16 First Date

Nagsuot ako ng classic black leather pants with a nice silk tank and a clutch. Pinaresan ko ito ng black heels. Ang buhok ko namang wavy ay ginawan ko ng loosen waves. Pumili ako ng iilang accessories na babagay sa aking "date outfit." Si Mama ang nag make up sa akin, light make up lang ang inapply niya sa akin. Matapos ang ilang sandaling paghahanda ay eksaktong nakarinig kami ng doorbell. Sumenyas si Mama na siya na daw ang bahalang magbukas ng pinto.

Naiwan akong nakatingin sa salamin. I checked my reflection.

"Just perfect." Sabi ko sa sarili. Tumayo na rin ako at naglakad na palabas. Nadatnan kong kausap ni Mama si Alexander sa sala. Nakatalikod ang lalaki sa akin. Ilang sandali pa ay ngumiti si Mama nang makita niya akong palapit na sa kanilang kinaroroonan. Napalingon si Alexander sa aking gawi at agad na napatayo.

"Good evening Wife"tila nakangiting sabi niya. Nginitian ko siya at ginantihan ang kanyang pagbati. Nakasuot ito ng bold graphic na sweater, an oversized shirt jacket na kulay dark blue at dark jeans. He knows how to dressed up. He went for a relaxed-cool outfit. Lumapit ako kay Mama at binigyan siya ng light kiss sa kanyang pisngi.

"Oh Xander, hijo ikaw ng bahala kay Anna. Mag-iingat kayo ha"hinatid kami ni Mama hanggang sa makalabas na kami. May nakaparadang Classic black na Audi R8 Spyder sa labas ng bahay.

Lihim akong kinabahan nang naiwan na kaming dalawa ni Alexander. Binuksan nito ang pinto ng kotse para sa akin pagkatapos ay naglakad papunta sa driver's seat. He started the engine and off we go.

Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. He's not saying anything. Tahimik lang itong nagmamaneho. My God!!!lalamunin ako ng awkwardness na sinasabi nila. Kagat ang mga labing hinarap ko siya.

"Where are you taking me?"sa wakas ay binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"You'll know it later"tipid niyang sagot ni hindi man lang ako sinulyapan.

My God!!!This guy!!!

Hindi naman ako ganito, I can take silence from others but not from this creature. Hindi ako sanay na hindi ito nang-iinis.

Ilang sandali ay nagplay ito ng kanta. Nagsimulang tumugtog ang isang malamyos na piano instrumental music. Maganda ang music pero para akong ipinaghehele at unti-unti akong nakaramdam ng antok. Inilipat ko ang kanta bago pa man ako makatulog.

"Inaantok ako ng kanta hehe"parang nahihiyang baling ko kay Alexander.

"Stop overthinking Wife. It's okay"

"Huh?"maang kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay na ikinabigla ko.

This weird feeling, again.

"Just be yourself, okay? I'm not here to judge you and this is our first date. Just be you. Ako lang to."

Ang sabi ni Alexander na ikinawala ng kaba ko. Lihim akong napakalma ng kanyang sinabi. He's right. I should stop myself from overthinking.

"You know what, tama ka. And may potential kang maging motivational speaker sa galing mong magsalita"nakangiti kong sabi.

"Should I take that as a compliment?"

"Of course anoh?"tumingin siya sa akin ng ilang segundo at ibinalik din ang tingin sa daan.

(Now playing: If you're not the one by Daniel Bedingfield)

If you're not the one then why does my soul feel glad, today?

If you're not the one then why does my hand fit yours this way?

If you are not mine then why does your heart return my call?

If you are not mine would I have the strength to stand at all?

I never know what the future brings, but I know you are here with me now

We'll make it through,

And I hope you are the one I share my life with...

The song is good. Maganda siyang pakinggan and not to mention the lyrics...I kinda like it!

"We're here"aniya at mabilis siyang bumaba ng kotse at ipinagbukas ako ng pinto.

Nasa tapat kami ng isang mamahaling restaurant.

Pumasok na kami at dumiretso sa reserved area para sa amin. Iginiya niya ako sa aking upuan.

Now, he's showing his gentle side...

"Kakain muna tayo then let's have fun"

"Ehh?Saan tayo pupunta?"

"Hi Ms. Montague"tinig ng isang lalaki mula sa aking likuran. Napalingon ako at to my surprise, it's Devans.

"Mr. Devans?Oh hi"iniabot ko ang aking kamay. Kinuha naman niya ito at bahagyang hinalikan.

"What are you doing here?Are you with someone?"tanong ko sa kanya.

"Yes I'm actually waiting for her"sagot niya at inilipat ang tingin sa kasama ko.

'Her?baka girlfriend niya...'

"Ah this is...

"Alexander, what's up? It's been long since...the last time I saw you"ngumiti ito sa lalaki.

0-0

"You know him?"gulat kong naitanong sa kanya.

"Yup. Well he's..."

"Not now...Devans"tila iritadong sagot ni Alexander.

Ang suplado nito ohh...May something ba sila ni Devans? Di kaya...

Oh no!!! Did he reject Devans?or the other way around?

No, that can't be. I kinda like Mr. Devans at hindi ko matatanggap kung si Alexander pa mismo yung magiging third wheel sa amin.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob na itanong ang status ng relationship nila.

"A-are you guys gay...and had something, you know"sabad ko sa LQ ng mag lovers.

"It's not what you think Wife"kalmadong sagot ni Alexander. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.

"Wow. So you two are married?!"hindi makapaniwalang tanong ni Devans. Tumingin siya sa akin with surprised look on his face.

"No--no it's... complicated?"pagtatanggi ko.

"Interesting Ms. Montague"makahulugang litanya ng lalaki. Something is going on between these guys and it's not good. Binabawi ko na yung una kong speculation about "Lover thingy" nila. Mukha kasi silang magpapatayan by the way they look at each other. There's bloodlust in them.

Napansin kong tahimik lang si Alexander sa tinuran ni Devans.

"I thought you're waiting for someone, where is she?"pag-iiba ko ng topic. Ramdam ko ang pagkadisgusto ni Alexander kay Devans kaya minabuti kong alisin ang atensiyon ng isa sa kanila.

"Maybe she won't come tonight"nakapamulsang sagot ni Devans.

"Huh?then would you like to join us?"tanong ko sa kanya. Malapit ko ng batukan ang sarili dahil date nga pala namin ito ni Alexander. This night is for the two us only.

Ngumiti si Devans ng matamis.

"No it's okay, I'm about to go home also. It's nice talking...with you"sinulyapan niya si Alexander at isang malagkit na tingin ang ipinukol ni Devans sa akin bago umalis. Lihim akong nakahinga ng maluwag. Sinundan ko ng tingin si Devans hanggang sa tuluyan na itong makaalis.

"You like him?"malamig na boses ni Alexander ang nagpabalik sa aking lumilipad na namang isip.

"Huh?No. Why?"

Nanatili lang itong tahimik habang nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa nakakalusaw niyang titig. Mukha itong galit. Napabuntong hininga na lang ako. There's no point in lying to him.

"A bit. I like him a bit. A-are you jealous?"nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"What do you think?"tanong din ang isinagot niya sa akin. Kinabahan ako bigla sa kakaibang kislap ng kanyang mata.

"I can't read your mind so I'm clueless right now"lakas loob kong sagot sa kanya. Napansin ko ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang ito.

"I'm not"sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"You sure? you're not?"paninigurado ko.

Mukha siyang nagtatampong bata ngayon.

Cute.

"Yes. You are"pang-iinis ko sa kanya.

"No. I'm not"

"Come on. Just be yourself. I won't judge you"nakangiting sabi ko. Tumingin siya sa akin pero makalipas ang ilang segundo nag-iwas ito ng tingin.

"Okay-okay...You're not jealous, Hubby"sa huli ay sinabi ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na rin yung order namin.

avataravatar
Next chapter