webnovel

Kabanata 1

"Oh, suki bili na kayo, murang mura lang!" 

"Dito na kayo bumili, may duga timbangan niyan ni Tasing!" 

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo. Tama ang timabangan ko at hindi ako madugas na tao!"

"Hoy ka rin! Kaya pala ang mamahal ng paninda mo. Doble ka kung magpatong!" 

Napailing na lamang ako sa mga naririnig kong bulyawan dito sa loob ng palengke. Kaya natatawag na mga palengkera e. Kung makipag sagutan sa isa't isa akala mo pitong bundok ang pagitan.

Hindi na talaga ito bago dito, kasama na sa buhay palengke ang ingay, ang baho, at putik sa paligid. Kung hindi kakayod, hindi kakain. Ganoon ang buhay. 

"Savana, anak eto pa! Wisikan mo itong mga gulay baka malanta."

Agaran akong kumuha ng tabo at winisikan ang tinda naming gulay ni nanay. Alas nuebe pa lamang ng umaga ngunit dagsa na ang tao rito sa palengke kaya hindi na magkamayaw ang lahat mas mabuti ito para mas madami ang benta namin ni nanay, magiging malaking tulong iyon.

Nagkakaroon pa ng pagtatalo mula sa tindera at mamimili o kaya naman Mamimili sa mamimili. Hindi na rin ito bago sa amin. Sa tagal na namin dito sa palengke nasaksikan na namin lahat. Pagnanakaw, nagsasabunutan, pag aagawan ng asawa, pag-tsi-tsismisan, at kung ano-anu pa. Minsan nga matatawa ka na lang dahil sa ka-impokritohan ng mga tao rito, gagawin lahat kumita lang ng malaki. Sabagay, lahat naman kame gusto kumita ng malaki para sa pamilya, para makakain ng maayos sa isang buong araw. 

"Anak tulungan mo ako ri ne!"

Agad kong dinaluhan si nanay sa pagbebenta. Halos malosyang na rin ang aking nanay kakayod para saming pamilya dahil kung hindi wala kameng kakainin. Ang tatay naman namin walang silbe. Walang ginawa kundi uminom at mang-babae, hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw iwan ng nanay si tatay. Kesyo, mahal niya raw, hindi daw niya kayang mawala si tatay.

Kung sa ibang pagkakataon, nakakakilig iyon, pero sa sitwasyon namin, nakakainis talaga sobra. Nagiging tanga si nanay, dahil sa pagibig na iyan. Ayoko mangyari sakin ang nararanasan ni nanay sana kahit sa parteng iyon lang ng buhay ko hindi na ipagkait sakin dahil lumaki na akong mahirap pati ba naman sa pagmamahal magiging mahirap rin para sakin?

Ganoon ba talaga ang pag ibig? Kahit nakakasakit handang masaktan kasi mahal nga daw? Ganoon ba talaga iyon? Kasi kung ganoon, hindi ko maintindihan. Bente anyos na ako pero wala akong ka-ayde-idea sa pagibig na iyan. Siguro dahil, hindi naman talaga ako lumaking puno ng pagibig, hindi rin naman kulang.

Ang nanay ko ay mahal na mahal si tatay pero ang tatay parang hindi naman. Iba kung paano tumingin ang tatay kay nanay.

Wala akong masilayang pagmamahal. Mas madalas ko pa makita ang galit at poot sa mata ng aking tatay. Pero, hindi ko rin mawari dahil baka mahal din ng tatay si nanay dahil kung hindi magkakaroon ba siya ng anim na anak dito? Anim, kameng magkakapatid. Lumaki sa pagmamahal ni inay at tumanda sa palo ni tatay. Kung anong ikinabait ng nanay namin, siya naman kinabaliktaran ni tatay. Hindi ko lang lubos maisip, bakit ganoon ang aming tatay.

Ano bang mali? Bakit mali? Saan ba nagkamali? Imposible namang sa mga kapatid ko, dahil kung pagkakamali ang isilang sila. Grabe naman yon kung limang beses silang nagkamali. O, baka ako ang mali? May posibilidad dahil ako ang unang anak.

"Savana, umuwe ka muna ng bahay, papasok na ang mga kapatid mo sa eskwela. Asikasuhin mo na muna anak." 

Tumango ako kay nanay at tinanggap ang bente pesos na kanyang inaabot para sa baon ng mga kapatid ko. 

"Babalik rin agad ako rito nay! Kumain kana rin po ha. Wag kang magpapakapagod!" 

Nagmano ako kay nanay at nagumpisa ng maglakad pauwi sa aming bahay. Malayo layo ang lalakarin ko, pero wala akong magagawa dahil kapag sasakay ako mahal ang pamasahe, pambaon na rin 'yon ng kapatid ko ng dalawang araw. Masaya ako dahil napapag aral ang kapatid ko, dahil ako, Sekondarya lang ang natapos ko.

Wala ng pera ang nanay para pag-aralin ako ng kolehiyo. Hindi na rin ako naghangad dahil alam ko at ramdam ko ang hirap ng buhay namin. Masuwerte na rin ako, kame ng mga kapatid ko dahil nakatungtong kame sa paaralan. 

"Magandang umaga savana! " 

"Ang ganda ganda mo talagang bata ka!" 

"Paliligawan kita kay Tasyo, paguwe non dito sa Oktubre!"

Dali-dali akong naglakad dahil sa napansin nanaman ako nila ka-berting, mga tambay sa aming baranggay, ginagawa nilang tubig ang alak, mga sunog baga rin sila.

Umaga hanggang gabi lasing sila. Kung nag tratrabaho sila edi sana may pakinabang ang laki ng kanilang mga katawan. Mga batugan. Kaya hindi umuunlad ang mga kabuhayan ng mga tao rito e.

Gusto kong mainis, bakit sa dinami rami ng tao bakit kame ng pamilya ko ang isa sa mga dumaranas ng hirap ng bansa.

Sana magkaroon na ng pagbabago. Ayoko na maging mahirap.

Sana maging bukas ang mata sa amin ng gobyerno dahil sa ilang taong kong namumuhay rito kahit anino ng mga nakaluklok sa posisyon, wala akong nakita. Wala kahit isa.

Kapag nga sinasalanta kame rito ng bagyo masuwerte na kung maabutan kame ng tulong. Minsan hindi pa sapat sa aming lahat kaya naman halos mag patayan ang mga tao rito, makakuha lang ng sapat na pagkain para sa mag anak nila.

Walang yumayaman dito lahat lumulugmok sa kahirapan. Yung iba naremata na yung mga ari-arian dahil sa daming utang pero kahit ganoon walang gustong umalis dahil sa mga ala-ala at dahil na rin sa dito na sila lumaki at nag-si-tandaan. Malayo man kame sa bundok, masasabi pa ring taga buntok kame dahil sa ka-ignorantihan namin tungkol sa buhay sa labas ng baryong ito. Baryo kung saan madaming pangarap ang nasasayang.

Next chapter