2 Chapter 2

"Maligayang pagbabalik kapatid," sa sandaling iyon binalot na ng takot ang buong paligid, hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko. Parang may kakaibang hangin ang sumasalubong sa mukha ko dahilan para manlamig ang buo kong katawan.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya "A-anong ibig mong s-sabihin?" Kahit nanginginig na ako sa takot ay pilit pa din akong nagsalita,

"Pasenya ka na, magkatunog kasi kayo ng pangalan ng kapatid ko na nasa maynila din," sunod-sunod naman ang lunok ko sa mga sinabi niya, may part sa akin na kinakabahan pa rin talaga. Mukha atang napansin niya na kinakabahan ako sa kanya kaya siya na din ang unang nagsalita,

"Maraming magagandang lugar dito, sana maging masaya ka sa pananatili mo dito," napatango nalang ako pero hindi pa din ako makatingin ng deretsyo sa kanya. Ang layo pala talaga ng byahe kanina pa kami andito eh,

"Kumain ka muna dyan, may mangga sa loob niyan" pag-aalok niya sabay tingin sa isang basket sa gilid, tiningnan ko naman ito at may kulay green na mangga, naglaway naman ako ng makita iyon kaya agad akong kumuha ng isa, patay gutom na kung patay gutom pero tagal ko na hindi nakakakain nito.

"Salamat po," napangiti ako sa kanya at ganun din naman siya "matamis iyan kahit ganyan ang kulay," tugon pa niya, inikot-ikot ko muna ang mangga at inamoy kaya mas lalo akong natakam, aakma na sana akong kagatin ito pero natigilan ako at humarap sa kanya na parang atat na siyang kainin ko ito.

"B-bakit?" Nauutal nitong tanong,

"Wala bang asin--" natigilan ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan dahilan para mabitawan ko yung mangga,

"Aaww," napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pag-alog, ang lakas ba naman ng pagkapreno niya buti nalang naka seatbelt ako.

"Bumaba ka na," seryoso niyang sabi, mag sasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita, "kakaunting lakad nalang makakalabas ka na," muli seryoso pa din yung mukha niya. Wala akong nagawa kundi kunin ang bag ko, nagpasalamat ako sa kanya bago bumaba mukha atang nainis siya sa akin at pinaharurot yung sasakyan pabalik. Bakit kaya? Baka kasi nag demand pa ako ng asin kahit sinabi pa niya na matamis na? Ang babaw Naman nun, napakibit balikat nalang ako saka naglakad na palabas, nagulat naman ako dahil madilim na. Grabe ang hirap pala ng sasakyan dito dahil walang gaanong dumadaan, naglakad pa ako sa kalsana ng may bumusina sa akin kaya napalingon ako, huminto ako at nagsalita yung driver "sumakay ka na," sabay bukas niya ng pinto. Truck ito na puno ng gulay, agad naman akong pumasok sa loob.

"Anong ginagawa mo ng gantong oras sa labas?" Pagtataka nitong tanong

"May naghatid sa akin kanina diyan, kaso nagalit ata kaya pinababa ako," gulat namang napatingin sa akin si kuya at salitang tiningnan ako at yung dinaanan ko kanina,

"Paano ka nakaalis?" Nakakunot na noo kong tiningnan si kuya, "saan po?" Tanong ko dito,

"May malaking bangin kasi dyan, walang sasakyan na dumadaan diyan," nanlaki ang mga mata ko muli nanaman akong nakaramdam ng takot,

"A-anong oras na po?" Nanginginig kong tanong,

"Alas kwatro na ineng," napapikit ako at napahinga ng malalim, isang oras byahe namin? 3pm ako bumababa nun eh,

"Nang madaling araw" sandaling para akong binuhusan ng malamig na tubig at napamulat bigla ng mata, hirap nanaman ako makahinga dahil sa sinabi ni kuya. Parang tuyo na ang laway ko, pati mga balahibo ko naghihiwalay na dahil sa takot.

Tulala lang ako sa byahe, mahigit isang oras siguro kami nagbyahe papuntang bayan. Nakatulala lang ako at blanko ang isipan, may mga sinasabi si kuya pero wala akong maiintindihan dahil para akong nabibingi sa kaba. Ibig sabihin maaring engkanto yung babaeng nakasama ko kanina? Sabi nila mababait daw ang mga engkanto sa mga taong gusto nilang makuha. Buti nalang pala hindi ko kinain yung mangga baka hindi na ako nakabalik.

"Kamusta naman ang byahe mo? Bakit inumaga ka naman?" Sunod-sunod na tanong ni lola habang papasok sa loob ng bahay nila. Bato na ang pader dahil pinagawa na ito ng mga anak niya para kung sakaling may bagyo hindi na din sila mag-alala na baka masira ang bahay ng magulang nila. Sa palengke kami nagkita ni lola kasi kilala naman ni mamong si lola dahil isa din ito sa binabagsakan niya ng gulay, may pwesto kasi sa palengke si lola kasama yung isa nyang tindero at pinsan ko.

"Sige magpahinga ka nalang muna ang lolo mo nasa bukid pa," Sabi pa ni lola habang inilalapag ang gamit ko sa loob ng kwarto, may kalakihan din ang bahay nila nasa tatlong kwarto ata ang meron dito at dalawa lang naman sila ni lolo ang nakatira dito. Nagpaalam na si lola na lumabas dahil babalik daw siya sa palengke, papunta naman na dito si Angie yung isa ko pang pinsan.

Malawak din ang kwarto, hindi siya mukhang pang probinsya kung hindi ka lang titingin sa labas hindi mo mahahalata na nasa probinsya ka. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito, matatanaw mo mula dito ang isang malawak na palayan at sa di kalayuan ay ang ibang mga bahay na gawa sa kahoy. Ang sarap ng hangin dito at ang tahimik pa. Napaka relaxing ng atmosphere dito.

Nakatitig lang ako sa malawak na palayan at hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari sa akin, ibig sabihin nakasagupa na kaagad ako ng engkanto? Bakit hindi ko napansin yun o sumagi man sa isip ko na baka nga engkanto sila, pero kasi ang ganda niya talaga at ang amo pa ng mukha niya.

"Insaaaan" napatigil ako sa isang malakas na sigaw ni Angie habang papasok sa kwarto ko, napatayo naman ako bigla at niyakap siya. Sa fb lang kami nag-uusap at talagang na miss ko siya dahil halos dalawang taon na din simula noong nagpunta sila sa Manila.

"Namiss talaga kita" panggigigil nitong yakap sa akin,

"Di halata, di na nga ako makahinga eh" sabay pa kami natawa kaya bumitaw na din siya sa pagkakayakap sa akin.

"Tara igagala kita dito" magsasalita pa sana ako kaso bigla niya ako hinila palabas. Magkasing edad lang kami ni Ange, pero mas matangkad ako sa kanya maigsi ang buhok at maputi ang kulay niya. Sobrang daldal nito kaya sa lahat kami ang magkasundo kahit bihira lang kami magkita.

Inilibot niya ako sa paligid, layo layo ang bahay at may malawak na palayan, may malalaking puno at may mga gulayan. Masarap din ang hangin na alam mo talagang nasa probinsya ka na malayo sa mausok na lugar ng maynila.

May mga ikinukwento si Angie, tungkol sa lugar na ito saka kung paano sila maglaro noong mga bata pa sila at naikwento na dito din sila nagkakilala ng jowa niya. Habang inililibot ko ang paningin sa paligid muna sa berdeng kalupaan hanggang sa asul na kalangitan ng biglang may umagaw ng atensyon ko, isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan sa ilalim ng malaking puno ng mangga, nakatanaw siya sa palayan. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, nakatagilid siya sa amin ngayon pero tanaw na tanaw ko ang maganda nitong mukha pero mukhang masungit at kapag kinausap dedma lang.

"Si Marlo yan anak ng isa sa mga kasamahan nila lolo sa pagsaka," nagulat naman ako ng pati si Angie ay nakatanaw na din. Umiwas ako ng tingin at umakto na parang wala lang,

"Ang gwapo no? Ang daming nababaliw na babae dyan," napangisi nalang ako sa sinabi niya,

"Playboy," sabay balik tingin ulit dun sa Marlo daw,

"Wala siyang pinansin kahit sino, hindi din yan madalas magsalita. Simula mga bata palang kami mas gusto niya mag-isa," dagdag pa nito, nagulat ako ng tumingin siya sa gawi namin na walang reaction kaya napaiwas ako at kunwaring nagtitingin nalang sa paligid.

Pumunta kami kila lolo pero saglit lang dahil ipapasyal pa daw ako ni Angie sa iba pang parte. Ang ganda talaga dito, may mga malalaking puno maraming gulay. Mukhang kilalang kilala talaga si Angie dito dahil halos lahat ng nakakakita sa amin ay kinakawayan siya. Matapos ang maghapong galaan bumalik na ulit kami sa bahay nila lola, tumabay siya saglit pero umalis na din ng makabalik na si lola.

"Ano apo ayos ka lang ba dito? Mahina ang signal dito, kapag naiinip ka manood ka muna ng tv wala ka din kasing magagalaan dito," nginitian ko nalang si lolo bago tumango, 7pm palang pero matutulog na sila. Ganito daw kasi talaga sila kaaga matulog dahil wala silang gagawin at isa pa maaga silang gigising kinabukasan. Nagstay nalang ako sa kwarto ko dahil hindi din naman ako mahilig manood ng tv.

Nakasalampak ako sa higaan at nakatingala sa kawalan, hindi talaga maalis sa isip ko yung mukha ng diwata. Ibig bang sabihin kaya ko siya nakita dahil gusto niya akong isama sa kanila? Paano kaya kung napasama ako sa kanila? Baka wala ako ngayon dito. Okay sa susunod kailangan ko mag-ingat. Kahit hindi ako sanay matulog ng ganito kaaga, pinilit ko nalang ipikit ang mga mata ko, sobrang tahimik ng paligid kaya hindi din malabong makatulog agad ako.

"Para sa ating bisita, tumayo tayo at magpalakpakan," hiyawan ng mga tao kasabay ng tugtugin.

"Caralina Montejos" muling palakpakan ng mga tao,

"Caralina Montejos"

"Caralina Montejos" bigla akong naalimpungatan sa gitna ng malalim kong pagkakatulog,

"Caralina Montejos, halika na't sumayaw" kinusot ko ang mga mata ko bago bumangon sa kinahihigaan ko. Anong oras na ba at may party pa sa labas? Teka.. may party sa lugar na ito? Bumilis ang tibok ng puso ko at saglit na pinakinggan ang paligid. Hindi ganoon kalakas ang tugtugin at sa palagay ko ay nasa kalayuan ito ginaganap, napatigin ako sa orasan na nasa itaas ng pader. 3am pa lang naman pero bakit hindi ko narinig iyan kanina bago ako matulog?

"Caralina Montejos ikaw na ang sasayaw" sa mga oras na to parang ayoko muna huminga para mas marinig ko ang sinasabi. Imposible na pangalan ko ang babanggitin doon dahil hindi naman ako kilala dito. Maingay din ang paligid na halatang masasaya ang mga tao, para nga siyang birthday party or ano man. Dali-dali akong tumayo para lumabas ng kwarto, nakasarado ang kwarto nila lola at pati na din ang pinto palabas,

"Caralina ano pang hinihintay mo?" Muli kong rinig na sinabi ng host, hindi naman ako matatakutin kaya dahan-dahan ko binuksan ang pinto at sumilip, madilim naman ang paligid pero rinig ko pa rin ang tugtog at mga hiyawan ng tao na paulit-ulit sinasabi ang pangalan ko. Medyo maingay ang pinto kaya kaunting uwang lang ang binuksan ko, payat naman ako at alam kong kasya ako doon.

Ang angas naman pala dito, may party na ganyan hindi manlang akong sinabihan ni Angie at nila lola para sana nakapunta ako. Sinundan ko ng dinig kung saan banda yung party na kanina pa ako tinatawag ng biglang may humila ng kamay ko para mapahinto ako sa paglalakad.

"S-sino ka?" Madilim ang paligid kaya hindi ko gaano maaninag ang mukha niya, kinikilabutan na ako lalo na sa higpit ng pagkakahawak niya, nagulat naman ako ng biglan niya akong hilahin pabalik sa bahay nila lola dahilan para mas maaninag ko siya. Imposible, anong ginagawa ng tao na to dito sa gantong oras? Isa pa bakit niya ako hinablot pabalik?

"M-marlo?" Mukhang nagulat din siya ng banggitin ko ang pangalan niya, mas gwapo pala siya sa malapitan.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Grabe nagagalit na siya pero ang gwapo pa din niya, well di ko naman alam kung galit ba siya dahil walang nag-iba sa mukha niya.

"Sabi ni Angie, teka nga bat mo ba ko hinila pabalik dito?" Hinila ko yung kamay ko na kanina niya pa hawak ng mahigpit, syemre dapat masungit ako kasi ako yung babae.

"Saan ka ba pupunta?" Aba-aba concern ang koya mo, wag ka nga dyan papatulan kita.

"Sa party, tinatawag nila pangalan ko," tinaasan ko siya ng kilay,

"Nababaliw ka na ba? Kailan pa nagkaroon ng party sa bukid na kakaunti ang tao? Party ng mga halaman?" Tinitingan ko muna siya saglit saka ko siya inirapan,

"Aish! Ano bang sinasabi mo? Narinig ko nga pangalan ko," pag-aangal ko naman dito,

"Hindi mo pa din ba gets? Hindi tao mga yun," nang sandali nyang sabihin yun nakaramdam nanaman ako ng kaba,

"A-anong ibig mong sabihin?" Nangangatog kong tanong dito,

"Bago ka dito kaya gusto ka nilang linlangin, sa susunod na makarinig o makakita ka ng mga bagay na bago sayo wag mong papansinin kasi hindi ka na nila titigilan. Isa pa itali mo yang buhok mo, mas nakakaakit ng ibang nilalang kapag nakalugay ng ganyan ang buhok mo," mahaba nitong maliwanag. Nakatulala pa din ako sa kawalan, parang feeling ko hindi na ako makakatulog nito. Wala na din yung ingay sa paligid, nalinlang nanaman ba nila ako? Pero bakit ganun nalang kadali akong mapasunod na parang may mahika silang ginagawa sa akin. Buti nalang hindi ako natuloy makapunta doon, pero teka paano niya nalaman na pupunta ako doon eh ang layo ng bahay nila? Hindi kaya may alam din siya sa mga nangyayari? Sino ba siya o ang dapat kong tanong ay ano ba siya

avataravatar
Next chapter