lang ako nakatulog ng maayos kagabi" tinatamad kong tugon sa kanila,

"Nga pala, may mga ginaganap bang party dito?" Halata naman ang pagkagulat sa kanilang dalawa,

"Dito sa bayan meron kapag pista pero matagal pa yun... sa June," sagot naman ni Gino habang ngumunguya, napatango nalang ako sa sinabi niya,

"Malayo yung buhay dito sa buhay mo sa Maynila, walang party dito gabi gabi," dagdag pa ni Angie,

"Ganun ba?" Tumango tango nalang ulit ako at ibinaling ang paningin sa malayo ng may matanaw akong familiar na mukha ang papalapit sa amin dahilan para bigla akong ma istatwa at manlaki ang mga mata, papalapit sa kinauupuan namin ngayong... yung diwata.

Lumingot ako kila Gino at Angie pero parang wala silang nakikita sa paligid dahil sa paghaharutan nilang dalawa, parang huminto ang oras habang papalapit sa amin yung babae, nakangiti siya at talagang napaka ganda niya. Gusto kong sumigaw pero parang ayaw bumuka ng bibig ko, para ding nanghihina ang mga tuhod ko kaya hindi ako makatayo.

"Kamusta ka na Caralina?" Malambing nitong tanong dahilan para mas lalo akong kilabutan,

"Wag ka mag-alala hindi pa naman ito ang tamang oras," umiwas ako ng tangkain nyang hawakan ang buhok ko,

"Napakaganda mo pa rin talaga," mga katagang sinabi niya dahilan para dumami ang katanungan sa utak ko. Anong ibig nyang sabihin? Bakit parang simula palang kaming nagkita parang kilalang kilala na niya ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa baba at iniharap sa kanya dahilan para magtama ang aming mga mata at para akong na hypnotized at may hanging malakas ang dumapi sa buo kong katawan at ng sandaling iyon para akong dila sa kung saan, nang bitawan niya ako saka lang ako natauhan para tingnan ang paligid,

"A-asan ako?" Nanlaki ang mga mata kong inililibot ang paningin sa paligid. Alam kong wala ako sa lugar namin. Napakaganda ng paligid, may mga malalaking building at talagang napaka yaman, may isang malaking bahay na gawa sa ginto ang nakatayo sa gitna, kitang kita ko din kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid, masasaya nilang binabati ang lahat. Kita ko din kung gaano kaganda ang mga tao dito teka mali hindi nga pala sila mga tao. Kinakabahan ako pero may pagkamangha din dahil talagang kakaiba ang paligid, napakaganda, napakayaman at talang napakasaya. Paano kaya kung ganito nalang sa totoong mundo? Walang away, walang gulo, walang kurapsyon, walang lungkot.

Matagal din ang pamamangha ko sa paligid ng nagkakuha na ako ng loob para magsalita, "ikaw ba si Carolina?" Napangiti siya sa sinabi ko at umiling, "ako si Inayah, ang kagandahan ni Carolina ay walang kasing tulad, hindi ito kayang pantayan ng kahit sino," sagot naman nito at dahan-dahang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako,

"A-anong gagawin mo?" Hindi na ako nakapalag ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat,

"Kay tagal naming hinintay ang pagbabalik mo," nagulat ako ng humigpit ang hawak niya at para akong nilalamon ng napakalakas na hangin pababa, may mga sinasabi pa siya pero para akong nabibingi dahil sa napakalakas na paghila ng hangin sa akin dahilan para manikip ang dibdib ko at mahirapan sa paghinga.

"Caralina!" Napabalikwas ako ng tayo na nanghahabol ng hininga, para akong nahulog sa kung saan at nalulula pa din ako na para akong nilamon ng lupa, tagaktag din ang pawis.

"Ayos ka lang ba?" Natatarantang inabot sa akin ni Gino yung tubig, tuyong-tuyo ang lalamunan ko kaya hindi agad ako makapag salita.

"Ano ba nangyari sayo? Nahilo ka ba kanina?" Pag-aalalang tanong ni Angie habang hinahawi ang buhok ko na kanina pa nakaharang sa mukha ko.

"A-anong nangyari?" Nanghihina kong tanong,

"Nagulat nalang kami ng bigla kang bumagsak, dinala ka kaagad namin dito sa bahay nila Gino, mabuti nalang talaga at malapit Lang... May sakit ka ba?" Naptulala nalang ako sa gilid, "5 hours ka ng natutulog, sinabi ko nalang kay lola na baka hindi lang maganda tulog mo kagabi at pagod ka lang, baka kasi mag-alala sila," dagdag pa niya, ibig sabihin nahimatay ako kanina ng saglit na ipakita sa akin ni Inayah yung lugar nila? Pero bakit niya ipinakita sa akin? Gusto niya pa din ba akong kunin?

Dalawang araw matapos ng pangyayari na yun hindi muna ako lumabas ng bahay, si Angie at Gino ang dumadalaw sa akin. Wala ni isa sa kanila ang napag sabihan ko, alam ko kasing madaldal si Angie kaya hindi malabong madulas siya kila lola at pabalikin na ako ng Manila. May part sa akin na gusto kong bumalik pero meron ding part na ayoko muna, may mga gusto pa akong tuklasin sa buhay ko at sa ... sarili ko.

"Insan sa susunod na linggo may birthday tayong pupuntahan uuwi kasi yung isa naming kababata si Yuna dito rin siya magpapasko," masayang tugon ni Angie, hindi ko naman kilala yun eh malay ko ba kung sino yun.

"Ayos ka na ba? Balak ka sana namin ayain ngayon lumabas, araw ng palengke ngayon at baka sakali na may nagustuhan ka," pag-aaya ni Gino, feeling ko marami namang tao doon baka hindi ako sundan ni Inayah, isa pa nakakabagot mag stay dito so bakit hindi ako sumama,

"Babe may gusto akong bilihin dun" pag-aaya ni Angie at nagmadaling hinila si Gino, eto nanaman ako ang pambansang third wheel. Madaming tao dito dahil maliit lang ang palengke nila, maraming mga nagtitinda at hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Mukha atang feeling nila sila nalang tao sa mundo at hindi na nila inalala na may single silang kasama. Mali atang napasama ako sa gala ng magjowa. Pinilit ko nalang silang hanapin sa magulong paligid, hindi ako sanay makipag siksikan ng ganito.

Nilibang ko nalang ang sarili ko habang mag-isa, tutal sanayan lang to.

"Alam mo ba nakita na si mamong Ernest, yung sasakyan gamit niya pang deliver ng mga gulay nakita sa tutok ng bundok. Ang nakakapagtaka eh walang sasakyan ang kinakaya umakyat doon," hindi ko alam pero bigla akong naintriga sa usapan ng mga katabi ko na mamimili ng mga damit,

"Oh? Grabe naman pala nangyari sa kanya, napaglaruan kaya siya ng mga engkanto?" Sandaling iyon mas lalo pa ako lumapit sa kanila, para akong tanga na sumusunod sa kanila kung saan sila pupunta para lang marinig ang usapan nila, dakilang chismosa din ako.

"Hindi nga siya nakakausap ngayon eh, simula nangyari yun natulala nalang siya," sagot pa ng babae, kung hindi ako nagkakamali yung driver na tinutukoy nila is yung manong na naghatid sa akin papunta sa palengke, nakwento kasi sakin ni lola na iisa lang ang magbabagsak ng gulay sa sakila. Kung siya man yun ibig bang sabihin nakilala siya nung diwata at pinaglaruan siya dahil binalaan niya ako? Aakma pa sana akong sumunod sa dalawang babae na nag-uusap tungkol doon sa driver ng biglang may humawak ng kamay ko mula sa likuran dahilan para mapahinto ako at napalingon ako. Hindi siya ganun katanda, gulo-gulo ang buhok nito at madungis ang mukha. Tinitingan ako nito at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit ka bumalik? Umalis ka na" gulat na gulat na tugon nito na may halong takot. Parang may sumabog sa utak ko dahilan para mag panic ako,

"Hindi ka na dapat bumalik pa," paulit-ulit niya itong sinasabi habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay ko, madami ang tao pero walang pumapansin sa aming dalawa. Natatakot ako sa mga tingin at tono ng pananalita niya,

"A-ano pong i-ibig nyong sabihin?" Nanginginig kong tanong dito na nakatingin pa din ng deretsyo sa kanya.

"Hindi na to matatapos, hindi ka na dapat pa nagbalik.... Carolina" nanlaki ang mga mata ko sa huli nitong sinabi, muli nanaman akong naghahabol ng hininga ko dahil parang kakaunti nalang mahihimatay nanaman ako. Anong ibig niyang sabihin? Alam kong wala siya sa matinong pag-iisip pero bakit parang lahat ng katanungan ko siya lang ang makakasagot. Parang napakarami niyang alam tungkol sa nangyayari sa akin at sa buong pagkatao ko. Nalilito na ako, ang dami ng tanong na bumabagabag sa akin.

avataravatar
Next chapter