2 1

Sa tabing dagat, naka upo ang isang batang babae. Kontento na sana at masayang naka tingin sa mga alon ng dagat na nag uunahang makarating sa pampang, ngunit, hindi niya mapigilang mapangiti, tumayo, at ihulom ang kanyang mga paa sa tubig. The water is just really inviting! Just then,

"HYACINTH ANNE MENDEZ – SALAZAR!!"

Halos narindi at parang nabingi si Cinth sa boses na narinig pagka sagot ng telepono. Hindi niya lubos akalain na ang ganitong klaseng pag – uusap ang gigising sa kanya sa umaga. It is a Saturday, nasa isip niya. At kahit hindi na niya tignan ang caller ID, alam niyang ang isa sa matalik niyang kaibigan ito, si Miles.

"Miles, ang aga aga. Masakit ang tainga ko sa boses mo, naka-------,"

"Cinth sino bang hindi magagalit sa umagang ito ha? You are already late! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, hindi ka naman sumasagot! Cherrie is getting worried Hyacinth. Might as well get up already and get yourself ready! Huwag mo sabihing nakalimutan mo na naman kung ano ang meron sa araw na ito?"

Kunot na kunot ang noo ni Hyacinth. Hindi niya talaga namalayan ang oras, hindi din gumana ang alarm niya, at pagtingin niya sa orasan, alas nuwebe na ng umaga.

"Mind telling me what is going on Miles?"

"We have an event to take care of today Cinth. At kung hindi kapa aalis ngayon, malamang sa malamang hindi kana aabot."

Hyacinth is trying to recall kung anong meron sa araw na ito at pagtingin niya sa calendaryo, bingo!

"I'll be there in thirty minutes Miles! Gotta hang up!"

"Wai----

Mabilis na naligo at nag – ayos si Hyacinth. How can she forget what is happening today! Ilang buwan na nila yung inaayos ni Miles at ng team nila. This is a very big event and she can't afford to let their efforts gone to waste. Not only dahil big time ang kanilang kliyente, kung hindi, malapit ito sa isa sa mga matalik niyang kaibigan at ayaw niyang mapahiya ito. Nilock na niya ang bahay at pumara ng taxi.

"Kuya, sa Flavier's po,"

Nang dumating si Hyacinth sa nasabing building, hindi niya mapigilang kabahan. They have been doing these kind of events for some time now pero hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Ngunit hindi niya hahayaan na ang kaba ang tumalo sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumuloy na sa loob.

"Hyacinth! Here!" sinalubong siya ni Miles ng yakap at binigyan ng wireless earphone. Isinabit naman niya ito sa kanyang tainga at tinakpan ng kanyang buhok. At ang radio ay ikinabit niya sa may kanang baywang.

Graduate ng Pharmacy si Hyacinth at naipasa ang Pharmacist Licensure Board Examination. Ang kanya namang kaibigan na si Miles ay isang Accoutant sa isang firm na minamanage ng isa pa nilang kaibigan. Kahit na may regular sila na mga trabaho ni Miles sa kani kanilang larangan, hindi pa rin mapigilan nila mapigilang gawin ang kanilang mga hilig pag nagkikita sila. At dahil marami silang planong mga lakad, nagkasundo silang gawin ang mga ito na raket at parte sa mga kinikita nila dito ay siyang kanilang ginagastos.

Ngayong araw na ito ay isang pribadong party ang ginaganap. Sa pagkakaalam ni Hyacinth, kaibigan ni Cherrie ang may party. Silang dalawa ni Miles ang siyang nag organize. Isa sa kanilang matalik na kaibigan si Cherrie na siya ring may – ari ng Flavier's. Si Cherrie ay isang Mechanical Engineer at dahil mahilig mag butingting ng kung anu-ano, naisipan niyang magnegosyo at butintingin ang kanyang lugar.

"I'm so sorry Che. I overslept again," ani Hyacinth

Napangiti si Cherrie. Alam niyang hindi lang basta nag overslept si Hyacinth. Masigasig ito at lagging buhay ang loob kapag gusto ang ginagawa. Lagi din itong ontime kapag ganitong may mga raket sila. Nag –aalala siya para dito ngunit ngumiti lang siya. Kaibigan na niya ito mula pa noong elementarya kaya bawat galaw at facial expression nito ay kabisado na niya ngunit wala siyang sinabi. Kakausapin niya ito mamaya pag natapos na nila ang party ng kapatid ng kaibigan niyang si Janna.

"You don't have to Cinth. Alam kong pagod ka kahapon. Basta ang importante nandito ka na," sabay ngiti at lapag sa mesa ng kanyang binuhat na mga karton.

"Sorry Cinth," medyong alanganing ngiti ni Hyacinth. Tinignan ni Cherrie ang kaibigan. Medyo malalim ang maga sa ilalim ng mga mata nito kaya alam niyang magdamag itong umiyak, may bahid din ng lungkot ang mga mata nito. Kahit hindi sabihin ni Hyacinth, alam ni Cherrie na may nangyari.

"Nakakatulog kapaba ng maayos Cinth? Huwag mo---------------------------------------

Ang kanilang pag – usap ay naputol ng magsalita na ang host. Napatingin sila dito at nakita nilang senesenyasan ito ng kaibigan nilang si Miles. Ito ay si Janna del Fierro - Sebastian. Kapatid ito ni Dominique del Fierro. Sa pagkakaalam ni Hyacinth, ito rin ang may-ari ng paborito niyang kainan, ang Constance. Lagi silang apat ng kanyang mga kaibigan dito, in fact, dito pa nga nainspire si Cherrie para magtayo ng sarili niyang negosyo. Tinulungan naman siya ni Charity. Ito ang pang apat nilang kaibigan. Sa Local Government ang trabaho nito kaya madali lang na follow up ni Cherrie ang mga kailangan niyang asikasuhin para sa negosyo ng dahil dito.

"Ladies and gentlemen, isang magandang umaga sa inyong lahat. In behalf of my parents, I would like to thank you all sa pagpunta niyo sa Homecoming party na ito ng aming bunso. I would also like to express my deepest gratitude sa kaibigan kong si Cherrie Marie Seval, ang may-ari ng napakagandang lugar na ito and to her team sa pagpayag at pag tulong sakin na maasikaso at maging successful ang event na ito even for a short notice. Kaya naman without further ado, alam ko rin na gutom na kayong lahat, I give you our charming prince, Dominique Clint Centiva – del Fierro."

Kasabay ng pag lingon ng lahat sa lalaking paakyat ng stage ay ang pagkagulat nanaka ukit sa mukha ni Hyacinth. Napansin iyon ni Cherrie na sakto namang napalingon sa kanya ngunit hindi na nito pinahalata ang pag – aalala para sa kaibigan. What is happening to you Hyacinth? Something is not just right here. Para siyang tinakasan ng kulay. Hindi maaaring magkamali si Hyacinth.

THIS CAN'T BE!

avataravatar