1 Chapter 1

"Okay class see you next year," pagpapaalam ng prof namin bago naghiyawan ang buong klase. Christmas break at isang panibagong taon nanaman ang lilipas.

"So saan mo naman balak ngayon?" Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa gawing kanan kung saan nakaupo ang kaibigan kong si Shaira, "Samar" tamad kong sagot dito na sinabayan ng pagsandal ko sa upuan.

"Oo nga pala girl, nabasa mo na ba yung tungkol sa lost city of Samar? What they called that? Biringan? Not sure, search mo nalang" hindi ko alam kung anong malamig na hangin ang dumampa sa mukha ko nang mga sandaling marinig ko yung mga bagay na yun. Interesting, mahilig ako sa mga ganyang bagay, sa mga ganyang kwento at mukha atang hindi magiging boring ang pamamalagi namin sa probinsya.

"Una na ko ha, bye" niyakap niya ako at nagmadaling lumabas, sinundo na pala ng jowa niya. Naiwan ako mag-isa dito sa loob ng room, inilibot ko ang paningin ko sa labas at nakitang madilim na. 6pm palang pero gabing gabi na talaga isa pa makulimlim ngayon kaya natatakpan ang buwan. Tumayo na ako at naglakad na papalabas.

Nang makauwi na ako sa bahay agad akong nag search about sa Biringan na mas lalo pa akong naintriga. Matagal na palang usap-usapan ito dahil may ibang show ang naging paksa ay ang lugar na ito. Mula kay Carolina na sinasabing siya ang nagdadala ng mga taong gusto niyang isama sa kanilang lugar. Napakayaman daw sa lugar na ito na pinalilibutan ng malalaking building, dito mo daw matatagpuan ang tunay na paraiso dahil walang lungkot at walang himagpis kapag isa ka sa napili nilang mapunta dito.

Nag-aaral si Carolina sa isang pribadong unibersidad sa maynila at talagang halata kung gaano ito kayaman at nakakahumali ang kanyang kagandahan at busilak nitong puso. Bakasyon na nila noon ng ayain niya ang mga kaibigan niyang sumama sa kanila na tinawag niyang Biringan City, hindi nakasama ang isa sa kanila dahil hindi pinayagan ng kanyang mga magulang. Tatlo lamang ang sumama sa kanya dahil siya na din ang sasagot ng pamasahe. Natapos ang bakasyon at hindi pa din sila bumabalik. Nagtungo ang pamilya ng mga kasama ni Carolina na umalis noon pero nabigo sila ng malaman na wala palang ganitong lugar. Lumipas ang taon at napanaginipan ng isa sa mga kapatid na kasama ni Carolina na may mensahe silang iniwan sa itaas ng kanilang refrigerator. Agad naman hinanap ito ng kanyang kapatid at nakita ang tinutukoy nitong sulat, naglalaman ito ng pagpapaalam na masaya na siya sa lugar na kinaroroonan niya at wag na silang mag-alala dahil kahit kailan ay hindi na siya makakaranas pa ng lungkot at napakayaman daw ng lugar na ito. Simula noon nagkaroon na ng mga balibalitang ang ilan sa mga nawawalang tao sa lugar nila ay marahil dinadala ni Carolina sa kanilang lugar. Simula noon hanggang ngayon ay namamayagpag pa din ang kentong Ito.

Kinabukasan matapos kong mag-ayos ay agad akong umalis ako lang ang mag-isang pupunta sa lugar na iyon hindi kasi pwede sila mama dahil may work sila dito, gusto din kasi nilang makasama ko ang mga kamag-anak ko. Hindi naman ako takot magbyahe mag-isa dahil may Google map naman.

Mahaba ang byahe pero hindi naman ako nainip dahil may dala naman akong cellphone. Nagbabasa din ako ng ibang teyorya patungkol sa Biringan City at nalaman kong naipalabas na din pala ang tungkol kay Carolina. Oo nga pala ako si Caralina Montejos, 20 years old sa Manila talaga kami nakatira pero yung mga kamag-anak ni papa ay taga Samar kaya andun sila lolo, hindi pa ako nakakapunta doon dahil kalimitan sila ang nagpupunta sa maynila kapag may family reunion pero ngayon gusto nila na magpunta ako doon para makita din ang lugar na kinalakihan ni papa.

Nang makarating na ako sa terminal agad ako nag-abang ng masasakyan ko pero puro dipadyak ang meron bumagal na din ang signal ng phone ko kaya nagtanong tanong nalang ako sa mga tao. Itinuro naman ako kung saan ako sasakay at sabihin ko na sa Sapang Araw ako ibaba, pero nagulat yung driver at ilang beses akong tinnong kung sigurado ba daw ako sa pupuntahan ko, napakunot naman ako ng noo pero di kalaunan ay isinakay niya pa rin ako. Kalahating oras din ang byahe namin medyo creepy lang yung dinaanan namin dahil mga lumang bahay na gawa sa kawayan at walang katao tao sa labas, alastres palang naman ng hapon pero saradong sarado na ang bahay nila. May mga iilan na bukas at kapag nakikita ako nagmamadali silang magtago. Syempre kinabahan naman ako sa mga nakikita ko pero nananatili pa din akong walang kibo.

"Ganyan talaga sila, kasi ngayon lang ulit may bago na dumaan dito" napalunok naman ako sa sinabi ni kuya,

"Magtataka nga din ako eh, may kamag-anak ka bang pupuntahan dito?" Napatango nalang ako sa sinabi ni kuya.

"Dito na tayo ineng, hanggang dito lang ako pwede," inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid, maraming puno at maaliwalas ang paligid. Wala ding tao sa labas at saradong sarado ang mga bahay nila. Ang weird naman pala nila dito.

"Salamat kuya," bumaba ako at napatingin sa gawing kanan kung saan meron pang lagusan papasok pero medyo madilim kaya hindi ko maaninag sa loob.

"Mag-iingat ka ha, bago ka pa lang naman," bigla akong kinabahan sa sinabi ni manong bago ito umalis, nakakabinging katahimikan sa paligid. Saan naman kaya ako magtatanong kung saan ang bahay nila Lola Esdang, walang katao-tao tapos ayaw pa bumukas ng phone ko. Ilang sagling akong tumayo ng may marinig akong sasakyan na paparating kaya agad akong napalingon. Napanganga ako sa ganda at kintab nito at mukhang bagong bili. Kulay gold ito, mukhang bagong labas lang ang gantong sasakyan wala pa akong nakitang ganito sa manila. Nagulat ako ng lumagpas ito kaunti sa akin at huminto na mas lalo kong ikinatulala.

Napakaganda nung babae na bumaba mula sa kulay gintong sasakyan. Maputi at talagang makinis ang balat nito, pustura din siya sa kulay puti niyang dress na hanggang tuhod. Para akong naistatwa dahil para akong nakakita ng isang tunay na dyosa, babae ako pero parang gusto ko nalang maging tomboy dahil sa ganda niya. Lumapit siya sa akin na nakangiti.

"Bakit ka nakatulala? Saan ka ba pupunta?" Napakalambing din ng kanyang boses, napalunok nalang ako at medyo nagulat ng kumaway siya sa harapan ko,

"Aah--ehh sa a-ano po--" hindi ko na natuloy ng tumawa siya pero napakahinhin, "anong nangyayari sayo? Bat ka nanginginig? Natatakot ka ba sa akin?" Sunod-sunod ang iling ko habang nagsasalita "h-hindi, ang ganda mo kasi para kang artista," natawa ulit siya sa sinabi ko,

"Ikaw din, napakaganda mo at napakahaba din ng buhok mo," nakangiti nitong sabi, tama siya mahaba ang buhok ko na lagpas bewang, kulang itim at talagang shinny dahil ayaw nila mama na paputulan ko ito at lagyan ng kulay. Bawal daw kasi sa amin ang magkaroon ng maigsi na buhok dahil nagkakasakit kami.

"Sumabay ka na sa akin, saan ka ba pupunta?" Tanong pa niya,

"Sa lola ko po, kila lola Esdang Montejos. Kilala niyo po ba siya?" Ngumiti itong muli at tumango,

"Mukha atang naliligaw ka, nasa kabilang dulo pa sila kung gusto mo sumabay ka na sa akin tutal papunta din naman ako doon," lumingon lingon pa ako sa paligid, mukhang mahihirapan ako makasakay kung mag-aantay ako dito.

"Natatakot ka ba sa akin?" Napatingin naman ako sa kanya na nakasimangot na,

"H-hindi po," haay naku naman bat ako matatakot sa kanya eh ang ganda ganda niya tapos parang mayaman pa. Wala na akong nagawa kaya sumakay nalang ako sa sasakyan niya, malayo din daw kasi papunta doon at madilim pa baka may mangyari pang di maganda sa akin.

Nakanganga ako na nakatingin sa bintana niya, napakaganda ng mga kulay berdeng dahon at malalaking puno. May mga nahuhulog pang daho, grabe ngayon lang ako nakadaan sa ganito maganda pala talaga sa lugar na ito.

"Parang tuwang tuwa ka dyan ah," napatingin ako sa kanya na nakangiti, "ano nga palang pangalan mo?" Tanong pa niya, ngumiti ako at nagsalita "Caralina po," marahang ngumisi ito at sa puntong yung kinabahan ako parang ang creepy niya. Hindi nalang ako nagpahalata kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana para tingnan ang mga puno sa gilid.

"Maligayang pagbabalik kapatid," sa sandaling iyon binalot na ng takot ang buong paligid, hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko. Parang may kakaibang hangin ang sumasalubong sa mukha ko dahilan para manlamig ang buo kong katawan.

avataravatar
Next chapter