1 Prologue

— Aki —

"Ayan na siya, girl!"

"Parating na 'yung pangit, bes!"

Napairap na lang ako sa narinig ko. Naglalakad palang ako sa hallway papunta sa room ko, naririnig ko na agad ang nakakairitang boses ng mga bully'ng babae rito sa school.

Nang malapit na ako sa kanila, hinarangan nila ako at tinaasan ng kilay, as expected. Ito na naman sila at pagt-trip-an ako. Minsan, masarap talagang manakal ng mga kagaya nila.

"Dadaan ako," malamig na sabi ko at tinaasan din sila ng kilay. Inayos ko pa ang salamin ko. "Napakalaki n'yo namang tae sa daan." Napamaang sila sa sinabi ko at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"Kami pa talaga ang tae, nerdy?!" gulat na tanong ni Trixie na pinakamaarte at nagmamaganda sa kanilang apat. "Look at yourself, ikaw ang mas mukhang tae. Mukha na ngang poop, amoy poop pa!"

"Hahaha!" I heard others laugh and it made me roll my eyes again. "Tae! Tae! Tae!" sigawan ng iba kaya napatingin na ako sa paligid. Mas maraming lalaking nanonood sa 'min but I don't fucking care.

Nginisihan ko ang mga babaeng nasa harap ko. Kamukha lang nila ang puwet ko, kung alam lang nila. Ang lalakas ng mga loob, hindi naman kagandahan.

"Ah, tae?" tumango-tango ako at mabilis na hinila ang buhok niya. Kinalmot ko ang napakapangit niyang pagmumukha at hinarap sa kanilang lahat.

"OMG!" gulat na sabi ng mga galamay niya at lumapit sa amin. "Don't touch her, pangit!" They tried to make me stop but they can't.

Hindi ako nagpatalo at hinila rin ang buhok ng isa pang mukhang tae. Pinag-untog ko silang dalawa at malakas na tinulak. I'm sure na maraming sugat ang makukuha nila dahil sa pagtulak ko.

How dare them? Ang lalakas ng loob nilang kalabanin ako samantalang hindi nila ako kilala.

This is just my 4th day here. Kaka-kick out ko lang mula sa former school ko. Reason? I stabbed the insecure woman using a fork. She just made me angry. Dalawang beses kong sinaksak sa belly at wala akong paki sa kaniya.

"Hoy! Ang angas mong pangit ka, ha!"

Napapikit ako nang mariin matapos may humila ng bag ko mula sa likod kaya natangay rin ako. I hate it. I really hate it when students are bullying me because of this face—because of this disguise as nerdy thingy!

Kung wala lang akong importanteng mission, hindi ko gagawin 'to. Hindi ko hahayaang ma-bully lang ako nang ganito. Mas gugustuhin kong ngumanga sila sa kagandahan ko.

Nilingon ko ang humila sa bag ko at sinamaan siya ng tingin. Malaki ang katawan niya but I don't fucking care again. I punched his freaking face at hinampas nang malakas ang kamay niyang nakahila sa akin gamit ang kamay kong nakatagilid.

Lumayo ako sa kanila at tiningnan silang lahat nang masama. Inilibot ko ang paningin ko sa lahat ng estudyanteng nanonood sa amin at nakapalibot.

"Don't you ever dare to mess up with me!" mariin at medyo malakas na sabi ko. Naiinis na ako dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

"Akala mo kung sino!"

"Ang pangit-pangit mo naman!"

"Hindi ka bagay rito! Can't you see? Para sa mga guwapo't magaganda lang ang school na 'to!"

Napairap ako sa mga sigaw nila at napa-poker face na lang.

"This cheap ang low class school? Oh, c'mon! Mukhang hindi nga ako bagay rito dahil hindi ako katulad n'yo na nangangamoy ang napakabahong pagmamataas ng sarili!" pang-aasar ko habang tinitingnan pa rin silang lahat.

I don't care kung marami pa sila. Who cares? No one can beat me.

"Ah, talaga lang, ha? Humanda ka pangit!" sigaw ng isang lalaki at sumugod sa akin.

Napailing na lang ako at yumuko nang akmang susuntukin niya ako. I punched his stomach, next his face.

Kapag itong mga 'to, ma-hospital na naman nang dahil sa akin, kick-out na naman ako for sure!

I have no choice but to scare them. Naglabas na ako ng kutsilyo mula sa bag ko at itinutok ito sa kanila. Total gusto ko nang umalis sa pesteng school na 'to, susulitin ko na.

"Bakit may kutsilyo ka?!" gulat na tanong ng isang lalaki. Ang girls naman ay napalayo sa akin.

I smirked. "Surpise motherfuckers. Let the bloody game begin!" I shouted at ngumisi na naman.

Nagkatinginan ang ilang lalaki at nagtanguan habang ang iba ay lumayo para manood na lang. Mga duwag.

"Ang tapang mong pangit ka, ha!" Buti alam mo. "Humanda ka talaga sa 'min. Akala mo kung sino ka rito sa campus namin, ha!"

"Oh tapos? Are you done? Sugod na, mga duwag!" sigaw ko na mukhang ikinainis nila at mabilis na lumapit.

Umirap muna ako bago sila sinalubong. Siniko ko ang mukha ng nauna at hiniwaan siya sa tiyan. Sinalo ko ang suntok mula sa sumunod at hiniwaan naman ang pisngi niya.

May humila sa wig ko pero mabilis ko ring inikot ang kutsilyo ko at isinaksak sa kaniya 'yon sa tagiliran pero pinadaplis ko lang.

I won't kill these weak students. Lagot ako kapag ginawa ko, tsk.

"What's happening here?!"

We all stopped when we heard the Principal's voice. We looked at him and I can see the anger on his face. Napairap ako at naglabas ng panyo para punasan ang dugo sa kutsilyo ko.

Naging tahimik ang lahat ng estudyante habang lumalapit sa amin ang Principal. Sobrang sama ng tingin nito sa 'kin pero bored ko lang siyang tiningnan. Dumadaing naman ang mga nasaktan ko na parang nagmamakaawa pa.

"Ms. Madrid! You again!" galit na sigaw nito sa akin kaya napairap ako sa kaniya. "Don't roll your eyes on me! Napakawalang galang mong bata!"

"I'm not a kid and don't you ever shout at me again or I'll cut your tounge," mariing sagot ko na ikinagulat niya pero mukhang mas nagalit pa. Nagsimula na rin ang bulungan ng nga estudyante. "Not sorry for what happened. Sinimulan nila ako, Mr. Principal." I emphasize the Mr. Principal.

"You are kick out!" mariin at nagpipigil na sabi niya habang nakaduro sa akin. "At kayo! Go to the detention room!" Turo niya roon sa mga nakaaway ko. "Ikaw!" Dinuro na naman niya 'ko. "Get out of my school, now!"

I crossed my arm before I rolled my eyes on him. Inis kong tinago ang kutsilyo ko at tinalikuran silang lahat. I'm just here to find three persons, hindi ko rin naman gustong mag-aral dito, 'no.

This is not my ideal school. Kung ipagtabuyan nila 'ko, e kung sungalngalin ko kaya sila?

Pinuntahan ko ang motor kong naka-park sa parking lot nitong school at mabilis na sinuot ang helmet. Pinaharurot ko 'to nang mabilis pabalik sa bahay.

"Oh, bakit nandito ka agad? May pasok ka, right?" bungad ni mommy sa akin pagkapasok ko habang nakataas ang kilay. She's wearing a tank-top and a cotton shorts.

I didn't answer her, I sat on the couch instead. Tiningnan ko siya at mukhang nakuha niya agad ang sagot sa tanong niya kahit hindi pa 'ko nagsasalita. Lumapit siya sa 'kin at kinalikot ang bulsa ng palda ko hanggang sa makuha niya ang panyo 'kong puno ng dugo.

"For the 96th time, you were kicked out!" Napa-facepalm na lang siya. "Nauubusan ka na ng panyo, ha!" Laging panyo ko kasi ang pamunas ko sa dugo.

"We have lot of money, mom," pairap na sagot ko at tinanggal na ang bag ko sa likod.

"Argh! Sasampalin na kita, e!" medyo naiinis na sabi niya at diniretso sa basurahan ang panyo. Ayoko na kasing gamitin ang ano mang telang minantsahan ko ng dugo. "I'll find you a new school as soon as possible."

Dapat lang.

avataravatar
Next chapter