1 CHAPTER 1

"Santiago! Humanda ka sa'kin ngayon! Pagsisisihan mo ang ginawa mo'ng pamamamahiya sa'kin!"

Napatigil ako sa aking paglalakad palabas ng school. Lumingon ako sa kung sino ang sumigaw at tumambad sa akin ang isang baboy na nag-anyong lalaki. Agad ko naman syang nakilala. Siya ang irregular student na kaklase ko sa Database management.

"Tss. Ikaw na naman? Sayang lang pala effort ko sa paglingon. Walang kwenta." sabi ko at nagpatuloy nang muli sa paglalakad.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay biglang may humablot sa akin paharap at kasabay nito ang paglapat ng kanyang kamao sa aking mukha.

Napabagsak ako sa lupa dahil sa lakas ng kanyang pagkasuntok.

"Hindi ka lang pala gago, bastos ka pa! Ano, Santiago?! Nasa'n na ang angas mo? Ang lakas ng loob mo'ng banggain ako? E, isang suntok ka lang palang tangina ka!" sabi nito.

Nanginig ang magkabila kong balikat matapos kong marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko na napigilan pa, at kumawala mula sa bibig ko ang tawang aking pinipigilan.

"Hahahahaha!"

"Ano'ng tinatawa tawa mo dyan? Ha!" puna niya habang nakakunot ang noo na tila ba naguguluhan.

Tumayo ako habang salo ang aking tyan at pinupunasan ang luha ng mata ko dahil sa kakatawa.

"E kasi naman, hahaha! Nakiliti ako sa suntok mo'ng siraulo ka! Mas malakas pa yatang manapak sa'yo yung mga nagiging babae ko haha! Tangina kang baklang baboy ka, gan'to ang tamang pagsapak!" at binigyan ko siya ng isang puno ng pwersang suntok sa mukha. Napaluhod ito at napahawak sa kanyang panga na aking pinunterya.

Tumingin siya sa akin ng masama samantalang isang nakakalokong ngiti lamang ang iginanti ko sa kanya. Nagdilim ang kanyang mukha at walang atubili s'yang sumugod papalapit sa akin.

Muli ay inatake nya ako. Sa lakas ng kanyang kamao, nabiling ang aking mukha ngunit sadyang matatag ang mga tuhod ko kaya't nanatili akong nakatayo.

Napaharap ako sa kanya at mukhang nagulat sya dahil hindi nya ako napatumba. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking labi at maging ang pagtulo ng likido mula rito. Dinampi ko ito at tiningnan.

"Tch! Weak!" pang-iinsulto ko sabay ang pagdura sa kanyang mukha.

Pinahid ng matabang lalaki ang laway ko sa kanyang mukha sa pamamagitan ng braso niya.

"Pinupuno mo talaga ako, Santiago!" bigla itong pumalakpak ng dalawang beses at kasabay nito ang paglabas ng kanyang mga kasamahan na nasa paligid lang na siyang ikinagulat ko.

Malamang sa kanina pa sila nanonood sa amin. Marami sila at mayroong dalang mga baseball bat, tubo, malalaking bato at kutsilyo. Napalunok ako ng mamukaan ko ang mga ito— sila ang mga notorious na estudyanteng kadalasang laman ng guidance counselor's office.

"Ano ngayon ha? Sino'ng weak sa'tin? Mga bata, sugod!" utos nito sa kanyang mga kasamahan.

Tumakbo ang mga ito papalapit sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko at tumakbo na rin ako upang salubungin sila.

Malapit na kaming magsagupa nang biglang may isang babaeng sumulpot at pumagitna sa amin.

"Itigil n'yo yan!" sigaw niya. Sa boses at balingkinitan n'yang pangangatawan ay agad ko'ng nakilala kung sino ang babae. Napabuntong hininga na lamang ako. Hay, s'ya na naman.

Napatigil naman si baboy na nag-anyong lalaki o si "Piggyman" at ang mga kasamahan niya.

"Hoy, Miss! Umalis ka d'yan! Kailangan naming turuan ng leksyon 'yang hambog na 'yan!" sigaw ng isang kasamahan ni Piggyman. Isa rin sa mga kasamahan n'ya ang humawi sa naunang nagsalita at saka pumunta sa harapan at kinilatis ang dilag na nakaharang sa pagitan namin.

"Teka, kilala ko parang kilala ko siya. Si Prof. Santiago ba 'yan?"

"Si Prof nga!"

Kani-kanilang usal ng mga ito.

"Ano'ng meron dito at nagkakakagulo kayo?" tanong ng babae habang pabalik-balik ang tingin ng singkit nyang mata sa aming lahat.

"Ma'am Izee, pasensya na po. Nayabangan lang po ako d'yan sa kapatid nyo e." paliwanag ni Piggyman.

Awtomatikong humarap sa akin si Izee at pinanlisikan ako ng mata. Nagkibit balikat lang ako. Umirap siya sa akin at saka muling hinarap ang mga sanggano.

"Pasensya na rin kayo sa inasal ng kapatid ko ha? Medyo may problema kasi sya. Alam nyo na, Attitude problem? Sana maunawaan nyo. Sorry talaga." Bahagya pa niyang itinungo ang kanyang ulo.

Pero teka nga, ano'ng sinabi nya? May attitude problem daw ako?

"Sige po, Ma'am. Pero, tandaan mo 'to Steven Keith Santiago!" Tinuro pa ako ni Piggyman.

"O?" walang gana kong sagot.

"Kung 'di dahil kay Ma'am Izee, malamang sa basag na 'yang mukha mo ngayon! Tara na nga mga 'tol!" tumalikod na ang mga ito at nagsi-alis.

Humarap naman sa akin si Izee at saka pumameywang. Lagot.

"Steven! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na lubayan mo na ang pakikipag-away ha?" sigaw niya. Umalingawngaw ang matinis nyang boses sa buong lugar.

"Mga one hundred forty five times— ay mali! One hundred forty six times na pala. Hehe!" sabi ko sabay kamot sa ulo.

Namula s'ya sa inis at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan nya ang aking tainga at saka ito piningot.

"ARAAAY!"

"At ilang beses na kitang sinagip?" tanong niya.

"One hundred fo— forty three times na! Izee, ta— tama na, please?" pakiusap ko.

Binitiwan niya ang tainga ko at dumiretso na sya sa kotse. Sinundan ko sya at sumakay na rin ako.

Sinimulan n'ya nang magdrive.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Napag-isip-isip kong malaki na ang utang na loob ko kay Izee. Lagi na nga lang n'ya akong inililigtas mula sa mga kalokohan ko.

Nang makarating na kami sa bahay, bago sya bumaba ng sasakyan ay nagsalita sya.

"Steven, last na kaso mo na 'to, okay? Sawa na ako. Alam mo, kung 'di lang talaga dahil kay Papa hindi sana ako nagpakasal sa 'yo. At kapag gumawa ka pa ng panibagong kalokohan, tandaan mo 'to, no matter what my Dad and your Dad will say to stop me, I'll still file a request to annul our marriage." sabi nito at saka tuluyan nang lumabas ng kotse.

Tama ang nabasa n'yo. Siya si Izee Jairel Santiago. Kababata ko sya, guro at "kapatid". Kaedad ko lang sya pero dahil sa angking talino niya, mabilis syang nakapagtapos ng pag-aaral at ngayo'y professor ko pa sa aming unibersidad.

Ako naman si Steven Keith Santiago. 20. Ang kababata, estudyante, "kapatid" ni Izee at ang tinaguriang red-haired troublemaker ng St. Martin University.

Iyon ang alam ng karamihan— na magkapatid kami kaya sa iisang bubong kami nakatira pero ang totoo ay mag-asawa at ikinasal na kami dahil na rin sa hiling ng aming mga ina bago sila namatay noong nakaraang taon.

avataravatar
Next chapter