1 "Nang bumuhos ang ulan"

Sa edad na labing isa ay maagang minulat si Arnold sa katotohanan ng buhay. Katotohanan na ang buhay ay pinahiram lang sa atin ng Poong Maykapal at sa hindi natin masabing araw o panahon ay babawiin din ito.

"Maigsi ang buhay kaya't gawin nating makabuluhan ang bawat araw na ipinagkakaloob ng Diyos upang sa pagdating nang ganoong sitwasyon ay wala tayong pagsisisihan."- wika ni Father bago niya tuluyang tapusin ang kanyang homiliya para sa araw na iyon.Araw ng Lingo kaya abala ang magkakapatid sa mga gawaing bahay at sa pag - aalaga sa kanilang inang may tatlong buwan na ding nakaratay sa higaan dahil sa malubhang karamdaman. Para sa mga magkakapatid ay isang mabigat na krus ang pasanin ang responsibilidad ng kanilang ama na dapat sana'y katuwang nila sa ganitong sitwasyon.Ngunit kahit isa sa kanila ay walang kakikitaan ng pagsuko bagkus ay pawang hinubog na din ang kanilang katatagan. Si Monica ang pinaka matanda sa kanila sa edad na bente anyos.Ngunit dahil may asthma, limitado lang din ang mga kaya niyang gawin.Hindi pwedeng masyadong mapagod dahil mahirap ang pag-atake ng hika niya. Magiging mas mabigat ang ganoong sitwasyon para kay Arnold at sa kuya Rodel niya.Lalong hindi din ito magiging madali para sa pinaka bunso nila na edad dalawang taon lamang nang mga panahong iyon. Kung tutuusin ay hindi naman sila pinababayaan ng mga kamag- anak nila; maraming kamay ang mga nagtutulong - tulong upang kahit napakahirap ng pinagdadaanan ng magkakapatid ay hindi nila maramdaman na wala na silang pamilya at may mga taong handa silang buhatin at ibangon ang kanilang buhay sa kabila ng ganoong sitwasyon.

"Arnold, tara akyat tayo ng santol!nasabi sakin ni Rosa na ang dami na daw hinog at matamis daw!Tara!" - pagyayakag ni Rodel sa kanyang kapatid.

Nang mga sandaling iyon ay nakatitig si Arnold sa kanyang ina at sa hindi niya masabing dahilan ay may kung anong kaba ang kanyang nararamdaman.Hindi niya agad inintindi ang kuya niya hangang sa iwan siya nito at tuluyan ng lumabas upang manguha ng santol na malapit lamang sa bahay nila.Nahimasmasan lamang si Arnold ng may isang babae ang tumatawag mula sa kanilang gate.

"Tao po, tao po, dito po ba nakatira si Carmen?"

Lumabas si Arnold upang alamin kung sino ang babae at agad naman niya itong pinaunlakan.Tinawag niya mula sa kabilang bahay ang kanyang Lolo upang sabihin na may bisita ang kanyang ina.

" Oh! ikaw pala yan Mercy, napasyal ka ata?ang tagal na nating hindi nagkikita. Malungkot dahil ganyan na ang sitwasyon ng kaibigan mo"- bungad kaagad ng Lolo ni Arnold sa

bisita.

"Maupo ka."- agad namang binigyan ni Arnold ng silya ang kanilang bisita.

"Ito na po ba ang bunso ni Carmen?Binata na a!"

Ngumiti si Arnold sa bisita at hinayaan na niyang mag - usap ang kanyang Lolo at si Mercy.Kitang-kita ni Arnold ang pagtulo ng mga luha ng kaibigan ng kanyang ina habang nakikipag usap at nakatingin sa kinararatayan ni Carmen.

Nakatayo lamang ang binata at nagpatuloy na naman ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib dahil sa tila may mali sa kanyang ina.Alam niyang sa ganoong oras ay tulog ito pero iba ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.Ayaw niyang mag isip ng masama kaya't nagpaalam muna siya sa kanyang Lolo upang sundan si Rodel na kasalukuyan namang nasa itaas na ng puno ng santol.

Akma na siyang lalabas nang bigla siyang napigilan pagkarinig sa tanong ni Mercy sa matanda.

"Talaga ho bang ganyan siya?Namumutla at parang ang himbing ng tulog?"

Lalong kinabahan si Arnold dahil hindi na lang siya ang nakapuna sa sitwasyon ng kanyang ina.Agad siyang tumakbo papalabas at umakyat ng puno ng santol nang may bitbit na mabigat na nararamdaman.Hindi alam ni Arnold kung ano ang sasabibin niya sa kanyang kuya kaya't pinilit niya na lang munang manahimik.

"Oh Arnold, nasa harap mo a! kunin mo na yan.Matamis na nga!- sabi ni Rodel habang itinuturo kay Arnold ang bunga na nasa malapit lang sa pwesto ng binata.

"Mamaya na"-matipid na tugon ni Arnold.

Mga ilang sandali pa ang lumipas ay nagulat na lamang ang dalawang magkapatid ng may narinig silang malakas na iyak mula sa kanilang bahay.Hindi na namalayan ni Arnold kung paano siya mabilis nakababa ng puno at ang kaninang kabog ng dibdib na kanyang nararamdaman ay napalitan ng pagkabalisa at matinding takot. Habang papalapit ang magkapatid sa kanilang bahay ay dinig na dinig nila ang pag tangis nga kanilang ate at maging ng kanilang Lolo. Yakap ni Monica ang kanyang ina habang hawak hawak naman ng kanilang Lolo ang mga kamay nito.

"Wala na si Carmen, wala na ang anak ko..wala na ang mama niyo..."- sabi ng kanilang Lolo.

Sumabog ang nararamdaman ni Arnold.Nagdilim ang kanyang buong paligid at habang papalapit sa kanyang ina ay bumuhos ang kanina pang pinipigilang emosyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pinipilit niyang gisingin ang kanyang ina.Ayaw niyang pumayag na patay na ito.Niyakap niya ito ng mahigpit at napasigaw siya ng malakas.

"Mama!!!!!!!!!..."

Dumating na din ang mga pinsan nila at nakita ni Arnold mula sa pintuan ang kanilang bunsong kapatid na buhat - buhat ni Mylene. Nang makita ang bunsong kapatid ay lalong tumindi ang lungkot na naramdaman ng binata.Nakita niya din ang pagdurusa ng kanyang kuya at ang halos atakihin na sa hika na si Monica.

"Panginoon, Bakit?Bakit kami pa?Anong kasalanan namin sa inyo?"- sa isip ni Arnold habang patuloy pa din ang pag gising niya sa kanyang ina.

(Itutuloy..)

avataravatar