webnovel

CHAPTER-ONE WARNING: SPG?

YSA point of view

"Ysa,sama ka mamaya shot tayo"

Sya si Sarie katrabaho ko na kaibigan ko na din.

"sige ba" tugon ko.

Palagi naman akong game basta sa mga ganyang lakad pero sa maniwala man kayo o hindi mahina talaga ako sa alak,kumbaga malakas lang ako sumama at pumapak ng ice cube haha.

" Yan ang gusto ko sayo Ysa hindi pamatay-tuwa " wika naman ni Eon,kaibigan ko din--halos lahat naman pala ng katrabaho ko ay itinuturing Kong kaibigan.

" Pamatay-tuwa?" patanong na sabi ko

"killjoy hahahah" tawang-tawa naman sya samantalang kami nagkatinginan nalang.

"Pagpasensyahan nyo na yan may hang-over lang siguro tapos hindi naligo kaya ganyan" sabat naman ni Axel.

" Nilalaglag mo ko pareng Axel,parang hindi kaibigan ah" pagmamaktol ni Eon.

"Uy Ysa, aalis ka na?" tanong ni Sarie

"malamang papasok ako noh."

"sus,magcucutting ka lang naman" sagot pa nito

"igaya mo pa ko sayo" nagpaalam nalang ako sa kanila dahil alas singko ang pasok ko sa school,may sampung minuto pa akong natitira. Mabuti na lamang malapit ang school ko sa aking pinagtatrabahuhan kaya malabong mahuli ako sa unang subject.

Ganito umiikot ang buhay ko nang halos mag-iisang taon na,bahay--trabaho-- paaralan at syempre kasama na ang paglalakwatsa. Mas gusto ko kasing tulog lang ang pinakapahinga pero minsan halos wala na ring tulog kapag nagkasabay-sabay ang project tapos extended pa ang duty sa trabaho. Nasa unang taon pa lamang ako ng kolehiyo sa Kursong computer science at nasa second semester na din. Masarap sa pakiramdam na nasimulan ko na ang gusto ko kung kaya't halos hindi nararamdaman ang pagod sa pang-araw-araw na ginagawa.

"Hi Ysa,ang ganda naman this girl" bati ng kaklase kong si Raniel

"sakto lang" nakangiti kong sagot.

"napakamisteryosa mo haha kaya bilib ako sayo eh" dagdag pa nito.

"Ganyan talaga yan hehe" sabat ni Ate Nellyn,sya ang pinakaclose ko sa room kahit mas matanda sya sa akin ay magkasundo kami.

Tanging ngiti lang ulit ang itinugon ko sa kanila wala naman kasi akong masasabi haha.

"Ano kamusta kayo ng boyfriend mo?" usisa sa akin ni ate Nellyn.

"Mabuti naman" simpleng sagot ko.

"Hala may boyfriend ka na?" sabat naman ng katabi kong si Remel

"meron haha"

"Hay,wala na pala akong pag-asa" wika nito na tinawanan ko lang.

"Good afternoon class,kukumustahin ko lang iyong project nyo.Sino ng may pinakamataas na oras?" oo nga pala wala pa akong nasisimulan tungkol dun,kailangan kasi naming magvolunter sa pagtuturo sa ibang school iyon na daw ang magsisilbing project at final exam namin ngayong fourth grading sa NSTP. Sa totoo lang hirap akong sumingit sa schedule ko kailangan ko din kasi ng pera dahil magbabayaran na naman ng tuition fee medyo naiistress ako dahil nagkasabay-sabay ang bayarin ko ngayon.

"Ysare Callid!"

"yes mam?"

" ikaw nalang ang natatanging hindi pa nagpapasa ng lesson plan,anong plano mo? Ang mga kaklase mo nagsisimula na,ipapaalala ko lang sayo na ang project na yan ang pagbabasehan ko ng grado mo at kapag hindi mo nagawa ay sigurado ng bagsak ka Callid" paliwanag nya.

"Naiintindihan ko po" Kahit kaylan ay hindi ako nasanay na mapahiya kaya't hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaction ko,bumibigat na naman ang pakiramdam ko sa isiping wala akong karapatang pumalag dahil kasalanan ko naman talaga.

"Gumawa ka na kasi ng lesson plan tapos sama ka sakin sa office lang ako nakaassign tapos mababait din yung mga teachers" wika ni Ate Nellyn,naglalakad na kami pauwi dahil hindi sya sinundo ng asawa nya.

"sige te,salamat" maswerte pa din ako dahil napakabait nya.

Pagkauwi ko ng boarding house ay nagbihis na ako at humilata muna mamaya na ako kakain sa karinderya nalang,oo nga pala bayaran na din ng kuryente at tubig. May kasama naman ako sa boarding house pero ang Mahal padin ng kuryente at tubig samantalang sa gabi lang naman kami nandito.

"Ysa kanta na!" iniabot sa akin ni Sarie ang songbook.

"Nasan si Cev?Dapat sinama mo na din" tanong ni Jiel

"oo nga" pagsang-ayon ni Eon.

"May inuman din sila eh" sagot ko,si Cev nga pala ang boyfriend ko apat na buwan palang kami pero mahal ko yun.

đŸŽ¶Kung di rin Tayo aawatin na ang puso kong ibigin kaaaahhđŸŽ¶

Natawa nalang ako sa kanta ni Axel dahil may sarili itong tono,halata na ring may tama ito.

"okay lang yan boy,marami pang iba dyan" tinapik-tapik pa ni Eon ang balikat nito pero tumatawa din naman.

"magmove-on na kasi Xel may boyfriend na eh" dugtong naman ni Sarie.

Ang lakas din mang-asar ng mga to,manliligaw ko kasi yan si Axel bago pa naging kami ni Cev. Ramdam ko namang seryoso sya sa akin pero ewan ko ba wala talaga akong espesyal na nararamdaman sa kanya kahit sinubukan ko namang lumabas kasama sya. Ayoko kasi magtake advantage dahil mas gusto kong nakadepende ako sa nararamdaman ko.

"haha mga sira,tigilan nyo nga ako! o ayan kumanta nalang kayo" sabay lapag ni Axel ng microphone sa mesa saka tinungga ang isang basong redhorse na nakalaan talaga para sa kanya.

Ako eto tamang dagdag lang ng yelo sa baso ko na may redhorse din kaya parang puno padin haha,hindi Kasi kami vibes ng alak kahit gusto ko naman. Ang hirap talaga magkagusto sa hindi naman ikaw ang gusto haha..

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Cev. Nandito kasi sya sa labas ng gate mabuti nalang nagising ako hindi naman kasi ito nagsabi na dito matutulog.

"Hindi naman,kakarating ko lang" kaswal lang kami mag-usap at hindi ganun kaclingy pero kahit kasi hindi kami magsalita ay nagkakaintindihan kami.

"Sila Arth kasi nagyaya pang kumain" aniya

"okay lang yun,kumain naman pala kayo eh"

Minsan kasa-kasama nya ako sa gimik nila syempre ayokong masakal sya sa akin,sabi nga ng mga kaibigan nya swerte sya dahil napakasupportive ko daw ang totoo nyan vice versa kaya nga nagkapalagayan kami kaagad ng loob.

Akala ko matutulog na kami pero nagkamali ako dahil sinimulan nya akong siilin ng marahang halik,kami lang kasi ngayon dito sa b.house.

Hanggang sa ang marahan ay naging madiin dahil pareho na kaming nag-iinit, idagdag mo pa ang alak sa sistema namin pareho. Hindi naman ito ang unang beses namin pero nandoon parin ang mabilis na pintig ng puso ko lalo pa't naglalakbay na ang mga kamay nya sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Sunod-sunod at mabibigat na paghinga ang pinapakawalan ko dahil pinapasok na nito ang maseselang bahagi,nakakabaliw ang sensasyong iyon.

"aaah-ahhh-mmp" hindi ko mapigilan ang mga impit na ungol na kusang kumakawala sa bibig ko.

"lo-love... i-i lo-love you... arghh..ahh" Mahinang bulong ni cev pero napakalinaw nito sa pandinig ko.

Ilang sandali lang ay tuluyan ng nagbaga ang aming pagsasalo mabilis--mariin na pagkilos ng bawat isa at tunog ng nag-aalab na salpukan ang tanging maririnig sa kwarto na aming kinalalagyan.