2 Chapter 2

"Psst... Huy" Isang panlalaking boses ang narinig ko.

May tao ba dito?

Madilim na rito kaya hindi ko makita kung sino yung tao dito... Alam ko  wala ng tao rito ehhh, uwian na kasi.

"May tao ba dya---" hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil biglang may humatak sa kamay ko pababa.

Si.. Si.. Si.. Je-jex-jexter? Idinampi nya ang kanyang labi sa aking labi... Bakit nya ginagawa to?

Jexter POV

"Ikaw... Papuntahin mo dito si Yhena, okay?" Sabi ko sa lalaki na ang pangalan ay Jerome.

Jerome's POV

Ayoko nga? Hindi ko sya papuntahin dito.. may gusto ka lng kay yhena eh.

Hindi ako sumunod sa utos nya basta ang alam nya papupuntahin ki dito si Yhena.

Jexter POV

  Nagiintay na ako dito sa loob ng club room na ito...at hindi ko namalayan na gabi na pala. Nakaupo ako dito sa sahig at parang nandito na ata si Yhena nakikita ko sya pero di ako sure kung sya ito pero wala namang nagpupunta ditong mga students ehh kaya for sure si Yhena ito.

"May tao ba dya---" sabi nya pero di nya natapos ang pagsasalita nya dahil hinatak ko sya pababa sa kinalalagyan ko at hinalikan ko sya... Bigla na lang may nagsara ng pinto at natigilan ako, ang mga mata nya ay mukhang gulat na gulat habang nakatingin sa pinto.

Teka?! Siya?!! Hindi maaari!

"I-ikaw? Bakit ka nandito?" Sigaw ko sa kanya.

"Da-dapat ikaw ang tinatanong ko nyan, anong ginagawa mo dito?" Binalik nya lang ang tanong sa akin.

"Iniintay ko si Yhena dito pero bakit ikaw dumating?" Sabi ko

"Tinitingnan ko kanina kung ano yung sira ng pinto. Tapos bigla ka na lng... Teka bat mo ko hinalikan!!" Sigaw nya

"Maswerte ka nga nahalikan ka ng isang gwapong katulad ko ehh" pagdadahilan ko

"Bastossss!!" Bulyaw nya sa akin.

Ang awkward ng pwesto namin ngayon kasi sobrang lapit namin sa isat isa kainisss.

"Lumayo ka nga sa akin.... Aalis na ako dito.." Sabi ko at tumayo na.

Pagdating ko sa pintuan hinawakan ko na ang door knob at pinihit pero ayaw mabuksan... Bakit ganito to? Sira ba to? Ayaw kong ma-stuck dito kasama tong babaeng ito. Sinubukan kong pihitin muli pero ayaw talaga.

Ily's POV

  Kala ko ba matalino to? Di ba sya nakikinig kakasabi ko lang na sira yung pinto ehh.

"Ayaw kong ring ma-stuck dito kasama mo noh" Sabi ko halata naman ba sinasabi nya sa isip nya na ayaw nya kong makasama dito. Based on his facial expression.

"Di yan gagana." Wala kong ganang Sabi.

"At bakit?Teka did you just read my mind?" Tanong nya

"Kasi nga diba sira yannn! Kaya nga ako nandito para tingnan kung anong sira nyan!" Sabi ko

"Gawan mo ng paraan yan!" Sigaw nya sa akin at umupo sa may upuan.

Aba, isa pang sigaw dyan.. sinisigawan pa nya ako ahh. Porket Pogi sya ahh.

"As i said walang paraan.. di gagana kaya di ko na sasayangin ang lakas ko. Sa labas lng mabubuksan yan, Rank 2" Sabi ko.

"Wow.. yabang mo porket rank 1 ka lang ahh, pagdumating na yung test for ranking humanda ka sa akin, ako na ang magiging rank 1" Sabi ko

"Lakas ng fighting spirit mo ahh, ipagpatuloy mo lng yang dream mo, Let's see. Kung malalagpasan mo tong katalinuhan ko" pagmamayabang ko

"Talaga!" Para akong nakikipagaway sa bata.

Tumayo sya at pumunta sa pinakalikod at may switch syang pinindut switch ata ng ilaw at yun nagliwanag na, Kala ko ba di pa ayos tong club room na ito?

"May phone kang dala?" Tanong nya

Kinapa ko ang bulsa sa palda ko.

"Meron."

"May load ka?" Tanong pa nya

"Meron"

"tumawag ka sa family mo at sabihin pumunta rito at sabihin sa guard na nakulong tayo rito" Sabi nya

Walang kaalam alam talaga itong lalaking to sa akin.

"Wala akong family..." Diniretso kong Sabi

"Huh? Paanong? Your friend, Morgan right?" Tanong nya.

"It's a long story... I'll try to call Morgan, wait." Dinial ko ang number ni Morgan pero hindi nya sinasagot naka ilang tawag na ako hanggang sa maubos ang load ko.

"Wala, ayaw nyang sagutin, naubos na rin load ko sa kanya." Sabi ko.

"There's no choice for us kundi manatili dito." Sabi nya.

Nanahimik na lng ako at maya mayay bigla syang lumapit at umupo sa upuan sa harapan ko.

"Nandito na rin naman tayo.. ikwento mo kung paanong wala kang family? 2 lng naman tayo rito eh" Sabi nya

Huh? Seriously?.

Okay..

"I'm only child, Ang mother and father ko naghiwalay due to financial problems. Nagaway pa sila kung kanino ako mapupunta kung sa mother ko ba o sa father ko hanggang sa umabot ang pag-aagawan nila sa aking dalawa sa Korte. Pero napunta ako sa mother ko, nung 9 years old ako namatay si mama dahil sa sakit nyang sakit sa puso, hindi na ako umiyak nun hindi ako nagdalamhati nun kasi alam kong wala ni isang tao ang dadamayan ako. Walang dumating sa burol ng mama ko ako lng mismo, si papa wala di sya pumunta dahil may ibang family na. After ng ilang days ng maiburol si mama, hinanap ko kung san nakatira si papa at nung mahanap ko sya hindi nya ako tinanggap bilang anak nya. Sabi nya hindi na daw nya ako tinuring na anak simula nung hindi ko daw sya pinili nung nasa korte kami, sa akin kasi nakasalalay kung sino ang pipiliin ko kung kanino ko mapupunta. Pinagtabuyan nya ko inshort. Natuto akong mabuhay ng mag-isa, hanggang ngayon." Sabi ko

"What about your relatives?"tanong nya

"Ayaw nila kay mama, tutol kasi sila noon sa relationship nila mama at papa kayo yun ayaw rin nila akong tanggapin." Sabi ko

"Wala kang kasama sa Buhay?" Tanong nya ulit

"Wala..bakit?" Tanong ko naman

"Hindi ba malungkot yun?" Tanong nya ulit

"Hindi naman, sa una lang malungkot halos 7 years na akong mag-isa kaya sanay na ako. " Sabi ko

"Sorry" Sabi nya

"For what?" Tanong ko

"Sinigawan kita kanina. Then inopen up ko pa yung story mo." Sabi nya

"Nothing to sorry about, it's okay." Sabi ko

Mabait naman pala sya.

"Ahh sige.. binabawi ko na ang sorry ko." Sabi nya sabay yumuko matutulog ata.

Tiningnan ko ang phone ko, 8:30 na ng gabi, napakabilis ng oras.. Pero mabuti nga iyun para matapos na itong araw na to. Yumuko na ako at natulog na.

To be Continued...

avataravatar