webnovel

Introduction

I grew up in the idea of a perfect relationship just like my favorite fairy tale stories.

Being a hopeless romantic, I imagined myself like a princess with a prince by my side. I also imagined myself as a woman who take care of my own family, as if like cooking my family's favorite dish, doing household chores, serving my family like a very ideal and typical wife in the future. Pero hindi madali, dumating ako sa puntong naglaho lahat ang malafairy tale na love story sa isip ko.

Lumaki akong insecure sa pisikal na anyo ko, hindi kagandahan kumpara sa malabeauty queen na anyo ng iba. Hindi rin cute o petite na mala- artista. Dumating sa punto na I even hate myself kasi walang nagkakagusto sa akin. Yun bang akala ko walang nagmamahal sa akin. But I'm always hopeful; I make sure that all those negative thoughts will turn out positive.

Sabi nga ng iba, "kung hindi madaan sa ganda, daanin sa skills, talents o character." Kaya naman, pinilit kong maging matalino, achiever ika nga. I graduated as Valedictorian sa elementary, nasa honor list ng high school, pati sa college, I made sure na nasa Dean's List ako. After graduation, naisip ko pa mag aral ng mga crash courses para lang maenhance skills ko para sa ganun, may pumansin naman.

​Promise, hindi sya madali, nakakaiyak, kasi parang balewala lahat mga efforts ko. Maraming heartbreaks, hindi ko na mabilang naubos kong tissue, at ilang notebook na rin pinagsulatan ko, ung iba nga binagyo na rin.

You might wondering kung ano na ung journey ko ngayon. I've seen and experienced trials and errors in life lalo sa love department ng buhay ko. But I'm still surprised by how I would pick myself up everytime I would fall down from heartbreaks. I don't get tired of standing up again kahit nakakapagod na minsan magmahal.

At my age of 38 years old, most of my batchmates are all married and have their families na, dakilang ninang na nga ako ng iba sa mga anak nila. Madalas ayoko na tuloy pumunta sa mga okasyon kasi iisa ang tanong nila, "kailan k aba mag-aasawa?" "Wala ka bang boyfriend?" At madalas ko lang sagutin ng "Wait lang, darating din 'yan." Minsan tuloy napapaisip ako ng "Nasaan na nga ba si Mr. Right?" "Sobrang traffic na ba at hindi ako makita?" Pero kung nakita mo nga pero hindi naman pwede maging kami.

At dahil sa mga heartbreaks, mga taong paghihintay, hayaan nyo ako isulat muna at sagutin ang tanong na "Bakit Ako Single?" Malay natin, after nitong librong ito, bumilis ang byahe at mawala na traffic at dumating na si "The One."

-Ivy Fernandez-

Next chapter