6 Chapter 5

BLAKE

"Arghhhhh!!!!!"

Naiinis na sigaw ni Dio hahang nanlilisik ang mga mata. Nabu-buwisit na kasi siya sa akin dahil kanina ko pa siya pinagtri-tripan. Nasa dorm kami ngayon, maliban sa mga pamilyadong  members at si Loey na sa studio na halos nakatira. Mag-aasawa na rin yata ang isang iyon.

Nakaka-miss dahil unti-unti na kaming nababawasan at ang mga natira pa sa dorm ay iyong mga pikunin gaya ni Dio, Kyle at Sean. Hahaha.

Si Minx at Harvey naman ay minsan ang seseryoso at may sariling mundo.

"Wahhhh!!! Mama! Tulong!" Sigaw ko dahil hinahabol na ako ni Dio at kapag naabutan ako nito ay malamang na pangmalakasang hampas ang aabutin ko mula rito.

Pinagtatawanan na kami ng ibang members at sa serye ng habulan namin ay nagphampas na lang talaga ako nang tuluyan dahil pagod na ako.

Hindi naman ako na-offend dahil ganoon lang talaga kami mag-asaran.

Hingal na napa-upo ako sa couch at tumabi kay Kyle at Sean na naka-upo sa sahig na pumapapak ng popcorn habang nakaharap sa TV. Magmo-movie marathon na naman uli kami, chill time bago sumabak ulit sa practice ng upcoming tour namin. By the way, wala na pala kami sa SDM. Nasa puder na kami ng KJM Entertainment na pag-aari ng aming Leader na si Jayem.

Nakahiga naman sa L-Sofa sina Minx at Harvey at naupo naman sa paanan ni Harvey si Dio.

At dahil matatapang kaming uri ng mga lalaki, horror movie ang napili naming panuorin.

Seryoso na kami sa panunuod nang biglang umalingawngaw ang boses ni Jayem.

"Where is Blake?" Anito.

Napalingon kaming lahat sa gawi ng pintuan kung saan nakatayo siya.

"Why Kuys?" Tugon ko habang kumukurap kurap na nakaturo sa sarili ko.

Nakalinya ang mga labi nito at tila seryosong nakatingin sa akin.

"Do you know this Jade?" He asked.

Kumunot ang noo ko at pilit inaalala kung kilala ko ba iyong sinasabi niya.

Was it the Jade I was about to meet a few days ago?

"What's the matter?"

"Chi-necheck ko lang baka ma encounter mo."

Kinalikot naman nito ang cellphone at may ipinakita sa akin.

"Jade Legaspi, isang mayamang negosyante na madalas sa casino," saad nito habang pinapakita ang picture ng babae na nakumpirma kong iyong dapat ngang kikitain ko the other day.

Maganda, sexy at mala-anghel ang itsura nito.

"Alam mo bang pinghahahanap siya ng mga pulis? Psychopath pala ang babaeng iyan. Noong nakaraang araw ay may pinatay raw itong lalaki," pagpapatuloy sa pagku-kwento ni Jayem na ikina-kilabot ko. Nagsi-tayuan ang mga balahibo ko.

Kung natuloy pala ako doon ay baka ako ang nabiktima ng babaeng iyon.

Hindi ako makapaniwala, sa amo ng mukha ng babae na iyon ay di mo aakalaing mamatay-tao pala ito.

"Kaya sinasabi ko sa'yo, mag-iingat ka sa mga babaeng dine-date mo." Nakaturo sa akin si Jayem habang sinasabi iyon na parang Tatay ko na nagse-sermon. Parang bata naman akong tumango.

"Sige na, I'm going home," paalam naman niya at tayalikod na sana.

"Pumunta ka rito para sabihin lang iyon?" Namimilog ang mata ni Dio habang sinasabi iyon.

"Oo, bakit?" Kunot-noo niyang tugon.

"Eh di sana tinawag mo na lang sa phone," sabat ni Kyle.

"I wanted to make sure na nandito si Blake sa bahay," kat'wiran naman nito.

Tumayo na ako at saka nilapitan si Jayem at hinaplos ang likod nito. "Okay langa ako Kuys. Sige na, go home. Hinihintay ka ng mag-ina mo."

Tumango si Jayem at nagpaalam na sa aming lahat.

Bumalik naman sa panunuod ang iba at ako naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip habang nakaharap sa screen ng TV.

Did Louisa's Haven save me from the danger I was about to face?

And I can't help but think of her.

Louisa Rivera.

avataravatar