2 1

The next day I woke up with a very bad headache. Slowly, as I open my eyes I saw someone is sitting on my bay window seat just across my bed.

"How are you feeling?" he asked as he stands up and give me a glass of warm milk.

"Thanks."

Tinanggap ko ang baso ng gatas at isang straight itong ininom. My head is throbbing so bad. Ugh. Fuck hangovers!

"Wash up and get dress. May pagkain na sa kitchen mo. Uminom ka ng gamot once you're done eating. Alright?"

Nakahalukipkip siya sa tabi ng kama ko ngayon at kunot ang noo. He may sound concern but I know he's mad.

I nodded, still on the bed. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang ang hirap kumilos o kahit mag salita. This is my first time in four years that I got so drunk. That's only four or five glasses of bourbon!

"Hindi ka na sanay uminom. Tapos binigla mo ang sarili mo kagabi. Ayan tuloy nagka hangover ka." aniya na may kaunting bahid na lamang ng pagalala dahil mas nahihimigan ko na sa tono niya na galit talaga siya.

"I just... wanna... ugh... damn this headache."

Tinignan ko si Kuya na iiling iling. "Huwag ka na bumaba. Dadalhin ko na lang ang pagkain dito."

Tumango ako at humiga na muli. Ang bigat bigat ng ulo ko. Para itong binibiyak sa sobrang sakit! Siguro nga'y hindi na ganoon kataas ang tolerance ko sa alak dahil matagal na ng itinigil ko ang pag inom. Simula nang mag start akong mag trabaho sa kompanya ay binawasan ko na ang alcohol intake ko.

Gaya ng sabi ni Kuya kanina ay dinalhan niya ako ng pagkain sa kwarto ko. I live alone in this house. Kuya's house is just four blocks away from mine. Pero paano kaya niya nalaman na nag inom ako kagabi? Paano din ako nakauwi? Oh shoot! How about Tania? Where is she?

"Kuya! Where's Tania?" agaran kong tanong sa kaniya nang mailapag niya sa coffee table ang tray ng pagkain.

He look so pissed when he looked at me. "Nakauwi na."

"How? And how did you know?"

Dahan dahan akong tumayo sa aking kama at tinungo ang coffee table. Mabuti at okay lang si Tania. Pero, paano siya nakauwi?

"She called me. Hinatid ko muna siya bago kita iuwi dito."

Thank God she's okay!

"Why did you take her with you, Kleo?"

"Huh? Coz she's my friend." I said a matter-of-factly.

"And you... you made her wear that dress?" aniya sa hindi makapaniwalang tono.

Kunot ang noo kong binalingan ang kuya kong nakatayo at naka pameywang sa gilid ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Why not? It's a bar."

Anong gusto niyang ipasuot ko kay Tania? Pyjamas? Parang hindi naman siya nagba-bar. Kulang na nga lang mag hubad ang mga babae niyang nilalandi sa bar eh.

"Exactly!" giit niya.

Lalong kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. "What is wrong with you?"

Tinitigan ko siya at ganoon pa rin ang reaksyon niya. Naka simangot.

"Why do you care so much about her outfit?" and besides it's already done. Nakauwi na si Tania. Wala ng magagawa ang galit niya ngayon. At bakit ba siya nagagalit?

Nanliliit ang mata kong tinitigan ang kuya ko. Don't tell me...

"Kuya! Is she your new flavor of the month!?" I hissed when I realize why the hell my kuya is acting like this.

What the hell? Pati ba naman secretary ko? At kaibigan ko?

Gulat siya sa tinanong ko at sunod sunod na umiling.

"What? Hell no! She just doesn't fit in there and in that dress. You know what? Just eat your goddamn food. I'll go ahead!" He said and stormed out of the room.

Why do I feel like something is going on with the two? Or just with kuya? I hope I'm wrong. I don't want Tania to be hurt or else I'll break my Kuya's bones!

Pagtapos kong kumain ay nag pasya na akong maligo. I'm still wearing my dress last night, only that, I'm also wearing a big white shirt on top of that! Siraulo talaga si Kuya.

The weekend passed by like a whirlwind. I'm on my way now to my office when I stop midway because of a commotion going on just in front of my Kuya's office. What is happening?

"What is happening, Tania?" Tanong ko kay Tania na nasa kaniyang desk na.

"Good morning. Hindi ko din alam. Kararating ko lang. Narinig ko lang na may dalawang babae yatang nag aaway."

Tinaasan ko siya ng kilay. Dalawang babae? Sa harap ng opisina ng kapatid ko?

"Tsk."

Umiling na lamang ako at akmang papasok na sa loob ng akong opisina nang pigilan ako ni Tania.

"H-hindi mo ba pipigilan?" she looked so worried and... hurt?

Damn. She really likes my asshole of a brother, huh.

Umiling ako, saglit tinignan ang komosyon at ibinalik sa kaniya. "He should deal with his kalandian."

Binigyang diin ko ang kalandiaan at pinandilatan siya ng mata. Sana marealize ni Tania na hindi kagusto gusto ang Kuya ko. He got the looks, I know. Kaya maraming nagkakandarapa sa kaniya dahil sa gwapo naman talaga ang kapatid ko. Tulad nga ng laging naririnig kong komento ng mga babaeng empleyado sa kaniya, parang siya si Adonis ng 21st century. With the looks, the body and... well, brains, girls drool over him. Plus he's a CEO and a very wealthy man, a hot bachelor. Who wouldn't want a guy like my Kuya? Me. Cause he's a dickhead.

He got everything a girl wants pero dahil isa siyang dickhead, ginagamit niya sa kalandian niya. Kaya ayan ang resulta.

"Tania, hope you'll realize that my brother is no prince charming."

Mabilis natapos ang araw ko. Siguro dahil marami din talaga akong ginagawa. Pero wala akong balak mag overtime ngayon dahil mag gogrocery ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa dalawang araw na wala akong ginagawa last weekend ay hindi ko naisip mag grocery.

"Tania, sabay ka na sa akin."

Nakita ko kasing nagliligpit na rin si Tania nang lumabas ako. Natapos ang araw ko na hindi nanaman ako lumabas ng opisina. Nilunod ko na lang kasi ang sarili ko sa mga trabaho at hindi na nag pasyang lumabas pa. Nagpa-deliver na lamang ako ng pagkain ko.

"Hindi na. Baka matraffic ka."

Umiling ako, "Pupunta akong grocery store ngayon. Hindi ba taga Pasay ka? Sa SnR Macapagal ako maggo-grocery."

"Eh—.."

"Kleo, in my office."

Bahagya akong napatalon sa boses na nanggaling sa likod ko. Kita ko ding nagulat si Tania at agad namula dahil sa biglaang pag sulpot ng kuya ko. Tsk. Tsk. Sarap batukan.

"Mauuna na ako, Kleo. Baka importante yang meeting niyo." aniya at saka isinukbit ang kaniyang shoulder bag sa kaniyang kanang braso.

"Alright. Ingat!"

Tinungo ko ang opisina ni kuya. Naroon siya nakaupo sa pahabang sofa. Nakapikit at nakasandal sa backrest ng upuan. Both arms at the back of his head. He look tired.

"What is it?"

Agad akong naupo sa pang isahang sofa sa tapat niya. Nag mulat siya ng mata at agad akong tinaasan ng kilay.

"You were seen with a guy at the bar last Friday." panimula niya.

A guy? Oh.... Yeah. That guy at the bar!

"You were seen so close to each other, Kleo. Who is that guy?" aniya na may bahid ng pagkairita ang tono.

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know who the guy is. I was so drunk that night."

He heaved a deep sigh. Para bang ang laking problema ng nagawa ko.

"Mabuti na lang at walang kumuha ng litrato mo. At mabuti na lang ay kaibigan ko ang nakakita sainyo. Hindi ito pwedeng makarating kay Daddy..."

Umikot ang mata ko sa huli niyang sinabi. Of course it is a big problem. Lalo na kapag nalaman ng Daddy.

"Please, Kleo. Be careful next time..." aniya at tinignan ako ng may worry sa mga mata.

It's as if he's telling me I am being careless? Tss. I did not do something wrong that night. We just danced. That's it.

I sighed. "Yes, I will. Is that it? Kaya mo ako pinatawag?"

Tatayo na sana ako nang may ilagay siyang maliit na black envelope sa lamesa sa pagitan namin. Natigilan ako saglit at kahit hindi ko buksan iyon ay alam ko na ang laman.

The black envelope with gold lines on the sides. I know that it is an invitation.

"Please be there, Kleo..." malungkot ang tono ni Kuya. Alam siguro na hindi ako pupunta.

Hindi agad ako nakasagot. Nakatayo lang ako doon at nakatitig sa invitation.

"I'm busy. I don't have time for that." malamig at pinal kong sagot.

Tumayo si kuya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap ako sa kaniya.

"Kleo, I want you to be there. We want you to be there..."

We... oh really? I doubt.

"I can't. I have a schedule on weekend. Ipapadala ko na lang ang regalo ko."

"Don't lie to me. You don't have any schedules this weekend."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Yes, I know your sched.." dagdag nito na may halong panunuya sa tono.

Matalim ko siyang tinignan. If looks could kill, he'll probably be a dead meat now. I can't believe Tania told him my schedule! Is she that? Gosh. Nevermind.

"I have other plans."

Umiling si kuya. "Please... Kieth will be there."

Punong puno ng pag asa ang tono niya nang sinabi niya iyon. Para bang iyon ang huli niyang bala para lang mapa-oo ako. Kaya lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

"I'll just ask him to visit me. Duh." I said a matter of factly.

"He'll leave for New York the next day..." aniya at may panunuya pa rin sa kaniyang tono.

Liar! He won't do that! Of course he will stay here for like a few days.

Tinignan ko ang Kuya kong taas baba ngayon ang dalawang kilay. He just won't give up, huh? I really hate his guts.

"Damn it!"

May sumisilay na ngiti at pag asa sa mukha niya dahil mukhang nakuha niya ang makapag papapayag sa akin. He knows me too well. And I hate it. I hate him so much.

"Alright! Alright! I will try but I won't promise."

Lumabas na ako ng kaniyang opisina at wala sa sariling naglakad patungong elevator. He will be there. I miss him! Isang taon na ang lumipas nang huli siyang umuwi ng Pilipinas.

Naging sobrang busy ang linggong ito kaya naman sobrang bilis din nitong matapos. It's Saturday now. Nakatitig lamang ako sa itim na invitation sa kama ko at katabi nito ang pinadalang gown ni kuya. It's a sparkling line v-neck backless champagne gown paired with a nude ankle strap heels.

Kanina ko pa iniisip kung tutuloy ba ako o hindi. Pero nang biglang dumating ang gown at heels na ito ay wala na akong nagawa. I don't want to waste my brother's effort.

I applied a very light make up. Ayoko talaga ng heavy make up. A light make up and a deep red lips will do. After I blow dried my hair I tied it up into a messy bun.

Nang matapos ako ay isinuot ko na ang gown. Magaling talaga pumili ang kuya kong iyon. At saktong sakto sa akin. It may be too revealing but I like it.

Tumunog ang doorbell kaya dali dali na akong bumaba dala ang aking sparkling clutch. Sinalubong ako ng isa sa mga bodyguard ni Kuya Keiden. Ito ang mag dadala sa akin sa party na gaganapin sa Shangri-La.

Pagkarating ko sa venue ay naroon na si Kuya at inaantay ako. Sabay kaming pumasok ng hall kung saan naroon na ang mga bisita. Bawat madaanan namin ay binabati kaming dalawang mag kapatid.

Nang nasa may harap na kami at tapat ng mini stage na naka set up ay may matangkad at matipunong lalaking nakalahad ang dalawang kamay sa akin.

Malaki ang ngisi kong tinakbo ang distansya namin at niyakap siya. Niyakap niya din ako pabalik ng sobrang higpit. I miss him so much!

"I missed you, Kuya!"

"I missed you too, baby girl." He said, emphasizing the baby girl.

Hinalikan niya ang aking ulo bago kumalas sa yakap. Hindi na ako naka angal dahil binati na agad siya ni Kuya Keiden.

"Keith, bro." bati ni Kuya Keiden kay Kuya Keith at tinapik ang balikat nito.

So happy seeing these two. Kuya Keith is our brother. Siya ang sumunod kay Kuya Keiden. He's currently based in New York right now. He's an engineer too but also a car racer. He's really good at it. Kaya siya nasa New York dahil hindi niya magawa ang hobby niyang iyon dito or more like passion gaya ng lagi niyang sinasabi sa amin.

Our parents disliked the idea of him, racing, cause it's dangerous. He's so cool that women flock around him. He is a woman magnet just like Kuya Keiden but he's way way attractive to girls than Kuya Keiden because of his snobby attitude. I don't know why girls chooses guys who's like, you know, as cold as ice. Maybe because they find it challenging? But I just find it ridiculous to romanticize that.

And not to brag but despite all the hot and sexy girls flocking around him, he is a one woman man. Mind you. Unlike Kuya Keiden who's a notorious playboy. Who uses his charms so much to jump from one girl to another. Tsk.

But, Kuya Keith is still single right at this very moment. Hindi pa nakaka move on sa first love niyang sinaktan siya two years ago. He may be cool but he's a stupid masochist. Still loving the girl who used to break his heart not just once but twice!

Agad kaming naupo at nag kwentuhan. Mostly, kalokohan. Kapag nag sama ang dalawang ito wala silang ibang gagawin kundi asarin ako. They are the bullies in my life that I can't get rid of.

"This lady right here was seen with a guy last week, Keith." simula ni Kuya Keiden.

Damn. That was last week! Hindi pa rin niya nakakalimutan?

Agad nag bago ang ekspresyon ni Kuya Keith na nakaupo sa kanan ko. "You... what? A guy? Who's that lucky bastard, Kleopatra?"

Inirapan ko lang si Kuya Keiden na nasa kaliwa ko at sinimangutan naman si Kuya Keith.

"Oh, and they were so close. Like very close."

Lalong tumalim ang tingin ko kay Kuya Keiden. He just won't shut up, huh?

"What do you expect me to do at a bar, Kuya Keiden? bible study?"

Tumawa sila pareho sa sinabi ko pero agad ding nawala ang tawanan nang dumating na ang kanina pa namin hinihitay. Mommy and Daddy.

"Dad," unang lumapit si Kuya Keiden at niyakap ang parents namin. Sunod ay si Kuya Keith na hindi nila inaasahang uuwi ngayon at ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod ng mga kapatid ko.

They are towering over me so mom and dad couldn't see me.

"Kleo? Kleo my dear?" untas ni Mommy nang itulak ako ng dalawa kong kuya sa kanila. Halatang hindi rin nila inaasahan ang aking pag dalo sa kaarawan ng Daddy.

"Hi, mom. And.. happy hirthday, dad."

Agad akong niyakap ng mahigpit ni mommy kaya ganoon na din ang ginawa ko sa kaniya. Nang kumalas kami sa yakap ay nakita kong mangiyak ngiyak siya.

"Oh, dear! I missed you! I'm glad you came..." sambit ni Mommy.

Nakangiti siya ngunit may tumatakas na luha sa kaniyang mga mata.

"Kleo,"

Tila parang kulog iyon na nag pakabog sa dibdib ko nang tawagin ako ng Daddy. He's all smiles. Tulad ng ginawa ni Kuya Keiden kanina ay nilahad niya ang dalawang kamay para sa yakap.

Alanganin akong tumingin kay Mommy na tumango lamang at ngumiti sa akin. Encouraging me. Dahan dahan akong nag lakad palapit kay Daddy. He hugged me. Not as tight as mommy's. But he hugged me...

"Thank you for coming, anak..."

Anak. For the first time in so many years, I finally heard him call me anak again.

"Happy birthday, Daddy..." iyon na lamang ang naisagot ko at agad kumalas sa yakap.

Naupo na sila sa kabilang table katabi namin. Naroon na din ang mga pinsan ni Daddy. Daddy's an only child. That is why sa kaniya pinama ng lolo namin ang kompanya at ngayon ay si Kuya Keiden, being the eldest son, ay siya na ang nagpapatakbo rito.

"That was new." bulong ni Kuya Keith sa akin.

Nagkibit balikat na lamang ako.

"And odd.." dagdag ni Kuya Keiden.

Tinutukoy nila ang pag tawag sa akin ng anak ni daddy. Well, we're not really in good terms for the past years already. And this is the first time after I graduated college that I attended my father's birthday party.

That's a very long story, na ayoko na balikan pa. All that's happened in the past will forever remain in the past. Pero ang isiping maayos ang pakikitungo sa akin ng ama ko ngayon ay pinagtataka ko lang. We never had a closure. So, I'm confused. I know he's up to something. But I shrugged at the thought....

The meals were served. Hindi kami nauubusan ng kwento sa table namin dahil sa dalawa kong kuya. Natigil lamang kami nang biglang may grupo ng lalaking bumati sa dalawa kong kuya.

"Good to see you, man." sambit ni Kuya Keiden sa isang lalaking may kahabaan ang itim na itim na buhok. He looks like a model. With that long hair that almost reaches his shoulders, chiseled jaw, thick brows and hooded hazelnut brown eyes. He really can pass as a model. I wouldn't be surprised if he is. And I wouldn't be surprise if marami na siyang napa iyak na babae. He's got the badboy aura that some of the girls nowadays really like.

Sunod na binati ng mga kuya ko ang sumunod na lalaki. He's also good looking. Mas formal and neat lang siyang tignan with his clean cut, angled jaw, hawklike eyes, not to mention he has a pair of blue eyes! Sa mata na iyan ay hula ko marami nang pinaasa ang isang ito.

Huli nilang binati ang isang mukhang supladong lalaki. Sa kanilang lahat siya ang nangingibabaw sa kagwapuhan. Angled jaw, deep-set and expressive gray eyes, manly dimples that peaks as he speaks, and broad hard chest na medyo kita dahil bukas ang naunang tatlong butones ng kaniyang puting longsleeve dress shirt. Mas nakadagdag iyon sa appeal niyang nag uumapaw na. With that built, marami na siguro itong naikama.

I'm not being judgmental here. I am stating facts. Facts only.

Nasabi ko bang matatangkad silang lahat? Sa height ko na 5'7 ay nanliit ako sa mga ito. Matangkad na ang dalawang Kuya ko, tapos dumagdag pa sila? Hula ko ay mga nasa six feet or more sila. Hindi lang din sila matangkad, they have a very masculine body. Damn genes. Sino ba ang mga ito?

"This is Kleo, our sister." pakilala sa akin ni Kuya Keiden sa mga lalaking nasa harap namin.

I didn't bother standing up and shaking their hands. Nginitian ko na lang sila isa isa.

"She's only twenty three. Still a baby girl to us." Dagdag ni Kuya Keith.

Napairap na lamang ako sa sinabi niya. Alam ko kung anong gusto niyang ipahiwatig doon sa sinabi niya.

"Keith's right. She's not available until she turns twenty five."

At talagang dinugtungan pa iyon ng magaling kong Kuya Keiden.

Tumawa lamang sila at saka nakiupo na sa aming table. Nakasimangot lang tuloy ako.

"I understand why you two are so protective of her. She's really pretty. And... not bad, two years na lang naman ang hihintayin..." said the long haired guy named James Dean. Yeah. His name's James Dean. Funny that he looks like James Dean.

"Oh, shut up, James." asik ni Kuya Keiden at binato siya ng table napkin.

Tama nga ako. Marami na siguro ito napaiyak. Masyadong mabukaklak ang mga sinasabi. At kung tumingin ay para kang inaakit.

Nag simula ang programme sa pagbibigay ng speech ni Kuya Keiden at sinundan iyon ni mommy.

"I'm so happy that we're a complete family tonight," aniya at tumingin sa akin. We're not Mommy. Certainly not. Agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya at nag patuloy naman siya sa pag sasalita.

"Thank you all for coming to my husband's birthday celebration! Enjoy the night!"

Nang si Daddy na ang nag salita ay hindi ko na talaga binalik ang mga mata ko sa stage. Abot abot ang kaba ko kahit na hindi naman ako ang mag sasalita. Why my heart is beating so fast, I don't know.

Napuno ng pasasalamat sa lahat ang speech ni daddy na tumagal ng ilang minuto. Nang makabalik siya sa pwesto nila ay may lumapit sa kaniya kaya binati niya iyon at kinausap.

"Is she really like that?"

Narinig kong tanong ni James. Hindi ako nag angat ng tingin. I'm busy with my phone because Tania texted a while ago.

"So reserved and... pretty?"

Narinig kong nag tawanan ang mga lalaking kasama ko sa table. I remained on my phone and did not bother looking at them.

"Mag hanap ka ng ibang babae, James. Please." sambit ni Kuya Keith.

"Such a snob."

Dahil sa komento na iyon ay agad kong nilingon ang nag salita. It's not James. It's that guy with gray eyes. And his name's Maxon. He looks like the young Brad Pitt, only with gray eyes.

"I am not a snob. I'm just busy."

Sagot ko kaya natahimik ang buong table namin. He grinned. Mukhang natutuwa sa pag sagot at pagtataray ko sa kaniya.

"Busy texting who? Your boyfriend?"

Tinaasan ko siya ng kilay. While he still has that same grin plastered on his face. His reaction is like I am some kind of an entertainment for him.

Unang tingin ko pa lang dito mukha na siyang mayabang talaga. I was right. He screams arrogance.

Hindi ko siya sinagot kundi inirapan ko na lamang siya at tumayo na. "Kuya, powder room lang."

Kinuha ko ang clutch ko at tinungo ang powder room na may kalayuan. Bago ko pa marating ay katakut takot na batian muna sa mga kakilalang nakaka salubong ko.

"You're stunning, hija."

"I like your gown! It suits you!"

Paulit ulit lang naman na ganiyan ang bati nila. And then the bottomline question will be..

"When will you settle down?"

For Pete's sake, settle down? I'm only twenty three. That never cross my mind. Not at all. Wala pa sa isip ko ang ganoong mga bagay.

Nang makalabas ako ng powder room ay mas pinili kong dumaan sa hindi masyadong matao at maraming kakilala.

"Ang tagal mo. Dad's looking for you." sambit ni Kuya Keith nang maka balik ako.

"Why?"

Kumalampag ang puso ko. Bakit ako hinahanap ni Daddy?

"I don't know. Pumunta ka na lamang sa table nila."

Nilibot ko ang tingin ko sa table at hindi ko inaasahan ang abong mga mata ni Maxon ang una kong makikita kaya naman binalik ko na lang ulit kay Kuya Keith ang tingin ko. "Where's Kuya Keiden?"

"I don't know," kibit balikat na sagot ni Kuya Keith. "Maybe hunting for his new prey?"

Napairap na lang ako sa isiping nag hahanap nanaman ng bagong babae ang isa kong kuya. Kung may hindi sila pinagkakasunduan dalawa ay iyon ay ang mambabae. I told you, Kuya Keith is a one woman man. Nasobrahan na dahil hanggang ngayon hindi pa rin maka move on kahit may pamilya na iyong babae.

Kahit kabado ay tinungo ko ang table nina mommy.

"Mom..."

Nginitian ako ni Mommy. Siya lamang ang naroon at iilang pinsan ni Daddy na agad kong binati. Hindi naman ako maka ngiti pabalik dahil sa kabang nararamdaman. Why is he looking for me? And where is he?

"There you are Kleo." ani Daddy kaya pinalapit niya ako sa may gilid ng stage kung saan may kausap siya.

Tinignan ko muna si Mommy bago ko tinungo ang pwesto ni Daddy. He is with, I don't know, maybe a business partner?

Mukhang kaedaran niya ang lalaking kausap. Kaya nang maka lapit ako ay agad niya akong pinakilala rito.

Titus Silvestre is the name, Daddy's business partner and friend. They own one of the leading oil company not just in the country but in whole Asia.

"It's nice to meet you, Mr. Silvestre."

"It's my pleasure, hija. But, please, just call me Tito." aniya at kinamayan ako.

Hilaw ang ngiting naigawad ko sa kaniya. Bakit ako ang pinapakilala ng ama ko sa business partner niya? Bakit hindi si Kuya Keiden? At nasaan na ba kasi ang isang iyon?

"Oh, here he is." sambit ni Mr. Silvestre, nakatingin siya sa likuran ko at mukhang may binati.

Hindi na ako nag abala pang tignan iyon nang agad naman itong dumalo sa amin. Tumabi siya kay Mr. Silvestre. Binati niya muna ang Daddy bago ako binalingan.

There's something in this guy. Hindi ko lang ma-explain. He looks so familiar to me.

"Kleo, this is Theodore Silvestre. Titus' son. He is now the one who's running their oil company." ani Daddy sabay iminuwestra kamay ni Theodore Silvestre na kanina pa pala nakalahad.

Sa sobrang pag figure out ko kung bakit familiar siya ay hindi ko na namalayang gusto niyang makipag kamay. Kaya pala familiar dahil tatay niya pala itong si Mr. Silvestre. They share the same features. But, they both look so familiar? I wonder if I already saw them in magazines? Maybe? They are one of the top oil company in Asia.

"I'm Kleo De Luna, nice meeting you."

By looking at him, he looks like he's of the same age as Kuya Keiden. Kuya Keith is 27 while Kuya Keiden is 28. He's also as tall as my two brother. Neat hair cut, thick eyebrows, brown eyes, long thick lashes, small pouty lips and angled jaw. He has a beard which made him look more manly.

"I know you." aniya at nginitian ako.

"You two look good together, right Ariston?" singit ni Mr. Silvestre kaya napawi ang ngiti naming dalawa.

Sumang ayon si Daddy sa naging komento ng matandang Silvestre. Why do I feel like I know where this is going?

"Dad," ani Theodore na mukhang nahiya dahil sa komento ng kaniyang ama.

"I'm sorry, Kleo." sambit niya nang balingan niya ako.

Hindi ako makapag salita. Para kasing alam ko na kung anong susunod na mangyayari. I hope I am wrong this time. Please. Good God. I beg you.

"Oh, no, Theo. It's okay. You'll get married soon, anyway."

That's it. Parang biglang gumuho ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi ng matandang Silvestre. Tumingin ako kay Daddy na nakangiting sinang ayunan si Mr. Silvestre.

"It's only a matter of time that you two will tie the knot." aniya nang bumaling siya sa akin.

With that look on his face, I know, there's nothing I can do.

Tinignan ko si Theodore. With his apologetic eyes, I know. Alam niya ito. At tulad ko wala siyang magagawa. Kaya ba iba ang pakikitungo ni Daddy sa akin kanina pa? Dahil rito? Kaya ba pinilit ako ni Kuya Keiden na dumalo ay dahil rito? Kaya ba umuwi bigla si Kuya Keith dahil... dahil sa parehong dahilan?

I can't speak. Kahit luha walang lumalabas sa mata ko. Natapos ang pag uusap nila tungkol sa pag papakasal namin ni Theodore Silvestre ay lutang akong bumalik sa table namin. Nadaanan ko pa si Mommy na mukhang nag-aalala. Does she know?

Damn. Of course, Kleo! She knows!

Nang naupo ako ay naroon na muli si Kuya Keiden. Sabay sabay nila akong tinignan. I look lost. Nakatulala lang ako sa kawalan nang biglang sabay akong tapikin nina Kuya Keith at Kuya Keiden.

"What happened?" tanong ni Kuya Keith.

"What's wrong?" sunod na tanong naman ni Kuya Keiden.

Tinignan ko ang tatlong lalaking nagtatanong ang mga mata. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng mga lalaking ito. I need to hold back my tears.

"Hey, Kleo.."

Nilingon ko si Kuya Keiden na mukhang nagtataka sa inaasal ko. "Do you have any idea about this, Kuya?"

I tried to sound calm but my voice is shaky. I'm really close to crying. But I need to hold it back.

"What are you talking about? Idea on what?" tanong niya na tila ba clueless siya.

He didn't know? Tinignan ko naman si Kuya Keith na ganoon rin. Clueless and confused.

"What happened in there? I saw you talking with the Silvestres." sambit ni Kuya Keith, halata mo ang pag alala sa tono niya.

"Silvestre?" Gulat na tanong ni Kuya Keiden.

"Hey, what's happening? You three?" Tanong ni Van, the one with the pair of blue eyes.

Bumibigat na lalo ang pag hinga ko. Hindi nila alam?

"Shut up, Van. It's none of your business." iritableng sgaot ni Maxon sa kaibigan.

Kahit papaano pala may silbi siya. Tsk.

"Bakit mo kausap ang mga Silvestre?"

May bahid na ng pagkainis ang tono ni Kuya Keiden. Hindi pa rin ako makapag salita. Parang may bukol na nakaharang sa lalamunan ko. Ang sakit. Ang hirap mag salita.

"Dad looked for her a while ago." saad ni Kuya Keith nang hindi pa rin ako mag salita.

"Kleo, please, say a fucking word." pabulong lamang na saad ni Kuya Keiden ngunit halata mong nagpipigil ng galit. Halong galit at frustration dahil ayaw kong mag salita.

Nafi-figure out na ba nila kung bakit? So they have an idea? Habang iniisip ko pa lang na baka nga may ideya sila ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

"Keiden, calm down." suway sa kaniya ni Kuya Keith.

"Did... did dad tell you?"

Halos hindi ko na marinig ang huli niyang sinabi dahil pahina ng pahina ang boses ni Kuya Keiden. So may ideya siya. Alam niyang ipapakasal ako sa Silvestre na iyon!

"Tell what, Keiden? Tell- oh damn! Did he fucking..."

Umiiling na sa tabi ko si Kuya Keith. May ideya na rin siya? Bakit...

"Kuya, I want to go home."

Sa wakas ay nakapag salita na rin ako. Tumango sila pareho tila ba iyon ang pinaka tamang desisyon sa gabing ito.

"I just... want to go home."

"Yes, Kleo. You're going home. Tatawagan ko lang si Tonyo para maihanda ang sasakyan. Iuuwi na kita." Si Kuya Keiden.

Busy sa pag tipa si Kuya nang tawagin siya ni Daddy pati si Kuya Keith. Mahina na lamang siyang napamura. Hindi niya ako maihahatid o kahit si Kuya Keith. They can't just leave the party.

"I'll take her home, Keiden, Keith."

Napatingin ang dalawa kong kuya kay Maxon na ngayon ay nakatayo na. Tila ba alam niyang hindi naman tatanggi ang dalawa sa alok niya. Bumuntong hininga na lamang silang dalawa.

"Mang Tonyo can drive me home, Kuya." singit ko ngunit umiling lamang si Kuya.

"Si Tonyo ang magda-drive ng sasakyan nina Mommy."

"Max, please. And thank you." sambit ni Kuya Keith.

"I will talk to Dad," si Kuya Keiden. "We will talk to him." Dagdag pa ni Kuya Keith.

Umiling ako kaya lalong nag salubong ang kilay ng dalawa.

"No, I will handle this."

"But, Kleo..."

Umiling akong muli nang mag protesta si Kuya Keith. "This is my problem. I will deal with this myself."

Kapag ginawa nila iyon ay baka magalit pa sa kanila si Daddy. Ayokong namang mangyari 'yon. Dahil sa akin kagagalitan sila. Hindi na ako bata para hayaan silang mag-ayos ng problema ko. I will handle this... but, how? Do I really think I can do that? Do I really think I have the power to do that?

Tinignan ko silang muli at binigyan ng isang tipid at hilaw na ngiti. I'm always stuck here. Can't do anything. Can't say a word. Can't say no. Every time Daddy speaks, it is marked with finality. Na kapag kumontra ako ay ako din ang lalabas na masama. If I do that I will suffer.

Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod kay Maxon. Nakita ko pang tinignan ako ni Mommy nang patayo na ako. She's crying. Kaya ang kaninang luha na pinipigilan ko ay parang gripo kung tumulo ngayon.

Nakatungo ako habang naglalakad at sinusundan si Maxon. Ayokong may makakita sa aking umiiyak. Not on my father's birthday party. Not in front of these people.

Paglabas namin ay may nag aabang na agad na valet sa amin. Inabot niya ang susi kay Maxon. Pinatunog niya ang kaniyang itim na Aston Martin.

Pinag buksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. Ilang saglit pa ay sumakay na rin siya at tumulak na kami.

Patuloy pa rin sa pag tulo ang luha ko. Nakatingin lang ako sa labas habang binabaybay namin ang EDSA. Hindi siya nag sasalita kanina pa. Mukhang hinahayaan niya lang akong umiyak. Nang tumahan ako ay saka siya nag salita.

"Feeling better?" tanong niya habang abala sa pagda-drive.

Tumango ako bilang sagot. Tinignan ko siya. He looked so serious while driving. Naka kunot ang noo niya kaya ang makapal niyang kilay ay halos mag dikit na. Kitang kita ko kung paano mag igting ang panga niya dahil sa daan siya nakatingin ngayon kaya malaya ko natitignan ang side profile niya.

"Stop staring." sambit niya nang mapansin siguro na nakatitig ako sa kaniya.

"S-sorry."

He chuckled. "It's okay. Alam kong gwapo ako."

Umikot ang mata ko sa kayabangan niya.

"Yabang mo." bulong ko na mukhang narinig naman niya kaya tumawa siya.

Natahimik ulit kami. Habang binabaybay namin ang kalsada nang bigla siyang lumiko sa isang drive thru ng isang fast food chain.

Taka akong lumingon sa kaniya. "What are we doing here?"

"You want ice cream?"

Tinitigan ko lamang siya dahil hindi ko maintindihan kung bakit tinatanong niya ako.

"I'll take that as a yes," aniya at binaba ang kaniyang bintana para makapag salita sa intercom kung saan sasabihin ang order. "Two sundaes, please. What flavor do you want?"

"Huh? Uh, plain vanilla..."

Sinabi niya na ang order niya sa intercom at tumulak na kami sa station 2 ng drive thru kung saan kukunin na ang order.

Hindi lang sundae ang inorder niya. Um-order din siya ng fries and drinks. Binigay niya sa akin ang isang large fries, large drink at ang vanilla sundae.

"What is this for?" tanong ko nang tanggapin ang pagkain.

"Ali asks for an ice cream when she's upset. It makes her feel better..." wala sa sarili niyang sagot habang nakatuon lang ang atensyon sa kalsada.

Who's Ali? His girlfriend? Nagseseryoso ba ang isang ito? Tss. I doubt.

"I'm not Ali."

Her lips twitched. "I just thought you'd feel better."

Kung ice cream lang pala ang katapat ng lahat ng ito ay baka noon pa man araw araw na akong kumakain ng ice cream. If ice cream will make me feel better, baka matagal na akong may diabetes.

I sighed. "Still, thanks."

Tumango siya at hindi na muli nag salita. Tinuro ko sa kaniya kung saan ang village namin. Kaya nang makarating sa tapat ng bahay ko ay agad na akong nag paalam.

"Thanks for the ride, Maxon."

Nakatingin siya sa bahay ko at pagkatapos ay sa akin. "You live alone?"

"Yeah." since college. Pero hindi ko na iyon sinabi. Too much information for a... not so stranger like him.

"Thanks and drive safe."

Agad na akong lumabas bago pa siya makapag tanong. Inantay kong makaalis ang kaniyang sasakyan bago ako pumasok sa loob ng bahay ko. Agad tinungo ang grand staircase at dumiretso sa kwarto.

I am so tired. Mentally and emotionally tired. I just want to sleep. Pero kahit sa pag tulog ko iyon pa rin ang nasa isip ko.

Bakit kailangan nila akong ipagkasundo sa lalaking 'yon? Ni hindi ko nga siya kilala o kahit ang pamilya niya. Hindi pa ba sapat na pinursue ko artkitektura? Hindi pa ba sapat ang pag sunod ko sa lahat ng utos nila simula noon? Hindi pa ba sapat na halos parang maging tuta akong sunod sunuran sa kanila noon? Is it my dad's way of punishing me for not talking to him for years? Kaya ba hinayaan niya ako kasi may pinplano siyang ganito?

All my life I followed their rules. All my life I never disobey them. Buong buhay ko kinontrol nila ako. Buong buhay ko may mga rules akong dapat sundin para maabot ang standards nila. Alam kong nagkamali ako noon kaya wala akong magawa kundi sundin sila. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko kaya wala akong karapatang mag reklamo. Alam kong kahit anong gawin ko hindi nila malilimutan ang kasalanan ko. I know and all these years I blame myself for what happened. I never wanted it to happen.

Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para patawarin nila ako? Hindi pa ba sapat yon kaya ngayon pati pagpapakasal ko ay sila ang magdi-desisyon? Pati ba naman ang puso ko didiktahan nila? Pati ba naman ito kokontrolin nila?

All my life I feel like I am caged... no, I am really caged...

avataravatar
Next chapter