25 Chapter 23 - White Tulips

Chapter theme: The Sun - Pika

Gabriel

Natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.

Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Kaya ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly.

"You really love her," yun lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.

My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito.

I adore her so much, but knowing that she's the same person who caused us some great pain still breaks my heart. I can forgive her. If time heal all the scars in our hearts.

"Stella went back to U.S. Dinala na siya ng parents niya doon para doon na magpagamot," mom informed me breaking the awkward silence that was engulfing us.

I feel a little guilty, somehow. I'm one of the reasons why Stella succumbed to her depression. She was blinded by her too much love for me that she forgot about herself. Sana balang araw, maging maayos na siya ulit at matutunan niyang mahaling muli ang sarili niya. I hope she would realize that there's more to life than settling to some unrequited love. There's so much more to life than love. I wish her nothing but to find real happiness that she deserves.

"Is Kelly mad at me? Maybe she hated me so much," masuyong sambit ni mommy dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.

"How is she?" she asked.

"Paunti-unti, nagiging okay na ang lagay niya." tipid kong sagot.

Tila nakahinga naman si mommy ng maluwag. Her eyes filled with tears and the expression on her face soften. "P-Pwede mo ba akong ihingi ng tawad sa kanya?" sambit niya. Ramdam ko ang labis na pagsisisi sa himig ng boses niya.

And for a moment, I saw the loving mother that I once knew. I smiled sweetly at her which she returned with the same amount of sweetness.

"Mas matutuwa si Kelly kung bibisitahin mo siya at ikaw mismo ang hihingi ng tawad sa kanya," malumanay kong tugon.

I saw her flinched for a moment. There's a bit of doubt in her eyes. Saglit siyang nanahimik para makapag-isip. Then I heard her take a deep breath before she nods her head slowly, tanda ng malugod na pagtanggap niya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa amin.

*****

Kelly

Hindi ko maawat ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang suot kong singsing sa daliri ko. Parang kailan lang ng magkabalikan kami ni Gabriel, tapos ngayon engage na kaming dalawa. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, para akong nananaginip pa rin.

"Matunaw yan."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si kuya. Pinatay niya ang nakabukas na t.v sa sala dahil hindi naman ako nanunuod. Umakbay siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Para niyang sinusuri ang singsing ko.

"Diamond ba 'yan? Sanla natin kapag gipit tayo," he smiled sheepishly. Sa inis ko sa kanya, naitulak ko siya ng malakas dahilan para mahulog siya sa sahig.

"Mommy! Si Kelly, nananakit na!" malakas na sigaw ni kuya na parang batang nagsusumbong.

Sumilip naman agad si mommy mula sa kusina, kasama niya si Janice. Magkatulong kasi silang nagluluto ng dinner.

"Ja, help." Daing pa ni kuya sa girlfriend niya. Tumawa lang ito nang makita si kuya na hinihimas ang pwet niya habang nakaupo pa rin sa sahig, pagkatapos bumalik na ulit sila ni mommy sa ginagawa nila.

"Aww. Hindi pinansin ng girlfriend," pang-aasar ko pa kay kuya. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya binelatan ko siya.

"Anong oras daw uuwi si Gab?" pag-iiba na lang niya ng usapan. Umupo siya ulit sa tabi ko at inakbayan na naman ako.

"Baka parating na 'yon," I replied not averting my eyes on my ring. "Kuya, mauunahan pa ata kitang ikasal." sambit ko pa.

Malalim naman siyang napabuntong-hininga kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Dalaga ka na talaga. Parang kahapon lang bata ka pa. Ang hilig hilig mo pang sumakay sa likod ko. Kung pwede nga lang itago kita at huwag na ibigay kay Gab, ginawa ko na." he chuckled.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko na may suot na bonet. "Thank you, kuya. For always protecting me. Sobrang swerte ko dahil ikaw ang naging kuya ko," I whispered.

"Kaya dapat lang alagaan ka talaga ni Gabriel gaya ng sobrang pag-aalaga ko sa'yo," nagmamalaking sambit niya. Napangiti na lang ako.

He's not only a brother to me. He's my bestfriend and my protector.

Bigla namang tumunog ang door bell kaya agad na tumayo si kuya para buksan ang gate. Baka si Gabriel na 'yon. Nagpaalam kasi ito kanina na uuwi muna siya sa kanila para hingin ang blessing ng mommy niya. Sana naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila.

Ilang sandali pa, bumalik sa sala si kuya kasama si Gabriel. Napatayo ako para salubungin siya pero laking gulat ko nang makitang may iba pa silang kasama. It was Gab's mother.

Nakaramdam ako bigla ng tensyon sa pagitan namin. Halos mahigit ko ang paghinga ko. Palipat-lipat ang tingin ko kay Gab at kay kuya gamit ang mga nagtatanong kong mata. I saw them nod as if telling me that everything's okay.

I turned to Gabriel's mom. May matamis siyang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan niya lang ako.

Bahagya akong napaatras nang subukan niyang lumapit sa akin. Agad di namang natunaw ang lahat ng alinlangan ko nang marinig ko ang bukal sa loob na paghingi niya ng tawad. Sinubukan niya pang lumuhod sa harapan ko pero pinigilan ko siya. Nakita ko pa ang pagluha niya bago niya ako tuluyang yakapin.

Sa sandaling 'yon, hindi na namin kailangan ng kahit ano pang salita. Sapat na ang init ng yakap niya para maramdaman kong labis na niyang pinagsisisihan ang mga nagawa niya.

Wala namang taong perpekto, lahat nagkakamali. May mga pagkakataon sa buhay natin na nakakagawa tayo ng bagay na makakasakit sa mga tao sa paligid natin. Ang mahalaga, matuto tayong lahat mula sa mga pagkakamaling 'yon. There's no need to beat ourselves because of that mistakes. Tao lang tayo. We must all learn to forgive and move on.

And after that day, I felt like the sun is shining on its brightest in our world.

*****

Ilang linggo pa ang lumipas, naging abala kami parehas ni Gabriel. Abala siya sa pag-aasikaso sa kasal namin with the help of my friends, samantalang ako naman ay abala sa pagchechemo at pagpapalakas sa katawan ko.

Madalas sinamahan pa nga ako ng mommy ni Gab sa ospital. Sa pagdaan pa ng mga araw, nagiging malapit pa kami lalo sa isa't isa.

Tila inulan kami ng mga magagandang balita dahil nakalabas na rin ang papa ni Gab sa ospital. Paminsan-minsan, dumadalaw din ako sa bahay nila Gabriel. Umuwi na rin kasi siya sa parents niya at bumalik na rin siya sa company ng papa niya. Lahat nagiging maayos na talaga para sa amin.

Until our wedding day arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa.

"Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.

Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down her face while admiring me in my white knee length dress.

"You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.

I quickly raise my hands to wipe her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha.

"Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a warm hug. "I love you, mom."

"I l-love you so much, bunso. Mahal na mahal ka namin. Wala kaming ibang hangad kundi makita kang masaya."

"I'm happy, mom. No, scratch that. I am the happiest. I have you and kuya. I have a loving and loyal friends. I have Gab. I have the strongest support system. Wala na akong mahihiling pa." I whispered fighting back my tears.

Bago pa man kami mag-dramahan, niyaya na kami ni Danika sa baba. Natawa ako dahil nadatnan ko si kuya na nakatayo sa sala habang naghihintay sa amin, umiiyak din siya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Kuya, ikakasal lang ako. Hindi naman ako ilalayo ni Gab sa inyo," natatawang wika ko.

"H-Hindi ako umiiyak." tanggi niya pa. Naririnig ko naman ang pagsinghot-singhot niya.

"I love you, kuya. You will always be the number 2 guy in my heart." Nakatingala kong sambit. I saw him frowned. He looked at me with confusion in his eyes.

"Bakit number 2 lang? Si Gab ba ang number 1?" may pagtatampong tanong niya.

Umiling ako. "Syempre si daddy pa rin ang number 1. Kaya number 2 ka lang."

Malapad naman siyang napangiti. Akmang guguluhin niya pa ang buhok ko but Danika reminded her that I'm just wearing a wig. Baka magulo ang ayos ko. Sayang naman effort niya mag-ayos sa akin.

Ilang sandali pa, nagpunta na kami sa venue ng kasal. My heart was delighted to see everyone was there to witness the precious moment in our lives. Naroon na din si Gabriel na mukhang excited na rin. Hindi na mawala pa ang ngiti niya sa labi nang ibigay sa kanya nina mommy at kuya ang kamay ko.

"A-Alagaan mo ang anak ko, ha." malambing na bilin ni mommy na parang maiiyak na naman. 

"Alagaan mo kapatid ko. Treat her like a princess, kasi prinsesa namin 'yan. Kapag pinaiyak mo 'yan ulit, alam mo na kung anong mangyayari," segunda naman ni kuya na tila nagbabanta. Natawa na lang kaming lahat dahil sa asal niya. Even on my wedding day, he's still an overprotective brother.

"I will take care of her, like I promised," Gab replied sincerely earning my brother's warmest smile.

Maya-maya pa, dumating na ang Mayor na magkakasal sa amin. Tila nagmamadali pa ata si Gabriel dahil pagdating na pagdating palang nito, hiniling na niya na simulan na agad ang seremonya ng kasal. Halos wala nang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ko ng ilang oras pa ay naging ganap na Mrs. Perez na ako.

After the reception that was held in a five star hotel, Gab and I left for a trip to the South. It was her mom who reserved an accomodation for us at the famous hotel and resort in Batangas. It was her wedding gift to us. Plano pa nga ng parents niya na ibili kami ng ticket papuntang Japan for our honeymoon kaso tinanggihan ko dahil nagpapagamot pa ako. Isa pa, ayos na sa akin kahit saang lugar, ang mahalaga kasama ko ang taong mahal ko.

Halos isang oras ang naging biyahe namin ni Gab. Pag-akyat palang namin sa kwarto namin sa hotel na nasa 15th floor, agad akong humiga sa malambot at napakalaking kama. Humiga rin si Gabriel sa tabi ko at ikinulong ako sa mahigpit niyang yakap. Hinayaan na naming nakakalat sa sahig ang mga duffel bags namin sa sahig.

"I love you, wife." Gabriel whispered in my ear as I let out a soft chuckled. Everything felt surreal.

"I love you, too. My handsome husband," I whispered back, cupping his face as I leave a soft kiss on his nose. Agad naman siyang gumanti ng halik sa akin. Mula sa noo, pababa sa ilong, sa pisngi hanggang sa siilin niya ng halik ang labi ko. It was a quick kiss and I must admit, I was waiting for more.

"Magpahinga muna tayo. Kailangan mong mag-ipon ng lakas para sa gagawin natin mamaya," he playfully smirked which made me flushed deep red.

*****

Gabriel

"Ang ganda ng moon!"

I couldn't help but smile as I watched my wife looking so amazed at the bright moon above the night sky. Katatapos lang namin magshower kaya tumambay muna kami sa veranda at doon naupo habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa langit.

"Mas maganda ka," I whispered.

I felt her leaned into my comfortable embrace as I rest my chin on her shoulder. She was softly caressing my hair. With her by my side, I felt complete. I felt like home. She is my home.

"I love this," she sighed happily.

"Me too. But I love you more," I said, kissing the exposed skin at the back of her neck. Alam kong nakikiliti siya sa ginagawa ko, kaya paulit-ulit kong pinatakan ng halik ang leeg niya. Hearing her soft giggled was perfection. I didn't need more than this.

"Enough!" suway niya saka pabirong hinampas ang kamay ko. Kinabig ko naman siya paharap sa akin para pagmasdan ang mukha niya. Ang ganda ganda niya pa rin talaga kahit nakakunot ang noo niya.

"Wife," I mumbled. Ang sarap pakinggan ng salitang 'yon.

"Bakit, asawa ko?" she asked sweetly wrapping her arms around my neck, pulling me closer to her. A small smile breaks across my lips at our close proximity. I could feel her breath fanning over my lips.

Losing control of my body, I quickly leaned down and claimed her lips, wrapping my arms around her waist. It was a slow and gentle kiss at first until I took the lead and began kissing her fervently. And I was surprised that Kelly returned my kisses with the same amount of fervor.

Without wasting any time, I lift her up carrying her in a bridal style as I lay her carefully on our bed not breaking our kiss. As if our life depended on it. And when we decided to pulled back for a moment, we were both panting heavily as we locked our eyes into an intense gaze.

"I love you," I whispered. "If you're not ready tonight, I can wait."

I saw her nod reassuringly as she pulled my head down for another fiery and passionate kiss, begging me to make love with her, which I gladly obliged.

****

A/N: White Tulips symbolizes forgiveness, purity and serenity. It denotes that you want your relationship and events to be pure and seen as worthy, with any mistakes in the past forgiven and forgotten.

avataravatar
Next chapter