webnovel

Prologue

"Hmmm... " Huminga ng malalim si Sam habang pikit matang ninanamnam ang dampi ng malamig na panggabing hangin sa dalampasigan.

"I wish I can stay in here forever. Sobrang ganda dito. I can't believe they're selling this paradise." aniya sa sarili kasabay ng paghakbang ng kanyang mga paa palusong sa dagat.

Bahagyang umupo si Sam sa medyo mababaw pang bahagi ng tubig kasabay ng pagyakap sa kanya ng malamig na tubig-dagat.

"Oh hell! Bakit ka umulan bigla?" reklamo n'ya ng maramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan sa kanyang ulo.

"Kanina lang ang ganda pa tingnan ng buwan at mga bituin ah." naiiling na tumayo at naglakad pabalik sa dalampasigan si Sam. Ngunit kaagad ring napahinto ng makarinig ng mga hikbi at sigaw sa 'di kalayuan.

"Why?! Why did you have to leave me like that? I gave you everything! I've choosen you over anything!" malakas na sigaw ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi.

Napailing si Sam sa narinig. "Guess I already knew why it rained. May isa na namang sawing-pusong napadpad sa paraiso."

"You can't find someone better than me, you fool!"

"Yeah, he will. Lalo na kung ganyan ang ugali. Sobrang bilib sa sarili." komento n'ya.

"Babalik ka rin sa akin! And whenever that happens you'll end up crying until it sucks! Fuck you!" sigaw ulit nito.

Lalong nacurious si Sam sa sumisigaw na babae. "Katuwa naman 'yong accent n'ya. But she's a badass. Iniwan na nga s'ya nagawa n'ya pang mangthreaten. 'Di ka babalikan n'yon uy! Tanga na s'ya 'pag ginawa n'ya 'yon. Tingin ko kasi sa'yo feeling maganda ka lang, over-confident, controlling and a freak kaya ka iniwan. He won't leave you for nothing." hindi n'ya maiwasang magkomento habang hinahanap ang pinanggagalingan ng sigaw.

"I hate you, Dave! I really hate you!" mahinang sigaw ng babae habang nakayuko at may hawak na bote ng alak.

Naistatwa si Sam sa kinatatayuan ng makita ng malapitan ang babae.

"Gorgeous. " mahinang sambit n'ya habang nakatanaw dito mula sa 'di kalayuan.

Magulo ang mahabang buhok nito, walang pakialam kahit nakikita na ang kakinisang tinatago nito sa nakalilis nitong palda. At kahit nakaside view lamang ito ay kita ang kagandahan ng mukha nitong hilam sa luha at balot sa kalungkutan.

"Minahal naman kita ah! Bakit mo ako ginanito?" ani'to habang nakatitig sa kawalan at wari'y hindi nito napapansin ang presensya n'ya.

Gustong batukan ni Sam ang sarili sa pinagsasabi n'ya kanina. Lahat ng judgment n'ya sa babae ay gusto n'yang pagsisihan. Wala sa mukha nito ang lahat ng nabanggit n'yang kapintasan.

"Sana ako nalang s'ya." nagulat si Sam sa nasabi n'ya. Hindi n'ya alam kung bakit parang may kumurot sa puso n'ya ng mga sandaling 'yon. Nakaramdam s'ya ng awa sa babae. Gusto n'ya itong yakapin. Gusto n'ya itong iuwi at alagaan. Pero bakit n'ya gagawin? Ni hindi n'ya ito kilala at hindi rin s'ya kilala nito.

"Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita minahal!" anas nito kasabay ng mga hikbi.

Humakbang s'ya palapit sa babae. Hindi n'ya alam kung bakit pero may pwersang tila tumutulak sa kanya para lapitan ito. "Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Magsosorry ba dapat ako? Eh hindi naman n'ya narinig ang mga pinagsasabi ko tungkol sa kanya kanina. Bahala na nga! Kailangang lapitan ko s'ya. Kailangang damayan ko s'ya."

"Babe!" sigaw mula sa likod ni Sam.

Napatigil si Sam sa paglalakad ng marinig ang boses na 'yon. Lumingon ang babae sa dako ni Sam at sandaling nagtama ang paningin nila. Lalong hindi nakahuma si Sam sa nakita nitong kagandahan. Gorgeously seductive and alluring but innocent all at once. Dyosa ito sa paningin ni Sam.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah! Hali ka na nga! Bumalik na tayo sa hotel."

Mabilis na nakalapit ang girlfriend nito sa kinaroroonan n'ya. Walang sabi-sabing hinila nito si Sam palayo sa babae. Wala na s'yang nagawa kundi ang magpatianod.

Bahagyag nilingon ni Sam ang babae ng makalayo na sila.

Nakatutok na ulit ang mga mata nito sa kawalan.

"I wish I was him. Hinding-hindi kita sasaktan."