6 5

That night, I couldn't sleep. Nakapikit ako pero hindi ako maka tulog. Sa bawat pag pikit ko ay naalala ko ang mga halik niya sa akin. Para bang nilubayan ako ng antok kasama ng tamang pag-iisip ko at pinalitan iyon ng alaala ng mga labi niya. My rational thoughts were nowhere to be found!

Hindi ko alam kung ipagpapa salamat ko ba na tumunog ang telepono niya nung gabing 'yon kaya natigil siya sa pag halik sa akin o magagalit dahil.... dahil ayokong matapos? Hindi pa dapat talaga siya titigil at iniignora lang ang telepono niyang nakailang ring na ngunit tinulak ko na siya. Agad niyang nakuha ang gusto kong mangyari. And I instantly felt... incomplete.

Oh god, Kleo! Fool!

"Hello, Miriam... I'm fine... yes," and that hit me.

Yeah. You're a fool, Kleo. How stupid of you to forgot about Miriam Hidalgo—his girlfriend!

Tumingin siya sa akin saglit bago itinuon ang buong atensyon sa kausap sa kabilang linya. Hindi ko mabasa ang mga mata niya kaya umiwas na lamang ako. Ilang saglit lang ay nag lakad na siya palabas ng silid. Sinundan ko lang siya ng tingin ng nakatalikod na ito sa akin. I couldn't move. Couldn't talk. Couldn't think straight. But when I heard who's on the other line, parang may pumindot ng switch ng utak ko. Parang biglang gumana ulit at nabuhay. Para ipaalala sa akin kung gaano katanga ng ginawa ko. I let him kiss me! Not just once but three times! At mukhang nasarapan ka pang gaga ka!

Kung hindi pa tumawag si Miriam Hidalgo ay hindi ako babalik sa ulirat ko! Hindi ko pa mare-realize kung anong katangahan na naman ang ginawa ko. Kaya oo, nagpapa salamat ako dahil sa tawag na 'yon. I'm back to my old self. My rational thinking is back. I somehow, wanna say thank you to Miriam for calling and interrupting our make out session!

Iyong gabing 'yon din ay nag pasya akong umuwi na. Syempre ng hindi niya nalalaman. Alam kong pipigilan niya lang ako. Pero kung sakaling pigilan niya ako, mag papapigil ba talaga ako? No. Ayoko na lamang talaga ng diskusyon. Matapos ang nangyari ay hindi na muli akong tumingin pa banda niya. Dahil kapag nakikita ko siya, bumabalik lang sa isip ko ang nangyari kanina.

Alas dos ng umaga ng umalis ako dahil hinintay ko pang mahimbing ng tulog si Thaddeus. Kaya wala pang alas sinco ng Linggo ng umaga ay nakarating na ako sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko nakaya na bumyahe ng madaling araw. Walang tulog at pagod pa. Buti na lang hindi ako inantok sa byahe.  Ang inis kay Thaddeus at sa sarili ang nag silbing drive ko para tumuloy sa pag-alis ng ganoong oras. Kaya naman pag dating na pag dating ko sa bahay ay nag linis lamang ako ng katawan at natulog na.

Nagising lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kanina pa 'yon nagri-ring, hula ko ay pang sampung beses na ring na nito ito ngayon. Alas onse y media na ng umaga. Inis kong dinampot ang cellphone ko sa bed side table. Antok na antok pa at hindi pa sapat ang ilang oras na tulog na 'yon.

I opened my phone and saw fifty missed calls! Damn. Ang akala kong nasa sampu lang ay nasa fifty missed calls pala! Agad nawala ang antok ko dahil sa nakita. Sino ang tatawag ng ganoon karami?! Who in their right mind?

Tumunog ulit ang cellphone ko. His name flashed on the screen. Siya ba ang kanina pa tawag ng tawag?! Siya 'yong fifty missed calls?! Pag mulat pa lang ba ng mata niya ay tinatawagan na niya ako? What the hell? Ano bang kailangan niya? Wala na ako panahon sa mga laro niya. I rejected the call. I blocked his number so he won't bother me anymore. Pero isang minuto lang ang lumipas ay si Tania naman ang tumawag kaya sinagot ko 'yon...

"Hello, Tania..."

Nakarinig ako ng singhap at kung anong nalaglag sa kabilang linya.

"Oh my gosh! Kleo! Ano bang nangyari sa 'yo!"

What? Anong...

"Muntik na ako tumawag ng pulis para ipahanap ka dahil hindi namin alam kung saan ka nag punta! Nasaan ka ba ha? May nangyari ba sa 'yong masama? Huh?"

Rinig na rinig ko ang pagpa-panic niya mula sa kabilang linya. Bakit naman niya naisip na may mangyayari sa aking masama?!

"What are you talking about? Nandito ako sa bahay. Kagigising ko lang..."

"W-wait, hindi ba nasa Batangas ka? Kanina pang umaga tunawag sa akin si Mr. Antoine! Nawawala ka raw at hindi ka sumasagot sa mga tawag niya... tapos... paanong... paanong nariyan ka sa bahay mo?"

Oh? So kaya ba ganito na lang reaksyon niya dahil ang akala ni Thaddeus ay nawawala ako at mayroon ng masamang nangyari sa akin? Paano kung mayroon nga? Ano naman sa kaniya? Tsk. Siguro inusig ng konsensya dahil siya ang huling kasama ko bago ako mawala kung may mangyari mang masama sa akin!

"Tania, kapag tumawag ulit siya sa 'yo ay huwag mo na sagutin. At huwag na huwag mong sasabihing narito na ako sa bahay ko. Are we clear, Tania?"

Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang dahilan niya kung bakit ginagawa nanaman niya 'to. For his stupid games. Bored na ba siya sa relasyon nila ng girlfriend niya kaya nag hahanap siya ng pwedeng paglaruan? Habang ano? Busy silang dalawa sa kani-kanilang trabaho? At ako pa talaga nag napili niya, huh? What an asshole.

Tss. Sorry na lang siya at hindi na ako 'yong batang babaeng kayang kaya niyang utuin noon! I won't fall for his games. Never again. Mas marami pa akong dapat pinoproblema kaysa sa kaniya.

Nang mag hapon ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos. Nasa baba na si Kuya Keiden para sabay na kami tumulak sa mansyon. Bumaba na rin agad ako nang makuntento sa suot na damit. I'm wearing a black sweetheart neckline satin mini dress with rose print and puff sleeves then paired it with a white block heel pumps.

"Let's go."

Kuya looks so problematic. "Kung ayaw mo pwede naman tayong mag dinner na lang somewhere. Saan mo ba gusto?"

Umiling ako, "No, Kuya. Ayokong galitin pa lalo si Daddy..."

His offer is tempting, I admit. Pero kailangan namin pumunta sa dinner. Dinner lang naman 'yon eh. Wala namang mawawala kung pupunta kami. Wala nga ba talaga? Or am I just in denial? Dahil ang pag dalo pa lang sa dinner na 'yon ay parang pag sang-ayon ko na rin sa gusto nilang ipakasal ako.

Para bang pag tumuloy talaga ako doon ay unti unti nanaman mawawala sa akin ang kalayaan ko. Kalayaan ko na ilang taon lang pala nila ipaparanas sa akin. Pag tapos pala ng ilang taon ay babawiin nila sa akin at ikukulong na naman nila ako sa mga desisyon nilang akala nila ay mas makakabuti para sa akin.

Halos isang oras ang binyahe namin patungo sa mansyon. Tahimik lamang ako hanggang sa makababa ng sasakyan. Sinalubong kami ni Daddy at Mommy na nag aantay sa labas lamang ng aming engrandeng double doors.

Naunang bumati si Kuya bago ay ako.

"Let's go. The Silvestres will be here in any minute."

Sumunod kami kay Daddy na nag lakad na patungo sa aming dining area. Nahuhuli ako dahil hindi ko mapigilan nag sarili kong ilibot ang tingin. Nothing changed. Mula sa marmol na sahig hanggang sa mga furnitures, gaya pa rin ng dati. Mas nag mukha lang bago ang kulay ng buong mansyon, siguro'y taon taon na pinapa pinturahan.

Still the same old mansion where I grew up in. Same mansion that felt like a prison to me a while back. It never felt like home. I always loved our mansion not because it is an extravagant and lavish home but it is because of my family, well, that was after that tragedy.

Just few years after I got the freedom I badly wanted, and then here I am again. Hindi pa man naikakasal ay parang unti unti nang nawawala sa akin ang kalayaang tinamasa ko ng ilang taon. I almost forgot, utang ko nga pala ang buhay ko sa kanila. Note the sarcasm. Hinayaan lang nila akong enjoyin ang kalayaan ko ng ilang taon dahil pag tapos no'n ay kukunin na ulit nila iyon sa akin.

"Kleo," si Kuya Keiden. Sa pag iisip ko pala ay natigil na ako sa paglalakad. Nauna na sa dining area sina Mommy at Daddy. Habang ako ito, nasa harap ng malaking portrait ng aming pamilya. Thinking about how and why we ended up like this? Or more likely, why I ended up like this? My brothers are living their best lives except for me.

"Are you backing out? I can take you home. Pwede nating sabihin kay Dad na masama ang pakiram—,"

As if he'd buy that excuse.

"No, Kuya. Let's go..."

He heaved out a heavy sigh. I really appreciate Kuya's efforts. Silang dalawa ni Kuya Keith. Kanina, habang nag-aayos ako ay tinawagan ako ni Kuya. Kalalapag lang ng eroplano niya sa unang stop over nito kaya nakatawag siya sa akin. He was, again, convincing me to go and live with him sa states. I already have a ticket. Kaya wala na raw ako poproblemahin pa. Pero ganoon pa rin ang desisyon ko. Ayokong takbuhan na lang ang problema ko.

Nang marating namin ang dining area ay naroon na ang mga inihandang pagkain. Ilang saglit lang din naman ang hinintay namin ay dumating na ang mga Silvestre.

They all greeted the Silvestres except for me. I couldn't even look at them. Ngunit nang makita ko ang pagbabanta sa mga mata ni Daddy ay wala na akong magawa kundi batiin ang mga panauhin.

"It's nice to finally meet you, hija. Talaga ngang napaka ganda ng unica hija mo, Lani."

The old Silvestre woman greeted me with all smiles. Tipid na ngiti lamang ang naigawad ko sa kaniya ganoon na rin sa iba pang kasama. Bukod sa dalawang lalaking Silvestre ay may kasama silang babae na hula ko ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon. She has that same chinky eyes like that of the old Silvestre woman.

We all settled on our seats. The maids then started serving our food. I couldn't look at our guests. Diretso ang tingin ko sa plato na may laman ng pagkain. Napuno ang hapag ng usapan ng matandang Silvestre at ni Daddy. Paminsa'y sumasali si Kuya roon. Noong una ay patungkol sa negosyo ang usapan nila ngunit nang ipaalala ni Mrs. Silvestre kung para saan ang dinner na ito ay mas lalo lang akong nawalan ng gana.

"You know, Lani, I really want a beach wedding for these two!" she said excitedly. Tila ba siya ang ikakasal.

"Oh, Catarina. Let them decide on that matter." The Old Silvestre man said and then turned to his son who's beside him.

"Do you already have plans in mind, son?"

Theodore Silvestre looked at me like he's waiting for me to answer the question. At hindi ako nag kamali.

"I will let her decide on that, Papa." he said not taking his eyes off me.

There's something about his eyes that makes me feel like he's dangerous. He may look like a good boy because of his soft facial features but his eyes tells me otherwise. Para bang hindi ko siya dapat pagkatiwaalan. Kaya naman ako ang bumitaw sa titigan namin at nilipat iyon sa kaniyang ama.

"I don't have any plans yet..."

Narinig kong tumikhim si Daddy sa kabisera kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang isinagot ko. But then, ano nga ba ang dapat kong isagot sa tanong niya? Eh hindi ko naman talaga gustong ikasal kaya bakit ako mag-iisip ng venue kung saan gaganapin?

"I understand, hija. I know you're a busy woman. Marami pa naman tayong oras para pag handaan at pag isipan..." the old Silvestre man smiled at me before turning to my Father who's now eyeing me like I said something bad.

Pag tapos ng usapan na iyon ay tungkol na muli sa business ang topic nila. Thanks to Kuya Keiden dahil siya ang nag bago ng topic. Kaya tahimik na muli akong kumakain. But when the dessert was served, muling nasa akin ang spotlight...

"Hija, do you have any plans on taking over your company once Keiden decides to step down as the CEO?"

That question was out of the blue. Taka akong bumaling sa pwesto ni Mrs. Silvestre. She shifted on her seat. It took me half a minute to answer her.

"No. I, I don't have any plans on taking over his post..."

Why'd she ask?

"I thinks it's too early to talk about me stepping down as the CEO?" Kuya then seconded and chuckled.

"And, Kleo doesn't really like the idea."

Parang nito lang ay kung pilitin niya akong ako ang pumalit sa pwesto niya at ngayon biglang nag bago? But, Kuya's right. I really don't like the idea of me taking over his post as the CEO.

"Kuya Keith might be interested, though." iyon na lamang ang nasabi ko at pinag laruan na lamang ang blueberry cheesecake na nasa harap ko.

"Oh, speaking of. Where is he, by the way?" Tita Catarina asked as she look around.

Si Daddy ang sumagot sa tanong ni Tita Catarina— iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya at Tito Titus naman kay Mr. Silvestre. Minsang nakikisali si Carrie, ang anak nilang babae, sa usapan. Pero, madalas ay tahimik lang siya. She's not the friendly type. Iyon ang nakikita ko. Kapag nga nagagawi ang tingin ko sa pwesto niya ay naka ismid lang siya sa akin.

The conversation went on and on until they decided to end the night. Nag paalam ang mga Silvestre at nag papasalamat ako dahil doon. Kitang kita ko ang effort ni Kuya Keiden na ibahin ang topic at huwag na ulit mapag usapan ang kasalan. I owe him one. Hindi ako masyadong naging uncomfortable. But Theodore's intense eyes made me. Para bang binabasa niya ang bawat kilos ko.

Nang sumunod na linggo ay naging busy kami ng team ko dahil sa presentation na nairaos naman namin pero kabadong kabado ako dahil hindi mawala sa isip ko na may kopya si Thaddeus ng mga files ko at kasama doon ang mga future projects namin. Isang pindot niya lang ay tapos ako at ang kompanya namin. But then, we still did a good job. Kaya naman nang nag-yaya silang mag celebrate nang mag Biyernes dahil na-approve lahat ng designs namin, hindi na ako tumanggi.

I think I need that, too. This week's a bit stressful. Well, coz of work plus my Daddy keeps on bugging me about the wedding. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko pipigilan ang gusto nila. Surely, saying no won't do a thing. Kahit lumuhod ako at magma kaawa ay walang mangyayari.

"Mabuti naman sumama ka this time, Kleo." saad ni Quen, isa sa mga teammates ko.

Kapag wala kami sa office ay sinasabihan ko silang tawagin na lang ako sa pangalan. We're of the same age naman kasi.

"Yeah. Mukhang kailangan ko na rin e."

Matagal na nila akong niyayaya mag bar pero hindi ako sumasama. Ngayon lang talaga dahil sa tingin ko kailangan ko na rin talaga.

Kaming apat ang narito sa U shaped na sofa. Kasama na rin namin si Hara ngayon na katabi si Drake. Hindi mo mapag hiwalay ang dalawa. Mukhang okay na kaya si Quen lang ang nakakausap ko dahil tila'y may sariling mundo na sila doon sa sulok.

Habang nag-uusap kami ay may mga bumabati sa amin na mga kakilala. Hindi ako um-order ng masyadong hard liquors dahil magda-drive pa ako. Kahit weekend na ulit bukas ay ayoko na ulit magka-hang over ng malala. Nang may bumati muli kay Quen na kakilala ay nag paalam ito na sasama saglit sa grupo na 'yon kaya naiwan ako ditong mag-isa. Bumaba na rin kasi si Drake at Hara para pumuntang dance floor. Nasa second floor kami ng bar na ito, mas pinili kong dito na lang para hindi ganoon karaming tao.

"Kleo? Hi!" Bati ng isang babaeng hindi ko naman kilala pero namumukhaan kong isa sa mga naging babae ni Kuya Keiden.

"Hi."

I'm not the friendly type but I am not a snob.

"Alone? Halika sa table namin..."

Iiling pa lang sana ako nang hinila na niya agad ako patayo at papunta sa table nila na hindi naman kalayuan sa amin. Hindi na ako nakapag protesta pa kahit hindi ko naman siya close. Hindi ko nga rin alam ang pangalan ng babaeng 'to!

"Where's Keiden?" sambit nito habang papalapit kami sa table nila.

"I don't know?" tinignan niya ako at saka bumuntong hininga.

"Tsk. He's avoiding me now, huh."

Umiling ako. Iniisip yata niya na pinagtatakpan ko ang Kuya. Totoo naman kasi na hindi ko alam. I don't know his whereabouts, lalo na ngayong friday. Most probably, nasa bar rin iyon kasama ang mga kaibigan niya at napapaligiran ng mga babae.

Pinasadahan ko ang babaeng ito na siguro ito ang pinaka recent na naging babae ni Kuya. She's got that body of an hourglass. Big tits and butt. Mahaba ang kulay brown niyang buhok. Mestiza at mukhang may lahing espanyol. Maganda siya. Well, hindi naman siguro siya papatulan ng Kuya ko kung hindi. Oh, wait. Siya iyong isa sa babae na nasa office!

"Guys! This is Kleo. My boyfriend's sister..."

Tinignan at nginitian ko lang ang mga nakaupo sa sofa na halos puro babae. Iilan lang ang lalaki at laking gulat ko na kilala ko ang ilan roon!

"Boyfriend, huh?" tanong ng isang babae na may halong panunuya sa tono.

Inirapan lamang siya ng babae ni Kuya. Mukhang nakuha niya ang ibig iparating ng kaibigan niya.

"Oh, Veronica. Keiden don't do girlfriends..." sambit ni Maxon habang nakatitig sa akin.

Narito si Maxon, pati na rin si Van at James. Nasaan kaya si Kuya kung narito ang mga kaibigan niya?

"Shut up, Max." Veronica rolled her eyes on Max and then she turned to me.

"Sit with us. Bakit ka ba mag-isa—."

"I'm with my officemates. Umalis lang sila kaya naiwan ako roon. I'm not alone..."

Ayoko nang makiupo pa sa kanila gayong narito ang mga kaibigan ng Kuya ko. Hindi ko rin naman sila close kaya huwag na lang.

"Oh, ganoon ba?"

"Kleo!" si James, mukhang ngayon lang ako napansin dahil busy siya kanina pa sa pakikipag landian sa babaeng katabi.

Tipid lang akong ngumiti at bumaling nang muli kay Veronica para mag paalam.

"Uh—.."

"Hi, Thad!"

Biglang parang naging kitikiti ang mga babae sa harap ko nang batiin nila ang kung sino mang kadarating lang na nasa likod ko. Hindi naman siguro ganoon kaliit ang mundo para iisang Thad lang binati nila at ang Thad na iniiwasan kong makita.

Tumayo si Maxon at binati ang lalaki sa likod. Nanatili akong walang imik at hindi nililingon ang kung sino mang nasa likod ko. Nasa tabi ko na ito ngayon at binabati na rin sina Van at James. I looked at my side. Nang makumpirma kung sino ay ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko. Damn. Napaka liit naman talaga ng mundo!

Nang matapos niyang batiin ang halos lahat ng nasa table ay naramdaman kong sa akin naman siya bumaling ngayon. I swear, my heart is beating like mad right now! Why of all people, siya pa ang makikita ko rito. I've been ignoring his emails for the past week. Yes! Emails! Dahil ni-block ko siya sa phone ko ay thru email niya ako binu bwiset!

Hindi ko siya nilingon. Kay Veronica ako tumingin at nag paalam. I turned to Maxon as well.

"I'll just go back to our table."

"Wait, Kleo. By the way, this is Thad. Thad this is Kleo." sambit ni Maxon nang lumapit siya sa akin at bigla akong akbayan.

Napatingin lamang ako sa kamay niya na nasa balikat ko at pabalik sa kaniya. He saw my reaction but all he did was cocked his head and smiled playfully at me.

"I know her."

Magsa-salita na sana ako para pag sabihan si Maxon sa ginawa nang maunahan ako ni Thad. Oh my gosh. Bakit niya sinabing magka-kilala kami! Bakas sa mukha ni Maxon ang gulat kaya taka siyang tumingin sa akin. Tinanggal ko muna ang kamay niya sa balikat ko bago mag salita. Uunahan ko na ang gagong itong nasa harapan ko ngayon sa kung ano mang pwede niyang sabihin.

"He's a client."

Tumango si Maxon at nawala ang pagtataka sa mukha nito. Tinignan ko naman ang lalaking nasa harap ko ngayon. His brows furrowed and his lips pursed in a thin line while he's looking at me with his intense stares, I looked away.

"I'll go ahead, Maxon. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko."

Bago pa makapag protesta si Maxon ay dire-diretso na ako sa couch namin at agad ininom ang isang basong whiskey na naroon. Wala pa rin ang tatlo. Mukhang nag-enjoy na kung nasaan man sila. Mabilis ang pag hinga ko. Sa lahat ng taong pwede kong makita ngayon ay talagang siya pa? Iniiwasan ko nga siya tapos makikita ko siya rito? Sa sobrang frustration ko ay ininom ko pa ulit ang isa pang basong bourbon.

Nilingon ko ang railings kung saan tanaw ang first floor ng bar. Lumapit ako doon humilig habang hawak ang pangatlong baso ng bourbon. Hindi ko na ni-bottoms up iyon dahil mamaya baka malasing na naman ako. Tinanaw ko ang dance floor. It's past twelve, the people are getting wilder now. Kung narito lang ang tatlo ay sana nakapag paalam na ako na uuwi na. Ayoko na mag tagal pa sa lugar na 'to, knowing that Thaddeus is also here.

Nasa sulok ako at nakahilig sa pader at ang kamay ay naka patong sa railings. Tinitigan kong mabuti ang basong hawak. Hindi na siguro ako mag papaalam sa mga 'yon ng personal. I'll just message them. Ini-straight ko ang last na shot ko sa gabing ito at akmang babalik na sa table namin para ipatong 'yon nang harangan ni Thaddeus ang dadaanan ko.

Damn.

I tried to walk and pass through the small space in between him and the wall but he pushed me back kaya naka hilig na ako ngayon sa railings, facing him. Great.

"Move. Dadaan ako." I said coldly. Kahit na ramdam na ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya ay nagawa ko pa ring sabihin 'yon.

"Client, huh?" he said as he leaned forward kaya mas lalo akong umatras kaya ngayon ay pader naman ang nasa likod ko.

He locked me in a territorial way. His left hand on the wall just right above my head and the other is holding onto the railings. Para nanaman nakikipag karera ang puso ko sa bilis ng takbo! Ano ba, Kleo! Why are you so affected!

"Ganoon ka ba sa mga kliyente mo?" he said while gritting his teeth.

What does he mean by that? The.. kiss?

"Iniiwan mo na lang bigla? Hmm?"

Oh. Wala akong nagawa kundi irapan siya.

Ramdam na ramdam ko ang gigil niya sa bawat salitang sinasabi niya. Ganoon siya ka-galit dahil sa ginawa ko. Dapat lang sa kaniya 'yon!

I equalled his stares with the same intensity. Anong gusto niyang gawin ko? Matapos niya akong papuntahin sa Batangas para sa wala at halikan ako gayong may girlfriend siya, gusto niya bang matuwa ako roon?

"So unprofessional,"

Napigtas ang pasensya ko sa sinabi niya. Ako pa talaga? What a fucking hypocrite! I pushed him so hard pero hindi siya natinag.

"You're the one who's unprofessional!"

Patuloy lang ako sa pag tulak sa kaniya pero tulad lang kanina, hindi siya natitinag. Mas humigpit pa lalo ang hawak niya sa railings.

"Pinapunta mo ako sa ancestral house niyo para lang sa wala! Anong tawag mo don, ha? You're a hypocrite!"

Binuhos ko na ang lahat ng lakas ko sa huling beses ng pag tulak ko sa kaniya ngunit hinuli niya lang ang dalawang kamay ko at ibinaba. I shoot daggers at him dahil iyon na lang ang kaya kong gawin. Mahigpit ang hawak niya sa pala pulsuhan ko kaya kahit anong piglas ko ay hindi ko matanggal.

"Let go of me! You, asshole! Sinong propesyunal ang bigla na lang mang hahalik, ha? And you have a freaking girlfriend! For Pete's sake! Asshole! Let go!"

Lalong nag alab ang mga mata niya sa galit. I can almost hear him gritting his teeth in annoyance. Mariin siyang pumikit at nang dumilat ay punong puno na ng iba't ibang emosyon ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Alright, I'll break up with Miriam." sambit nito na para bang napaka simple ng gagawin niya!

What the fuck?

"If you're mad because I'm in a relationship, I'll break up with Miriam then."

I can't believe him!

"What are you saying?" I said slowly but with so much annoyance.

Paano niya nasasabi ang mga 'to ng ganoong kadali? Siraulo ba talaga siya ha?

"I said I will break up with her if that's bothering you."

Mas kalmado na siya ngayon. His grip loosened a bit but he's still holding my wrists. His eyes, I can't properly describe it. It's full of emotions that's very foreign to me. Halo halong emosyon 'yon kaya hindi ko maisip kung paano ide-describe. Lalo lang tuloy nag salubong ang mga kilay ko, dahil sa nakikita ko sa mga mata niya at dahil sa mga sinasabi niya.

"Asshole." iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

Hindi talaga ako maka paniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig niya. Ganito na ba talaga siya ka-gago?

Ngumisi lang siya na lalong kina-inis ko. Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko at pababa pang muli sa sweetheart tube top na suot ko. Nag humerentado ang puso ko nang makitang natagalan siya roon. At lalo pang nag-humerentado nang ibalik niya sa labi ko ang mga mata niya. He licked his lips once.

Bago pa man siya maka lapit pa lalo at magawa ang iniisip kong gagawin niya ay sinampal ko na siya. That stunned him. Hindi agad siya naka galaw dahil doon kaya nakawala ako sa hawak niya at naitulak ko siya. Serves him right. Dire-diretso ako sa table namin at nilagay ang baso bago nag madaling bumaba at lumabas ng bar. Hindi ko na napansin ang mga tumawag sa akin. Basta, gusto ko na lang ay maka labas ako sa lugar na 'to! Away from that asshole!

It's weekend. Wala akong planong gawin ngayon kundi mag stay lang dito sa bahay. Bukod sa pagod ako sa trabaho ay ayoko na munang lumabas. Masyadong maliit ang mundong ginagalawan namin ni Thaddeus.

"Kuya? What are you doing here?"

Nang mag tanghali ay bigla na lang dumating si Kuya Keiden. I was in the kitchen when he came.

"What are you cooking? Pasta?"

Matapos ko siyang pag buksan ng pinto ay dire-diretso siya sa kusina.

"What brings you here, Kuya?"

Binalikan ko na ang white sauce na niluluto ko habang si Kuya ay naka upo na sa stool sa may kitchen island.

"Can we eat first?"

It's very unlike him to visit me. Even though we live in the same neighborhood, hindi siya laging bumibisita dito. So, the thought keeps bothering me. Kahit nang kumakain kami ng lunch ay hindi ko maiwasang tignan siya. Iiwas lang siya ng tingin kapag ganon. Kaya naman nang matapos kaming kumain ay tinanong ko na siya ulit.

"What is it?"

He was about to stand up from his seat but then my question caught him off guard kaya napaupong muli.

"Hindi ka pupunta dito para lang maki-kain," I cocked my head as I look at him.

"Well," he trailed off. Huminga muna siyang malalim bago muling mag salita.

I impatiently looked at him with my brows shot up and arm's crossed.

"Dad wants to host a party."

"For what?"

"For your engagement."

I sighed. Bakit kailangan pa ng engagement party kung pinag kasundo lang naman kami? Tumayo na ako at dumiretso sa sink para mag hugas. Tumayo na rin si Kuya at naka pameywang na sa tabi ko.

"Hahayaan mo lang? Wala kang gagawin? If this party push through, everyone will know about your marriage to that Silvestre guy!"

I know. Alam kong kapag natuloy ang gusto ni Daddy ay malalaman ng lahat ang tungkol sa kasalan. Wala nga ba akong gagawin? Iyon ba talaga ang tanong? O ang tanong talaga ay may magagawa pa ba ako para mapigilan lahat ng 'to?

"If only you accepted Keith's offer ay wala tayong problema."

Nakatitig lang ako sa sink. What if nga sinunod ko ang gusto nilang plano? What if I went out of the country? Will I be out of reach of my father? Will that be a good reason for him to stop this arrange marriage? Will he stop?

"Kung sumama ba ako kay Kuya Keith, s-sa tingin mo titigil si Daddy?"

Sinulyapan ko si Kuya na nakatayo pa rin sa gilid ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya nang makita akong umiiyak. I can't help it anymore.

"Will t-that be enough reason for him to stop, Kuya?"

"Kleo.."

"Sa tingin mo ba Kuya kapag lumayo ako sa kaniya hindi na niya itutuloy ang gusto niyang mangyari?"

My tears won't stop from falling. Ilang linggo ko ng problema 'to pero ngayon ko lang maibubuhos ang lahat. Hoping that I'll feel better. Mabawasan man lang 'yong bigat at sakit dito sa puso ko.

"Tayo, of all people, should know the answer to this! That there's nothing we can do! There's nothing I can do..."

Kuya looked at me with nothing but his weary eyes. I know they're always worried about me and I thank them for that. But I feel so sorry, too. That I might've gave them so much stress and made them so worried for the past few days, or not, I've been giving them stress for years now. I've been giving them problems ever since.

I locked myself in my room the rest of the day. I ignored everyone, even Tania's calls. I did not eat my dinner kahit na pinag handa ako ng pagkain ni Kuya. Wala akong gana. Nawalan ako ng gana sa lahat. Bakit pa ba ako nabuhay? Iyon na lamang ang lagi kong tanong sa sarili ko? But then, I remembered that I promised that I will live, I will try my best to survive this life. That promise always keeps me going, always keeps me moving forward. It keeps me alive despite all that's happening.

Kinabukasan ay hindi na ako nagulat sa pag dating ni Kuya kasama si Daddy at Mommy. We had lunch together and of course talked about the engagement party my father wants. Para akong robot the whole time. Oo at hindi lang ang sinasagot ko. Madalas, oo. Sino ba naman kasi ako para hindian ang mga gusto ng magulang ko, particularly Daddy. Nang umalis na sila ay parang biglang nawala ang bigat na dala dala ko. For a moment, gumaan ang pakiramdam ko.

Gusto ni Daddy na ganapin ang party next month. He wants it to be grand. He wants all the people to know about the wedding. Also, he wants it to be covered by the media. Surely, it will be the talk of the town, he said. It will be a formal party full of high profile people, elites and the like. Nai-imagine ko na na mag mimistulang party 'yon para sa isang charity event o party para sa negosyo at hindi dahil sa engagement.

Dumating ang Lunes ay wala pa rin akong gana. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagagawa ng tama ang trabaho ko o tama pa ba ang ginagawa ko? Hanggang sa makauwi ako ay para akong walang buhay. Akala ko ba pag umiyak ako, mababawasan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko? Bakit parang lalong bumigat? Parang lalo ko yatang na-realize na wala na akong magagawa sa problema ko.

Almost every night that week, I'm at the bar. Uuwi nang sobrang lasing. Papasok ng may hang over. That's what I did the whole week. Party all night and get wasted. I feel like I am back at my old self. During my college days, my friends and I always go to parties. I always get so drunk and wasted. Hindi ko na minsan alam kung paano ako nakakauwi.

I feel so free that time. Coz that was the time when Dad kicked me out of our mansion. Imbes na mag mukmok ako ay salungat pa ang naramdaman ko. I felt so happy and free. I was in my last year in college when he kicked me out after we had a huge fight. My two brothers bought me a house near theirs and that's where I am living now. Tulad ko, parang mas napatanag sila na wala na ako sa mansion. Kaya agad nila akong binili ng bahay. Ayokong makitira sa kay Kuya Keiden, dahil noon pa man ay mahilig na siyang mag uwi ng babae sa bahay niya. I don't want to witness any miracle things in there.

Noong panahon 'yon, feeling ko sa wakas ay pwede na akong mag desisyon para sa sarili ko. Pwede ko nang gawin ang mga gusto kong gawin ng walang pumipigil. That's what I thought.

It was past two in the morning when I decided to go home. It's Friday kaya I went to this bar to enjoy and to drink all my problems away. Marami na akong nainom, I know. Dahil hindi na diretso ang lakad ko patungo sa basement parking. But I still managed to find where I parked my car. I'm busy finding my keys and when I did I immediately open the car and went in when someone pulled me and pinned me against my car.

Kahit lasing ay nakilala ko pa kung sino itong humila na lang bigla sa akin. It's Thaddeus. He looked so dangerous with those intense and dark eyes. I can say he's so mad right now with how his jaw clenched and his brows almost in one line now.

Wait, bakit ba siya narito at mukhang galit?

"Bitawan mo nga ako." I said and tried pulling my wrist but he remained holding me and I am drunk kaya hindi ko magamit ang buong lakas ko para itulak siya.

"You'll drive in this state? Huh, Kleo?" Gigil ngunit halos pabulong niyang tanong.

"Yes. What's the matter?"

Tinitigan ko siyang mabuti. How his jaw clench every now and then, his brows furrowed, and his eyes so dark. Isang linggo ko siyang hindi na nakita pang muli kaya naisip kong hindi ko na nga siya ulit makikita pa pero bakit ngayon ay narito siya?

"You're so drunk!" Sigaw niya, mukhang napigtas ko na ang pasensya niya sa akin.

I smirked. "I know. Kaya nga uuwi na ako."

Hindi ko alam kung sinabi niya ba 'yon to knock some sense into me. I know that I am drunk, alright.

"You can't drive."

"I can." I playful smirk was on my face as I looked at him so pissed right now.

How did he know I am here?

"Why are you here? Are you stalking me?"

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako saglit bago walang sabi sabing kinuha ang susi ko at isang beses pinatunog ang sasakyan. Agad niya akong hinila palayo sa sasakyan ko kaya naman sinubukan kong mag pumiglas but he's stronger compare to me. He's big and I am so drunk, alright!

Ilang hakbang lang ay nasa tapat na kami ng kaniyang sasakyan.

"Ano ba! Sabi ko uuwi na ako!"

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang palapulsuhan ko. Nag tagumpay naman ako roon at tinapunan siya ng masamang tingin.

"Give me my bag! I'm going home!"

Hindi ko alam kung paano pa ako nakakasigaw gayong lasing na lasing na ako. I can't walk straight. Lalo pang umalon ang paningin ko dahil sa pag hila niya sa akin dito.

"Get inside, Kleo."

"No. Give me my bag!"

Nakipag tagisan ako sa kaniya ng tingin at siya na mismo ang naunang bumitaw roon. Ngunit ang akala kong isusuko na niya ang gusto niyang mangyari at ibibigay na ang bag at susi sa akin ay mali pala!

He opened the car door and then went to me. Sa isang iglap ay binuhat niya ako at walang kahirap hirap na isinakay sa shotgun seat ng kaniyang sasakyan. A bit shocked with what he did, no single word came out my mouth. Kahit pag hinga ko pinigilan ko. Ang tignan lang siya ng masama ang nakaya kong gawin.

Nasa labas pa rin siya at hindi pa rin sinasara ang pintuan. His hand on the dashboard and the other on my seat just above my head. His intense eyes on me. Hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang galit. Pinasadahan niya ng isa ang buong katawan ko bago bumaling muli sa mukha ko bago nito isara ang pinto at umikot na para makasakay. Napairap na lang ako at tumitig sa labas habang siya ay nag simula ng mag drive.

The more I want to avoid him, all the more that he shows up. Ilang taon ko ba siyang hindi nakita? Bakit ngayon narito ulit siya at ginugulo ang buhay ko? Matagal ng magulo buhay ko pero noong dumating siya lalong nagkanda leche leche na! He was nowhere to be found years ago and then now he shows up like nothing happened? At ano? He showed up now just to make my life a lot miserable? Hindi pa ba sapat 'yong ginawa niya noon? Ang dami dami kong problema ngayon dumadagdag pa siya!

"Why can't you just leave me alone? Ilang taon kang hindi nagpakita! Dapat nilubos lubos mo na!" I snapped.

I saw how he gripped the steering wheel so hard. Kung titigan niya ang kalsada ay para bang may kasalanan ito sa kaniya. Bakit siya nagagalit kung totoo naman? Dapat ako ang magalit sa kaniya. Wala siyang karapatang makaramdam ng galit. Ako lang dapat!

"What do you want from me? Huh? You wanna play games with me again?"

Hindi pa rin siya nag salita. Nanatili lang ang mga mata niya sa kalsada ngunit ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya.

"You have a girlfriend and yet you're here—"

"I broke up with Miriam!"

Natigilan ako saglit sa sinabi niyang nakipag break na siya kay Miriam. Kaya ba hindi siya nagpakita ng isang linggo? At naroon siya sa bar at nagmumukmok dahil sa break up nila? But why would he feel bad if he's the one who broke up with her!

"I broke up with her, alright?" He said, now calm and his tone full of gentleness.

He broke up with her girlfriend, yet he sounded so calm? What an asshole!

avataravatar