1 Sana Ako Na Lang

"Hoy! Kinakausap kita!", natatawa mong sinabi.

"Ha?! Anong sabi mo?" Napailing ako. Did I blank out again nang magulat na makita ka sa pintuan namin? Magwawalis sana ako ng mga tuyong dahon ng may kumatok sa gate at dahil kakagising lang ay itinali ko ang buhok ko ng hindi na nagsuklay. Pinapagalitan ko tuloy ang sarili ko deep inside kaya't di agad nakasagot.

"Kako, asan ang ate mo?" Nakangiti mong bati sa akin.

"Ah, nandiyan sa loob. Tumuloy ka na lang"

"Sige. Sungit! Magsuklay ka nga!" Natatawa mong sabi while ruffling my hair making it messier. Imbis na mainis ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. O.M.G ! Hinawakan niya ako! Hinawakan niya ako! Hinawakan niya akoooo!!! Nagtutumili ang boses sa isip ko habang malalaglag yata ang puso ko hanggang sa kanal sa labas ng bahay namin. I was still in a trance nang maramdaman ko ang batok ng Nanay ko gamit ang stick na pantusok nya sa mga dahong tuyo.

"Aray, Ma!"

"Anong tinatayo tayo mo diyan?" Nakakunot noong tanong ni Mama.

"Wala po, just appreciating what a beautiful day it is. Gaya ng nanay kong kaharap ko!" May pambobolang sagot ko kay Mama habang umakbay. "Hmph! Magwalis ka na!"

"Opo". Iniwan na ko ni Mama at nagsimula na kong maglinis ng maalala kong mas maganda ang puwesto sa may lugar ng mga orchids. Tanaw kasi doon ang sala at makikita ko si Adrian habang kausap ang ate ko. At tama nga ako. Kitang kita ko siya na nakupo sa sofa namin na kasing tigas ng papag dahil sa kalumaan ay nilagyan na lang ng plywood. Nakangiti kang nakikipag-usap and I again had the chance to appreciate how beautiful your eyes are. Ngumingiti ang mga mata mo kasabay ng labi mo. Your brows are only a bit bushy just right for a guy your age. Bilugan pa rin ang mukha mo but your jaws are sharper na. So are your nose na dati ay malapad lang, pero ngayon ay medyo matangos na. Andun pa rin ang malaki mong nunal sa gilid ng ilong mo on the left side. Though others would say that it mars your appearance, for me it is part of your charm. Napansin ko rin na medyo lumalabas na ang 'man-hairs' sa braso mo. Hay, how I wish I could run my hands sa mga braso mong yan, deeply wishing while absentmindedly doing it sa handle ng waling tintgting.

Crash!!!!

Biglang nabasag ang paso sa bintana dahil natamaan pala ng handle ng walis na hawak ko. I woke up from my daydream at dali-daling yumuko sabay liko sa kaliwa papunta sa ilalim ng puno ng santol. Narinig ko si Adrian at ate Mimi na lumabas ng sala. "Ano yun?!" tanong nila. "Ah yung pusa, natabig yung paso", sagot kong kunyari ay hinihingal pa. "Pero nabugaw ko na kaya galing ako dito". Naalala ko na hindi pa ako nakasuklay gaya ng request ni Adrian kanina so I tried to smoothen my hair. "Hayaan mo na siya. Tara, tulungan kita iligpit yung nabasag na paso. Malalagot ka pa kay Nanay Martha nyan eh", at kinuha niya ang isa pang walis sa gilid ng bahay. Sinubukan kang pigilan ni ate Mimi pero ayaw mo, kaya kumuha na lang siya ng bimpo panlinis mo pagkatapos. Wala na akong nagawa kundi tingnan si Adrian habang nagwawalis. Caught again in the wonders of watching every inch of him. Bawat flex ng muscles ng braso niya. Or ng hita niya pag umuupo para damputin yung mas malalaking tipak ng basag na paso. Dati ay patpatin pa siya but he's grown to a fine built man.

Adrian is almost 5' 7" tall. At sa liit kong 5' 2" ay feeling ko he can protect me against any harm pag katabi ko siya. His lower arms are as big as my upper arms nd because swimming is his sports, he has developed some muscles. What would I do to have those arms around me? Or feel his body close to me. Smell his breath tickling my ears, while his hands roam around my body?

Pero hindi tama ito. Hindi....

1) Boyfriend siya ng ate mo.

2) Kinakapatid mo siya

...at iyon lang ang turing niya sa iyo. Nakababatang kapatid ng girlfriend at kinakapatid. Hindi puwedeng maging "kayo". Walang magiging "kayo".

With these thoughts running in my mind, I didn't realize na namumula na ang mga mata ko at lumukot ang mukha ko. Naramdaman ko na lang na nasa harap na kita nang marinig kong "Oy, huwag kang umiyak! Niloloko lang kita na lagot ka kay Nanay Martha."

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Namumula na mata mo pati ilong mo oh!" sabay pisil sa ilong ko ng madiin.

Kinilig ako deep inside with this physical contact again until I felt the pain in my nose and I heard his chuckle.

"Pinagtatawanan mo pa ako" sabay tapik sa mga kamay niya na nasa ilong ko pa rin.

"Hindi ah!" nakangiti mong sagot.

"Ewan ko sa iyo!" sabay talikod ko at pumasok na ng bahay. Ilang segundo pa ay alam kong tutulong muli ang luha ko, and it won't stop while I'm feeling his presence around me.

"Saan ka pupunta?" tanong ni ate Mimi na nasalubong ko sa may pintuan.

"Sa kuwarto ko. He's bullying me!" sabay turo kay Adrian.

"No, I'm not!" gulat niyang sagot.

"Tse!" sabay talikod ko ng tuluyan sa kanya.

Bago ako makaakyat papuntang kuwarto ay nilingon ko sila ni ate sa hardin. Waring nagdedeny pa rin si Adrian habang kinukurot naman ni Ate sa tagiliran. Dali dali na akong umakyat nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Adrian.

Why does his laughter sounded so perfect, yet it felt so painful?

avataravatar
Next chapter