webnovel

NEVER THOUGHT I COULD LOVE (Episode 1)

Sa matinding lakas ng ulan at pusikit na kadiliman ay isang lalake ang pinagtulungang bugbugin ng limang kalalakihan.

"HOY! Tumigil kayo", ang isang sigaw na nagmula kung saan kaya tumigl ang limang lalake sa panggugulpi sa kaawaawang lalake at biglang nagtakbuhan papalayo.

"T-Tulungan ninyo a-ako", ang sabi ng lalake at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

"William, tulungan natin. Teka, duguan ito a, bilis Henry tumawag ka ng taxi."

"Dalhin natin kaagad sa ospital at marami ng dugo ang nawala sa kanya."

Pagdating sa ospital ay kaagad inasikaso ang biktima.

"Sino ang kamag-anak ng biktima sa inyo?" tanong ng doktor.

"Hindi namin po siya kilala."

"Ganoon ba, malubha ang lagay niya bukod sa tinamong saksak sa katawan ay pinalo pa ang kanyang ulo ng isang matigas na bagay kaya 50/50 ang chance niya na mabuhay."

"William, ikaw ang nakapulot ng cellphone niya, tingnan natin at baka makakuha tayo ng information tungkol sa biktima", sabi ni Henry.

"Sandali at bubuksan ko. Salamat hindi nasira kahit nabasa ng ulan, eto may picture ng babae at maganda siya, tawagan ko na."

"Henry, walang sumasagot, can't be reached."

May mga pulis na dumating upang magimbistiga sa kaso ng biktima.

"Kayo ba ang nagdala sa biktima dito sa ospital?" tanong ng pulis kina William.

"Kung puwede sumama kayo sa amin sa presinto para makunan kayo ng statement tungkol sa biktima."

Sa presinto

"Chief, sila ang mga nagdala sa biktima sa ospital."

"Sige, kunan sila ng statement."

"Yes, sir"

"Ito nga po pala ang cellphone ng biktima, baka may makuha kayong information dito."

"Ah, sige iwanan na ninyo ang cellphone at kami na ang bahala."

"Ano nga ang pangalan ninyo."

"William po ako."

"Henry po ako."

At isinalaysay ng dalawa ang kanilang nakita subali't dahil sa malakas na ulan at madilim na paligid ay hindi nila lubos na namukhaan ang mga nanggulpi sa biktima. Kaya ang nangyari ay halos wala ring nakuhang matibay ebidensya ang mga pulis.

"Sir, puwede na po ba kaming umalis?"

"Sige, pero iwanan ninyo ang contact number ninyo at kapag kinailangan namin kayo ay madali namin kayong matawagan."

Dahil sa iniwang cellphone ng biktima ay nakontact ng mga pulis si Helena, ang pangalan na nakalagay sa cellphone.

"Helena, ang cellphone mo, may tumatawag."

"Pakisagot 'nay at lalabas na po ako."

"Hello! Dito po ba nakatira si Miss Helena?"

"Opo, Bakit po?"

"Sa himpilan po ng pulisya, isa pong biktima ng pananaksak ang may-ari ng cellphone na ito ay baka kamag-anak ninyo siya."

"Ho? Nasaksak po? Saan pong ospital?"

"Naka confine po sa St. James Hospital."

"Salamat po, pupuntahan namin."

"Sino pong tumawag inay?"

"Naku, Helena ang boyfriend mo nasa ospital at nasaksak daw. Iyon ang sabi mula sa presinto ng pulis, gamit ang cellphone ni Harry kaya nakontak tayo."

"Bilisan natin mommy, puntahan kaagad natin si Harry."

Sa St. James Hospital, sa information

"Miss saan makikita ang biktima ng pananaksak?"

"Nasa ICU pa po."

"Salamat, tayo na mommy."

"Doktor, kumusta po ang pasyente?"

"Ano po ninyo ang pasyente?"

"Ako po si Helena, kasintahan ko po ang biktima."

"Malubha ang lagay ng pasyente. Bukod sa tinamong saksak sa katawan ay nagtamo siya ng palo sa ulo ng matigas na bagay at kailangang obserbahan pang mabuti."

Sa nangyari sa kasintahan ni Helena na si Harry ay walang magawa si Helena, kundi ang umiyak na lamang. Awang awa siya sa sinapit ni Harry.

"Mommy, bakit nangyari ito sa kanya? Wala akong alam na may mga taong galit sa kanya. Mabait si Harry mommy, mabait siya", ang sinabi ni Helena habang patuloy ito sa kanyang pag-iyak.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" ang tanong ng mga dumating na pulis na nagiimbistiga sa kaso.

"Ako po ang kasintahan ng biktima. Sino po ang may kagagawan nito sa kanya?"

"Sa kasalukuyan ay patuloy kaming nag-iimbistiga. Natawagan namin kayo dahil dito sa cellphone ng biktima. Ibibigay na namin itong cellphone niya sa inyo at kayo na ang bahalang magtago para sa biktima."

"Salamat sa inyo at sana mahuli na kaagad sa lalong madaling panahon ang mga salarin."

"Huwag po kayong mag-alala. Sige po aalis na kami."

"Helena, hindi natin makakausap si Harry sa lagay niyang ito. Umuwi na muna tayo at bumalik na lang uli. Ipaubaya na lang natin sa mga doktor si Harry."

At habang pinagmamasdan ni Helena si Harry ay sa pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang puso. Papaano kung hindi siya makaligtas, paano na ang mga pangarap nilang dalawa. Labis nilang mahal ang isa't isa. Hindi sila mabubuhay ng wala ang isa sa kanila.

Bago may nangyari kay Harry ay maligaya silang magkasama. Namamasyal, Kumakain sa labas, nanonood ng sine. Anupa't kapag sila ang magkasama ay masasabing sarili nila ang mundo.

"Nakita mo ba Helena kung paano ko nai-shut ang bola sa ring?"

"Oo na Harry magaling ka na", at natawa si Helena.

"Teka iyong lakad natin sa Linggo papuntang Baguio, baka kalimutan mo."

"Opo, hindi ko makakalimutan. Teka nga pala, sino iyong kausap mo noong isang araw, maganda siya."

"Ah, wala iyon, girlfriend iyon ni George."

"Eh, bakit ka kausap?"

"Ha ha ha ikaw talaga sobrang selosa. Tayo na nga at maghanap ng makakainan at ako'y gutom na gutom na."

"Bro, bilib ako sa paglalaro mo ng basketball a, mahusay."

"Ikaw pala George, nasa mood lang bro, ha ha ha. Maiwan ka na namin at may lakad pa kami nitong maganda kong girlfriend."

"Sige bro, ingat lang."

At habang kumakain ang dalawa sa isang sikat na fast food chain ay narinig nila sa labas ang kantang 'NEVER THOUGHT I COULD LOVE'.

"Helena, gusto ko ang kantang iyon," sabi ni Harry.

"Ako rin, iyon ang kantang gusto kong naririnig."

"I can't believe that you are real. You are the dream that saved my life. You are the reason I survived. Hindi ba maganda Helena?"

"Maganda nga kung totoo sa puso mo."

"Ikaw talaga oo. Helena kung pakasal na kaya tayo."

"Ano ka ba? Mga bata pa tayo. Hindi pa natin kayang mabuhay sa sarili natin. At isa pa hindi tayo papayagan ng ating mga magulang."

"Sige, pero pagka'graduate' natin pakakasal tayo, okay?"

"Bahala ka na nga matigil ka na lang,", at natawa si Helena.

Anupa't sa dalawang nagmamahalan ng tapat ay naroroon sa puso nila ang sobrang ligaya. Subali't sadyang mapagbiro ang tadhana kung mnsan. At hindi inaasahan ng dalawa na sasapit sa kanila ang isang trahedya ng buhay.

Kinabukasan ay muling bumalik sa ospital si Helena. At habang pinagmamasdan niya ang kasintahan ay lungkot at dalamhati ang kanyang nadarama.

"Bakit Harry nangyari ito sa iyo? Sa atin?" ang nasabi ni Helena sa sarili.

Nasa ganoon siyang kalagayan ng lumapit ang doktor na tumitingin kay Harry.

"Miss, kailangan naming makausap ang magulang ng pasyente."

"Dok, nasa ibang bansa po sila at ang sabi inaayos na ang mga papeles para makabalik sila kaagad dito."

"Mabuti kung gayon kasi kailangang maoperahan ang pasyente sa lalong madaling panahon. At kung hindi ay maaari siyang mamatay. Lumabas sa ginawang pagsusuri na may namuong dugo sa utak ng pasyente at kailangan ang matinding operasyon."

At ng makabalik ang magulang ni Harry at nakita ang kalagayan nito ay nahapis sila sa sinapit ng anak.

Naisagawa ang operasyon subali't komatos si Harry. at hindi matantiya ng mga doktor kung kailan ito magkakamalay.

Sa himpilan ng pulisya ay muling ipinatawag sina William.

"Gaano kayo kalayo sa pinangyarihan ng krimen?"

"Eh, sir siguro po mga sampung metro ang layo namin."

"Wala ba kayong masasabi kung ano ang mga hitsura ng mga salarin na nanaksak kay Mr. Harry?"

"Sir, wala po, masyadong madilim at umuulan at hindi po masyadong maliwanag ang ilaw sa poste."

Habang naguusap sila ay dumating ang pulis na nagimbistiga sa lugar ng krimen.

"Chief, may CCTV sa pinangyarihan ng krimen kaya lang po hindi masyadong malinaw dahil sa madilim at umuulan ng mangyari ang krimen."

"Sige ibigay ang footage sa isang computer expert at tingnan kung puwedeng palinawin."

"Yes, Chief"

"Sir, kumusta po iyong taong dinala namin sa ospital?"

"Komatos pa rin."

"William dalawin natin kawawa naman."

"Sige at baka makatulong tayo."

Sa Ospital

"Miss, anong room iyong dinala namin dito noong isang araw, iyong nasaksak?"

"Sir, nasa ICU pa po."

"Ganoon ba, thank you Miss."

"Tayo na Henry puntahan natin."

Sa ICU naroon si Helena, binabantayan si Harry ang kanyang kasintahan.

"Magandang araw miss, kami iyong nagdala sa kanya dito sa ospital, kukumustahin lang namin siya."

"Wala pa ring malay", ang sabi ni Helena habang pinapahid ng panyo ang kanyang luha.

"Kapatid mo siya?" tanong ni William.

"Hindi, katipan ko siya. Ako si Helena. Salamat sa inyo ha."

"Helena, ako si William at ito naman si Henry, kaibigan ko."

"Paano Helena magpapaalam na kami. Huwag kang magalala dahil galing kami sa presinto at tumutulong sa paglutas ng kaso ng katipan mo."

"Salamat sa inyo."

Sa Daan habang pauwi

"William, maganda si Helena, ano? Kawawa naman."

"Oo nga Henry at habang pinagmamasdan ko siya ay parang kung anong bagay akong naramdaman sa puso ko, hindi ko alam."

"William, masama na iyan at dapat alisin mo sa sarili mo kung ano ang nararamdaman mo dahil may katipan ka na."

"Oo Henry, hindi nga dapat."

"Hindi talaga dapat."

"Patay,", biglang sabi ni William.

"Bakit?"

"May usapan pala kami ni Kathleen."

"Ha ha ha talagang patay ka nga."

"Tawagan ko na lang. Sana maintindihan niya ako."

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Please read the next episode. Thank you guys for reading.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter