webnovel

Pagkikita

Hapon na at narito ako sa ikalawang palapag ng aming bahay.Nasa kwarto ako noon at gumagamit ng cellphone nang biglang tinawag ang pangalan ko ni papa.Nakasleeveless at shorts lang ako kaya agad akong nag ayos at inilugay ang buhok.Hindi ako mahilig magpulbo kasi dumarami ang pimples ko.

Pagbaba ko,nakatakip ang isa kong kamay sa aking dibdib pagkat baby bra lang pa la ang suot ko.May mga bisita pa la na nasa tapat ng bahay namin.Sinabihan akong tanungin sila kung ano ang sadya nila sa pagpunta sa bahay namin.

Napaekis ekis ang paglalakad ko na tila isang modelo papalapit sa tapat ng aming bahay.Mukhang nahilo ako kakacellphone dagdag pa na nagmadali ako sa pagbaba.

"Luh ang ganda!" ani ng isa

Binigyan ko sila ng matamis na ngiti.Pinasadahan ko sila ng tingin.May isang mukha ang umagaw sa atensyon ko,ngunit hindi masyadong detalyado pagkat malabo ang aking paningin. Matangkad siya at may pagkasingkit ang mga mata.Iyon nga lang at inirapan ako o nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Anong sadya niyo" tanong ko

"Pinapunta kami ng ate mo rito.Dito raw kami magkikita na magkakagrupo." sabat niya

Inaya ko silang pumasok at umupo sa loob ng bahay,subalit ako ay tinanggihan at sa labas na lamang daw sila maghihintay.

Nakita ko sila na tumatambay sa harap ng chapel. Pinauwi ko na rin yung bunsong kapatid ko pagkat hapon na at naglalaro pa sa labas.Nasa likuran yung kapatid ko ng lalaking iyon.Ni hindi man lang ako matapunan ng tingin.

"Beh,beh,kumain ka na?Dali na beh umuwi ka na" sabi ko habang nakatayo sa harap ng lalaki

Sinipat ako ng lalaki at yumuko. Inakbayan ko naman ang kapatid ko pauwi

Hindi pa rin dumarating si ate.Inutusan ako ni mama na bigyan ang mga kaklase niya ng biscuit at orange juice.

Lumabas ako na may dalang Presto,dalawang baso at pitsel. Tinanong ko bakit dalawang baso lang gayo't hindi kukulang sa lima ang bilang nila.Sabi ni mama maghiraman na lang daw sila.

"Magmeryenda daw muna kayo sabi ni mama"

"Ay sige salamat.May pa meryenda pa hahaha" sabi ng isang babae at kinuha agad ang mga dala ko

Inobserbahan ko ang kilos ng lalaking iyon.Humiram siya ng baso pagkatapos uminom ng babae.Sinuri niya ang laman ng baso,ibinuhos ang iba at saka uminom.

Hindi na maipinta ang mukha ko dahil doon.Kinuha ko na ang ibang dala ko at bumalik sa loob.

Dumating na si Ate.Itinanong ko kung sino ang lalaking iyon pagkat napakaarte nito.

Siya pala si Drick Mendez...

Next chapter