1 Prologue

"Miss Kleo, coffee.." ani Tania nang pumasok ito sa aking opisina.

I was on my laptop busy doing the last touches I want on my design when she entered the room holding a cup of warm coffee.

"Thanks, Tania." I said without looking at her direction still engrossed with what I am doing.

Tumikhim si Tania na ngayo'y nasa harap ko na. Naka patong na rin sa lamesa sa tapat ko ang kapeng dala dala niya.

"Hmm?" I said without even looking at her.

I am too focused on what I am doing. Kaya hindi ko maalis alis ang mata ko sa aking laptop. Konti na lamang ay matatapos ko na.

"Remind ko lang kayo miss na may meeting kayo ng alas diez kasama po ang board at lunch meeting naman with your new client."

Tumango lamang ako. Kaya nga gustong gusto ko ng matapos itong ginagawa ko dahil mamayang tanghali na ang meeting ko sa aking kliyente. Hindi naman ako makakalimutin para ipaalala niya pa sa akin. But, then, she's my secretary. It's her job anyway.

Bago mag alas diez ay tumayo na ako sa aking swivel chair at lumabas ng opisina. Sa gilid ng pinto ay ang desk ni Tania na aking sekretarya. As if on cue, sabay sabay ang pag lingon ng mga taong nasa kaniya kaniya nilang cubicle. Mostly, guys. Ang mga babaeng engineers naman ay sumulyap lang saglit at nag patuloy na sa kanilang ginagawa.

I'm used to it. Sa inaraw araw ko sa opisina na ay ganoon lamang ang lagi kong nakikita pag papasok at pag lalabas ko ng aking opisina.

"Hi Miss Kleo." bati ng isang Engineer nang dumaan siya sa harap ko. Hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya ginantihan ko na lamang siya na tipid na ngiti.

Nagkibit balikat na lamang ako at nag lakad na sa hallway patungo sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Ngunit nang makapasok ako sa loob ay walang tao.

Tinignan ko ang aking relo, alas diez na at bakit wala pa ang mga board. Hindi nila ugali ang ma-late ng kahit isang minuto. Sa business na ito o sa kahit anong negosyo ay bawat segundo ay napaka importante.

Nag lakad na lamang ako papunta sa susunod na pinto at kumatok ng tatlong beses bago ako pumasok.

There he was, sitting on his swivel chair. Tila ba hindi nagulat sa pag dating ko. Mukhang inaasahan pa talaga ang pag dating ko sa kaniyang opisina. I wonder why...

"Why are you still here? The meeting starts at ten.", iritable kong tanong nang makaupo ako sa upuan sa tapat niya.

Pinag salikop niya ang kaniyang dalawang kamay at sumandal sa backrest ng kaniyang swivel chair. He gave me his sweetest smile. The smile that resembles mine. Only that he has dimples. Inirapan ko siya nang may mag laro sa isipan ko.

"Glad you came!" aniya sa isang maligayang tono.

Wala na akong nagawa kundi ang irapan siya kaya nag pasya na akong umalis ngunit pinigilan niya ako.

"Kleo, please, let's talk."

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hawak ang siko ko ay iniharap niya ako sa kaniya.

"I know where this is going, Mr. President."

Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa aking siko.

"Can you stop being so formal?" aniya na medyo nainis dahil sa pag tawag ko sa kaniya ng Mr. President.

What should I call him, then? He's the CEO. It's just right to call him that.

"Please, Kleo. Listen to me."

Alam ko naman na dahil pa rin ito sa proposal niya noong isang buwan. Hindi ako pumayag nang marinig ko pa lamang ang unang sentence ng sasabihin niya. Akala niya yata dahil birthday niya noon ay pagbibigyan ko siya sa hiling niya.

"Kleo," aniya at hinawakan ang ang balikat.

I looked at him with a straight face. While he looked at me with a determined face. Maybe he thinks there's a little chance that I'll consider his proposal. But, he's wrong. No way.

Halos araw araw siyang nangungulit sa akin. Nagtataka na nga ang mga empleyado na nakikita siyang pabalik balik sa aking opisina. One time, nainis na talaga ako kaya lagi ko na nilo-lock ang pinto.

"I'm not getting any younger now, Kleo. When I get married I want to be a full time husband!"

Niyugyog niya ako na para bang kapag ginawa niya iyon ah maaalog ang utak ko at mag bago ang isip.

I look at him with a disgust on my face. "Full time husband, my ass."

Huminga siyang malalim at nag bago ng ekpresyon. Kung kanina mukha siyang determinadong mapa-oo ako ngayon ay mukha na siyang desperado. Bakit ba kasi ako?

"Baby girl, please." aniya habang niyuyogyog pa rin ako.

Halos mandiri ako sa tinawag niya sa akin. Malapit ko na talaga siya masipa. Para siyang bata kung umasta. Parang kanina lang sinasabi niya, i'm not getting any younger, pwe.

"Para kang bata."

Nang marinig niya iyon ay agad siyang tumuwid ng tayo at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa. Mas lalo ko lang siyang sinimangutan. Napaka childish naman nito.

"Bakit ba kasi ako? Ha? Why me?"

Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan na para bang ang tanga tanga ko. "Why you? Why not you? May iba pa ba?"

Matagal bago ko naproseso ang sinabi niya at nang malaman ko kung anong ibig niyang sabihin ay umiwas na lang ako ng tingin. He doesn't have a choice. I know...

"Kuya Keiden, ayoko." saad ko na may diin sa huling salita.

For the nth time, sana maintindihan niya na ayoko talaga sa gusto niyang mangyari.

"Can't you just grant your kuya's wish, my baby girl?" aniya at nag pacute pa.

"Can you stop with the baby girl thing? It's disgusting."

Inirapan ko siya at pasalampak na umupo sa pang isahang sofa dito sa kaniyang opisina.

"Are you dying?" sarkastikong tanong ko kaya naman naupo na rin siya sa katapat kong pang isahang sofa bagsak ang balikat.

"Of course not! I'm just going to marry!"

Hindi ko alam kung pang ilang irap ko na ito sa araw na ito. Umaga pa lang pero stressed na ako dahil dito sa makulit kong kuya. Kuya wants me to take over the company after he gets married.

The big question mark is, kanino ba siya ikakasal? Eh kahit kailan naman hindi siya nag seryoso sa babae!

"You don't have a girlfriend, kuya. Kasal agad nasa isip mo."

Now it's his turn to roll his eyes on me. I gave an evil smile. "Hanap ka muna ng girlfriend bago ka mag isip ng kasal, alright?"

Tumayo na ako para maka alis na sa kaniyang opisina. I can't believe he used my secretary and asked her to lie for him!

"If I find a girlfriend will you accept my offer? Will you grant my wish?"

Para siyang batang excited na excited dahil sa tono niya nang itanong niya iyon. Is he that desperate?

Sa dami ng babaeng nakapaligid sa kaniya na kulang nalang ay ipagkalulo ang kaluluwa nila sa kuya ko ay hindi malabong maka hanap siya agad ng girlfriend.

Kuya is a veteran when it comes to pambobola. Pero hanggang doon lamang siya. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit ang bilis niyang mag sawa sa mga babae niya. He never had a serious relationship. Puro kalandian lang! Hindi ko alam kung sadyang ayaw niya lang mag seryoso o hindi niya lang talaga mahanap sa mga babaeng iyon ang gusto niya. Pero, ano nga bang gusto niya sa babae?

Hindi ko na siya sinagot at lumabas na agad ng silid. Kahit ilan pa maging girlfriend niya ay hindi ako papayag sa alok niya. A month ago, during his 28th birthday celebration, I asked him what he wants for his birthday.

Walang pag aalinlangan niyang sinabi sa akin na gusto na niyang bumaba sa pwesto at inalok ako na palitan siya sa pagiging presidente ng kompanya. I said no. Ang mag trabaho nga sa kompanya ay labag na labag sa kalooban ko paano pa kaya ang palakarin ito? I never wanted to work here. Never in my whole life. Fucking never.

Bumalik ako sa aking opisina na naka busangot. Habang papalapit ay nakita kong nakatingin na sa akin si Tania. With her apologetic eyes.

"You lied for him. Akala ko nasa akin ang loyalty mo."

Tinulak ko ang pintuan at pumasok sa loob ng aking opisina. Nakasunod naman siya sa akin at panay ang pag hingi ng sorry.

"I'm really sorry, miss. Wala ako sa posisyon para tanggihan si Sir Keiden."

"If he ask you to jump off the building, you'll do it?"

Nakataas ang aking kilay nang balingan ko siya. Nakahilig ako ngayon sa aking desk habang naka halukipkip. Siya naman ngayon ay nasa harap ko at nakatayo.

"N-no. Of course not. Pero, kasi, miss... sabi niya kasi gusto niya lang masabi niya saiyo ang kaniyang dying wish kaya napilitan na akong mag sinungaling." Nakayuko niyang wika.

Lalo lang akong napa simangot sa narinig ko. Really, Kuya Keiden? Dying wish?

"And you believed that? My gosh. Alam mo namang napaka galing mag sinungaling at mambola ng kuya kong iyon eh."

"What do you mean, miss.."

Nanliit ang mata kong tinignan siya. Nang iangat niya ang kaniyang mukha ay kitang kita ko ang pulang pulang pisngi niya. Kanina punong puno ng pagka concern ang mata niya ngayon ay napalitan na ng pagtataka. Tania is so fair like a porcelain. Seeing her with flushed cheeks and confused eyes is just so adorable. But then...

"Do you like my brother?"

Halatang nagulat siya sa aking biglaang tanong. Napakurap siya ng ilang beses at nag iwas ng tingin kalaunan.

What the hell? Kaya ba mas pinili niyang mag sinungaling sa akin? Ano nanamang pambobola kaya ang ginawa ng kuya kong iyon? At si Tania ang next target niya?

"Oh good Lord.. Tania gusto mo iuntog na kita ngayon din?"

Tania is not just my secretary. She's a close friend also. Matagal na siyang nag tatrabaho sa aming kumpanya at matagal ko na siyang sekretarya. Sa apat na taon ko dito ay siya ang araw araw kong kasama at kausap madalas. We sort of became friends. I am a year older than her so I treat her like a little sister. She's so kind and so pure. She's kalog din.

"Kleo naman eh.."

Umismid ako sa naging tono niya. Kailan pa ito natutong mag inarte?

"Kuya is a notorious playboy, Tania. Araw araw ko iyan ipapaalala sa 'yo simula ngayon."

*

Sumandal ako sa backrest ng aking sasakyan habang pinag mamasdan ang traffic sa aking harapan. Pagkatapos kong pangaralan si Tania ay agad na akong umalis ng opisina ko. I'm on my way now to Rustan's for my lunch meeting with my new client.

Maaga ako umalis dahil inaasahan ko na ang traffic papunta sa Rustans. I hate being late to my meeting with my clients. Kahit noon pa mang nag aaral ako ay ayokong ayokong nali-late.

Halos isang oras ang tinagal ko bago ako makarating sa restaurant. One hour travel from our building to Rustan's. Baka mas mabilis pa siguro kung nilakad ko na lang. Our building is just located along Makati Ave. Imagine? Imagine how fucked up this traffic crisis is.

Pumasok ako sa isang italian restaurant kung saan nag pareserve si Tania.

"Good afternoon, Ma'am.." bati ng lalaking nasa may entrance ng restaurant.

"Reservation for Kleo De Luna." agaran kong tugon dito.

"Ah. Just a minute, ma'am." saad ng lalaki at bumaling sa babaeng nasa likod niya.

Saglit lang ay iginiya na niya ako sa pwestong naka reserba para sa amin ng aking kliyente.

"Thank you."

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pa ang client ko doon. Akala ko ay mauuna sila dahil na-traffic pa ako.

Tumingin ako sa aking relo at maaga pa pala ako ng labing limang minuto kumpara sa napag kasunduang oras.

Agad akong dinaluhan ng isang waiter. "I'm still waiting for someone."

Kinuha na niya kasi ang aking order ngunit wala pa ang client ko kaya hindi na muna ako umorder. That would be rude. I have to wait for my client first.

Ilang minuto pa akong nag antay nang may babaeng tumigil sa aking gilid at tumikhim.

"Architect De Luna?" sambit ng babaeng nakatayo sa gilid ko kaya naman tumayo ako agad.

"Yes, I am. You must be—,"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilahad niya ang kaniyang kamay at mag salita.

Tinanggap ko iyon at kinamayan siya.

"Miriam Hidalgo, it's nice to meet you. Am I late? I'm really sorry. I got stuck in traffic."

Umiling ako at iminuwestra sa kaniya ang upuan sa tapat ko. Sabay kaming naupo.

"No, you're not, ma'am. I was just early." Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Ngumiti din siya at nag tawag muna ng waiter bago kami mag simula.

Habang hinihintay namin ang aming pagkain ay inilabas ko na ang aking laptop para maipakita sa kaniya ang mga nagawa kong designs.

"Shall we start?" Tanong ko sa kaniya na agad niyang sinang ayunan.

I presented to her the two designs I made. One has a modern design and the other one has a classic design.

"As you can see, I made two designs of the house so you can have choices. A modern type and a classical type..."

As I explain the designs to her I can't help but think about how graceful she is. The way she speaks and the way she moves. And not to mention, her taste in fashion. She's very sophisticated and probably a head turner with that face of her. She could pass as a model or she can be an actress portraying angelic roles.

Nang dumating ang aming pagkain ay sandaling tinigil namin ang pag uusap tungkol sa interior ng dalawang bahay na dinesenyo ko.

"You are one talented girl, Architect De Luna. I really admire your works. Nakikita ko sa mga magazine kung saan ay nafi-feature ka."

"Thank you, ma'am..."

Tipid akong ngumiti habang sumisimsim ng wine. Habang nag uusap kami kanina ay nag request siya ng wine.

Being called a girl is an insult to me but she's my client so I'll let this pass. If it's kuya, I will surely kick his ass. Kung wala lang kami sa opisina kanina ay baka nasipa ko na siya sa pag tawag sa akin ng baby girl.

They treat me like I am some kind of a teenager when I am already twenty three!

"Tama talaga na ikaw ang pinili namin na mag disenyo ng bahay namin. I'm not even surprised. You came from a family of the best Engineers and Architects in the country."

Yeah, right. They always say that. Ngiti lang ang naisukli ko sa kaniya dahil wala akong maisagot. It is true that I came from a family of Engineers and Architects. De Luna Holdings Incorporated was established by my great grandfather—which was an Engineer also— and then passed on to generations to generations. My Dad is an Engineer and my Mom is an Architect. As well as my brother, Keiden. He is an engineer. Ilang taon na rin simula nang bumaba sa pwesto si Daddy at naging siya ang presidente ng kompanya. At ngayon gusto na niyang bitawan at ako ang pumalit sa posisyon niya. Na hinding hindi mangyayari.

Nang matapos kaming kumain ay nag patuloy ako sa pag eexplain sa kaniya ng disenyo. Marami siyang komento na puro positibo naman. May mga dinadagdag din siya na gusto niyang mangyari sa bahay na ipapagawa niya kaya naman I took down notes.

Biglang tumunog ang kaniyang telepono kaya nag excuse siyang sasagutin muna ito. Kaya tumayo na siya medyo lumayo sa aming pwesto.

Even the way she walks is so graceful. She has this olive skin which I think really suits her. Bagay sa kaniya ang suot niyang  blush pink off shoulder ruffle dress na hanggang ankle niya.

Bagsak ang balikat niyang bumalik sa aming pwesto. She look sad. I wonder what's the phone call about...

"I'm sorry, Miss De Luna but I need to go. May biglaang emergency, eh. Can we resume this meeting in some other day? Hope it's okay?"

"Of course, ma'am. You can just contact my secretary for that. No worries."

Ngumiti siya at saka nag madaling tumayo.

"Thank you so much, Miss De Luna! I really have to go."

Kinamayan niya ako at bago siya umalis ay binayaran na agad niya ang bill namin. Bigla naman ako nahiya. I can pay. Oh well...

Nagkibit balikat na lamang ako.

Agad akong nag ligpit at umalis na din upang tumulak na pabalik ng opisina.

Just like how my other days went, I kept myself busy with a lot of paperworks and projects.

Alas otso y media nang kumatok si Tania para mag paalam na uuwi na siya. Syempre bago pa siya umalis ay hindi ko nalimutan na ipaalala sa kaniya kung gaano ka galing mambola ng kuya ko.

Abala ako sa bagong disenyo para sa isang proyekto na i-popropose namin ng team ko sa susunod na board meeting.

Well, it's not that really bad if Tania likes my brother. I can ask her to tame that casanova for me. We will never know. Baka si Tania ang makapag pabago sa kuya ko? But then what if he remains an asshole? Tania might get hurt.

What if ipag match ko sila? Not a really a bad idea, isn't?

"No, Kleo. Kung ano ano nanaman ang naiisip mo."

Umiling ako at pumikit. Ano ba naman ang nga naiisip ko ngayon. Masyado na yata akong nai-stress sa trabaho ko dito. Sunod sunod ang pagpapasa namin ng disenyo dahil sunod sunod ang mga proyekto ng kompanya. Of course, hindi naman lahat ng disenyo o plano namin ay naaprubahan.

Isinara ko na aking laptop at tumayo na. Paglabas ko ng aking opisina sakto alas diez y media ng gabi ay kaunti na lamang ang mga empleyado. Nakasalubong ko na din ang taga linis sa floor na ito nang tinungo ko ang daan papuntang elevator.

*

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay galing sa aking alarm clock. Agad ko iyon pinatay. Alas siete na ng umaga. Ang pasok ko ay alas nueve y media kaya naman tumayo na ako para maligo.

Nang makababa ako ay agad na akong dumiretso palabas. Wala na akong panahon para kumain pa. Sa opisina na lang siguro. Baka ma-late pa ako kung kumain pa ako. It's Friday, expect the heavy traffic.

Nagpatugtog na lamang ako habang nagda-drive. To calm myself. I need it because this traffic is so stressful.

"Good morning! Akala ko hindi ka na papasok, miss." bati ni Tania nang makarating ako sa opisina.

I am fifteen minutes late. Damn. She's not used to me being late. Kaya akala niya siguro absent ako.

"Good morning, Tania. Sobrang traffic at na-late ako ng gising."

"Nag over time ka nanaman siguro, miss."

Nakasunod siya sa akin nang pumasok ako sa aking silid. Dala dala ang isang tasang kape ay hinarap ko siya. Maingat niyang ibinaba iyon sa table.

"You need to loosen up sometimes, miss. Mag bakasyon ka."

Umiling ako at mapait siyang nginitian. "You know I can't just do that. Marami akong trabahong dapat tapusin."

Ngumuso siya at umiling.

"Kahit na. Sa ilang taon na naging sekretarya mo ako ay kahit kailan hindi ka nag leave. Forced leave pa dahil may sakit ka pero ayaw mong umabsent. Ganoon mo ba kamahal ang trabaho at kompanya ninyo, miss?"

Tinitigan ko siya saglit at mapait na tumawa. Tama naman siya. Nagli-leave lang ako pag may sakit. Never ko yata nagamit ang nga vacation leaves ko. At lagi pang pwersahan ang pag leave ko dahil kahit may sakit ako ay gusto kong pumasok. Kahit noong nag aaral ako ganoon din ako.

"I guess, old habits die hard.." Nagkibit balikat ako saka umupo sa aking pang isahang sofa at sumimsim sa tasa ng kape na medyo lumamig na dahil nga na-late ako.

"Hay nako. Hindi na ito payong sekretarya ha. Payong kaibigan na ito. You'll die early if you continue being like that."

Natawa kami pareho sa sinabi niya kaya tinaboy ko na siya palabas ng opisina. Humilig ako sa malambot na kulay cream na sofa ko. God knows how I want to indulge myself. But then, I can't.

Saglit akong pumikit. May naiisip akong gawin ngunit isinantabi ko na lang muna iyon. Tumayo na ako at agad sinimulan ang araw.

Sa dami ng mga kailangan kong asikasuhin at tapusin ay buong mag hapon akong hindi lumabas ng opisina ko.

"Miss Kleo, hindi ka pa naglu-lunch. Gusto mo ba dalhan na lang kita diyan?"

That's Tania on the other line. I told her not to entertain any visitor unless it's important. Alam niyang kapag sinabi ko iyon ay ayaw ko ng istorbo at miski siya ay hindi pwedeng pumasok sa loob.

"Thanks, Tania. Pero lalabas na din ako."

Agad kong tinapos ang tawag. Tinignan ko ang oras sa aking laptop at alas dos na pala ng hapon. Ni hindi ko man lang namalayan ang oras. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko pero hindi ko pinapansin.

Bibili na lang siguro ako ng sandwich sa pantry at agad na babalik dito. I don't want to disturb Tania. I know she's my secretary but she also have tasks to finish.

Nang lumabas ako sa aking silid ay ganoon nanaman ang nadatnan ko. Sabay sabay nanamna silang nag lingunan sa direksyon kung nasaan ang pinto ng aking opisina. Kung saan ako nakatayo ngayon.

"Buti naman naisipan mo ding lumabas." ani Tania na busy din sa kaniyang ginagawa kaya hindi na nagawang tignan pa.

"I'll just buy some food. Do you want anything?"

Umiling siya at nginuso ang kaniyang lunch bag. Ugali niyang mag baon ng pagkain kapag papasok. Para makatipid.

"Alright."

Nag lakad na ako patungo sa elevator. Nasa 29th floor ako habang ang pantry ay nasa 9th and 10th floors. Which is a hassle for me. Kuya told me that I can use his own pantry cause he got one in his goddamn office. Parang pwede na ngang maging bahay ang opisina niya. May sariling pantry, you can cook any meal, may sariling bedroom with cr kaya hindi na ako mag tataka kung ang ibang babaeng empleyadong pinopormahan niya noon ay nadala na niya doon.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa 10th floor na ako. Buong floor ay ang pantry. Maraming empleyado ang narito sa building na ito kaya dapat lang na malawak ang pantry.

Nilibot ko ang mata ko sa mga pagkain. Sa left wing ng pantry ay nalibot ko na, walang sandwich na gusto ko kaya naman diretso akong pumunta sa right wing. Wala na masyadong tao dahil tapos na ang lunch break.

"Hi! I'm looking for a clubhouse sandwich? Do you have it here?"

I really don't eat here. Well, sometimes. When Tania wants me to join her for lunch. But most of the times I spend my lunch break, either in front of my laptop or sleeping. It became my habit to skip lunch.

"Yes, Miss De Luna. I-prepare ko lang po. Upo muna kayo.." sagot ng tindera sabay mwestra sa mga tables sa harap.

"Thank you."

Agad akong umupo at pinag masdan ang ginagawa nila. Nakita kong binulungan niya ang mga kasama niya na bigla namang nataranta at nag kaniya kaniya ng gagawin.

Nanliliit ang mata ko silang pinag masdan. Don't tell me wala talagang clubhouse sandwich at dahil iyon ang gusto ko ay gagawan na nila ako?

Limang minuto lamang ang hinintay ko nang may lumapit na sa akin dala dala ang isang tray na may lamang isang clubhouse sandwich na ini-slice sa dalawa.

"Ito na po, Miss De Luna ang sandwich ninyo. Sana po tumawag na lang kayo sa amin para naihatid namin sa opisina ninyo..." sambit ng cashier na pinag tanungan ko kanina.

Huminga na lamang ako ng malalim bago nag abalang kumuha ng pera sa dala kong wallet.

"Nako, Miss De Luna, wag na po! Huwag na po kayong mag bayad..." ani ng cashier at ginawaran ako ng isang malapad na ngiti.

Umiling ako. Kinuha ko sa kaniya ang tray at inilagay iyon sa lamesa.

"Take it. Keep the change. I know you don't really serve clubhouse sandwich. Thank you."

Inilagay ko sa palad niya ang pera, kitang kita ko ang paga-alinlangan niya kaya agad na akong umalis dala dala ang sandwich.

This is why I don't want to work in our company. May special treatment kapag alam nilang ikaw ay anak ng may ari. Na-stress pa tuloy sila dahil sa akin. I've always been considerate to my peers. Hindi purkit kapatid ako ng presidente ay ganoon na dapat ang turing nila sa akin. I'm just like one of them, an employee.

Pagbalik ko sa floor namin ay tumigil ako sa desk ni Tania.

"Yes, Miss? Do you need anything?" Tania with a wide smile plastered on her face.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. What's with the smile?

"Tss. You in a good mood, huh?"

Tango lamang ang sagot niya. Bakit kaya good mood ang isang ito?

Humilig ako sa kaniyang desk at pumiraso sa sandwich at saka ito sinubo. Kanina ay naisip ko ang nasabi niyang mag loosen up naman daw ako. Kaya naman naisip kong yayain ko siya. Tutal Friday naman at walang pasok bukas.

"Anyway, let's go somewhere after work."

Ang kanina pang maliwanag na mukha niya ay mas lalong lumiwanag dahil sa sinabi ko. Tila ba parang musika sa tainga niya iyon. Napairap na lamang ako.

"Saan? Go ako basta treat mo. Saka na ako. Wala pang sweldo eh..." aniya sabay tawa.

Kahit kailan talaga itong isang ito napaka sinop sa pera. Balak kasi kiyang bumalik sa pag aaral kaya nag iipon ito. She really want to go to college that's why she's working hard to earn money for her tuition fees.

"Oo na. Dadaan muna tayo sa bahay ko bago tayo umalis."

We can't go there with our office attires. We need to dress up.

Kunot ang noo'y nag tanong siya, "Why? Saan ba tayo pupunta?"

I smirked. "You'll see."

With that, I left her and entered my office and dive into the waves of paperworks I have to finish. I want to relax this weekend. And that is what I am going to do starting tonight.

"Kleo, kailangan ba talaga ito?"

Nasa bahay na kami ni Tania. Dito kami dumiretso gaya ng sabi ko kanina. She's looking at the black sequin bodycon halter dress na pinahiram ko sa kaniya.

Habang ako ay abala sa pag lalagay ng make up ay tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin.

"Of course, Tania. They have a dress code."

Si Tania ay nanatili lang ang tingin sa dress na nakalatag ngayon sa kama ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Kakain lang naman tayo, hindi ba? Bakit kailangan mag change outfit pa?" aniya habang parang diring diri sa dress sa harapan niya.

Inirapan ko siya at naka pameywang na hinarap siya. I never knew that she is this conservative! Ni hindi nga revealing ang pinili kong damit sa kaniya.

"Kung kakain lang tayo sana dumiretso na tayo ng mall, Tania."

Tinayo ko siya sa kama at tinulak na sa aking walk in closet. Sinunod ko ang dress para makapag bihis na siya.

"Kuya likes girls who wear body hugging dresses..."

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon. Maybe because I think she likes my Kuya? And that's the only way to convince her to wear it. It is true that kuya likes it when a girl is wearing body hugging clothes. Cause as per Kuya, it emphasizes the boobs, curve and butties. Tsk, boys. Napairap nalang ako sa kawalan.

Ilang saglit pa ay nag bihis na rin ako. Wearing a burgundy cowl neck bodycon mini dress.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Tania wearing the dress. Unti unti akong ngumiti dahil bagay na bagay sa kaniya. It fits her perfectly!

"Nakakailang naman ito..." aniya at panay ang baba sa skirt nito.

Tinampal ko ang kaniyang kamay at pinatayo siya ng ayos.

"You look so sexy, Tania! Let's go!"

Hinila ko na siya palabas para hindi na siya makapag salita pa. Pag sakay namin sa aking sasakyan ay kitang kita ko ang pagiging uneasy niya.

"Tania, relax. Ikaw ang mukhang stressed sa ating dalawa ngayon!"

Ngumiti siya ng hilaw at umiling. "Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong damit, Kleo. Hindi ba talaga pwedeng mag jeans at shirt na lang sa pupuntahan natin?"

Umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Who parties in shirt and jeans, Tania?"

Kumurap kurap siya at gulat na binalingan ako mula sa shotgun seat. Sinulyapan ko lang siya saglit at binalik ma din agad sa daan ang tingin.

"P-party?"

I smirked wide. Yes, Tania. You told me to loosen up a bit. This is it. This is how I want to loosen up.

*

Maingay nang makapasok kami sa Revel. May naka reserve na na upuan para sa aming dalawa bago pa man kami pumunta dito. The owner of this bar is one of our clients in LHI. We designed this place.

"Tania, relax. Okay?"

She's still a bit uneasy because of her dress. This woman is very conservative. I sighed.

Agad may nag serve sa amin ng alak. Tania is not a heavy drinker. She doesn't drink at all. That is why I ordered cocktails for her. Baka isang shot pa lang ng bourbon na hawak ko ngayon ay knockout na ang isang ito.

She was hesitant at first but still drink the cocktail.

"Hindi ka malalasing sa cocktail, okay?"

Nag kwentuhan lamang kami doon sa half circle shaped sofa. We laughed all the stress away. Nakaka lima na baso na ako ng whiskey kaya ramdam ko na na tipsy na ako. Well, more like drunk?

"Let's dance, Tania!"

Tinry ko siya itayo pero ayaw niya. Kaya nang hindi ko siya mapilit ay ako na lang ang tumayo at lumapit sa mga taong nag sasayaw. I will definitely enjoy the night!

"Fine? I'll dance alone."

I almost lost my balance when I stood up and walk towards the dance floor.

I danced along with the upbeat song. The crowd is wild and so am I.

"Wohoo!"

I was busy dancing when I felt an arm snaked into my tiny waist. Man lalong na emphasize ang liit ng beywang ko dahil sa malaki niyang braso. He's dancing behind me so I danced with him. Never minding to look back and see who the guy is. I'm too drunk to look at him. But we're too close. He's so close to me that I can smell his scent. He smell like cocoa, that emporio armani diamonds by Giorgio Armani. He smell like that. And it's so addicting.

"What is a princess like you doing here, hmm?"

I snorted. Princess? Me? I rested my head against his broad chest as we keep on dancing along the beat. From an upbeat song it change into a I can feel his heavy breathing against my ear. Pinag halong mint at alak ang amoy nito.

"You should be in your palace waiting for you prince..." aniya sa isang napaka seksing tono.

Damn. Who the fuck is this guy! His voice so so sexy!

"I don't need a prince. And, I am not a princess." I laughed and tried to look back at him but he pulled me even closer against his chest and snaked both his arms around my waist.

"I'm here to enjoy!"

Tinanggal ko ang kamay niyang naka palibot sa bewang ko at hinarap siya. With that sudden move, I felt dizzy. Bigla bigla kasi akong pumit paharap sa kaniya para ngunit nahilo lamang ako lalo. I'm so drunk!

Ang isang kamay niya'y nasa aking beywang at ang isa ay marahang naka hawak sa aking siko. Nanlalabo na ang mata ko at hilong hilo na talaga ako buti na lang naalalayan niya ako.

"Damn that whiskey!" I chuckled and seconds after everything went black.

avataravatar
Next chapter