1 Bakit ganito kalupit si Tadhana

"Bakit hindi pwedeng magtagpo ang nararamdaman na tin? bakit kailangan sa maling oras at panahon pa?

Umamin kang gusto mo ako. Pero wala akong nararamdaman para sa iyo. Magkaibigan tayo. Pero ayoko sayo. Hindi ikaw ang tipo ko.

Pero bakit ganito? Sinabi mong kakalimutan na ako, bakit nainis ako? Makasarili ba ako? Siguro nga. Ayoko na. Ayokong maramdaman. Pero wala na. Nagtuloy na.

Umiwas ka. Nginingitian mo ako. Pero may bahid ng kalungkutan.

Habang ginagawa mo yun.

Unti unti. Nasabi ko sa sarili ko na.

Tangina, nahulog din ba ako? Napamahal na din ba ako noong tumagal na?

At tama nga. nahulog nga ako. Grabe ka kasi. Ang bait bait mo sa lahat. Ang sakit. Hindi pwedeng maging tayo. Kasi may ibang taong masasaktan.

Hindi ko inakalang mahuhulog rin ako.

Pasensya na at sinaktan kita. Pasensya na rin at minahal kita. At pasensya na dahil hindi tayo pwedeng magsama.

Nakita kitang umiiyak, at nilalabas lahat ng saloobin para sa akin. Masakit, gusto kitang yakapin. Pero dapat ka ng makalimot. Ayoko ng masaktan ka pa.

Mahal kita. Mahal mo ako. Pero hindi tayo pwedeng sumaya. "

avataravatar