1 Chapter 1

Si Gelo ay nagtatrabaho bilang crew sa restaurant ng isang kilalang cruise ship sa America. Isa itong premium cruiseship na ngayon ay patungong hawaii.

" Pre, sunod ka na dun sa kwarto ni Fej ha!" bilin ni Mike sa kaibigang si Gelo na patuloy pa rin sa pagtapos ng trabaho. Nakasanayan na kasi nila na kumain at uminom sabay sabay pag tapos ng trabaho para may mapglibangan naman sila sa barko.

"Sige pre saglit na lng to" habang patuloy pa rin sa paglilinis si Gelo ng mga lamesa.

Tapos na sya sa paglilinis ng maisipan nyang dumaan sa bar para kumuha ng yelo at dagdag pulutan ng biglang may sumita sa kanya.

" Anong kinukuha mo dyan ah?" tanong na may kasamang pang gugulat ng isang babae na ngayon lang nya makikita sa bar

" Maam!! kumukuha lang po sana ako ng konting yelo at prutas"

" Ganun ba, ahhh sige kumuha ka lang, dun sa kabilang box madaming prutas tinabi ko"Mj

"Salamat po Maam" sagot ni Gelo habang nakayuko at kinukuha ang mga gustong kunin

"Hahhaa wag mo na ako tawaging Maam! ako yung bagong barista dito kasama ni Fej, ako si Mj ikaw anong name mo?" sagot ng dalaga habang pinipigilan tumawa na lalong kinayamot ni Gelo.

" Ok " sabay talikod at alis ng binata ni hindi man lang lumingon sa dalaga, dahil di naman pala ito Supervisor o manager pero kung makapagtanong ay parang Boss, sa pakiwari nya ay nangiinis lang ang dalaga.

"Sungit mo naman pogi naku, baka tumanda ka agad nyan sayang naman hahahahh" bungisngis ni Mj

Lalong napikon Si Gelo at binilisan ng kilos para maka labs na agad sa bar.

" Kainis yung babaeng yun ah parang nabawasan ang haba ng buhay ko sa sobrang kaba" bulong ni Gelo sa sarili. Bumaba na sya sa lower deck dahil doon ang quarters ng mga crew at dumaan muna sya saglit sa kanyang kwarto para magpalit ng damit at kunin ang cp nya saka sya dumiretso sa mga kaibigan.

Pagdating nya ay tapos na ang mga itong kumain at nagsisimula ng maginuman at nagulat sya ng makita na ang babae sa bar ang syang nagtitimpla ng alak para sa mga kaibigan.

"Gelo si Mj pinsan ko sya yung bagong makakasama ni Fej sa bar" pakilala ni Mike

" Teka eto yung nakakairitang babae dun sa bar kanina pinsan pala sya ni Mike kainis talaga" bulong ni Gelo sa kanyang isip

"Hi! Gelo pala pangalan mo pogi" sabay abot ng kamay ng dalaga

"Ui pre pogi ka daw ayieehhh hahahha" kantyaw ng mga kaibigan nya.

" Puro kayo biro kakain muna ko" sabay kuha ng plato.

"Eh masungit naman pala tong si Gelo sayang" hirit bi Mj

"Bakit nmn sayang?" tanong ni fej na nagpipigil ng tawa

"Sayang pogi nga suplado naman, wag na uyy, sabi nga ni Justin biebah lava yourself" pabirong sagot ni Mj.

Nagtawanan naman ang laht at nagpatuloy na sa inuman habang si Mj ay kumakanta ng Love your self ni Justin bieber.

Kunwari ay di naririnig ni Gelo ang mga kaibigan at hirit ni Mj, kumain na sya habang nag che check ng story sa fb ng biglang makita nya ang story ng kaniyang ex at lalong sumama ang kaniyang mood. Kaya tinuloy na lang nya ang pagkain at pinatay na ang kanyang cp.

"Pre tara tumagay ka na" mike

" Geh pre salamat" lumapit n sya sa grupo at tumagay, nagulat sya dahil kakaiba ang lasa ng inumin napaka sarap nito.

"Masarap ba pogi?" tanong ni Mj habang nagpapacute ang mga mata.

" Oo, tyaka wag mo nga akong tawaging pogi nakaka asar na" singhal ni Gelo

"bakit naman? inaano ba kita wala pa tayong 24 oras na magkasama galit ka na agad, ay sus ginoo ka hahahahah" mj

"tumigil ka na nga gumawa ka na lang ng alak" sagot ni gelo sa dalaga

"Ok Master" pabiro pa ding hirit ni Mj

"Pinsan, kumanta ka na lang para lumamig ulo nyan ni Pareng Gelo, tamang tama may gitara ko dito" sabat ni Mike para gumaan ang mood sa kwarto

" Sige insan alam mo ba yung ipagpatawad mo?" tanong ni Mj kay Mike

" Oo simple lang cords nyan kaya ko yan insan, eto na" naka ngiting sagot ni Mike

"Ipagapatawad mo aking kapangahasan, iniirog ko sanay maintindihan alam kong kailan lang tayo nagka tagpo ngunit parang sayo ayaw ng lumayo..." kanta ni Mj habang nakatitig kay Gelo

Medyo nakaramdam nman ng hiya ang binata kaya sa iba ito tumingin habang umiinom ng alak. Maganda ang boses ni Mj kaya lahat ay nag enjoy at dahil alam nila na may pinariringan ang dalaga. Pagtapos kumanta ng dalaga ay nagpaalam na ito dahil may gagawin pa daw ito. Kaya ang lahat ay nagsibalikan na sa kanikanilang kwarto.

"Sige mga pre una na din ako dahil medyo pagod na din ako, sa off na lang ulit" paalam ni Gelo sa mga kaibigan

"Ge pre" Fej at mike

"Bye pogi" mj

"Bye" tipid na sagot ni Gelo sa dalaga at patuloy na itong lumabas ng kwarto.

Nagtataka sya dahil parang may sumusunod sa kanya sa hallway. Paglingon nya ay si Mj ang nasa likod nya.

"Sinusundan mo ba ko?" banas na tanong ni Gelo kay Mj

"Hindi ah, baka ikaw dito rin daan ko papunta sa quarters noh" makulit na sagot ni Mj

"Sige mauna ka na" sambit ng binata habang pinapauna ng lumakad ang dalaga.

"Ok Master" sagot ni Mj habang nakangiti.

At nauna na sa paglalakad ang dalaga.

" San kaya ang kwarto ng babaeng to bat di ko sya nakikita dati kung malapit lang quarters nya?" tanong ni Gelo sa sarili

Nakita ni Gelo na tumigil ang dalaga sa kalapit na kwarto at

"Gelo, ang guwapo mo crush na kita...."sabay tawa na parang kinikilig

"Guwapo talga ako at ikaw may sayad ka kaya wag ka ng umasa di kita magugustuhan" sagot na may kasamang singhal ni Gelo

"Wala akong pake basta isang buwan kitang liligawan pag di mo ako sinagot edi waley ang beauty ko" mj

Di na mapigilan ni Gelo ang matawa sa sinasabi ng dalaga kaya pumasok na sya sa loob ng kanyang quarters.

"Baliw talaga yung babeng yun ah! hahahahah liligawan daw ako, asa sya di sya ang gusto ko at nawawala na ba talaga sya sa sarili at sya na ang manliligaw, grabe talaga karisma ko hahahahha" turan ni Gelo sa srili habang di mapigilan ang pag ngiti dahil sa mga naiisip.

Kinaumagahan nagulat sya dahil may nakasabit sa labas ng pinto nya na gamot para sa hangover at prutas samantalang di naman sya lasing kagabi. Iniisip nya kung sino kaya ang nagbigay dahil unang beses itong nangyari sa kanya. Biglang pumasok sa isip nya ang dalagang makulit.

"Sigurado si ketek ang nagbigay nito sa akin huh" Gelo

Papunta na sya sa restaurant ng naisipan nyang dumaan muna sa Bar sa di nya malamang dahilan, pag dating nya sa lugar ay nakita nyang nagpupunas ng mga baso ang kaibigang si Fej.

"Pre, may kailangan ka ba aga mo ata?" tanong ni Fej kay Gelo

"Ah pre wala naman naisip ko baka may kape ka dyan" palusot ng binata

"Si Mj magaling mag timpla ng kape yun, saglit Mj! si Gelo kailangan daw ng kape" Fej

"Teka bat mo pa tinawag yung babae na yun, eh baliw yun" Gelo

"Taaama! Baliw nga ako, baliw na baliw sayo ayieehhh" biglang lumabas si Mj mula sa ilalaim ng Bar table. nag aayos pala ang dalaga ng mga gagamitin nya ng narining nya ang pag dating ni Gelo dahil kay Fej.

"Pre si Mj ang pinaka mahusay gumawa ng kape dito sa barko kaya tikman mo na" pilyong panunukso ni Fej sa kaibigan

"Nahawa ka na sa sapak nyang babae na yan, maka alis na nga" kunwari ay pikong sagot ni Gelo at dumiretso na patungong restaurant dahil maguumpisa a ang duty nya.

"Gelo sa stock room ka daw ngayon ikaw daw magiinventory sabi ni Boss Dan" turan ni Mike kay Gelo

"Sige Pre. pero masyadong madami yun baka di ko matapos ngayong araw" Gelo

"Di bale, next week pa naman ang pick up ng mga new stocks. kailangan lang mag inventory para malaman natin kung ano ang oorderin para mapasa na sa purchasing ng maaga" paliowanag ni Mike sa kaibigan.

"Sige pre. pero pwede ko ba isama si Pao sa pag iinventory para mas mapa bilis"Gelo

"Sige ako na bahala magsabi kay Sir Dan mahalaga naman yang inventory pre" Mike

"Salamat Pre, pero asan si Pao? para maumpisahan na namin" Gelo

"Tamang tama nasa stock room na sya pinakuha ko kasi ng new stock of condiments, padala mo lang yung mga nasa list sa kanya ditop tapos pwede ka na nya tulungan"

"Ahh ok, punta na ako dun salamat" nagpaalam na si Gelo kay Mike at dumiretso na sa stock room.

Si Pao ay bagong sampa lang din sa barko masipag ang binata, medyo mabagal nga lang kumilos. Kung si Gelo ay moreno si Pao naman ay mestizo pero mala anghel ang mukha yung tipong mahihiya kang pagalitan kahit na mabagal dahil sa amo ng mukha nito.

Pagdating nya sa stock area ay nakita nya agad ang binata na nag sasalansan ng mga gamit sa paleta para dalhin sa restaurant. Nagulat sya dahil mukhang mabilis nitong nagagawa ang mga trabaho na naka atang sa kanya kaysa nung nakaraang linggo na sobrang nangangapa pa ito.

Nabigla sya ng makitang biglang lumabas si Mj sa di kalayuan at may inaabot na kahon sa binata.

"Di lang pala baliw tong babae na to may kalandian din sa katawan" bwisit na bulong ni Gelo sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa na abala sa pag papatag ng mga karton na may lamang mga gamit.

"Pao! " medyo sigaw na tawag ni Gelo sa binata habang lumalakad ito papalapit sa dalwa.

"Uyy Kuys Gelo nandito ka din pala" sagot ni Pao habang patuloy sa pag aayos ng mga karton

"Oo nga Gelo, sinusundan mo ba ko?" panunukso naman ni Mj

Di nya pinansin ang dalaga at ang kinausap ay si Pao

"Pao pagkatapos mo dyan bumalik ka ulit dito at mag iinventory tayo" Paliwanag ni Gelo sa seryosong boses at ekspresyon

"Sungit mo talga buti gwapo ka, at crush kita haahhaha" pahaging ni Mj sa binata

"Walang problema kuys, matatapos na ako dito buti tinulungan ako ni Mj" nakangiting sagot ni Pao sa binata

Kunwari ay walang nadidinig si Gelo mula kay Mj kaya patuloy ito sa pakikipag usap kay Pao.

"Sige dun na muna ako sa wet goods magsisimula, sumunod ka na lang" huling paliwanag ng binata at tumalikod na ito at pumunta sa freezer room.

"Ok kuys Gelo" sagot ni Pao na nakaramdam ng kaunting awkwardness dahil sa kinikilos ng dalwa.

Malayo na si Gelo ng nag salita muli si Mj

"Grabe sungit nun, may dalaw ba yun?" tanong ni Mj kay Pao

"Paano naman agkakadalaw yun eh lalake yun, ikaw ha may gusto ka pala sa kuys Gelo ko" panunukso ni Pao

"Oo Crush ko sya kaso sbrang sungit pa hard to get ang bakla" mj

"Bakla ka dyan mamaya halikan ka nun bigla" Pao

"Naku Sana lang kaso malabo mangyare eh parang natutuyo na matres nun sa kasungitan eh hahahah" mj

"Hahahhhha may matres ba ang lalake baliw ka talaga hahahah" Pao

'Haahahahha oo mukhang meron yun hahahahah" nagtawanan ang dalwa ng dahil sa kanilang makulit na usapan.

Hindi nila pansin na naririning pa din sila ni Gelo dahil sa echo ng kanilang mga boses, kaunti lang kasi ang nasa stock area ng mga oras na yun. Sinimulan na lang nya ang pag iinventory at paminsan-minsan ay sumisilip sa kinaroroonan ng dalwa. Napansin nyang medyo tumahimik kaya tiningnan nya ng pasimple ang dalwa at nakita nyang masaya pa din ang mga ito at papunta na sa restaurant area.

"Bakit kaya magkasama pa din ang dalwang yun?" tanong ni Gelo sa sarili,

Di na sya mapakali kaya sinundan na lang nya ang dalawa ng hindi nagpapahalata, nakita nya na nasa lifting area na ang dalwa at masaya pa ding naguusap. Bumalik na lang sya sa stock area dahil wala naman syang dapat gawin sa restaurant at nakatoka sya ngayon sa stockroom.

avataravatar
Next chapter