1 Panimula (ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ)

Panimula

ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ

Nabihag kita sa simula, ngunit sa huli'y ako pala ang tunay na lumusot sa patibong. Hindi makawala sa pagkaakit at tuluyang bumigay, lubusan.

Samahan mo ako, Aparo. Pareho nating huwag pakawalan ang isa't isa. Bubuuin natin ang bawat pagkukulang, kung mayroon man, dahil tiyak ako na dahil nasa piling na kita ay narating ko na ang pinakatuktok ng kalangitan. Biyaya ka na ng labis.

Dadalhin kita sa bawat lupain na iyong ninanais. Makasama lang kita sa pagdamdam ng bawat tibok ng aking puso, at pintig ng aking pulso.

Lumiyab man ang mga tala at bumagsak sa ating kinaroroonan, sasamahan pa rin kita hanggang sa kamatayan.

Ano pa ba ako, kung ikaw lang ang natatanging buhay ko.

- ᜇᜃᜓᜋ᜔ (Dakum)

avataravatar
Next chapter