12 The voice inside me...

Pagkauwi ko ay masaya akong binati ni Frost. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. He's the grandson of my godfather who was killed by my twin brother. Despite of what happened, he remained faithful to me. He's mother died when his human father didn't reciprocate her love.

You heard it right.

There are only two fates waiting for those who loved humans or those who gave their breathe of life to another being. In my case, I'm in the former.

First, you will die if the love you give is not reciprocated. Second, if you want to survive then you must kill the human you love or the one who have received the breathe of life. That way, the love curse or healing curse will be reversed. It's kind of unusual and weird but that's the truth behind our everlasting love/healing abilities. Some chose to offer their heart to demons to gain immortality. Just like what my brother did to his.

We resemble to what humans believe as "fairies" but we call ourselves "elfamian". We're not elves or what, but "elfamian" simply means you're living in Hill of Elf-hame. That's what you call to someone living within this sacred place. Some of us live within the forest, some lives beside the silent lake and some lives under the water. Most of us dwell far from the human world.

Let's get back to reality.

"Master, dumating na kayo"masayang bati ni Frost sa akin. Tumango ako at naupo sa malaking sofa. Lumapit ito sa akin.

"Kumusta ang pakikipagkita niyo sa binibini?"

"Mukhang mahihirapan ako Frost"matapat kong sagot sa kanya.

"Kung ako na lang kasi ang pinili mo, di ka magkakaganyan"sabad ng isang babae.

Isang magandang babae na kulay pula ang buhok ang biglang sumulpot sa harapan ng dalawa.

"Misty, ano bang pinagsasabi mo?Alam mo namang wala sa ating kontrol ang mga ganyang bagay"saway ni Frost sa kararating lang na babae.

"Shhh...hindi ikaw ang kinakausap ko Frost. Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala ka pa ring kasintahan?"baling nito kay Frost.

"Ah alam ko na, takot ka na baka magaya ka sa iyong ina na hindi pinili ng iyong tusong ama"nang-iinis na dagdag nito.

"Anong sabi mo?!! Wag na wag mong isasali ang aking namayapang ina sa usapan natin Misty baka hindi ako makapagtimpi at mapatulan kita"nagbabantang pahayag ni Frost. Ngiti lang ang itinugon ni Misty sa mga pagbabantang ginawa ni Frost.

"Tumigil na kayong dalawa"saway ni Alexander sa dalawa.

Maganda si Misty, maganda rin ang hubog ng kanyang katawan at isa din ito sa mga magagaling makipaglaban. Maraming kalalakihan ang humahanga dito pero takot na baka di masuklian ang kanilang pag-ibig.

Lumapit ang babae sa kinauupuan ni Alexander at nag-ala sawang ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Alexander.

"Bakit nga ba, hindi na lang ako Gabriel?"nang-aakit ang kanyang tinig. Gumapang ang kanyang isang kamay sa dibdib ni Alexander at bahagyang pinaglaruan ang mga ito. Umalis si Frost nang nagsimulang maging mapusok ang babae. Nanatiling nakatitig si Alexander sa babae. Inaalam niya ang emosyon niya ng mga oras na iyon. Hinawakan niya sa pisngi ang babae at marahas na siniil ng halik ang labi ni Misty. Maliban sa pagnanasa, ay wala nang ibang maramdamang emosyon ng mga oras na iyon si Alexander. Lumayo siya sa babae.

"Why did you stop Gabriel?"anas ng babae na parang nabitin sa ginawa ni Alexander. Ilang sandali pa ay ginawaran na ni Misty ng maliliit na halik ang dibdib ni Alexander pataas papunta sa leeg ng lalaki. Tumingala ito at tinitigan ang lalaki na parang nang-aakit.

"Your beautiful dead eyes made me go crazy like this, Why not love me Gabriel?I will bring back what you've lost"itinuro nito ang dibdib ni Alexander at marahang hinaplos ang parte na iyon.

"Stop it now, Misty...You know you can't"sagot ni Alexander. Akmang yayakap na naman si Misty kay Alexander kaya naman mabilis siyang itinulak ng lalaki palayo sa kanya. Tumayo si Alexander at pinagpagan ang sarili.

"Huh!!Nandidiri ka sa akin?!! Tingnan lang natin hanggang saan ka kayang dalhin ng kahibangan mo"puno ng galit na sabi ng babae. Tumayo ito at hinawakan sa kamay si Alexander.

"You're dying pathetic monster"aniya.

Ang kulay berdeng mata ni Alexander ay napalitan ng dalawang pares ng nagbabagang mata. Mabilis niyang naitaas sa ere si Misty at isinandal sa pader. Nagkaroon ng bitak ang pader na kinadidikitan ni Misty nang mga oras na iyon.

"Hi...Hindi ako makahing..akhh"

Nagpupumiglas na makawala ang babae mula sa mahigpit na pagkakasakal sa kanya ni Alexander.

"Bi--ughhh...Bitawan mo ako Gabriel"pagsusumamo nito. Tila walang narinig si Alexander sa pagmamakaawa ng babae at mas lalong hinigpitan ang pagsakal dito.

(Alexander's POV)

Yes. Feel her pain... isn't it the most satisfying feeling? Now, why don't you rip her open and feel her heart beat???Kill her...Kill her Gabriel...

Bulong ng isang tinig sa akin.

"Ga--Gabriel Bitawan mo ako..."lumalabas na ang ugat sa mukha ng babae.

Control your anger...

Tinig ng aking ina ang pumukaw sa akin. Nagbalik ako sa katinuan nang dahil sa boses niya. Nabitawan ko si Misty na naghahabol ng kanyang hininga.

I lost my control again...

"Leave" malamig kong sabi sa babae na mabilis ding nitong sinunod.

Napahawak ako sa aking sentido. Nahihilo ako. Nawalan ako ng kontrol sa sarili. Tinawag ko si Frost na ngayon ay papasok na rin at may dalang tsaa. Nagmamadali itong lumapit at ibinaba ang dalang tsaa.

"Master"tawag niya sa akin. Dahan-dahang dumilim ang aking paligid at wala na akong maalala sa iba pang pangyayari.

(Anna's POV)

Nasa school office ako ngayon at pauwi na. Tinapos ko ng basahin ang mga for approval na papeles. Mas umingay ang pangalan ng aking clothing line nang successful na natapos ang fashion show na naganap noong nakaraang araw. Tumawag ako kay Kris para yayain itong makipagkita sa akin sa isang restaurant.

I need to talk to her. Alam kong ikakagulat niya ang ibabalita ko sa kanya.

"What?!!!"

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Kris.

"Oo nga, so here's the problem..."ikinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat.

Di ito makapagsalita dahil sobra din itong nashock sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon.

"Patulong Kris"sa wakas ay nasabi ko sa kanya pagkatapos kong ilahad ang kasalang magaganap.

"Nasaan ba yang lalaki na yan Bestie at uupakan ko!!!Dali!!!Dalhin mo ako sa kanya"parang sigang itinaas nito ang manggas ng kanyang damit.

"Kris, kalma lang...andaming taong nakatingin ohh"hinila ko siya paupo.

Umupo naman ito at agad na sumipsip sa kanyang smoothie.

"You should talk to Tita, convince her na nagsisinungaling lang ang nagpapanggap mong boyfriend"Kris

"I've already talked to her Kris, and it's no use ewan ko at parang tiwalang tiwala siya sa lalaking yun"bagsak ang balikat ko throughout the conversation. I'm in despair! and I can't tell Kris na I'm partly involved as to why Mom was immediately convinced that he really is my boyfriend.

"That's weird. Baka naman sobrang gwapo naman yang Alexander na iyan at natipuhan ng Mama mo para sayo"nagtatakang pahayag ni Kris.

"Aba't ewan ko Kris pero wala nga akong nakikita...

Bigla akong natahimik. Hindi dapat malaman ni Kris na hindi tao si Alexander.

"Nakikitang ano?"tanong ni Kris ng huminto ako sa pagsasalita.

"Wala---wala akong nakikitang maganda sa lalaking yun. Mukhang walang pangarap sa sarili at ang bantot pa ng dating"palusot ko.

"Hayyyss...talaga Bestie?Mas hindi ka pwedeng makasal doon kung ganon"tila nag-aalalang sabi nito.

Mabuti na lang at naitawid ko...

Malapit na ako dun ahhh!!!

Lihim akong nakaramdam ng pagkainis sa nilalang.

I need to get him out of my life or my whole life will be ruin because of him.

avataravatar
Next chapter