webnovel

2 | Clarkson

"Kuya, I'm sure, Aldous likes you--"

"Shut up, Aliyah!" Pinandilatan niya ang kapatid. "Kanina ka pa, ha? Naiirita na ako." Tapos, pinagpatuloy niya ang pagtitipa. Nasa dining table siya noon, at gaya ng madalas niyang gawin, tablet ang gamit niya tapos sa bluetooth keyboard siya nagta-type.

Inokyupa ni Aliyah ang katabing upuan ng kaniya. "E kasi naman, Kuya, isipin mo na lang yung kanina. Talaga sinusundan ka pa niya ng tingin."

"We are customers. Sinasadya niya iyon para ma-feel niyang welcome tayo at ganahan pang bumalik. And of course, don't forget na artista siya. Ginagamit niya ang sarili niya for marketing na rin," mahaba niyang paliwanag.

Kanina, napag-alaman niyang nanalo pala sa isang artista search si Aldous about six years ago, at kasama ito ngayon sa mga in-demand leading man sa bansa. Robin was not aware of that dahil hindi naman siya nanonood ng TV o nakikibalita man lang sa social media. Actually, he would only use his social media, especially his Instagram, to share his artworks -- mostly photography or sketch na nilalagyan niya ng short poem o dagli.

"Itong si Kuya, masyadong analytical." Ngumuso pa si Aliyah.

"I'm not being too analytical, Aliyah. I'm just being realistic." Robin stopped typing. 'Ano na nga ulit ang isusulat ko?' He looked at his keyboard, trying to figure out what was that. 'Shit, pati vocabulary niya, bigla yatang naglaho.'

"Hindi nga, Kuya. Maniwala ka sa akin. Type ka ni Aldous. Nakikita ko sa mga mata niya. Iba ang titig--"

"Puta naman, Aliyah! Pwede bang tumahimik ka na?" singhal niya sa kapatid. Natahimik naman ito.

Marahas siyang napakamot ng ulo. Ito na, may writer's block na naman siya. Isa pa naman iyon sa kinabwibwisitan niyang mangyari.

Sabay silang napitlag nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto hindi kalayuan sa kanila.

"Hoy, kayong dalawa dyan, pwede bang magpatulog kayo?" masungit na turan sa kanila ng mid-30s at may katangkarang babae, ang kanilang Tita Lani. Bunsong kapatid ito ng mama nila, at sa condo unit nito sila tumutuloy.

"Sorry po, Tita," sabay nilang sabi ni Aliyah.

"Anong oras na ba? Matulog na kaya kayo? Lalo na ikaw, Aliyah. May pasok ka pa."

"Sige po, Tita. Maghihilamos lang po." Kakamot-kamot ng ulo ang kapatid niya saka tumayo.

Umismid naman ang tiya nila saka muling pumasok sa kwarto at sinara ang pinto.

"Ito kasing Aliyah na ito. Napagalitan pa tuloy kami," bulong niya sa sarili saka binasa ang sinusulat niya. Article iyon tungkol sa mga inconvenience at culture-shocking experience na naransan niya sa ilang araw niyang pagtira sa Manila. Ipapasa niya sa isang popular na Asian blogsite kung saan siya ay regular contributor.

Ipagpapatuloy na sana niya ang pagsusulat nang bigla na namang sumulpot si Aliyah sa tabi niya. May nakasabit na tuwalya sa balikat nito.

"Ano na naman ba?" pagsusungit niya rito.

"Ito lang ang masasabi ko, Kuya. Being too realistic--as you put it--is not good. Kailangan mo ring maging idealistic minsan. Besides, how could you find the love of your life if you cannot even muster up the courage to find for one. Kumakatok na ang grasya, Kuya. Isang Aldous Fortaleja pa. You should make a move."

Bumuntonghininga siya. "Pwede ba, Aliyah? Wala ka namang pruweba na may gusto siya sa akin. And I'm not even looking for a boyfriend. And I don't like Aldous. Where did you get that idea?" Yet he knew he was lying. Inggit na inggit nga siya sa mga nakikita niyang magjowa.

"Weh? Wala raw siyang gusto? Kaya pala pulam-pula ka kanina."

Tinaasan niya ito ng kilay. Alam niyang tama naman ito. Hindi lang niya gustong tanggapin sa sarili niyang kinilig talaga siya kanina.

"Ewan ko sa iyo, Aliyah. Matulog ka na nga. Tatapusin ko pa itong article ko."

"Okay. Bala ka d'yan. Kapag si Aldous nawala, wag kang iiyak ha?" Tinalikuran na siya nito.

'Kapag si Aldous nawala?' Sinundan niya ing tingin ang kapatid niyang papasok sa banyo. 'Bakit naman ako iiyak kapag nawala siya?'

And yet that thought bothered him. May punto naman talaga si Aliyah, ayaw lang niya aminin. Ramdam niyang nagka-crush siya sa lalaki the moment their eyes first met. Ang gwapo ba naman kasi nito.

Pero hindi. It was too good to be true.

Tumayo siya at humarap sa salamin na nakalagay sa gilid ng doorway ng kwarto. The mirror reflected his frail and small stature. Not to mention, napaka-haggard niya lagi tingnan. Sino ang magkakagusto sa taong ito? He was too plain for anyone, lalo na sa isang celebrity gaya ni Aldous.

Besides, kung totoo mang paminta ito, hindi naman hamak na mas gwapo ang mga lalaking nakapalibot dito sa ginalawan.

Umiling-iling siya saka bumalik sa kinauupuan kanina para ipagpatuloy ang pagsusulat.

But instead of finishing the article, iba ang tumatak sa isip niya. Iba ang nais niyang isulat. Just this once, gusto niyang mangarap. Gusto niyang isipin na baka nga tama si Aliyah. Na baka may gusto si Aldous sa kanya.

And he would write a short scene about it. Ano pa nga ba? Kaya nga minahal niya ang pagsusulat. Magagawa niyang totoo ang isang pangyayaring alam niyang hindi mangyayari sa kanya.

So he opened another document file and wrote this:

Our eyes met in full coincidental. I don't know what to do. I, after all, was a mere book nerd with horrible social skills. This was something I am not comfortable dealing with.

The moment his eyes flickered in recognition, it was a cue for me to turn away and pretend as if I did not see him. But before I could, he smiled at me, flashing those beautiful, pearly white set of teeth, and right that moment, I swore to God, I don't want this moment to end.

He crossed the distance between us, each step was making my heart beat louder.

"Hey! It's been a while. How are you?" was his words before touching my left cheek and lightly pinching it. "I have looked for you everywhere. Thankfully, you're here now."

"You are looking for me?" But why? What does this most sought bachelor in town want from someone like me, the most boring person you would ever know?

"Why not? I like you."

Robin stopped writing. Ganito… ganito sana ang gusto niyang mangyari. If Aliyah was right, then Aldous would look for him at all cost. Makikipagkaibigan ito sa kanya, at kalaunan ay aamin din.

But of course, that was impossible. Especially not with Aldous. And that thought frustrated him. So frustrating, he actually cried at that moment…

-

"SURE KA, Kuya, na ayaw mong tumambay muna sa Clarksons?" tanong ni Aliyah habang naglalakad sila sa overpass, patungo sa main gate ng UST. Tinutukoy nito ang coffee shop na pag-aari ng mama ni Aldous.

Hay ewan ko sa iyo, Aliyah. Umiling siya. "Hindi na. Saka dadaan pa tayo sa ospital, remember?"

"Maaga pa naman, oh? Past one pa lang."

Sa halip, hindi na lang niya ito pinansin.

Unfortunately for Robin, bawal siyang pumasok sa campus ng UST nang hindi nag-iiwan ng ID kaya nagdesisyon sila ni Aliyah na sa gilid na lang sila dumaan.

"Grabe naman kasi itong guard. Kasama naman kita," reklamo ni Aliyah.

Robin just shrugged his shoulders. "Yaan mo na. Policy nila iyon, e. Baka masisante pa si Kuya Guard. Kawawa naman."

Umismid na lang si Aliyah at tahimik na naglakad.

Ten minutes later, nandoon na sila sa gate sa Dapitan, sa gate papunta sa UST Hospital. Ito lang ang gate na pwedeng pasukan ng mga outsider nang hindi nag-iiwan ng ID.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya sa kapatid.

Umiling ito. "Hindi na. Kunin na lang natin ang x-ray ko." May bahid pagtatampo ang tono nito. "Saka mas gusto kong kumain ng cake sa Clarksons."

Robin just shrugged his shoulder. May plano si Aliyah, sigurado siya. Kaya ito nagpasundo sa kanya kahit half-day lang ito tuwing Biyernes. Katwiran, samahan daw siyang kuhanin ang x-ray nito sa UST Hospital, pero gustong dumaan sa cafe ni Aldous?

Dumiretso sila sa ospital. Unfortunately, nasa lunch break pa raw ang nakatoka sa pagbibigay ng x-ray. Parating na raw, sabi ng babaeng nurse na dinatnan nila sa reception desk, pero wala pa rin iyon matapos ang kalahating oras.

Napailing-iling na lang tuloy si Robin saka nagppaalam muna sa kapatid na gagamit siya ng toilet.

Medyo tanga si Robin sa direksyon. Naligaw tuloy siya at natagalan.

Pabalik na sana siya nang makatanggap siya ng text mula kay Aliyah na nakuha na raw nito at nasa lobby na ito.

Tapos muli siyang nakatanggap ng bago: 'Dalian mo kuya!!! Daliiiiiii!!!!!'

Napataas tuloy siya ng kilay sabay reply ng, Sandali. Aba, bigla na naman siyang nakatanggap ng text na pinagmamadali siya nito?

'Sasabunutan ko itong kapatid ko, e.' Iiling-iling na lang siya saka mabilis na nilakad ang patungo sa lobby.

Agad niyang nakita si Aliyah malapit sa may exit doorway. And she was not alone. May kausap itong lalaking matangkad.

Napamulagat na lamang si Robin. Aldous? Napalunok na lamang siya. Gusto niyang tumakbo palayo!

E kaso tinamaan ng magaling, biglang tumingin sa direksyon niya si Aliyah. "Kuya!" galak nitong tawag sa kanya saka sumenyas na lumapit.

Samantalang, ibinaling din ni Aldous ang tingin sa kanya, at biglang sumilay ang pamatay nitong ngiti. Robin swore his heart berserked again. Shit, bat ba ang gwapo nitong nilalang? Saktong bumukas pa ang sliding door, dahilan para pumasok ang liwanag at masilaw siya. No exaggeration. Parang nagliwanag si Aldous dahil sa nangyari.

'This should be illegal! Ang gwapo niya!'

Habang palapit ito, napalunok na lamang siya. Pakiramdam niya'y matutunaw siya sa tingin ntio kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa karga nitong bata.

The boy was cute, with his round and curious eyes. Tapos, bigla pa itong ngumiti at lumabas ang biloy nito. Tuloy, hindi napigilan ni Robin ang kawayan ito.

"Hello?" sabi pa niya sa matinis na boses. "Ang cute mo naman." He lightly pinched his cheek and patted his head.

The boy giggled. Tapos, nagpababa ito bago gumawi sa kanya.

"Karga," sabi pa nito, with his hands extended upward.

"So you like kids, huh?" Aldous said, with his lips molded to an amused smirk.

"No, I don't." Pero iyon siya at kinarga ang bata. "What's your name?" tanong niya sa bata.

"Clarkson," payak na anito saka hinilig ang ulo sa leeg nito.

"Clarkson?" kunot-noong aniya.

"Di ba, iyon ang name ng cafe ninyo?" dugtong naman ni Aliyah.

Tumango si Aldous. "Yes. Pinangalan ni Mama sa kanya ang cafe." Tapos, tiningnan nito ang wrist watch. "Anyway, I need to go. May schedule ako mamayang alas cinco. Clark, let's go." Aldous put his hands under Clark's armpit.

But the child wailed in protest. Tapos, hinigpitan pa nito ang yakap sa leeg niya dahilan para masakal siya.

"Clark, let's go. Nasasakal si Kuya Robin," sabi muli ni Aldous. Mahina nitong tinapik ang braso ng kapatid. Pero ayaw talaga nito. Siniksik pa nga lalo ang mukha sa leeg niya.

Napakamot ng ulo si Aldous. "Sorry, Robin," paumanhin naman nito. "I never saw Clark so attached to someone. And I honestly don't know how to deal with it either."

Noon lang niluwagan ni Clark ang yakap sa kanya. Then, the child poked his cheeks and giggled.

"Kuya, anong ginawa mo? Bakit nagustuhan ka niyan?" bulong naman sa kanya. "Ayaw akong pansinin niyang kanina."

"Really?" nagtatakang aniya. Tapos, hinarap niya ang bata. "Uwi na raw kayo. Bigay na kita sa kuya mo."

But hearing those, bigla na naman itong yumakap nang mahigpit sa kanya sabay sabing, "Ayaw!". He uttered an hopeless, "Oh my God!" in response. It made Aldous laugh for whatever reason, at dahilan iyon para bigla siyang matahimik at mapaiwas ng tingin sa lalaking kanina pa nagpapatorete sa kanya.

"But I really need to go." Sinubukan ulit kuhanin ni Aldous ang kapatid sa kanya, but to no success. Napakamot na lang ito ng ulo.

"Nako, love na love ka talaga ni Clark, Kuya." Humagikhik si Aliyah saka ibinaling ang tingin kay Aldous. "Ganito na lang, Kuya Aldous. If you don't mind, pwede mo namang isama si Kuya. Wala siyang gagawin."

"Hoy!" singhal niya sa kapatid. When Aliyah looked at him, a playful smirk was carved on her lips. "Mahiya ka nga."

"Pwede rin naman. Hatid na lang kita. Taga-saan ka ba?"

Gulat siyang napatingin kay Aldous. "What?"

But Aliyah interjected and expressed her approval. Sinabi pa nito ang address nila.

"Padre Faura? Nadadaanan ko naman iyan. Malate lang naman ako."

"Yun naman pala, e. Tara lets na!" masayang anunsyo ni Aliyah saka umabre-siete sa kanya. Alam ni Robin na maging ito ay hindi rin sigurado kung gaano kalayo ang bahay nito sa condo nila.

"Hoy, mahiya ka nga," bulong niya sa kapatid.

Sasagot pa sana si Aliyah, pero inunahan ito ni Aldous. "Okay lang, Robin. Wala rin tayong magagawa kung ayaw bumitaw ni Clark sa iyo," sabi naman nito. "And besides…" Umiwas ito ng tingin at nagkamot ng ulo.

"Ano?" tanong naman niya.

"Gusto rin kitang makilala." Then, Aldous's face suddenly became red.

WHAT?!

Next chapter