5 4

Rational

Ilang minuto ang lumipas ay lumiko kami sa isang kanto na sa mag kabilang gilid nito ay puro nag tataasang mga puno. Hindi simentado ang daan kaya medyo mahirap.

Sa malayo ay may natatanaw na akong matayog na gate. Mukhang dito na ang sinasabi niyang rest house niya. Bakit naman sa liblib na lugar pa gaya nito napili nilang mag patayo ng rest house.

Nag bukas ang malaking gate sa tulong ng isang lalaking wari ko'y caretaker ng lugar na ito. Pag pasok sa loob ay una mong makikita ang malaking pabilog na fountain sa gitna. Sa likod nito ay ang malaking bahay na naglalaro lamang sa dalawang kulay—white and brown.

Ang buong mansyon ay napapalibutan ng mga puno. Sa kabilang dako ay ang hardin at sa kabila naman ay mga kuwadra ngunit walang kahit ano ang naroon.

Bumaba na ako dahil ganoon din si Thaddeus. Sinalubong siya ng kaninang lalaki na siyang nag bukas ng gate para sa amin. Binati nito si Thaddeus at saka bumaling sa akin.

"Magandang umaga po, ma'am."

"Magandang umaga rin po."

Bati ko kay Mang Hector, ang caretaker ng mansyonh ito.

Iginiya niya kami papasok sa loob ng mansyon. Pag tapak ko pa lamang sa sahig ay sigurado akong purong kahoy ito. It is made of premium hardwood. Tila hindi naluma gaano man na katanda ang mansyong ito.

Pag pasok pa lamang ng pintuan ay sumalubong na agad sa akin ang engradeng hagdan sa tabi lamang ng pintuan. It's a wooden staircase na mukhang hindi naman nalipasan ng panahon dahil mukha itong bagong barnis. Makintab at na-maintain ang kulay katulad lang ng sahig na kahoy.

Inilibot ko pa ang mata ko sa loob ng mansyon at mukhang alagang alaga ito talaga kahit walang nakatira. Walang bakas ng kahit anong dumi sa paligid. Mukha paring mga bago ang mga antigong kagamitan.

Tapat ng engrandeng hagdanan ay ang malawak na salas. Kahit ang mga furniture dito ay halata mong antigo at may katandaan na. From the furnitures down to antique vases. It may be old but it's well mantained.

"I'll take you to your room."

Naputol ako sa pagoobserba ng bahay nang mag salita si Thaddeus. Nasa harap ko siya at nasa tabi ng isang malaking piano habang nakahilig sa barandilya ng hagdanan. Matamang nakatitig sa akin.

"Okay." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Nauna siyang umakyat kaya naman sinundan ko siya. Sa pader sa may hagdanan ay makikita mo ang iba't ibang litrato na may kalumaan na. Mukhang ito ang mga ancestors ni Thaddeus. Ni hindi ko alam na mayroon silang ganitong kalaking bahay. He was just an average guy back then. Or may be that's just what I thought?

Sa ikalawang palapag ay maraming pintuan. Nakakalito dahil sa dami. Saan kaya rito ang kwarto ko? Malawak din siguro ang mga silid dito kahit na guestroom lang.

"We're here.." aniya at pinag buksan ako ng pintuan.

Ito ang pinaka huling pintuan. Sa labas pa lang ay alam ko nang malaki ito. Tila indikasyon ang doubles doors na pintuan kaya naisip kong malaking silid ang isang 'to at hindi nga ako nag kamali.

Pumasok ako sa loob at inilibot ang mga mata. Rinig na rinig ang tunog mula sa suot kong sandals habang nag lalakad.

Inside the room is a big canopy bed. Ang mga furniture ay puro kahoy kaya umaangat ito lalo dahil sa puting pintura ng buong silid. The bed is so dreamy. I could sleep there forever. Parang pang prinsesa ang higaan dahil sa itsura nito.

Sa kanang banda ng higaan ay ang teresa. Ganoon na lamang ang pagka mangha ko nang makita ang tanawin. I went out to see the overlooking sea. Tama nga si Tania. Hindi lang malapit ang bahay na ito sa dagat kung hindi nasa likod mismo nito ito.

I closed my eyes to feel the sea breeze. It's been a while since I visited the beach. It feels refreshing and calming. Parang gusto ko tuloy mag swimming ngunit iba nga pala ang pinunta ko rito.

Pumasok na ulit ako silid, only to see Thaddeus' naked back. Hindi ko naiwasang tumitig sa kaniyang likod. His broad and v-shaped back. Kitang kita ko ang kaniyang dalawang venus dimples na bahagyang sumisilip dahil masyadong mababa ang kaniyang pantalon!

I looked away the moment I saw him turning around. Why the fuck is he half naked?!

At ngayon ko lang naisip 'yon? Nauna ko pa talagang i-describe ang likod niya! At... purihin? Ah! What a fool, Kleo!

"Isa lamang ang available na kwarto ngayon kaya dito tayo matutulog mamayang gabi."

Hindi agad nag rehistro sa utak ko ang sinabi niya. Ano raw? Dito kami matutulog? Kami? Kasama ko siya dito sa kwarto na ito? At katabi ko siya sa kamang 'yan?

"What?!"

Hinarap ko siya at diretso ang tingin ko sa mukha niya. He's still topless! For pete's sake! Bakit ba siya nag tanggal ng shirt niya!

"You heard me. Itong kwarto ko lang ang available na kwarto kaya dito tayo matutulog." sambit niya na para bang normal lang ang sinabi niya.

Nasisiraan na ba siya ng ulo?

"Stop being ridiculous! Sa dami ng kwarto dito ay ito lang ang pwedeng tulugan?"

Naupo siya sa edge ng kama at mataman akong tinitigan. The way his muscles move as he sits on the edge of the canopy bed made me feel a bit distracted.

Ugh. Focus, Kleo!

"I said what I said. Walang mga gamit sa mga silid na iyon."

Hindi ako maka paniwala sa sinasabi niya. Nilibot ko ang mata ko sa buong silid at wala akong makita na sofa! Damn. Bakit walang sofa dito? Hindi ko kayang matulog sa iisang kama katabi ang lalaking ito no!

"Mag pahinga ka na muna. Ipapatawag na lang kita pag naka handa na ang tanghalian."

Inirapan ko lamang siya at hindi sumagot. Lumabas siya ng kwarto at naiwan na ako dito mag isa. Hindi mapakali kung anong gagawin. Saan ako tutulog? Sa sahig? Ahhh! At talaga lumabas siya nang wala man lang pang itaas?!

Kumuha ako ng tuwalya sa bag ko at nag babad na lamang sa banyo. Ang banyo ay may sariling bath tub kaya doon ko naisipang mag relax. I need to stay calm. Siguro kung matatapos na namin agad ang pag uusapan tungkol sa bahay na ito ngayon ay baka pwedeng tumulak na din agad ako pabalik ng Maynila.

Agad akong nag banlaw at nag bihis. I wore a simple spaghetti strap mini dress. Bahagya ako naka ramdam ng pagod kaya nahiga na muna ako sa kama. Ilang minuto lang ay dinalaw na ako ng antok.

Nagising lamang ako nang maramdamang umuga ang kama. My eyes still half closed, naaninag ko ang isang bulto sa harap ko. Nakaupo sa kabilang side ng kama. Ilang sandali ay na-realize ko kung sino kaya agad akong bumangon at inayos ang sarili.

"What are you doing?" I said while shooting daggers at him.

Kanina pa ba siya dito at tinitignan ako habang natutulog? If yes then, what a creep!

Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa reaksyon ko.

"To tell you that the food's ready. Sa beach front ko pinahanda ang tanghalian natin. Doon na tayo kumain." he said, a matter of factly.

Hindi ako nag salita. Tumayo na ako at inayos ang buhok kong medyo nagulo dahil sa pagkakahiga. Kinuha ko ang phone at laptop bago ay dire-diretsong lumabas. Nakasunod lamang siya sa akin pero nang marating namin ang unang palapag ay nauna na siyang mag lakad.

Diretso siyang nag lakad at dinaanan lang namin ang hardin. Tinungo niya ang gilid ng mansyon kung saan may hagdang bato pababa patungo sa dagat. Habang palapit sa shore ay amoy na amoy ko na ang tubig alat. Mabuti na lang talaga nag suot ako ng panligo ko sa ilalim ng dress ko.

Sa may kubo sa ilalim ng puno ng niyog ay naka handa ang pagkain. Hindi ganoong karami dahil kaming dalawa lang naman ang kakain. This is a nice place to eat lunch. We got the nice view of the pacific ocean in front of us. Maganda na sana kaso nga lang kasama ko ang isang 'to. Mabuti naman at naka t-shirt na siya ngayon!

"Let's eat."

Tahimik akong kumain at ganoon din siya. Sino kaya ang nag luto nito? Wala namang tao sa mansyon kundi ako, siya at si Mang Hector, iyong caretaker. Wala akong nakitang ni isang kasambahay.

"Who cooked?" wala sa sarili kong tanong. Probably, Mang Hector.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Kita ko iyon kahit na ang mata ko ay nasa pagkain lang.

"Ako.."

Napataas ako ng kilay sa sagot niya. Really? Siya ang nag luto?

"Why? Masarap ba?"

Tinignan ko siya. May munting ngiti na sumilay sa labi niya. I admit. It's good. But I won't say that. I won't feed his ego. Not a chance.

"Pwede na." sagot ko at tapos ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain.

Kitang kita ko kung paano malukot ang mukha niya. Tss. Mahal ang papuri ko, Thaddeus Antoine.

Tumikhim siya bago mag patuloy sa pagkain. Halos sabay kaming natapos kumain. At ramdam na ramdam ko ang paninitig niya kanina pa. Kaya hindi ko siya magawang tignan.

Tumikhin ako. Nag ipon ng lakas para matignan na siya. Nag tagumpay naman ako. Kaso nga lang para akong malulusaw dahil sa titig niya. His intense stares are so intimidating.

"Gusto kong libutin ang buong mansyon," tutal iyon naman talaga ang pinunta ko dito.

Humilig siya sa back rest ng rattan na upuan. Still his eyes on me.

"Pwede ka namang maligo muna bago 'yan."

Tinaasan ko siya ng isang kilay at saka umiling sa suhestyon niya. Narito ako para mag trabaho, hindi para mag swimming.

"No. I'll ask Mang Hector to tour me around. Kung gusto mong maligo, maligo ka."

Tumayo na ako at agad nag lakad pabalik sa mansyon. Mabuti naman at hindi niya ako pinigilan. Agad kong nakita si Mang Hector sa hardin na dinidiligan ang mga halaman at bulaklak. I wonder how he maintains everything in this mansion ng siya lang? Siguro naman may tumutulong din sa kaniya. Hindi naman ganoon katanda si Mang Hector pero napaka laki ng mansyon para mag isa lamang niyang alagaan.

Agad niyang pinatay ang hose at ibinaba ito nang makita niya ako.

"Kayo pala. May kailangan po kayo, Ma'am Kleo?" aniya at ngingiti ngiti habang nag sasalita.

I don't know if it's okay to ask him dahil mukhang nay ginagawa siya. Pero dahil ayoko namang maligaw sa malawak na mansyong ito kaya kakapalan ko na lang siguro ang mukha ko. Mukhang tapos na rin naman siyang mag dilig.

"Ah, kung wala po kayong ginagawa mag papasama lang sana akong libutin ang mansyon..."

"Ay nako! Oo naman, ma'am."

Una naming nilibot ang labas ng mansyon. Kahit na masyadong tirik ang araw dahil maga-alas dos na ay hindi ganoon kainit dahil napapalibutan naman ng puno ang buong mansyon.

Sa kabilang gilid ng mansyon ay ang hindi ganoong kalaking gazebo. It's wooden and painted in white. Sa mga poste nito ay may mga nakapalibot na mga halaman. It looks like that in the fairytales.

Sa likod na parte naman ng mansyon ay mas malawak na hardin. Mas maraming halaman at mga bulaklak rito kaysa roon sa nasa harap. Hindi lang iyon, may mga tanim ding gulay rito.

Amazing how Mang Hector maintains everything here.

"Kayo po ba ang nag-aalaga ng mga 'to?"

Lumapit ako sa halira ng mga kamatis na tanim. Wala akong gaanong alam sa pagtatanim ngunit masasabi kong hinog na ang ilan sa mga ito at pupwede na pitasin.

"Oo, ma'am. Pero palagi naman bumibisita rito si Sir Thad tuwing Sabado at Linggo. Katulong ko siya madalas dito sa bakuran."

Tumango ako at umayos na ng tayo. Sunod ay pumasok na kami sa loob ng mansyon. Pumasok kami sa back door nito na patungo sa dirty kitchen. Malinis iyon at napaka ganda. White marble countertops, classic wooden cupboards, bagay na bagay sa kabuuang disenyo ng bahay. Ganoon din ang itsura ng dining area. Elegant long rectangular table, marble countertops, wooden cupboards and china cabinets.

Mukhang mas matanda pa sa akin ang mga gamit dito. Kung iisipin, parang wala namang dapat baguhin sa mansyong ito. Kung ako lang din ang may-ari ay pananatilihin kong ganito ang ayos nito.

"Ilan po ang kwarto dito?"

"Dalawa dito sa baba at walo sa itaas."

This mansion is quite huge. Hindi man ganoong kalaki katulad ng mansion namin sa Manila pero kung iisipin mo ay napakalaki pa rin nitong bahay na 'to. Ano naman kaya ang gustong ipabago dito ni Thaddeus?

"Salamat, Mang Hector. Baka po may gagawin pa kayo. Ayos na po ako dito..."

"Sigurado ka ba, ma'am?"

"Opo."

Ngumiti ito at nag paalam na babalik sa bakuran kaya ako ay naupo sa engrandeng sofa dito sa bulwagan. Tanaw ang mga litrato sa dingding sa may hagdan. Pinag masdan ko isa-isa iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay mga paintings iyon! Unang tingin akala ko ay normal na litrato lang. All the pictures are painted portraits.

Pinag masdan kong mabuti ang mga iyon. Kitang kita ko pa rin naman ito dahil malalaki ang paintings na 'yon. Ngunit wala akong makitang mukha ni Thaddeus except sa isang dalagang kamukha niya. Mas maamo nga lang mukha ng dalaga kaysa sa kaniya pero hindi mo maipagkakailang may pagkakahawig sila. I don't know if it's the eyes, the lips or the face shape. But I am certain that they have something in common. I just can't pinpoint what.

Ilang saglit pa akong tumitig sa mga paintings nang nahagip ng mata ko ang piano sa harap. Lumapit ako doon at umupo. I've always wanted to learn how to play the piano. I tried. Siguro ilang araw lamang akong naturuan noon at natigil na 'yon. At hindi na muling naulit pa.

Mapait akong ngumiti saka nag pasyang tumayo na at lumabas. Bumalik na ako sa kubo kung saan kami kumain ng tanghalian. Halos isang oras din pala kaming nag libot kaya naman maga-alas tres na ng hapon. Mainit pa rin pero hindi na katulad kanina na tirik na tirik ang araw.

Wala na si Thaddeus sa kaniyang upuan. Naroon na lamang ay ang kaniyang puting t-shirt. Nilingon ko ang payapang dagat. Nakita ko siya sa medyo malalim na parte. May kalayuan man ay kitang kita ko ang paninitig niya sa akin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at inabala ang sarili sa harap ng laptop.

Wala pang ilang minuto ay naramdaman ko na siyang palapit sa kubo. I tried so hard not to look at his direction but failed miserably. I've already seen him topless a while ago but seeing him now, walking under the heat of the sun with salt water slowly dripping down his perfectly sculpted body is on a whole different level.

I looked away. Why do I have to praise his body? Can't I look at him without thinking of praises?

Nakalapit na siya sa kubo. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag kuha niya sa puting tuwalya na nakasabit sa upuang rattan. Isinabit niya lamang 'yon sa kaniyang leeg at hinila ang upuan palapit sa akin saka naupo.

What the hell! Why am I trembling!

I need to focus. Kleo, focus!

"Done checking the whole house?"

I nodded. No single word dared to come out my mouth. Parang biglang urong ang dila ko. He's too near! Para akong mapapaso kapag lalo pa siyang lumapit!

"What do you think?"

What do I think? Kunot nag noo'y bumaling ako sa kaniya.

"You badly want to renovate this mansion. I assume you already have ideas in mind?"

Inirapan ko siya bago ko ibalik ang tingin ko sa aking laptop.

"I don't have in mind. That is why I hired an architect."

Seriously? Syempre kailangan ko pa rin ng ideya niya! Ano bang malay ko ba sa kung anong gusto niya? Mamaya may baguhin ako na ayaw naman pala niya?

"I need your ideas so I can come up with a design. Ano bang ipapabago mo sa mansyong ito? May gusto ka bang baguhin o may gusto kang idagdag?" sabi ko, may bahid na ng pagkairita ang tono.

Hindi ko siya sinulyapan. Nanatili ang mata kong nakatitig sa laptop. I am certain that he's looking at me. Ilang saglit ay mas lumapit pa ito sa akin. Iniharap niya ang upuang rattan sa direksyon ko at mas inusog iyon palapit sa akin. Nakatukod ang kanang siko sa lamesa habang nakapatong ang ulo sa kamay. Ang kaliwang kamay niya naman ay nasa likod ng upuan ko.

Kahit hindi ako lumingon ay alam kong titig na titig siya sa akin. Why is he like this? He's topless for fuck's sake!

"Ano ba sa tingin mo? Mas maganda bang may baguhin or let it stay that way? Hmm?"

I don't know what's wrong with his speaking voice. Para akong hinehele habang nagsasalita siya. Or what's wrong with my ears?! Bakit ganoon ang pandinig ko!

"A-ako ba ang titira diyan? No, right? Bakit kailangan ng opinyon ko."

Fuck it. Did I just stutter? What is wrong with me? Bakit ba may mga nararamdaman akong hindi naman dapat!

"Your opinion is important,"

Bakit ba ako nagkaka ganito? Normal naman na humingi ng opinion sa akin ang kliyente ko pag dating sa magiging disenyo pero bakit ganito ako ngayon? Why am I being irrational?

And my opinion is important? Talaga lang ha?

"Because you're my... architect."

Oh! Yeah?

Tama naman iyong sinabi niya. Pero bakit ako kinabahan bigla? Bakit bigla na lang akong nag hagilap ng hangin sa sinabi niya. Ano bang mali sa sinabi niya! Wala naman hindi ba? I am his architect. Yes. He hired me. He paid me to do this job for him. What am I thinking? And why is my heart beating wildly at that?

I sighed heavily. I should think rationally here. I am here because, like what he said, he hired an architect. He hired me to come up with a new design for his mansion. I am an architect so I should have ideas in mind and it's normal for a client to ask for ideas from me. To ask for my opinion...

"Kung ako ang tatanungin mo.... h-hindi ko ipaparenovate ang mansyon na 'to. I want to preserve it's original design. Old but classic. It feels nostalgic to just look at it... para bang bumalik ka sa nakaraan..."

Tinignan ko siya para makita kung anong reaksyon niya sa naging opinyon ko. I was shocked by the expression I saw in his face. Akala ko dahil kinontra ko ang kagustuhan niyang i-renovate ang mansyon nila ay magagalit siya pero mali ako. He look pleased by what I just said and agad na sumang ayon doon.

"Okay, then. We won't renovate it..." aniya at agad tumayo.

What?

Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya pero nang matanto ay mas lalong nadagdagan ang iritasyon ko para sa kaniya. Kunot ang noo ko habang tinitigan siyang nag lalakad palayo at pabalik sa dagat. Ni hindi na niya ako inantay pang makapa react sa sinabi niya. Siraulo ba siya? Pinapunta niya ako rito dahil gustong gusto niyang ipa-renovate ang mansyon nila tapos ngayon hindi na? Is he going crazy?!

Walang pag sidlan ang iritasyon ko sa kaniya. Lalo nang nakabalik na muli siya sa kubo pagkatapos maligo sa dagat ng halos ilang minuto.

Nag sulyapan ako ay inirapan ko siya.

"You won't swim?"

Sinamaan ko lalo siya ng tingin bago padabog na tumayo. I drove drove all the here in Batangas and then sasabihin niyang hindi na ire-renovate ang manayong ito?! At kung kausapin niya ako ay para bang wala lang sa kaniya 'yon! It's weekend and it's my rest day. I should be at home, chilling but he insisted that he wants the renovations rushed kaya kailangan ko na agad bisitahin ang lugar!

Ngayon tatanungin niya ako kung hindi ba ako maliligo?! Seryoso ba siya? Hindi ako pumunta rito para makiligo sa dagat! Bumyahe ako ng ilang oras para sa trabaho! I should've declined him! But he's blackmailing me. What an asshole!

Inirapan ko siya bago walang habas na hinubad ang dress na suot, revealing my white bandeau bikini. Pagalit kong itinapon sa buhangin ang puting bestida bago umalis doon at tinungo ang dagat, leaving him speechless and a bit shocked at my sudden action.

I need to take a dip. I need this to calm myself or else I'll keep thinking and acting irrational.

The cold water slowly embraced half of my body. I did not bother. Nag lakad pa ako hanggang sa nasa malalim na parte na ng dagat. I looked at the hut and there he was, leaning against the bamboo table with arms crossed and with eyes directed on me, so intense and dark.

Kahit sa malayo ay kitang kita ko ang intensidad ng kaniyang mata. I looked away. Hinarap ko na lamang ang pang hapong araw. Mas gugustuhing kong malunod sa dagat kaysa sa mga titig niya....

Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal dito. Minsanang sumisisid, madalas ay nag floating lang. I'm too lazy to swim. Bago mag pasyang umahon ay tinitigan ko muna ang papalubog na araw. It's so beautiful. I always have this thing for sunsets. I am so fascinated at the view. Everyday it's different. Pero kahit na ganoon, napaka ganda pa rin niyon sa paningin ko.

Bago pa mag dilim ng husto ay umahon na ako. I saw Thaddeus walking towards me. Galing siya sa mansyon at mukhang nakapag banlaw na. Kinuha ko ang isang puting tuwalya na nakasabit sa upuan at pinatuyo ang aking katawan.

"I was about to call you. Masyado ng delikado lumangoy dahil nag didilim na. Mag banlaw ka na while I cook our dinner..."

Inirapan ko siya bago kinuha ang punting roba at isinuot iyon. Hinanap ko naman ang laptop at cellphone ko sa lamesa ngunit wala iyon doon. Pato ang puting bestidang suot ko kanina ay wala na rin. Tila naintindihan naman agad ni Thaddeus kung anong hinahanap ko, agad siyang nag-salita.

"Dinala ko na sa kwarto. Come on, mag banlaw ka na. You'll get sick..."

Sinamaan ko siya ng tingin bago ako mag martsa pabalik ng mansyon. Hindi pa rin nawawala ang iritasyon ko sa kaniya. Sinayang ko lang ang punta ko dito. Sana ay nasa bahay lang ako at nagpapahinga!

I don't know what he's up to. Is this like one of his games? Pinag lalaruan niya ba ako? dahil kung oo, hinding hindi na ako mag dadalawang isip pang idemanda siya. Wala na akong pakialam kung malaman pa ng pamilya ko. I'm done playing his games years ago.... ayoko na ulit maulit pa 'yon!

Isang oras ang itinagal ko sa banyo. Kung hindi pa ako katukin ni Thaddeus ay hindi pa ako lalabas. I'm wearing a silky powder blush nighties na agad kong pinagsisihan. Ito lang ang damit nadala ko dahil ito naman ang usual na suot ko sa bahay pag matutulog. Hindi ko naman kasi alam na mag kasama kami sa iisang kwarto!

Kahit nahihiya ay bumaba na ako. Nag suot na lamang ako ng puting roba para matakpan ang masyadong revealing na pantulog. Naabutan ko siya sa kabisera nakaupo. Nang naramdaman niya ang pag lapit ko ay agad niya akong tinitigan. Mula sa mukha ko ay bumaba ang mata niya patungo sa katawan kong nababalot ng roba. I saw how is angled jaw protruded as he looked away and shifted on his seat.

Naupo na ako at nag simula nang kumain nang hindi siya kinakausap. Bukod sa ramdam na ramdam ko ang mga mata niya sa akin ay naiirita pa rin ako sa kaniya.

"Anong oras mong gustong umalis bukas?" he said, finally breaking the long stretched silence between us.

Hindi ako umimik. Mukhang napansin niyang patapos na ako kaya doon niya lang naisip na mag salita. Tinapos ko lang inumin ang tubig at umalis na sa hapag ni hindi siya tinapunan ng tingin. Bahala kang makipag usap sa hangin!

Kung anong oras ko mang gustuhing umuwi bukas ay sa akin na lang 'yon. Wala siyang pakialam. Akala niya ba makukuha niya ulit ako sa mga ganiyan niya? Aalis ako bukas ng umaga ng hindi niya nalalaman.

Habang nasa teresa ako ay kung saan saan na lamang nakarating ang isipan ko...

My mind wandered in the past. No matter how much I want to stop myself from thinking about it. It's so funny now that it materialize in front of me that's why despite trying so hard to forget about it, I failed miserably.

Back to the past where I am still that girl, crying over a guy who've caused her so much pain. A guy, who she thought wouldn't hurt her heart. Parang kinukurot ang puso ko at muling pinapaalala sa akin ang sakit na naramdmaan ko noon. Ang sakit na naramdaman ng bata kong puso noon. That was my first heartbreak. First and I swear to myself that that would also be the last.

I don't know if I can take that same kind of pain again. I didn't even know how I moved on from that major heartbreak. But I swore to myself, years ago, that I will never experience the same pain again. I won't let myself get hurt and be in so much pain again. I swore to myself to guard my heart, shield it so no one will ever try to break it again. I can't afford another heartbreak.

It was so hard for me to move on from that. Parang sobrang bagal ng panahon kapag malungkot ka. Kahot anong dasal mong sana lumipas na ang araw ay kabaliktaran pa ang nangyayari. Parang it's destiny telling you na hindi dapat mag madali. But as time slowly passed by, para bang mas lalong sumasakit. Parang gusto rin yatang iparamdam ng tadhana iyong sakit sagad sa kaibuturan ko. Na para bang hindi pa iyon nasasagad doon. Para bang kulang pa ang sakit para matauhan.

Sobrang hirap. Hindi lang dahil sobra akong nasaktan noon kundi dahil wala namang gustong dumamay sa akin. I was hurting alone. Alone on the four corners of my room, I cried myself to sleep. No one comforted me. No one dared. Father was fuming mad when he knew about my relationship, mother only looked at me with weary and disappointed eyes... my brothers may seem very concerned about me but I knew they're mad and also disappointed....

Hindi ko maintindihan noon kung para saan ang pagiging disappointed nila. Hindi ko maintindihan bakit ganoon na lang ang galit nila sa akin noong nalamang may kasintahan ako. I was seventeen! I'm not a kid anymore. Kung magalit sila ay para bang may ginawa na akong kabulastugan noon! Nag mahal lang naman ang bata kong puso ah? I fell in love and that's it!

Pero sa huli, hindi ko na nagawang ikatwiran pa sa kanila na nag mahal lang naman ako. Oo nga at nag mahal lang naman ako noon pero sa maling tao pa. Hindi ko na magawang ikwestyon ang pagiging disappointed nila sa akin dahil pati ako, sa sarili ko, sobrang nadisappoint....

"Makikipag relasyon ka na nga lang sa gago pa!"

It was like yesterday, hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang sinabing 'yan ni Kuya Keiden sa akin nang nalaman nila ang tungkol sa pakikipag relasyon ko.

I never tried to fire back. As much as I want to talk. I never did. I never tried. What for? Eh tama naman si Kuya. I fell in love, unfortunately, sa isang gago. Wala naman din akong masasabi dahil kahit ako mismo iyon ang nasa isip ko. Na gago siya. I was so stupid to think of excuses for him just so my family won't be angry at him. I was a fool. Sinaktan niya ako. Ang bata kong puso. He was my first love.... and first heartbreak.....

Masyadong masakit dahil akala ko lahat ng pinaramdam niya sa akin noon ay totoo. Hindi pala. Akala ko lahat ng sinabi niya noon sa akin ay totoo. Mali pala. Lahat ng pangako niya sa akin noon, wala lang pala 'yon. It was all just a game. Para sa kaniya. Pero para sa akin, it was everything. Every little things we did together, every bits of memories we had together..... that was everything to me but all for a game to him.

I smiled bitterly, sino nga naman ba ang magse-seryoso sa isang batang katulad ko noon? He was in his last year in college that time while I was in my last year in high school. Ang mga babaeng seseryosohin niya ay ang mga babaeng sing edad niya. Mature women of his age. Not me, a seventeen year old girl.

The cold night breeze gently fingers my hair, I closed my eyes. It's all in the past now. I've moved on. I became a strong independent woman because of that. Always rational with her thoughts.

But as my unwanted past is slowly materializing in front of me, through him... I remembered every single thing that happened. So vivid, like it happened yesterday.

Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nanatili sa teresa. Sitting on the banister, admiring the beauty of the moon above while my mind unconsciously travelled through time...

"What are you doing?!"

Bahagya akong napaigtad dahil sa malakas at malagong na sigaw na 'yon. Damn it! Kamuntikan pa akong mahulog!

Bababa na sana ako sa barandilya ng teresa nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa beywang ko. Walang kahirap hirap niya akong binuhat at ibinaba sa sahig ng teresa.

Tinanggal ko agad ang kamay niyang nasa beywang ko at lumayo. "What do you think you're doing?"

Ang lukot niyang mukha kanina ay mas lalo pang nalukot dahil sa tanong ko.

"Ako dapat ang nag tatanong sa 'yo niyan! Are you out of your mind, Kleopatra?"

Ano bang ikinagagalit niya? Wait.... what?! Akala niya ba tatalon ako kanina?

"You are! You are out of your mind! Anong tingin mo sa akin, suicidal?"

Hindi purkit ayaw na ayaw ko siyang makita at makasama ay sasaktan ko na sarili ko 'no! Kung ayaw ko siyang makita, aalis ako dito at hindi tatalon mula diyan sa teresa na alam kong kung hindi ako mamatay pag bagsak ko eh mabalian naman ako ng buto!

Inirapan ko siya at iniwan na doon. Wala na siyang nasabi dahil sa nalaman niya. Oh ngayon? Napahiya ka? Masyado kang assumero!

Dire-diretso ako sa banyo para sana simulan na ang night time routine ko bago matulog. Pero nang humarap ako sa salamin ay doon ko na lamang napagtanto kung gaano kapula ng mukha ko. Nagi-init at mapupula hanggang tainga. Ang puso ko ay parang nakikipag habulan sa bilis ng tibok. Damn. This must be the coffee.... masyado ako nabigla sa kanina sa pag sigaw ko kanina kaya nag palpitate ako.

I sighed heavily. Iyon nga ba talaga? Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko.

Iyon 'yon. Wala ng iba pang dahilan. I usually experience palpitations lalo na kung naparami ang inom ko ng kape. Kaya ako nagpa-palpitate....

I went out of the bathroom nang matapos ko ang routine ko at paulit ulit na nakipag talo sa sarili. Sa huli, nanaig pa rin ang rational side ng utak ko. Suot ko pa rin ang puting roba. Hindi ko kayang hubarin 'yon lalo pa ngayon at nasa kama na si Thaddeus! Bago ako lumapit ay may kinuha muna akong isang mahabang unan galing kay Mang Hector. Kanina ay nag tanong ako sa kaniya kung may hotdog pillow ba rito kaya naman nag hanap siya at sinuswerte ka nga naman ay mayroon siyang nahanap.

Kitang kita ko kung paano nangunot ang noo ni Thaddeus habang nakatingin sa hawak kong unan pabalik sa akin at sa unan ulit. Tinaasan ko siya isang kilay. Nakahiga na siya sa kabilang side ng kama. Ginagawang unan ang kaniyang hitik na hitik na mga braso. Wearing a gray sweat shorts and a white plain shirt, he looked like a supermodel.

Umiwas ako ng tingin nang nakalapit na sa kama. Inilagay ko sa gitna namin ang unan. Sinundan niya ang ginawa ko. Hindi ko naman magawang tignan siya pabalik. There's just something about his stares. It's dark and mysterious. Noon pa man ay ganoon na ang mga mata niya. He may have the softest liquid brown eyes, mukha pa rin itong madilim at misteryoso.

"What is this?" siya, hindi na napigilan ang mag tanong.

Naupo ako sa kama habang naka talikod sa kaniya. "A pillow, obviously."

I heard him groan because of my answer. Anong mali sa sagot ko? Tinanong niya kung ano 'yon at sinagot ko naman. Tss.

"I mean... saan mo nakuha 'to?"

Ano bang pakialam niya? Titiisin ko na nga lang ang maliit na espasyo na natira sa akin dahil sa halos kalahati na agad ng kingsize bed na ito ay sakop ng malaking katawan niya!

"Stop talking. I'm going to sleep."

Nahiga na ako ng nakatalikod pa rin sa kaniya. Narinig ko siyang bumuntong hininga at natahimik na. Pero ilang saglit lang ang tinagal non dahil nag salita nanaman siya!

"You're going to sleep.... in.... that?" he asked with a tone like it's a bad thing sleeping in robes.

Hindi ko siya sinagot. Bahala siya diyan. Pero habang tumatagal ay hindi na talaga ako nagiging komportable sa suot ko. Masyadong makapal ang roba kaya medyo mainit kahit na nakabukas na naman ang aircon. I'm used to sleeping in loose short dresses and nighties gaya na lang ng suot ko ngayon.

Naupo ako. Ramdam kong gising pa si Thaddeus kaya hindi ko pa magawang tanggalin ang roba pero kung hindi ko ito tatanggalin ngayon ay baka hindi ako makatulog. Pinagpa pawisan na ang leeg ko dahil sa suot.

Bayolente akong huminga bago pikit matang inalis ang roba. Mabilis lang 'yon at agad na akong nahiga at tinabunan ng kumot ang sarili hanggang beywang. I heared him chuckle. Tonong nang aasar pa! Damn you, Thaddeus.

"Nice dress," aniya na kahit hindi ko siya tignan ay alam kong naka ngisi siya.

Damn you!

Lalo tuloy ako nainitan dahil sa kahihiyan! Nakakainis siya.

"Shut up!"

"Why are you mad? Hmm?" he said then let out a very manly chuckle.

I swear! Sa baba ng boses niya at sa tawa niya ay nag taasan ang mga balahibo ko sa buong katawan!

Gumalaw ang kama dahil sa pag galaw niya. Naramdaman kong lumapit pa siya ng kaunti sa akin. Kung wala lang ang unang mahaba sa pagitan namin ay baka kanina ko pa siya naramdaman sa masyadong exposed na likod ko!

"Let me sleep," in peace... but of course I won't tell him that to feed his damn ego! No!

Kahit kasi may unan sa pagitan naming dalawa ay ramdam ko na ang hininga niya sa ulo ko. Damn it. Why is he doing this!

"Do you always sleep in these?" he said breathily and with voice a lot deeper than the usual.

"None of y-your business."

Kung uusod pa ako paharap ay baka malaglag na ako pero kung hahayaan kong ganito siya kalapit sa likod ko ay baka mawala ako sa tamang pag-iisip!

Hindi siya nag salita ngunit naramdaman ko ang marahas niyang pag tanggal sa unan na nasa pagitan namin! Kaya naman napaharap na ako dahil sa ginawa niya.

"Put it back! Bakit mo ba tinanggal?" sigaw ko nang makitang inilagay niya ito sa likod niya.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at unti unting lumapit sa akin. Bawat lapit niya ay siyang atras ko pero ilang atras na lang siguro ang gagawin ko ay mahuhulog na ako. Pero bago pa mangyari 'yon ay nahila na niya ako papalapit sa kaniya. Sobrang lapit na hindi ko magawang makipag tagisan ng titigan sa kaniya.

Those liquid brown eyes looking down at me like I'm some kind of a puzzle to solve. I looked away. I can't equal his intense stares. Damn. I can't even look at his eyes for a second! Kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin ay hindi ko alam!

Kleo, you fool! Wake up! These are all parts of his cheap antics! These are all part of his damn game. I have to remind that to myself every now and then dahil mukhang nalilimutan ko lagi pag nakikita ko na ang mga mata niya.

"Bitawan mo ako." I said firmly.

Sa pag-alala na baka nga isa 'to sa mga laro niya ay nagpa usbong muli sa galit ko sa kaniya.

"I said... let go." sabi ko ng mas may diin at sinubukang salubungin ang malalim niyang mata.

I succeeded. Kung kanina ay hindi ko siya magawnag tignan. Ngayon ay nasasabayan ko na ang mga titig niya.

Bumaba naman ang titig niya sa mga labi ko. That made my traitor heart beat so fast! He licked his lips twice as he looked at mine. I saw how his adam's apple move up and down. With his clenched jaws, unti unti siyang lumapit sa sa akin. Sinubukan kong lumayo pero ang isang kamay niya ay mahigpit na hawak ang beywang ko at ang isa ay nasa likod ko para hindi ako maka galaw.

"D-don't you... d-dare—,"

Hindi na niya ako hinayaang tapusin ang sasabihin ko. His lips met mine. It was just one swift kiss. It lasted for only a second and then he looked straight into my eyes. Hindi pa man nakaka recover sa ginawa niya, ilang saglit pa ay nasundan muli ito ng isa pa. Mas matagal kaysa sa nauna. Just like the first one, I stayed still. Even though I can feel his urge to open and enter my mouth, my lips stayed in a grim line. I can feel how his passionate kisses slowly turning into impatient ones. And then he stop.

He looked so pissed but the burning desire was very evident in his eyes. I looked away. Hindi ko kayang titigan siya ngunit hinuli niya ang mukha at kinulonh iyon sa kaniyang mga palad. And now, he became a lot aggressive than the first two kisses. He started brushing his lips onto mine impatiently and so aggressive. I can't help myself but open my lips and let out a soft moan, he then took that as an opportunity to fully claim mine.

I was still in shock! I couldn't move! Damn! What have you done to me, Thaddeus Antoine? What have you done, again?

This is not good. Damn. I'm fucking screwed...

avataravatar
Next chapter