43 Chapter 42

Umihip ang hangin at naamoy ni Jairuz ang bango ng mga bulaklak. Natukso siyang buksan ang mga mata. Maaliwalas na paligid ang sumalubong sa paningin niya. Ang langit ay matingkad na asul at naglalaglagan ang cherry blossoms kasabay ng simoy.

Tumingin siya sa babaeng nakatunghay sa kanya. Hindi niya alam kung sino ito, ang natitiyak lang niya kilala ito ng kanyang puso. Kilala niya ang presensya nito. Kilala niya ang amoy. Kilala niya ang init ng katawan. Bawat bahagi, bawat kurba, bawat detalye. His faceless, nameless woman.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kandungan nito at pinisil ang kamay nitong humahaplos sa kanyang dibdib. Tumayo ito at nagbabadyang umalis. Naalarma siya. Humabol at pilit itong inaabot. Ngunit biglang binalot ng makapal na hamog ang buong paligid.

"Wait! Don't leave me, please..." Pagmamakaawa niya sa malabong imahe nito na papalayo.

Hiningal siya sa kakahabol pero hindi niya ito magawang abutan hanggang sa tuluyan itong nilamon ng hamog at nawala sa kanyang paningin.

"Bakit? Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?" Sigaw niyang napapaluhod sa lupa. Nasaklot niya ang dibdib dahil sa sobrang sakit. Parang sinusunog sa loob ang puso niya. Ang sakit.

"Jairuz! Jairuz, wake up!"

Bumalikwas ng bangon si Jairuz at hinahabol ang hininga. A dream. No. It's more like a nightmare. Napatingin siya sa babaeng katabi sa kama. His girlfriend, Mikah. Looking at him with worried eyes.

"Are you okay, baby?" Pinunasan nito ang mukha niyang basa ng pawis at luha.

Tumango siya at niyakap ang dalaga. "I'm sorry." Damn! He can't stop shaking.

"Shhhh...it's alright. Binangungot ka na naman ba?" Tanong nitong hinahaplos ang kanyang likod.

Kumalas siya sa kasintahan at bumaba ng kama. It's been a month since that dream started to haunt him. But he can't tell Mikah about it. Pakiramdam niya'y pagtataksil sa kasintahan ang pagkakaroon ng panaginip na iyon at ang pagnanais na makasama ang ibang babae kahit doon lang sa panaginip niya. Hindi nito maintindihan iyon.

Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kitchen. Kumuha ng bottled water mula sa refrigerator at uminom. Naiwan pa rin ang sakit sa puso niya. Para bang may malubhang sugat sa loob na humahapdi. Sumunod sa kanya si Mikah.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ulit ng dalaga at niyakap siya mula sa likod. Teasing his bare back with small kisses.

"I'm good, babe." Tango niya para ipanatag ito. Inubos niya ang laman ng bote at hinagis iyon sa bin.

Bumalik sila sa loob ng kwarto. Some naughty smile is playing in the corner of Mikah's lips. His girl is up to something. Natatawa na lang siya nang paupuin siya nito sa kama saka nagsimulang umindayog ang katawan nito sa isang seksing sayaw habang unti-unting hinuhubad ang suot na negligee. Sinundan ng mga mata niya ang manipis na pantulog na hinulog nito sa sahig.

She is such a temptress. Her too much beauty makes him wonder sometimes if she is an illusion. From her fair skin to her perfect curves and the face that could cast a million arrows.

"Do I have to beg?" Malambing nitong sabi at nakaharap na kumandong sa kanya. Slowly grinding against his robust manhood.

Napaungol siya. "Shit," he whispered a curse when pleasure swallowed him up and the remaining control he has completely exploded. Abandoning him to oblivion.

Hinawakan niya ang batok ng dalaga at ibinuwal ito sa kama. He claimed her lips, sucking her tenderness with burning urgency.

Hindi siya sigurado kung pwede na siya para sa mga ganoong aktibidad. His doctor reminded him though to avoid doing some intense activities given his unstable condition. Pero alam din niyang may obligasyon siya sa kasintahan. Hindi siya papayag na ngayong magkasama na silang muli ay magpapatuloy ang kakulangan niyang iyon.

avataravatar
Next chapter