webnovel

PROLOGUE

"Tell me you're serious about Hazel? She's like a sister to me. And I don't want her getting hurt," seryosong sabi ni Clarence.

"Hindi ko kailangan mag-explain," sagot ni Jerome.

"Bakit, ano bang kinakatakutan mo? Sasabihin mo lang naman. Do you love Hazel?" tanong ni Clarence. Hinintay ko yung sagot ni Jerome. He didn't answer, that's hurts.

Kulang pa ba? Hindi pa rin ba sapat? Is there really no way, he'll fall in love with me?

"Jerome, Niloloko mo lang ba si Hazel? Pinaramdam mo lang ba na mahal mo siya kahit hindi naman. Mas mabuting ng maghiwalay kayo kaysa ikasal kayo na hindi naman kayo nagmamahalan," sabi ni Clarence. Naramdaman kong tumulo na yung mga luha ko.

"Bakit ba Clarence? Hazel and I, okay lang kami. Magkaibigan kami, kaya naman naming tumagal na magkasama," sabi ni Jerome.

Ang sakit. Hanggang ngayon pa rin ba ay kaibigan lang ang turing niya sa akin, hindi na ba hihigit pa sa pagkakaibigan ang maiituturing niya sa akin? Ano yung mga pinaramdam niya sa akin nitong makalipas na buwan, wala lang ba yun para sa kanya?

Ilang beses ba dapat masaktan para masabi na tama na? Ilang beses ba dapat umiyak para masabi mong pagod ka na? Ilang beses ko kailangang magpakatanga para marealize mong may ako, na kahit paulit ulit mong saktan, paiyakin at baliwalain eh handa pa rin kitang mahalin?

Ako si Ma Hazel Candelaria, ang babaeng nagmamahal sa lalaking alam kong kaibigan lang ang turing sa akin, si Jerome Calliego. Alam ko na sa pagmamahal ko na to ay masasaktan ako kasi may mahal siyang iba at bestfriend ko pa. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan yun. Samahan niyo ako sa kwento ko at ang taong mahal ko...

Next chapter