1 Prologue

"Where on earth are you?" Bulyaw sa akin ni Kuys Jayem over the phone. I am driving now and I am a little bit tipsy. Galing ako sa pagwawalwal sa bar ni Herson at hinahanap niya ako dahil madaling araw na.

"Pauwi na ako Kuys," tugon ko na pilit inaayos ang boses para hindi mahalatang may tama ako.

"Mamaya na tayo mag-usap, I'm driving."

"What the heck? You're drunk tapos nagawa mo pang mag-drive? You freaking stop right there! Susunduin kita!" Galit na ito at sa tono nito ay alam kong naisumbong na ako ni Herson sa ginawa kong paglalasing.

"Kuys. Stop worrying, I can still drive okay? I'm fine. Sige na, ibababa ko na 'to baka maaksidente pa tuloy ako if we keep talking long."

"Blake! Don't you da---"

I dropped the call bago pa man siya makapag patuloy.

This is the first time na ginawa ko ito.

Never in my whole life na nagpakalasing ako, ngayon lang. Paano kasi? Sobrang hirap lang tanggapin.

I just feel so hurt and disappointed with what happened to me and Tanya.

She broke up with me for a reason that, she wanted to choose her career over me.

We broke up because of my freaking fans who doesn't want her to have a relationship with me. And she chose to listen to them rather than fighting for me.

Aren't we allowed to fall in love? Are we a robot or a toy that they own?

Who are they to say that we can't do the things we want?

Definitely, being a celebrity sucks. Being someone controlled by freaking fans sucks. And I hate to think of it.

While I continued driving, I was distracted by a very bright light coming from another vehicle's headlight.

Wala akong makita sa unahan dahil sa sobrang liwanang.

Argh. What is happening?

Dali-dali kong kinabig ang manibela patungo sa side at dahil na-irita na ang mata ko sa liwanag ay hindi ko na makita ang nasa harapan ko.

I just heard a very loud sound from my car bumping into something at tumama ang ulo ko sa manibela.

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo, at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas.

Tanging mahinang bulong lang ang nakayanan kong ibigkas. "H...help..."

I became unaware of what happened next. Unti-unti na akong nawalan ng malay.

I opened my eyes again and saw all white around me. Tanging liwanang ng ilaw lang ang nakikita ko.

Sinubukan kong iikot ang paningin sa buong lugar pero argh, I can't even move my neck.

"W-where a-am I?" Sabi ko at napa ubo pa ako sa hirap magsalita.

"Gosh, thank you at nagising ka na!"

I heard kuys Jayem's voice at kasabay noon ay ang pagpapakita niya sa tapat ng mukha ko.

"What happened?" I asked.

"You got into an accident, nabangga ka sa puno," paliwanang nito.

"Napakatigas kasi ng ulo mo. I told you na susunduin kita pero ayaw mong makinig," pagsesermon niya ulit.

"Stop it. You see I'm not okay, tapos papagalitan mo pa ako," sabat ko naman.

"Bakit ka ba naglalasing? I know you're not like that. Please naman Blake, I know you're broken hearted pero sana naman be responsible. Okay sige. You can be wasted okay? You can feel the pain, pero I know you'll get over it. You don't have to make it to a point na papatayin mo ang sarili mo."

I didn't talk back. Naramdaman ko na lang na nangingilid ang mga luha ko.

Kahit ako hindi ko rin matanggap na nagkakaganito ako.

"Sabihan mo lang ako kung gusto mong magpakalasing. Tell me, I can join you kahit hindi ako umiinom, just don't do this again okay?"

I nodded to him kahit hirap akong igalaw ang ulo ko dahil naka brace ang leeg ko.

"You'll get over this Blake, I swear. She doesn't deserve you. You are worth fighting for bro. Remember that."

I smirked.

"Wow, hugot. Based on experience ba 'yan Kuys?" Sabi ko na natatawa.

Pareho kasi kaming sawi. Siya naman pinagpalit sa iba. Funny right? Ang gugwapo na nga namin nagawa pa kaming iwan!

Hindi ako sanay sa ka sweetan niya. I mean yes, he is always sweet and caring all the time, he is the best leader in fact.

Pero I just don't feel like being sweet back towards him that's why parati ko siyang binabara.

"Cringy," I replied to him.

He laughed and patted my head.

"Get well soon bro."

I sighed.

Somehow he is right. I have to be strong and get over this.

I swear, I will recover.

And probably, make a revenge.

avataravatar
Next chapter