5 Chapter 5

Chapter 5

"I don't know what's gotten into you, bakit mo ginawa 'yon?"

Tanong ko habang naglalakad sa hallway sa school namin, mabuti nalang at ang iilang department tulad sa amin ay wala ng pasok kanina lang. Kaya hindi na ako mamomoblema na may makakakita sa amin, though he's wearing his black cap at mask tulad noong unang kita namin pero naka-hoodie lang ito.

"How many time I've told you, hindi ko siya sinasagasaan." madiin nitong sabi at naramdaman kong una na itong naglakad.

Napabuntong-hininga ako at tumakbo ang haba naman ng paa ni Nate hindi ko kaagad maabutan. Pumunta ako sa harap niya at agad itong huminto, tinignan niya pa ako ng masama. Nako, 'kong hindi ko lang 'to mahal sinapak ko na 'to ng bongga.

"Sabi ko I'll lead the way—" napahinto ako sa aking sasabihan ng may isang malaking kamay ang sumakop sa mukha ko. Ang bango.

"Shut up, saan ba ang kasama mo ha?" tumaas ang kilay nito ng maibaba na niya ang kaniyang kamay.

"Wala siya dito—"

"Edi shut up." aniya at unang lumakad. Tinignan ko ito ng masama, kanina niya pa ako binabara.

Maya-maya ay napangiti ako habang tinignan siyang nag-iisang naglalakad. May pa-shut up pa itong nalalaman ha? Alam niya kaya ang daan?

Unti-unti na itong lumayo at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng huminto ito at tinignan ako. "What are you waiting for?" he's already frustrated, ayt? How cute!

Tumakbo ako papunta sa kaniya na may ngiti sa mukha, tagumpay ako. Sana nandito si Kyla para makita ang mukha ni Nate y. Pero sadly, may lakad ito kasama si Axel. But it's a blessing in disguise, dahil solo ko ngayon si Nate.

Nang nakarating na kami sa kabilang building kung saan naroroon lahat ang mga office sa mga department. Kumatok muna ako sa pintuan ng accountancy dean at pumasok.

"Ateng!" gulantang ang mukha ni Maria ng makita ako, napatayo ito at niyakap ako ng mahigpit.

Tumawa ako ng mahina at niyakap din siya pabalik, siya ang unang bumitaw at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Ano ginagawa mo dito? Hindi ka naman tinawag ng dean ah?"

Ngumuso ako at senenyas na may kasama ako sa likuran. "Nandiyan si dean?"

Tumango ito at iginaya ako sa pintuan sa office ni dean, sumulyap muna ito sa kasamahan ko at kumunot ang noo.

"Pogi siya?" bulong nito sa akin.

Ngumuso ako at pilit pigilan ang ngiti. Nakita ko na lumawak ang ngiti nito at niyugyog ako. "Oh my, Di."

Napalayo si Maria ng sumagot si dean sa loob. Tinignan ko si Maria na nakangiti na sa amin. "Student Assistant duty." sabi nito bago lumayo at bumalik sa kaniyang gawain. She's ahead of me, at skolar ito sa school namin dahil sa pagiging student assistant and she's really nice.

"Bagay kayong magkaibigan, pareho maliliit." bulong nito sa akin kaya tinignan ko ito ng masama.

Ano ba ang pinagsasabi nitong lalaking 'to? Akala ko isang good guy, pero maling akala. Kapag kumakanta, parang isang anghel pero kapag nagsasalita parang demonyo.

Pumasok kami sa loob at nakita ko si dean na naka-upo habang nagbabasa ng mga papel. Halata kay dean na me-edad na 'to dahil sa mapuputing buhok pero kung kumilos ay parang isang binata dahil laging sumasali sa aktibidad sa school na animo'y isang estudyante.

"Nathan!"

Napahinto kami ni Nate at parang naestatwa dahil sa sinabi nito. Does he know?

"Ms. Andres, ikaw muna ang bahala sa enrollment niya. Madali lang naman, ibibigay mo lang 'to sa registrar." may inilahad sa akin si dean na isang folder sa kaniyang harap.

Nagtatakang tinanggap ko ito at tinignan siya. What's happening? Tinignan ko din si Nate na tinignan ako na parang walang alam din sa pangyayari.

"Sir?"

Ngumiti ito. "Don't worry, tinawagan na nila ako. Ikaw muna bahala sa enrollment niya, nandiyan na sa loob ang kinakailangan."

Bumuga ako ng hangin at tinanggap ang bigay niyang folder. Ano pa ba ang magagawa ko? Tinanggap ko ang offer ni sir Harold at ito ako ngayon, nagpakahirap sa mga gawain ni Nate.

But my other side of me, hindi maitago ang aking kaligayahan. Makakasama ko din sa wakas si Nate! My one and only love of my life.

"Kakausapin ko muna si Nate. You may now go, Ms. Andres. Kakausapin din kita mamaya."

Tinignan ko si Nate at kita ko sa mata nito na may sasabihin pero hindi ko maintindihan ano ang ibingay niyang tingin sa akin. Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam at nagpaalam kay dean na lumabas.

Nang nasa hallway na ako ay wala na talagang tao pwera nalang sa isang janitress sa tabi na nag-momop. Napabuntong-hininga ako, should I really take this risk? To become a singer one day?

"Nate here, got into a serious scandal—"

Tinignan ko na may panunuya si Nate at kitang-kita ko na tinignan niya ako ng masama ng mapansin ang tingin ko. Ano bang scandal? Doon ba sa video na may higaan...

"Not that scandal, Diana." Sir Harold is frustrated because of his tone at hinihimas pa nito ang kaniyang ulo na parang sumasakit.

"First, dahil nakita kang may kahalikang iba Nate. Not just one but many girls!"

Ngumisi si Nate at umayos ng upo sa couch. "Well, sila ang nakakarandapa sa akin."

Napabuntong-hininga kami pareho ni sir Harold. Wala na ang iilang myembro sa loob at si Kyla kundi kami nalang tatlo. Sir Harold needs my help kapalit nito ay ang pagiging artist ko under ni sir.

"Second, may nabangga ka."

Yes, naalala ko noong hinabol kami nina sir Harold at may nabanggang babae sa aming harapan. Nasa hospital na yata ang babae dahil sa natamo.

"That dumbass girl? Nah. She's playing dahil hindi ko daw siya hinalikan kaya nag-iinarte. She kept following me at pumunta pa sa harapan ng sasakyan ko at nagpapanggap ng nabangga ko siya." paliwanag nito.

"At simpleng pinagawa ko lang sayo, hindi mo pa nagawa. Pinapunta kita sa ospital para maghingi ng tawad pero sinapak mo. Forsake Nate! Babae ang sinapak mo!" hysterical na yata si sir Harold dahil namumula na ang mukha nito at may ugat ng lumalabas sa kaniyang leeg.

Tinignan ko si Nate, ganon ka ba talaga, Nate? Akala ko...

"Because, she's a lunatic. Bigla niya lang akong hinalikan sa loob ng room."

"Kahit na, Nate! Nakuha lahat ng mga reporters or paparazzi whatever ang ginagawa mo at sirang-sira na ang reputasyon mo." he's really mad. Nakakatakot na siya.

"And right now, you need to become a student at ipapakita uli sa mga tao na mali ang iniisip nila. Show them the good Nathan. Clean the mess you've started." ani sir Harold at tinignan ako na kanina pang nakatingin sakanilang dalawa.

"And you have to listen to Diana. She's the only one you've got."

Can I really do this? Parang nag-aaway ang utak at puso ko ngayon. My heart says yes. Pero may pinanghahawakan din ako. A person.

"Soon, 'yon ang sagot ko. Wait for me, kilala mo na sarili mo."

Hindi ko alam if kilala pa niya ako, paano kami unang nagkakilala. I've kept a promise, I will always be a fan girl to them, to him. Patay na patay na nga yata ako sakaniya. I will do everything to be close with him, always a fan girl to him.

"Diana, why a long face?" asar sa akin ni Gabriel na kakalapit lang sa akin. Nakahawak na ito sa kaniyang bag at alam kong kakatapos lang ng klase niya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nakakapagtataka kasi na nandito siya sa registrars office at malayo naman ang engineering building niya.

"Susunduin sana kita para ihatid sa practice mo." aniya at ngumiti.

I can feel my eyes sparkle with joy pero agad din nawala dahil may gagawin pa pala ako.

"I'm sorry, Gabe. Pero may gagawin ako ngayon." I want to, pero it's about Nate.

"Ano ba 'yan? Tulungan kita?" sinabayan niya ako sa paglalakad patungo sa registrar's office.

"Enrollment." simpleng sagot ko sakaniya at ibinigay ang folder sa matandang babae na nasa loob ng office na may pagitan sa amin na salamin.

Narinig ko ang pagkatok nito sa salamin kaya napatingin ako roon.

"Nakatanggap na ako ng tawag. Ito na ang ID niya, Ms." aniya at ibinigay sa akin ang ID at isang papel, ang dali naman yata? Iba talaga kapag exclusive. Naramdaman ko pa ang lamig nang natanggap ko ang ibinigay niya. Nakakainggit, gusto ko pumasok sa loob dahil sa aircon.

Napatingin ako sa ID at hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita. Ang cute ni Nate dito, saan kaya ito nakuha? Naka-uniporme na ito gaya sa amin kaya nakakaoagtataka, saan kaya siya nag picture nito? Ang inosente din niya tignan sa picture.

"What the? Ganiyan ka na ba ka-obssesed sakaniya? Pati ID ginawan mo na?"

Hindi ko naramdaman na nakalapit na sa Gabriel sa akin kaya napapitlag ako at lumayo sakaniya.

"Ano ba! Nakakagulat ka naman." hawak ko ang aking dibdib at tinignan siya ng masama.

"Baliw ka na, Diana." umiling-iling ito na tila parang na disappoint sa ginawa ko.

Ngumuso ako at sinapak siya. "Come, para makita mo na hindi ako baliw. But don't tell anyone."

Hinigit ko ito papunta sa dean's building. Senenyas ko ito na diyan lang siya sa labas baka 'kong ano pa iisipin ni dean at ni Nate na may dinala ako lalo na this mission is a top secret. Pero ang bobo ko din dahil sinabi ko kay Gabe.

But Gabe is really intelligent, maghihinala ito at malalaman din niya. Wala namang masama yata na nakakaalam siya diba? He is my bestfriend. Especially alam din naman ni Kyla na bestfriend ko rin.

Bubuksan ko na sana ang pintuan pero naramdaman ko ang pagpihit nito kaya napaatras ako sa gulat ng lumabas si Nate na wala nang suot na cap at mask.

"Nate!" gulat kong sambit ng tumitig ito sa akin.

"Let's go." matigas nitong sabi at bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Aawat pa sana ako pero biglang pumagitna sa amin si Gabriel kaya hindi ko mapigilang mapatuptop sa aking bibig sa gulat. What the hell, Gabriel? Ano ba ginagawa mo?

"Gabriel, ano ba?" bulong ko nito at pilit hinihila pero nakita kong nagkatitigan lang sila ni Nate na para bang naghahamon ng away.

"What do you want?" Gabriel said in a slow but furious tone.

"Well, wala kana 'don. Out of my way. I'll get my girl." hinila ako ni Nate kahit nakapagitna sa amin si Gabriel pero pinigilan uli ni Gabe si Nate sa papamagitan ng paghawak sa kabilang braso ko.

What the hell is happening?

----

#TeamGabriel

#TeamNate

Sino ang iboboto niyo? HAHAHAHAHAHHAA. Anyways happy reading!

avataravatar