10 First Fight

Wala, never mind. Tapusin mo na lang yang dinner mo.

Jen, I know there's something bothering you. Tell me.

Sasabihin ko ba o hindi? Anang isip ko.

Hey!

Mamaya na lang. A--akyat muna ako sa taas.

Mabilis akong tumayo at lumabas sa pinto ng kitchen baka di na niya ako tigilan sa kakatanong. Nakakahiya kaya. Bahala na si Batman. Basta sasabihin ko sa kanya mamaya. Kaya mo yan Jen.

Hindi ko namalayan ang oras.Naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pinto at ang pagtabi ni Brent sa akin sa kama.

Sinong katext mo?- Brent

Naglalaro ako ng Candy Crush.sagot ko

Okay. Tumagilid siya ng higa. Yung bang nakaharap sa likod ko kasi nakatalikod ako sa kanya. 

Ahh, basta kayo na mag-imagine. Hindi ako nakagalaw sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako gamit ang isa niyang braso. Sobrang tahimik naming dalawa.

Ang likot mo naman. Ayan tuloy, hindi ko nasurvive ang goal ko.

Tama na nga yan. Masama sa'yo ang magpuyat.

Inagaw niya ang phone na hawak ko. At nilagay sa side table ng kama.

Nakakainis ka naman Brent ehh. Tatapusin ko lang yun, Please. ( with pout..hehehe )

HIndi, ang mabuti pa sabihin mo na ang gusto mong sabihin kanina.

Ahh..ano, bababa muna ako, liligpitin ko lang ang mesa.

Naligpit ko na. sabi niya sabay hila sa akin. Ayan tuloy nasubsob mukha ko sa dibdib niya. 

Niyakap niya naman ako ng mahigpit. At ang bango niya ha.

Brent, hindi ako makahinga. Sabi ko, sabay kong bangon.

Then, mahiga ka ulit. sabi niya sabay bitaw sa akin.

Nahiga na lang ako. Bigla siyang tumahimik.

Can you tell it now Jen? basag niya sa katahimikan.

Hindi naman yun ano, importante.

Hindi importante pero nabubulol ka?..Tell me.

Sige na nga, ang kulit nito.

Tumahimik ako, hindi rin siya nagsasalita, pagharap ko sa kanya, nakikita 

ko sa mata niya ang paghihintay.

Tumawag ako sa'yo kanina?

Ha?

Sabi ko tinawagan kita kanina, Hmm..ano sa Hospital kaba talaga nagpunta?

Oo, bakit may iba pa ba akong pupuntahan maliban dito sa bahay?

Meron ba?

Jen naman, ano ba talaga gusto mong sabihin? Kung wala lang akong iniisip ngayon, iisipin kong nagtatampo ka dahil ang tagal kong nakauwi. nagtampo ka nga ba?

Bakit sino bang iniisip mo? Si janine?

Gotcha! So, si Janine ang pinag-uusapan natin? sabay tawa ng pagkalutong-lutong

Hindi ako nagbibiro. Huwag mo akong pagtawanan, sabi ko sabay talikod sa kanya.

Bakit naman nasali sa usapan natin si Janine? Lumipat ng higa sa harap ko.

Iwan ko sa'yo. Matutulog na lang ako.

Biglang tumahimik ang buong kwarto. Ayaw ko na rin magsalita. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito. 

Mahal ko na ba ang asawa ko? Lord, help me naman po. BAkit ang bilis naman ata?

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako. Doon lang siya nag salita at pinulupot ang isang bisig niya sa bewang ko.

I'm sorry Jen kung nasaktan kita. Hindi kasi kita maintindihan ehh. ANo ba talaga ang gusto mong sabihin?

Tumawag ako sa'yo kanina at si Janine ang sumagot. Nagsinungaling ka pa sa akin. Sabi mo sa Hospital ka pupunta.  

Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa bewang ko pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Sa Hospital naman talaga ako pumunta, inayos ko ang leave ko para sa vacation natin sa Paris.

Ehh, bakit sabi niya, nasa banyo ka raw. Namula ako sa sinabi ko. Bumangon naman siya at tiningnan ako.

Humarap ka nga sa akin Jen, sabi niya sabay hila sa mukha ko paharap sa kanya. Kung kanina mo pa sana sinabi yan. 

Hindi kana sana nagseselos ngayon. Oo, sa Hospital ako pumunta, sakto namang nandoon si Janine dala ang kapatid niyang  may sakit na katulad mo rin yata ang symptoms kaya, chineck ko muna at inirefer ko ky Doctor Santos.

So si Janine ang nagsisinungaling?

I dont think magagawa niya rin yan. Nag-usap na kami at tanggap na niya ang nangyari sa amin.-Brent

Anong gusto mong sabihin ako ang nagsisinungaling?- ako

Hindi rin, sa tingin ko nagseselos ka. In love kana ba sa akin, huh?- brent

Huwag mong ibahin ang usapan. Bakit siya ang sumagot sa phone mo ? kung totoo nga ang sinasabi mo.

Hindi ko rin alam. Naiwan ko sa opisina ang phone ko kanina. Nasa Lab kasi ako. Sigurado ka bang si JAnine yun?

Alam mo Brent. Hindi ko na gusto ang takbo ng usapan natin. Matulog na nga tayo.

Bakit? Ayaw mo bang malutas to ngayon?

AYAW KO Ng pag-usapan. Talikod effect =p

Nagseselos nga ang misis ko. Ang saya ko ngayon. Bigla na lang siyang humagikhik na parang bata.

Pwes, magsaya ka mag-isa mo. sabay pikit ko.

Bigla na lang niya akong hinila at pumaibabaw siya sa akin.

Ano ba Brent, ang bigat mo kaya. Umalis ka nga diyan.

Ayaw ko. Masaya ako kasi feel ko, Love mo na ako. I love you too sweety, very much. sabay halik sa pisngi ko. 

Bumalik na siya sa pagkakahiga sa tabi ko pero nakayakap parin siya sa akin at hinila niya ang ulo ko para makahiga sa dibdib niya. Sana ganito na lang tayo palagi. bigla niyang sabi. Ayaw ko na tuloy magtrabaho. Gusto ko andito lang  ako palagi sa tabi mo. Para maalagaan kita at Mainlove ka pa sa akin ng sobra.

Huminga ako na malalim. Bigla yatang sumakit ang ulo ko sa mga sinasabi niya.

What's wrong? may masakit ba sa'yo?- brent

Wala. Tulog na tayo.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog. Nagising ako sa ring ng phone ko.

Hello..

Jen, I'm glad gising kapa.

Niel?

Yes, kumusta ang bagong kasal?

Kumusta na? Okay na ba tayo?

I'm sorry Jen kung inaway kita. HIndi ko lang kasi matanggap na mas pinili mo si Brent kaysa sa akin.

ANong ibig mong sabihin?

MAhal kita Jen. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero mukhang hindi talaga tayo para sa isa't-isa kaya ako na lang ang lumayo. SAna makita mo ang kaligayahan mo sa kanya. At kapag sinaktan ka niya, ako mismo ang babawi sa'yo at sisiguraduhin kong hindi kana niya makukuha sa akin.

Niel, bakit?

Huwag mo ng guluhin ang utak mo Jen. Pasensya na kung ngayon ko lang to nasabi. Ngayon lang ata ako nilayasan ng katorpehan ko. Bye Jen, please take care of yourself.

Wala na. Binaba na niya. Hindi man lang ako nakapagsorry. Bigla na lang tumulo ang luha ko at tinakpan ko ang mukha ko para hindi ako mapahagulhol. Bakit ganun? ANg bigat ng nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa akin.

Jen, anong problema?-si Brent, habang pupungas-pungas na humarap sa akin.

Wala, May napanaginipan lang akong masama. Sige. Iinumin ko muna mga gamot ko.

Hindi, ako na ang kukuha.

Tumayo naman siya kaagad at kinuha ang mga gamot ko na nasa drawer at pumasok sa mini bar na built-in sa kwarto namin.

Here..sabay abot sa mga gamot ko at isang baso ng tubig.

Akala ko kung ano na nangyari sa'yo. si Brent, habang hagod ang likod ko.

Sorry kung pinag-alala kita. Amm, Brent, pwede bang punta muna ako sa dati kong apartment bukas? Kukunin ko lang yung iba kong gamit.

Sure, sasamahan kita.

Hindi na lang ako tumutol dahil alam kong hindi tanong ang sinabi niyang yun. Ayaw ko naring humaba ang usapan. Inantok ako bigla. Kaya nahiga na ako. Humiga narin siya sa tabi ko pagkatapos niyang mailagay sa side table ang baso.

Goodnight sweety! I love you. sabay yakap sa akin.

Goodnight. sagot ko

zzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzz

Unedited! Sorry poh!

avataravatar
Next chapter