18 Unexpected Visitor

Jenna POV

Kinabukasan..

Nagising ako sa tunog ng doorbell, pagtingin ko sa wall clock namin sa kwarto. 9:00 am na ng umaga. Mahimbing parin ang tulog ng asawa ko habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya at bumangon. Nagitla ako ng tumunog muli ang doorbell ng  paulit-ulit. Sinuot ko muna ang robe ko at nilagay ang cellphone sa bulsa nito bago lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan ng tumunog muli ang doorbell.

Tsss... Sandali lang.-sigaw ko. Hindi ba makapaghintay ang taong 'to.

Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko kilala ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Isang  sopistikadang babae. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at nag-smile. Hindi ako makasagot. That smile seems so familiar. Napatingin siya sa tiyan ko at lalong tumaas ang kilay niya habang naka poker face lang. Hindi mo alam kung ano ang iniisip nito.

Hon, sino yan?- NAgulat ako sa tanong ng asawa ko na tantiya ko ay pababa pa lang ng hagdan kasi dinig ko ang mga yabag niya. Mabilis siyang nakalapit at niyakap ako sa likod. Bakit ang tagal mo yatang sumagot? 

Sino ba kasi yan?- siya sa naiiritang tono. Hindi pa niya nakikita kung sino ang bisita dahil bahagya pang nakasara ang  pinto.Humarap ako sa kanya at..ahh..Ano kasi..Hindi ko ..--naputol ang sinabi ko ng biglang pumasok ang babae at nagsalita.

Brenny my dear.What took you so long. Kanina pa kaya ako doorbell ng doorbell. Ang tagal mo namang magbukas.

Mom? - What brings you here? Pasok po kayo.- sabi ng asawa ko habang ginigiya ang mommy niya daw papunta sa living room.

Mommy niya pala yun. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa Mommy niya. Parang hindi na tuloy ako nag-exist sa mundo. Kaya pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng almusal/tanghalian namin. Bigla ko naman naalala ang pag-uusap namin noong Assistant pa niya ako.

-FLASHBACK-

Bakit kaba dikit ng dikit sa akin Dr. Reign? Nakukulitan na ako sa iyo alam mo ba yun?- sabi ko sa kanya habang busy ako sa pag-aarange ng mga folders sa mini cabinet niya.

Ang gaan lang kasi ng loob ko sa tuwing nakikita kita. Alam mo bang magkagalit kami ng DAD ko ngayon. Parang 

nakahanap ako ng kakampi when i met you.-sabi niya sa akin ng derecho. Pwede naman kitang maging kaibigan diba? 

YUng higit pa sa pagiging assistant nurse ko.

Alam mo Dr. Reign I have my own problem and..-

Please Jen, I really need your company now- malamlam na sabi niya sa akin.

Naguilty naman ako bigla sa inasal ko sa kanya. Bakit naman kayo magkagalit ng DAD mo?- patay malisyang tanong ko.

It's a long story Jen. Sabi niya sabay upo sa upuan niya at napahimas sa noo niya.

-FLASHBACK ENDS-

Naghahanda na ako ng mga pinggan sa mesa ng biglang magring ang phone ko. Isang unknown number ang tumatawag.

Hello! sino po sila

Jenna MArie, long time no hear- masayang bati niya sa akin. I knew this voice.

Ken Benedict?- hindi ko siguradong tanong.

I'm glad you still recognize my voice. I miss you Jenny dear. So, how is your life. I heard you are married now. At ang laki ng bahay nyo ha, mansion na mansion.

You mean?..

Nasa labas ako ng gate niyo. I'm afraid baka bangasan ako ng asawa mo. Mainit pa naman ang dugo nun sa akin. Akalain niya ulit na manliligaw mo ako. At ang masama pa dun magkaibigan lang pala kayo that time.

Mukha mo. Nasa labas kaba talaga kuya?

Tsss..Drop the kuya Jenny, OO nga. TAkot ko lang sa Niel na yun. Baka madungisan pa ang gwapo kong mukha.

Ken hindi si Neil ang asawa ko. Wait! Pupuntahan kita and ofcourse you can come in. Mabait naman si Brent. TAtapusin ko lang nag niluluto ko Ken.

Okay, I'll just wait you here. Meron din akong balita sa'yo.

Binaba ko na ang tawag ni Ken at Hinanda ang lames. Guton na talaga ako. TAgal namangh matapos mag-usap nila. Naghanda muna ako ng meryenda  nila bago lumabas ng kitchen. Bitbit ko na ang tray ng mapansin ako ni Brent. Tumayo siya at kinuha ang dala-dala.

HIndi kana sana nag-abala honey. Napagod kapa tuloy.

OKay lang. Handa na pala ang almusal. Pero lalabas lang ako sandali Brent? Nakakunot naman ang noo niya habang bitbit ang tray.

Ahh ano kasi. Nasa labas ang pinsan ko. Pagbubuksan ko lang.-sabi ko na lang sa kanya.

Sandali lang, pakilala muna kita sa Mommy ko.- sabi niya

Pero Brent.-ako na nakapout..

Stop that Honey, and don't worry she likes you. Ikaw nga ang pinag-uusapan namin kanina.

INakay na niya ako papunta sa kinauupuan nilang sofa. KAya wala na akong nagawa.

Mommy meet my wife, Jenna Marie- agaw pansin ni Brent sa mommy niya na kasalukuyang nagkulikot sa phone niya.

Tumayo siya kaagad at niyakap ako. Nice to meet you iha. Sorry sa inasal ko kanina. Nainis lang kasi ako dahil ang tagal niyong magbukas ng pinto.

Ok lang po tita. Medyo nalate lang ng gising. Excuse me lang po tita pagbubuksan ko lang ang pinsan ko.

Sige iha, Go ahead. BTW, you can call me Mommy too. Hihiramin ko lang ang asawa mo medyo matagal na rin kaming hindi nagkita.

Sige po. -lumabas na ako at dumiretso sa gate namin.

A/N

Tatapusin ko ang kwento kong ito kahit wala ng nagbabasa.

It's just for myself lang naman ehh.

Thank you Guys!

I love you all...mwaaaaaahhhhhh!

avataravatar
Next chapter