4 Chapter 3

"Babe, saan ka na ba? Naiinip na ako." Malambing na pagsusumamo ng bago kong girlfriend sa kabilang linya. Her name is Jade, isang negosyanteng magandang dalaga na na-meet ko sa isang event ng isang Liqour company.

Magkikita kami ngayon sa subdivision na tinitirhan niya sa Tagaytay. Pabor sa akin dahil medyo private at malayo sa kabihasnan kung saan maraming umaaligid na paparazzi. And because I am bored, dadayuhin ko siya just to have fun.

"I'm at SLEX already. Wait a little more sweetie," I sweetly replied.

"Okay, I can't wait to try you babe, so make it fast," she replied in a seductive tone. Mukhang mapapalaban yata ako nito. Naiimagine ko na tuloy siya na nakatagilid pose sa kama.

Her curves are quite perfect. Aside from her pretty face, her two mountains were quite big. And her hips were proportioned to it.

Argh. Kung wala lang sanang speed limit ay baka pinaharurot ko na ang sasakyan at nang makarating na agad ako.

Lumalala na yata ako, parang nag-le-level up na ang pagkababaero ko.

I smirked. "Saan ka na ba kasi Miss right? I hope duamting ka na bago pa ako lumala."

"Crazy, walang ganoon!"

 It was me having a monologue with myself.

Kasi honestly sa serye ng pambababae ko wala pa talaga akong nadadali ni isa.

Pagkatapos kong mag stop over at magbayad ng toll ay handa na ulit akong magmaneho umiling-iling muna ako bago ko pinaandar ang sasakyan. "Sure na ba talagang hindi ka darating? Bahala ka."

Nagsimula na ulit ako mag maneho.

Matagal rin ang naging biyahe ko dahil medyo heavy ang traffic. Gee. Why am I even doing this?

Finally ay malapit na ako.

While I was driving in a way na halos greenfields lang ang makikita mo ay biglang naagaw ang atensiyon ko ng kaisa-isang coffee shop na nag-iisa lamang nakatayo roon.

Seriously? Kailan pa nagkaroon ng coffee shop dito?

Natigil ako sa tapat nito ngunit nasa kanang daan ako habang nasa kaliwa naman ang coffee shop na iyon.

Binasa ko ang pangalan ng cafe.

Louisa's Haven

"Oww… nice. Baka bagong business ito."

Napatawa ako nang bahagya. It's weird. A cafe in the middle of nowhere. Nice one.

Hindi ko alam kung anong trip ng may-ari nito, siguro takot sa kumpetensiya kaya nagtayo ng cafe sa lugar na walang kapitbahay.

Gusto ko sanang subukin kaya lang nagmamadali ako so maybe next time na lang.

I started the engine again.

But heck! It wasn't starting.

Tsk. Kapag minamalas nga naman oh!

"Argh. Dito pa talaga baby audi?" Baling ko sa sasakyan ko.

"The fudge."

Bigla akong nawalan ng gana sa plano kong lakad.

Sorry baby girl you are not lucky today.

Isa na lang ang gusto ko ngayon, ang makabalik ng Manila.

So I decided to call my members. But not Jayem, for sure ay pagagalitan ako n'on.

Tinawagan ko silang lahat except Jayem at si Minx lang ang sumagot.

"Ano? Anong malapit sa Tagaytay? Anong ginagawa mo diyan?"

"Basta, sunduin mo ako rito. Tumirik 'yong sasakyan ko."

"Paano ba kita mapupuntahan kung hindi mo alam 'yong eksaktong lokasyon?"

"Basta dito sa tapat ng Louisa's Haven, isang coffee shop."

"Teka huy, paano ko malalaman iyan wala bang landmark o ano?"

"Tangi. Walang kapitbahay tol basta sa Louisa's Haven nga." Biglang naputol ang linya. Nawalan ng signal. Tsk!

Ano 'to? Na engkanto ba ako?

Naisipan kong bumaba ng sasakyan at tila uulan pa yata dahil biglang kumulimlim ang kalangitan.

Magsuot ako ng cap at face mask saka bumaba ng sasakyan at lumakad papasok sa coffee shop.

Somehow naging blessing in disguise rin naman pala na nakatayo ito rito.

Nang marating ko ang tapat ng door ng cafe ay eksaktong bumuhos naman ang ulan.

What a day.

Pumasok na ako sa loob. Iginala ko ang mga mata sa paligid.

It was an aesthetic place, a classic ambiance surrounded by qoutes on the wall. Meron ding books na nakalagay sa wall mounted shelfs na nakapalibot sa dingding.

Just wow. Kahit hindi ako bookworm, napahanga ako sa interior ng lugar.

The music was good and it adds to the relaxing ambiance of the place. Parang masarap mag unwind sa lugar na ito.

At meron ding mga customers actually medyo marami-rami din.

Bago pa may makakilala sa akin ay agad ko nang tinungo ang counter para gawin ang Peter pan thing na madalas na ginagawa namin sa mga ganitong pagkakataon.

"Excuse me miss," sabi ko sa crew sa counter.

"What is your order sir?"

Nanlaki bigla ang mga mata niya nang marealoze kung sino ang nasa harapan niya. Sinenyasan ko agad siya ng keep quiet at binulungan.

"Can you close the shop for me? I'll pay for everyone's drinks, just let them leave the place," sabi ko sabay kinindatan ito at halata namang na-distract ito.

"A-ahh… sir, ang mabuti pa ho ay kausapin niyo mismo ang may-ari," ssgot ng crew.

Tumango ako. "Okay, where is she?"

"Ayun po."

Itinuro ng babae ang table sa gawi ng dulong bahagi kung saan may naka-upong isang babae na nagbabasa ng libro at umiinom mg mainit na kape.

Parang bumagal ang takbo ng lahat ng bagay sa paligid ko nang mapako ang tingin ko sa kanya.

A girl wearing a floral dress.

She slowly tied up her wavy chestnut brown hair, and it showcased her heart-shaped face.

Her pretty narrow eyes speak the depth meaning beyond her that anyone would desire to know. Her pointed small nose makes her more attractive and her small lips are as red as tomatoes. Her cheeks were blusing like she was always giggling.

Argh. She is beyond gorgeous.

"Wow," iyon ang salitang namutawi sa bibig ko habang tinititigan siya at napamaang ako.

Wala talagang pinipili ang pagka womanizer ko ano?

Napangiti ako habang unti-unting lumalapit sa kanya at nang marating ko na ang table niya ay agad ko siyang binati.

"Hi."

Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin sa akin.

Wow, even the way she moves is graceful.

"Yes?" Tugon niya

"You are the owner of this cafe?"

Simpleng tango ang tugon niya.

I seated on the chair in front of her.

Tinanggal ko ang suot kong sunglasses. Makikilala naman niya ako kahit mata ko lang ang ipakita ko.

Pero ikinataka ko na wala man lang siyamg gulat factor nang makita ang mga mata ko.

Okay, maybe slow siya?

Tinanggal ko ang face mask ko at kita na niya ang buong mukha ko.

But still he cap is there to hide my face from others.

Pero wala pa rin, nagtatakang nakatitig lamang ito sa akin.

"May kailangan ka po ba?" Tanong niya.

"Don't you know me?"

Kumukurap-kurap ang kanyang mga matang tumutok sa akin na pilit kinikilala ang mukha ko.

Kumunot ang kanyang noo.

"Sorry, hindi kita kilala eh."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Really?" Hindi makapaniwalang tugon ko.

You got to be kidding Miss.

avataravatar
Next chapter