3 Kabanata 3

His POV

               Bigla ang pagbuhos ng malakas ng ulan at kaagad na bumaha ang dinaraanan ko. Lumikha ito ng mahabang trapik at na-stranded ang karamihan ang mga sasakyan, kasama na ang akin.

               Inoobserbahan ko ang takbo ng panahon at tingin ko ay matatagalan ang pagbuhos ng ulan. Ang lalaki pa naman ng patak. Naisip kong huwag na lang munang umuwi. Ibinuwelta ko ang sasakyan ko sa isang intersection road kung saan doon ang daan ay tabi-tabing mga restaurant at mga maliliit na hotel.

               Bagamat malakas ang ulan. Medyo mababaw lang ang bahang nagpile-up sa lugar na 'yun kung kaya nagawa kong mai-park ng maayos ang aking sasakyan sa harapan ng pinakamaliit na hotel na nakita ko. Kaagad akong nag-check-in sa nasabing hotel at dumiretso sa shower room para maligo.

Arci POV

               Kinakabahan akong lumabas sa kwarto para tunguhin ang restaurant area ng club. Kahit na malakas ang ulan ay dinagsa pa rin ng mga kustomer ang restaurant. At hindi ko akalaing ganito pala ang magiging trabaho ko. Para kaming hostess na magsisilbi sa mga kalalakihan. Tapos, ite-table kami at may komisyon kami sa bawat drinks na iinumin ng lalaki.

               Nagtungo kami sa isang kwarto na ang dinding ay pawang salamin at buhat doon ay natatanaw kami ng mga kustomer. Ilang mga kasama ko ang naitable at lalo akong inatake ng kaba. Tinatago ko ang aking mukha para hindi ako makita ng mga kalalakihan. Ngunit hindi epektibo ang aking pag-iwas. Maya-maya ako ang napili ng isang kustomer.

               "Natatakot ako," sabi ko kay Lian.

               "Lakasan ng loob ito, Arci. Sa una lang magiging  mahirap. Pero kapag nakasanayan mo na, ma-e-enjoy mo na rin ang trabaho."

               "Ano ba, Arci? Ang tagal mo! Bigtime kustomer pa naman ang nakapili sa'yo!" nanggigigil na sabi ni Madam Em. Sa lakas ng sigaw nito ay natakot ako sa kanya kaya napabilis akong lumabas.

               Isang matabang lalaki na malayo pa ay nakangisi na nakatigin sa akin ang nag-aabang. Parang asong gutom ang tingin ko sa lalaki habang pinagmamasdan ang katawan ko.

               "Bago lang 'yan, Mr. Villarama. Ikaw pa lang ang bwena mano."

               "Magbabayad ako ng malaki para sa kanya." Nakangising sinalubong ako nito at kaagad niyang hinawakan ang baywang ko.

               "Bakit po kayo nanghahawak?" sita ko.

               "Wala ka pa talagang eksperyens, 'no? Pumapalag ka pa. 'Yan ang gusto ko." Muli niya akong hinawakan. This time, sa kamay at hindi ko magawang makawala. Hinila niya ako at dinala sa isang table.

               "Huwag kang pumalag. Magpakabait ka lang. Mabait ako. Bibigyan kita ng tip. Basta magpakabait ka lang. Sige, umorder ka ng maraming drinks para malaki ang porsyento mo." At agad niyang hinawakan ang dibdib ko.

               "Bastos!" sinampal ko ang kamay ng lalaki at tumayo ako.

               "Bastos kang manyakis ka! Napakabastos mo!" at bago nakakilos ang manyakis ay suntok ang pinadapo ko sa mukha niya. 

               "Help! Help! Sinuntok ako ng babae!" hingi niya ng saklolo.

               Kaagad na rumisponde ang mga gwardiya sa club. Tumakbo ako para tumakas ngunit naharang ako ng mga tauhan sa restaurant pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Dahil yata sa takot ko na mahuli ako ng grupo at mapagalitan kay Madam Em ay parang palos na nalusutan ko ang mga humahabol sa akin.

               Walang lingon-lingon na pagtakbo at tumawid sa kabilang kalye. Paglingon ko ay nakasunod pa rin ang mga humahabol sa akin. Mabilis akong lumiko sa isang intersection road at pumasok sa unang establishment. Nabigla pati ang mga tao sa lugar na 'yun dahil dire-diretso ako sa loob at umakyat sa second floor.

             "Hoy, Miss! Bawal diyan!"

               Sa second floor ay maraming mga kwarto. Binuksan ko ang unang pinto. Naka-lock ito. Ganoon din ang katabing pinto at ang iba pang pinto. Maya-maya ay nakaramdam ako ng mga yabag na papaakyat. Siguro ay ang mga tauhan ng building na pinasok ko.

               Hopeless na nagbabakasakali akong pihitin ang door nob ng huling pinto at muntik akong mapatili ng mabuksan ko ito. Hingal na hingal ako na ini-lock ang pinto.

               Sa labas, dinig na dinig ko na may nagtatalo-talo habang hinihintay na umalis ang mga 'yon. Maya-maya ay narinig ko ang papalayong yabag ng mga humahabol sa akin. Hinihingal akong napaupo sa kamang nandito.

               Mabuti na lang at naiwanang bukas ang pintong ito. Kung nagkataon ay baka napahamak ako. Nauuhaw ako kaya binuksan ko ang refrigerator at kumuha na canned softdrink. Dire-diretsong ininum ko 'yun. Naupo ulit ako sa kama at pabalibag kong inihagis ang basyo ng softdrink sa trash can.

               Napagod ako sa pagtakbo at lalo akong nanghihina sa kaba kung paano ako makakalabas sa lugar na ito. Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo ng kwartong ito. Napatili ako ng lumbas ang isang hubad na lalaki na nakatapi lang ng tuwalya.

               "Sino ka at ano ang ginagawa mo rito?" gulat na gulat na tanong ng lalaki sa akin.

               "D-Dito po ako nagtatrabaho, Sir. Baka po may iuutos kayo," pagsisinungaling ko.

               Lumapit ito sa akin. Naipit ako sa dingding nang ilagay ng lalaki ang dalawang kamay niya sa dingding. Pinagmasdan niya akong mabuti.

               "At ano ang trabaho mo rito?" nakangising tanong niya.

               "W-Waitress."

               "Waitress? Niloloko mo naman ako eh. Meron bang waitress na ganyan ang suot?"

                "Sa palagay ko ay alam ko na ang trabaho mo. Magkano?" tuloy niya.

               "Huh? Nagkakamali ka!" Lumusot ako sa pagkakakulong sa bisig ng lalaki.

               "Ano 'to? May foreplay pa? Ibang klase ka rin, ah. Parang gusto mong maghabulan pa tayo."

               Tinangka kong buksan ang pinto pero humarang siya. "Please. Nakikiusap ako sa'yo. Pakawalan mo na ako."

              "Naiintriga ako sa style mo, Miss. But I like it. Natsa-challenge ako." Tinangka niya akong halikan pero tinuhuran ko siya.

              Namilipit sa sakit ang lalaki. Kaagad ko namang binuksan ang pinto para tumakas nang mamataan ko na parating ang mga humahabol sa akin at may kasama pang pulis. Bumalik ako sa kwarto at inilock ang pinto.

               "Please nakikiusap ako sa'yo. Huwag mo akong ibibigay na kanila." Sabi ko sa lalaki. Bago pa ito makapagsalita ay tumakbo ako sa banyo.

 His POV

               "May hinahanap kaming babae na nakabistida ng maiksi at kulay pula. Hanggang mahaba ang buhok. Medyo matangkad at balingkinitan ang katawan," sabi ng pulis.

               Tumutugma ang deskripsyong 'yon sa babaeng nandito sa kwarto. "Wala akong nakitang babaeng ganyan dito. Bakit po? Ano ba ang atraso ng hinahanap ninyong babae?"

               "Nagtatrabaho siya sa club ko. May kustomer siya, matapos na kunin ang pera nito bigla na lang niyang tinakasan," sumbong ng isang babae na kamukha ni Aling Dionisia.

               "Gano'n ba? Hayaan ninyo at kapag nakita ko ay itatawag ko sa ibaba." Matapos kong idispatsa ang mga kausap ko ay kinatok ako ang babae sa banyo pero ayaaw nitong lumabas.

               "Kapag hindi ka lumabas diyan, ituturo kita sa kanila!" papanakot ko.

               Tahimik lang ito. Sinimulan kong bilangin ang babae. "Isa..... dalawa.... tat-..."

               Bumukas ang pinto ng banyo at muntik pa siyang mangudngod. "Pakipot ka pa, 'yon pala ay sa club ka naman nagtatrabaho."

               "N-Nasaan sila?"

               "Umalis na. Pero nagsabi ako sa kanila ba ituturo kita kapag nakita kita."

               "Gagawin mo 'yun?"

                "At ano ang gusto mong gawin ko?"

               "Huwag ka ng magpakipot. Alam mo na ang ibig kong sabihin."

Warning.....

Arci POV

               Patulak na inihiga ako ng lalaki sa kama. "Let's have fun, baby. Pero bago yun, magkano ba talaga ang rate mo?" tanong ulit nito habang pigil na pigil ang mga kamay niya.

Warning....

Warning...

Warning..

Warning.

               "Ayoko! H'wag!"

               "Parang totoong-totoo 'yang pagtatanggi mo, ah. Sorry ka na lang. Huli na kita. Tinakasan mo naman 'yong kustomer mo e, ako na lang ang harapin mo."

               "Ayoko sabi!" palag ko. Pero parang hindi ako narinig na lalaking ito. Bigla siyang pumaibabaw sa akin at saka niya ako hinalikan sa labi. Pakiramdam ko ay bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa buo kong katawan sanhi ng mga halik na 'yun.

               Ganito ba ang halik? Parang nakakahilo ang parang nakakalasing? Unti-unting ginigising ang damdamin ko na wala pang kamuwang-muwang sa ganitong bagay. Pero hindi ko kayang i-resist ang desire na unti-unting nabubuhay sa aking katawan ng mga oras na ito. Ang pagtutol ay naging isang pagsuko.

               Nawalan na ko ng lakas na tutulan ang lahat ng nagaganap. Lalo na nang madama ko ang kamay ng lalaki sa maseselang bahagi ng aking katawan. Bahagya akong napaungol at hindi na nagawang maisatinig ang pagtutol ng agad niya akong hubaran.

               Ang mga sumunod na pangyayari ang hindi ko na kayang kontrolin ang aking damdamin. Naganap ang isang bagay na hindi ko inisip na mangyayari sa isang pagkakataong hindi sinasadya at hindi inaasahan. 

               Nagawang mawasak ng hindi ko kilalang lalaki ang aking pagkababae. Kung na-bother man ang isip ko, higit ang lalaking nakapaibabaw sa akin.

               "Oh, no! You're still a virgin!"

***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***

avataravatar
Next chapter