4 3

Kinabukasan ay tinuon ko ang buong atensyon ko sa presentation na gagawin namin sa susunod na linggo. Ilang beses na akong humarap sa boards pero bakit ngayon sobra sobra ang kaba ko.

Noong makuha ko muli ang flashdrive ko ay abot abot ang kabang naramdaman ko nang i-check ko ang laman nito. Thank God at wala namang nawala o nabago. But the thought that that asshole of a guy have the copy of all the files from my flashdrive just makes me so nervous and anxious at the same time.

What if he already gave it to the Fuentes? Fuentes is our number one competitor in the business. But despite that, they were never a threat to our company. We remain at the top of the food chain and them being the second. For years, it has always been our company who's at the top. But with just one click, our world may turn upside down.

It will be the end of me, the end of our company that my great grand father built. Daddy will be fuming mad at me if that happens. I will be the one to blame because I've been so careless. But what can I do? What will I do? I may sound paranoid but what if that happens? I need to prevent it from happening. I don't want us to loose our company. My family worked hard and still working hard for this. I don't want to cause any trouble...

"Tania, can you send me my schedule for this week?"

"Sure. I'll send it to you right away..." sagot niya sa kabilang linya at agad din naman namatay.

Nakatitig ako ngayon sa aking phone. Kuya Keith texted and said he's on his way to have lunch with me. But I told him I am busy. For sure he'll just ask about what happened that night on Dad's birthday party.

Kuya Keith:

We will just eat. I'm almost there. See you.

I sighed. Hindi na ako nag reply pa. Wala namang magagawa iyon kung mag text pa ako. The three of us have one in common—being stubborn.

Tinignan ko na lamang ang schedule ko para sa linggo na ito. Kunot ang noo ko nang makitang pati sa weekend ay may trabaho ako. And to my surprise, it's the date that asshole scheduled and it says here:

Meeting at Batangas with Mr. Thaddeus Antoine.

"Batangas?"

Agad kong tinawagan si Tania upang ma-explain niya sa akin kung anong ibig sabihin ng nasa schedule ko. I'm not stupid, alright? I just want clarifications.

"Why is it in Batangas? Doon pa kami magmi-meeting?"

Tanong ko sa nakatayong si Tania sa harap ng desk ko.

"Eh, kasi doon ang rest house na ipaparenovate raw niya. Kaya kailangan mo raw makita. Ayoko sana dahil alam ko off mo iyon kaso nga lang wala ka ng bakante. Mr. Thaddeus wants it rushed."

Rushed? Is he kidding?

Parang biglang kumulo ang dugo ko sa narinig. That asshole...

"Kleo..."

Tania and I both looked at the door. "Good afternoon, Sir Keith."

"Good afternoon, Tania."

Lumapit sa akin si kuya at hinalikan ang ulo ko. Parang kanina lang nag text siya na on the way siya ngayon narito na agad.

"Pangit mo pag naka simangot." aniya at saka naupo sa katapat kong upuan.

Inirapan ko lang siya at bumaling kay Tania na nakatayo pa rin pala roon.

"Mag-usap na lang ulit tayo mamaya, Tania."

Agad nag paalam si Tania at lumabas na ng opisina ko. Hinarap ko naman ang kuya ko na nakatingin lang sa akin.

"What?"

"Woah. Why are you so grumpy?"

Bakit nga ba? Dahil sa gago na 'yon. Hindi niya ba alam na ang weekends ay rest day ko? At bakit kailangan tignan ko pa ng personal ang bahay niya sa Batangas?

"Hey, I said let's eat?"

Tumayo si kuya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang noo kong kanina pa naka kunot dahil sa pag iisip. Hinilot niya iyon para mawala sa pagkakunot. Napanguso na lamang ako sa ginawa niya. Kahit yata mag trenta na ako ay baka ganito pa rin ako ituring ng mga kapatid ko.

"Oo na, ito na."

Tumayo na din ako at sabay kaming lumabas ng opisina.

Nang makalabas kami ng opisina ko ay halos lahat na yata ng mga nasa cubicles sa tapat ko ay nakatingin sa amin, more likely, sa kuya ko.

Diretso na akong nag lakad patungo sa elevator at ganoon din si kuya. Naka sunod lamang sa akin at tila tinatantya ang mood ko.

"Where do you want to eat?"

"Anywhere." tipid kong sagot kay kuya nang bumukas na ang elevator at agad bumungad sa amin ang ground floor kung saan mas mukhang busy dahil sa dami ng tao.

Nag lakad kami patungo sa likod na exit ng building kung saan karugtong na nito ang mall.

"Korean grill?" tanong niya nang makarating kami sa tapat ng isang korean grill.

"Will do."

Dire diretso akong pumasok sa loob at nag hanap ng upuan. Agad kaming dinaluhan ng isang waiter at iginaya kami sa isang bakanteng pwesto sa may dulo ng restaurant, tabi mismo ng kanilang glass window kaya tanaw mo ang labas. You can clearly see the busy streets of Makati.

"Kanina pa busangot 'yang mukha mo. What's your problem?" tanong ni kuya nang mag simula na kaming kumain.

"It's nothing, kuya. Stress lang sa work." I said without looking at him.

"Oh really?"

This brother of mine knows me well. He knows if I am lying or not. He knows if something is bothering me. And there really is but I won't tell him. Not a chance. I'm a grown up woman now, I can handle my own problems.

"Yes. Really."

"Then look at me and say it again."

Ugh. See? He really knows me. He always tells me that if he look into my eyes, he'll know what I truly feel.

Kaya pag nagsisinungaling ako sa kaniya ay umiiwas ako ng tingin. Never letting him read me through my eyes. They always say that I have a very expressive eyes. Kahit hindi ako mag salita o kumilos, tignan lang niya ang mata ko ay alam na niya kung anong nararamdaman ko. My eyes are very transparent but growing up, I learned how to control it. I learned how to hide the transparency of my eyes. I learned how to conceal my feelings.

So I looked at kuya, "Kuya, just eat. Okay?"

"Is it about that fucking fixed marriage?"

I knew he'll bring this up. Kaya gustong gusto niyang mag punta ng office dahil dito.

"Say no, Kleo."

Tinitigan ko si kuya. Kitang kita ko ang halo halong emosyon sa kaniya. Lungkot at galit. Pero nangingibabaw ang galit sa mga mata niya.

"We both know that my opinion doesn't matter to daddy."

I may sound that I have given up but I am not. I am just telling my brother a fact that I can't just easily say no to that. Most especially, if it's against our father's words and decisions.

"But this is marriage we are talking about here! He can't just let you marry that guy! Does he even know him?!"

The real question is, do I know him? Ngayon ko nga lang nakilala ang taong iyon eh. I don't care if they are at the top of their chain. Wala akong pakialam kung kaibigan niya ang ama ng lalaking iyon.

"Let's not talk about it,"

"No. I want to know your plan. I will help you, Kleo."

I sighed. Simula nang malaman ko ang tungkol doon ay iniwasan ko nang isipin ng paulit ulit. Dahil kahit anong isip ko ay wala naman akong ma-formulate sa utak ko na plano.

I'm so helpless. Kahit noon pa man. Wala na akong say sa buhay ko. Nang nag trabaho na lamang ako nag karoon ng kalayaang gawin ang mga gusto ko pero kahit na ganoon ay ramdam ko pa rin na para akong naka kulong. At mas lalo kong naramdaman na hindi talaga ako totoong malaya nang ianunsyo ng ama ko na ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at lalong hindi ko naman kilala.

Kuya sighed violently like he's loosing his patience with me.

"Sumama ka sa akin sa New York."

Agad akong nag taas ng tingin sa kaniya. Is he kidding me?

"Sa sabado na ang flight ko. I will book you a flight right away. Start a new life with me in states."

Umiling ako. Akala niya ba ganoon kadali iyon?

"Kuya, parang hindi mo naman yata kilala ang daddy?"

He looks so frustrated. Tila nahinuha na kahit ilayo niya ako sa Pilipinas ay kayang kaya akong ipasundo ng tatay namin doon at ibalik dito para masunod lamang ang gusto niyang ipakasal ako.

"Iyon lang ang naiisip kong pwede nating gawin. We can ask for Keiden's help."

"Do you want me to runaway from my problems? Kuya, I am a grown up now. I will deal and face my problems. Marami lamang akong trabaho ngayon kaya hindi ko pa iniisip masyado iyon.."

Kunot lamang ang noo ni Kuya Keith habang ginugupit gupit ang meat na naluto na. I appreciate his thoughtfulness. I really do. But running away from my problems is not the right thing to do.

"I promise. I will think of a way para hindi matuloy ang kasal.."

Nag angat na siya ng tingin sa akin at napilitang tumango. Ganoon parin ang istura niya. Naka busangot ang mukha dahil hindi nasunod ang gusto niyang plano.

"Wala ka bang boyfriend?"

Halos masamid ako sa naging tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan. What the hell? Anong klaseng tanong 'yan?"

"Stop asking ridiculous things, Kuya."

Huminga siyang malalim. "Alam kong ayaw pa namin na magka boyfriend ka pero siguro ngayon pwede na?"

Tinignan ko ang mukha ng kuya kong parang constipated habang nag sasalita. Labas sa ilong ang mga sinabi niya, alam ko. Natawa na lamang ako dahil ilang araw lang ay sinabi niyang hindi pa ako pupwede mag boyfriend tapos ngayon gusto na niya akong magkaroon?

"Suitors? I bet you have suitors? Iyong lalaking kasayaw mo noong nasa bar ka? The one Keiden told me? Damn. I'm being ridiculous, am I?"

Pigil ang ngiti ay tumango ako sa tanong niya. Dahil totoo naman. At talagang naisip niya pang last resort ang lalaking kasayaw ko sa bar?

"Binabawi ko na iyon. No. Let's just think of another way not involving men.."

The conversation goes on. Hindi talaga siya tumigil sa pag iisip ng pupwede naming gawin para hindi matukoy ang pagpa pakasal sa akin ng magulang namin.

Kaya kahit habang naglakad na kami palabas ay iyon pa rin ang bukang bibig ni Kuya. Hay. Kailan ba siya titigil?

"Oh wait,"

Napairap na lamang ako nang tumigil kami bigla sa tapat ng isang store. Giorgio Armani. Mahilig sa pabango ang Kuya kong ito at isa sa pinaka paborito niyang brand ng pabango ay ang Giorgio Armani.

Kaya pumasok na rin ako sa loob at nanatili sa tabi niya habang masuri niyang tinitignan ang mga babasaging bote ng mamahaling pabango.

"Kleo,"

Napalingon ako sa tawag ng kuya ko ngunit ganoon din ang isang pamilyar na lalaki na nasa cashier. Sabay kaming napalingon sa Kuya ko na ngayon ay nasa isang shelf sa tapat lamang ng cashier. Nakatalikod siya sa kung nasaan ang cashier. Ako naman ay nasa malayong shelf at tanaw ang cashier sa likod niya pati na rin ang lalaking ayaw na ayaw kong makita.

In his crisp white dress shirt paired with a black slacks and an expensive leather shoes, his intense liquid brown eyes is looking directly at me that made me stop walking towards my brother. What is he doing here? I mean. Ugh. Whatever.

Agad akong lumapit kay kuya na nahihirapang mamili ng pabango.

"Can you choose for me?" aniya nang makalapit ako.

Ilang dipa lamang ang cashier kung saan naroon si Thaddeus. I am fully aware that his eyes are still on me. Can't he just leave? Mukhang nakapag bayad na naman siya e!

"Uh,"

Tinagalan ko ang pag pili sa dalawang bote ng pabango na hawak niya. Nang naramdaman kong paalis na si Thaddeus ay saka ko pinili ang usual na pabangong laging sinusuot ng kuya ko.

"This one."

Aalma pa sana si kuya pero hinila ko na siya patungo sa cashier para mabayaran ang pabango. Kasabay noon ay ang pag sara ng pintuan ng store, hudyat na naka labas na si Thaddeus.

"You really like this one," sambit ng Kuya ko habang hinahagilap ang kaniyang card.

"Ikaw ang nag bigay sa akin nito noong 21st birthday ko."

Hindi ko na maabsorb ang sinasabi niya dahil sa kaninang nakita. Buti na lamang ay hindi na siya nag tagal at hindi niya ako kinausap.

"Kleo? Are you listening to me?"

Bumalik ako sa ulirat nang tapikin ni Kuya ang balikat ko.

"H-huh?"

Kunot ang noo'y tinuro niya ang pinto. Oh my gosh. Did he—

"I said let's go. Ihahatid na kita sa opisina."

A sigh of relief. Akala ko naman kung bakit niya tinuro ang pintuan.

"Ah, yes. Let's go!"

Nauna na akong nag lakad kay Kuya. Mabilis ang lakad ko dahil ayoko nang may makita pang kung sino-sino. Ano bang ginagawa ng lalaking iyon dito? Bakit siya nandito malapit sa opisina namin?

Hinatid ako ni Kuya sa opisina gaya ng sinabi niya. Kaya naman nang maupo ako sa swivel chair ay huminga akong malalim. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa mga papel sa harap ko at nag simula na muling mag trabaho.

Dahil masyado na naman akong naging abala sa trabaho ay hindi ko na naman namalayang gabi na. Kung hindi pa nag paalam si Tania na uuwi na siya ay hindi pa ako titigil sa ginagawa ko. Ilang saglit akong sumandal sa aking upuan at pumikit.

Nang pumikit ako ay bigla na lamang lumitaw ang mukha ni Thaddeus kaya napa mulat agad ako at umayos ng upo. Bakit ko ba siya naiisip? Iyong gagong 'yon na hindi na ako hinayaang mag pahinga on my rest days! At iyong gagong iyon na binlack mail pa ako!

Pumikit ako ng mariin. I am trying to calm my mind kaya ako pumikit tapos ang nakakairitang mukha niya ang makikita ko? Dumadagdag pa siya sa stress ko e.

Tumayo na ako at nag ayos ng gamit. Hindi ako mago-overtime sa ngayon. Pagod na pagod ang isip ko dahil sa pag iisip ng plano para hindi matuloy ang pagkaka sundo sa akin ni Daddy sa anak ng business partner niya.

I don't marry for convenience. I won't let him decide on this serious matter. Pati ba naman ang kasal ko ay dapat siya ang magde-decide? Pati ba naman sa kung sinong pakakasalan ko ay siya ang pipili? He's so unfair. I let him rule my life ever since I was a kid. Ngayon may isip na ako, I won't let him do that again.

They may be my parents and I owe my whole life to them but that doesn't mean I'll let them rule my life. This is my life. I can now make my own decisions. I am not the same kid that they used to control. I have lived my life following everything they say. Following everything they think what's best for me. But it's different now. Hindi na ako bata pa. Kaya ko nang gumawa ng sarili kong desisyon.

Pero paano ko nga ba ipapaintindi sa kanila iyon? Lalo kay Daddy? Paano ko ba sasabihin sa kaniya na ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal? Na ayokong ikasal dahil lang sa pera at negosyo?

Hanggang sa maka uwi ako sa bahay ay hindi na muling nawala sa isip ko ang kung paano ko pipigilan ang kasalan. Kaya naman nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Hindi ko alam kung mabuti nang ganoon o hindi dahil pag gising ko ng umaga kinabukasan ay iyon pa rin ang nasa isip ko.

Mukhang saglit na oras lang ako pinagbigyan ng utak ko dahil heto nanaman ako nag iisip ng paraan.

Wala sa mood akong pumasok sa opisina. Gusto ko na lang isubsob ang mukha ko sa lamesa ko at matulog ngunit hindi pwede dahil marami akong kailangan gawin at tapusin sa araw na ito. Kaya kahit labag sa loob ko ay pinilit ko ang katawan na maging productive.

Nasa kalagitnaan ako ng pag susuri nang disenyo ng isa sa mga arkitekto ko nang tumunog ang cellphone ko. Galing sa unknown number ang mensahe at nang buksan ko ay ganoon na lamang ang pagtataka,

Unknown number:

So you've got a boyfriend, huh.

Kunot ang noo kong tinitigan ang mensahe. Sino ba ito at hindi naman nag pakikala. At boyfriend? Ako? Siguro wrong send ang isang ito kaya hindi ko na inabala pa ang sarili na mag reply.

Ngunit ilang minuto pa lang nang ibaba ko ang cellphone ko ay tumunog itong muli.

Unknown number:

Are you busy?

Umirap ako. Hindi niya pa ba narirealize na wrong send siya?

Iaamba ko pa lang na ibaba ang cellphone ko'y tumunog nanaman ito. Galing muli sa number na iyon..

Unknown number:

We'll leave for Batangas early in the morning this Saturday. Don't be late.

Ilang beses ko pang binasa ang huling mensahe. Batangas? This saturday?

"What the fuck?"

Tinignan kong muli ang phone ko at binasa ang mensahe galing numerong alam ko na kung kanino. Damn him. Paano niya nalaman ang numero ko?!

Padarag kong pinatong sa lamesa ang aking cellphone. Tatawagan ko pa lang sana si Tania nang bumukas na ang pintuan at iniluwan nito ito.

Kunot ang noo akong tumingin sa kaniya. Mukhang nakuha niyang wala ako sa mood ngayon kaya hindi agad siya naka pag salita.

"Did you gave my number to that guy?"

Ilang beses siyang kumurap kurap at nang narealize siguro kung ano ang tinutukoy ko ay agad sumilay sa mukha niya ang guilt.

"S-sorry, Kleo. Mapilit kasi siya. Hindi ko naman talaga ibibigay dahil alam kong ayaw mo ng ganoon pero kasi mapilit siya e."

"Nagpapilit ka naman..."

Inirapan ko siya. Hindi naman ako galit sa kaniya. Alam kong kahit ako ang nasa kinatatayuan niya'y mapipilitan ding ibigay na lamang sa isang makulit na gagong lalaking iyon!

"S-sorry talaga." Yumuko siya at nilaro laro ang daliri.

"Don't feel guilty. It's alright. Bakit ka nga pala naparito?"

Hindi ko ugaling magalit sa kaniya. She's my best friend. And I understand her. Nakakainis lamang talaga ang lalaking 'yon!

"Tumawag si Sir Keiden, pinapatawag ka niya sa opisina niya. Urgent daw."

"Urgent my ass. The last time he asked you that he lied."

Ngumiwi si Tania sa sinabi ko. Naalala siguro ang nangyari nung isang linggo.

"Urgent talaga, Kleo. Narito sa building ang parents mo..." aniya at tinignan ako ng may bakas ng pagalala.

She knows I am not in good terms with my father.

Bigla akong kinabahan. Kung bakit narito sila ay mukhang alam ko na ang dahilan. Hindi agad ako tumayo sa aking swivel chair. Nakatulala lang ako sa kawalan. What if pag uusapan na ang preparations para sa kasalan? What am I gonna do?

"Kleo? Mukha kasing wala sa mood si Sir Keiden kaya baka importante talaga ito?"

Pumikit ako ng mariin bago tumango. Tumayo na ako agad at tinungo na ang pinto.

Paglabas ko ay nakita ko na agad si Kuya Keiden na papalapit. Naramdaman ko namang biglang naging tensyonado ang katabi kong si Tania. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil maski ako ay tensyonadao na rin. Parang umiikot ang tyan ko.

"Akala ko kailangan pa kitang pilitin eh."

Kaya ba madali siyang nag punta dito sa floor namin? Tss. Hindi ako umimik. Hanggang sa nakarating kami sa kaniyang opisina. Tulad ng sinabi ni Tania ay naroon na ang parents ko.

Agad kong nakita ang parents ko na nakaupo sa mahabang sofa. Mommy stood up to hug me while Daddy remained on his sit kaya nang kumalas si Mommy ay lumapit ako sa kaniya para mabeso siya. Though I hate him, I am not rude to not greet him properly.

"Maupo na kayo." Dad said, his voice full of authority.

Kahit na si Kuya na ang CEO ng kumpanya ay parang siya pa rin ang boss dito dahil sa aura niya. Strict, hard and authoritative.

"Kleo," his voice is like a thunder. Kahit hindi sumisigaw ay para itong kulog sa pandinig ko.

"Siguro naman may ideya ka na kung bakit kami naparito ng Mommy niyo..." panimula niya.

Alam ko. Dahil kahit kailan naman yata ay hindi sila dumalaw rito. Simula nang ipaubaya niya sa Kuya ko ang pamamahala ng kompanya ay lagi na lamang siya sa mansyon o hindi kaya'y nasa ibang bansa para mag bakasyon.

"Yes, dad."

Wala akong kaemosyon emosyon. Ang mukha ko, ang tono ng boses ko pero alam ko, lahat ng emotion ko ay makikita sa mga mata ko. But now that I know how to conceal it, iyon ata ang pinagpraktisan ko sa nag daang taon, ang hindi ipakita sa kanila ang totoong nararamdaman ko.

If you let them see your true emotions, if you let them know how you really feel, they will make your vulnerability against you and they will surely take advantage of you. Ikaw ang talo.

"Ang gusto namin ng mommy mo ay bago pa matapos ang taong ito ay naikasal na kayo ni Theo."

Theo. I almost forgot his name. Hindi dahil pinipilit kong kalimutan kung hindi dahil hindi ko naman talaga siya kilala.

"Dad! That's too early..." protesta ni Kuya.

Tumingin siya sa akin. Tila inaantay na umalma ako pero hindi ako nag salita. Walang lumabas na salita sa bibig ko. Ano bang dapat sasabihin ko? And I wonder if kasama talaga sa pagdedesisyon si Mommy? Tss.

"Mas maaga, mas maganda."

Tahimik lang si Mommy sa tabi ni Daddy. Nakatingin sa akin at namumungay ang mga mata. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang makita siyang kinakaawaan ako at wala siyang magagawa doon.

Ayokong mag tanim ng galit sa aking ina pero ang isiping wala siyang magawa para pigilan si Daddy ay naguudyok sa akin na magalit sa kaniya.

"May gaganapin na dinner sa mansion sa Linggo. Dadalo ang mga Silvestre kaya gusto ko naroon kayong lahat. Doon na rin pag uusapan ang tungkol sa kasal."

Parang kinukurot ang puso ko sa sakit. How could my own father do this me? Huminga akong malalim at nanataling sa malayo nakatingin.

"I want you to be there, Kleopatra. Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa mga Silvestre." may diin sa pananalita ni Daddy. Mukhang iniisip niya na hindi ako sisipot.

"I can't. I will be in Batangas this weekend."

Sa wakas ay nakapag salita na rin ako. Nakikita ko na sa mukha ni Daddy na malapit na siyang magalit.

"Batangas?" taas ang isang kilay nito. "Kung maglalakwatsa ka lang naman ay huwag mo nang ituloy. Mas mahalaga pa ba iyan sa 'yo?"

Hindi sa gusto kong tumuloy sa Batangas. Dahil kung ako ang masusunod ay ayaw ko ngunit kliyente ko iyon at para sa trabaho ang ipupunta ko doon. Kung hindi lang ako binablack mail ng lalaking iyon ay hindi naman talaga ako papayag!

Pero baka nga mas mabuti na pumunta na lamang ako doon kaysa dumalo sa dinner na sinasabi ni Daddy.

"I will be there for work, Daddy."

"I don't care. Cancel it. End of discussion."

"But—.."

Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil tumayo na si Daddy at dumiretso na sa pintuan para makalabas. Halos mapatalon ako sa lakas ng pagkaka bagsak niya ng pintuan. Lumapit sa akin si Mommy at hinaplos ang pisngi ko. Kuya's still sitting beside me with his mad face.

"I-I'm really sorry, anak..." aniya at hinalikan ako sa ulo bago siya sumunod kay Daddy palabas ng silid.

Nanatili lang ako doon, nakatulala. Kung hindi pa ako tapikin ni Kuya ay hindi ako babalik sa ulirat ko.

"Keith offered you to go with him. I will book you a flight. Go with him—."

Umiling ako. "No, Kuya. Hindi ako aalis ng bansa dahil lang gusto kong takbuhan ang problema ko."

"But it's the only way to stop this wedding!"

Padarag siyang tumayo. Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok. He looks so frustrated just like Kuya Keith yesterday.

"Kahit saan pa ako pumunta, it won't stop Daddy. Do you really think titigilan niya ako once I'm abroad?"

Mukhang nalilimutan na nila kung anong kayang gawin ng tatay namin. Hindi nila alam na what he wants is what he gets. At kung hindi niya iyon makuha, pipilitin niyang makuha sa kahit na anong paraan.

"Damn it. So you're giving up now? Just like that, Kleo?"

Umiling akong muli. Kitang kita ko ang pagod at galit sa mga mata ng Kuya ko. Ako ang may problema pero pati sila nadadamay. Pati sila nafufrustrate at napapagod.

"No. Ayokong takbuhan ang problema ko. Kaya please, Kuya. Trust me on this.."

Tinitigan ako ni Kuya saglit bago siya tumango.

"I trust you. If you need help, nandito lang kami ni Keith. And about your Batangas trip, don't cancel it."

"But what about the dinner?"

Hindi sa gusto kong matuloy ang dinner pero kung gagalitin ko lalo si Daddy ay baka sa isang buwan na niya agad ako ipakasal!

"Siguro naman you'll be in Manila already on Sunday afternoon?"

Huminga akong malalim bago tumango. Siguro nga. Titignan ko lamang naman ang itsura ng bahay doon at mag uusap lamang kami ng kliyente ko tungkol sa mga gusto niyang ipabago. Siguro naman ay matatapos namin iyon ng Sabado pa lamang at pwede na akong umuwi ng Linggo ng umaga. Masyadong malayo ang byahe kung uuwi din ako agad ng gabi ng Sabado. Ako lang ang mahihirapan.

Mabilis lumipas ang araw lalo siguro kung marami kang ginagawa at iniisip. Lalo na kung gusto mong pabagalin ang takbo ng oras, kabaliktaran lagi ang nangyayari.

Umaga ng Sabado ay maaga akong nagising. Ayon kay Tania ay kailangan naroon na ako ng alas diez ng umaga. Alas singko na ngayon ng madaling araw at nag iimpake na ako ng iilang damit. Just in case maisipan kong mag swimming dahil ang sabi ni Tania ay malapit sa dagat ang rest house na pupuntahan ko.

Thaddeus offered me a ride but I refused. Pasakay na ako ng kotse ko nang bigla siyang dumating. Hindi ko pinaunlakan iyon dahil ayokong mangyari ulit ang nangyari the last time. Dahil sa pag sabay ko sa kaniya ay may naging dahilan pa siya para i-black mail ako ngayon!

Dahil nga hindi ako sumabay sa kaniya ay nag convoy na lamang kami. Nakasunod lamang ako sa kaniya hanggang sa nasa kalagitnaan na kami ng byahe namin sa SLEX ay tumigil siya sa isang pit stop. Akala ko ay magpapa gasolina siya ngunit hindi. Nag park siya sa tapat ng isang fast food chain kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

Alas syete na ng umaga. Tirik ang araw pag labas ko ng kotse. Para akong napapaso.

"Let's eat our breakfast here." aniya at hindi na ako inantay pa.

Dire-diretso siyang pumasok sa Jollibee. Are we going to eat there? No, not that I don't eat Jollibee. Actually it's the only fast food chain I eat in. But...

Wala na akong nagawa kundi sumunod. Kumakalam na din naman ang sikmura ko kaya bahala na.

Agad siyang pumila para umorder. Ni hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko! Nilibot ko ang mata ko at nag hanap ng mauupuan. Kakaunti lamang ang tao dahil siguro masyado pang maaga. Hindi naman naka ligtas sa akin ng mga matang nakatingin.

Agad na akong umupo nang may makitang bakante. Nasa gitna ito ng fast food kaya hesitant pa ako dahil masyadong center of attraction ang napili kong upuan. Pero ano pa bang magagawa ko? Saktong pag upo ko ay siyang dating ni Thaddeus. Walang kahirap hirap na hawak niya ang dalawang tray sa kaniyang mag kabilang kamay.

Inilapag niya iyon sa lamesa at agaran nang nanuot ang amoy ng pagkain sa ilong ko. Lalo tuloy akong nagutom.

"I ordered your favorite."

Nag taas ako ng tingin sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Hindi siya naka tingin sa akin. Inabala niya ang sarili niya sa pagkain sa harap.

He still remember.

Pinilig ko ang ulo ko at kumain na lamang. He ordered a lot. Pancakes, burger, fries and chicken joy with rice. Mukha ba akong patay gutom? Napaka dami naman nito. At lahat ito paborito ko...

Isinilid niya ang pancakes at burger sa isang brown na supot. Ganoon din ang kaniya ang kaibahan lang ay pancakes at fries lang ang nilagay niya sa isa pang brown na supot. Just like what he used to do...

Umiwas ako nang nag angat siya ng tingin. This is freaking ridiculous. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko sa chicken at kanin. Nang natapos ay tumayo na ako. Hindi ko na siya hinintay pa. Patapos na rin naman siya nang tumayo ako e. I just can't help it. Iyong ginawa niya kanina. Sinasadya niya ba 'yon ha?

Ang pag order sa mga paborito ko. Ang pag lagay ng pancakes at burger sa supot gaya noon dahil hindi ko kaya ubusin ay ite-take out ko na lang. Sinasadya niya bang ipaalala sa akin lahat?

"Kleo!"

Hindi ko siya nilingon. Dire-diretso ako sa kotse ko pero dahil mas malalaki ang hakbang niya ay hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ay naharang na niya ang kamay niya doon.

"What's the matter?"

I shoot daggers at him. Guni guni ko lang ba ito o talagang tunog concern siya?

Guni guni lang, Kleo! Don't be a fool.

"Nothing."

Sinubukan kong buksan muli ang pintuan pero pinigil niya lang ulit iyon.

"Tell me what's wrong? I ordered your favorites. Ayaw mo ba? Iniwan mo pa ito."

Tinaas niya ang hawak niyang isang supot. Hindi ko siya pinansin at sinubukan ko na lang ulit buksan ng buong lakas ko ang pintuan pero kumpara sa akin, syempre mas malakas siya.

"Can we just go? Malayo pa ang ibabyahe natin." malamig at walang emosyon kong sambit.

Nakatingin lang ako sa kabilang direksyon. Hindi ko kayang tignan siya sa mata. Baka malaman niya pa kung anong naiisip ko.

"Fine."

Tinanggal niya ang kamay niya sa pintuan bago iabot sa akin ang supot. Tinangap ko na lamang iyon para hindi na kami mag usap pa.

Nang maka pasok ako sa kotse ay doon na lang ako nakahinga. Kanina ko pa pala pinipigil ang hininga ko hindi ko man lang alam.

Dalawang oras ang lumipas ay narating na namin ang Batangas. Ginugutom na ulit ako. Kaya naman kinuha ko ang burger na nasa supot at kumain habang nagda-drive.

Pinilit kong isantabi sa isipan ko ang nangyari kanina. I need to focus on the road! Mamaya kakaisip ko sa walang kwentang bagay na iyon ay madisgrasya pa ako.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang tumunog ang cellphone ko. It's Thaddeus. Siraulo ba siya? We're driving tapos tatawag siya? Wala akong nagawa kundi sagutin iyon. Hindi agad ako nag salita.

"We're almost there. Five minutes."

Oh? Iyon lang?

"That's it?"

"Yeah—,"

Agad kong inend ang tawag. Iyon lang naman pala ang sasabihin ay tumawag pa. Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit ba pumayag pa akong pumunta dito e. Pupwede naman niyang i-send na lang sa akin ng pictures ng bahay at ang scan copy ng blueprint.

Pupwede ko siyang kasuhan dahil sa pangba-black mail niya sa akin pero bakit hindi ko magawa?

Fool, Kleo. You're a fool.

Do I really think that will solve everything? I will sue him and then what? Malalaman ni Daddy? Ng mga Kuya ko? At anong mangyayari? Gulo na naman?

Few years ago, it was a total chaos. Nang makilala nila si Thaddeus ay gumulo ang lahat. Nagalit ang mga kapatid ko sa kaniya at nagalit sa akin si Daddy. I was grounded for months because of what happened years ago. Pero pinag sisihan ko na iyon. Pinag sisihan ko nang nakilala ko pa siya noon.

Lalong nag higpit si Daddy sa akin noon dahil sa kaniya. Ganoon din ang mga kapatid ko. I was like a prisoner in our own house. Kahit saan ako mag punta ay nakasunod ang mga bodyguards na ni-hire ni Daddy para lamang bantayan ako.

My brothers were fuming mad at that time. I know galit sila sa akin pero mas galit sila kay Thaddeus. At ngayon, heto ako, kasama ko na naman siya. Nag babanta nanaman ang gulo. Hindi pa nangyayari ay alam ko na. Kaya kung idedemanda ko siya ay lalo lang gugulo ang lahat. Dati nang magulo ang buhay ko pero ayoko ng mas guluhin pa ngayon.

I swear, pag tapos ng proyektong ito ay hinding hindi na ulit ako magkakaroon ng interaksyon sa lalaking ito. Tulad noon, wala naman siyang ibang dulot kundi gulo. Wala siyang dulot na maganda sa buhay ko...

avataravatar
Next chapter