20 CHAPTER 19

Habang abala si Dhom sa mga tambak nitong trabaho sa kompaniya ay naisipan ni Billie na bisitahin ito doon at dalhin ng makakain dahil hindi ito nag umagaw dahil sa kamamadali nito kaninang umaga.

Habang papunta sa Kompanya si Billie ay nakasalubong niya si Granny Amellia.

"Granny kumusta po kayo...bakit po kayo naparito?" Tanong ni Billie sa matanda.

"Binibisita ko lang si Dhom dahil sabi ng secretary niya mag leleave ito ng isang buwan....at hiniling ni Dhom na ako na ang mag-iinterview sa kanila." Paliwanag ni Granny.

Habang nag uusap ang dalawa ay pinagtitinginan sila ng mga tao kung bakit daw kasama ni Granny si Billie ang iba pinagkamalang katulong lang ito o isa ring candidate sa pagsesecretary, pero ang pinagtataka ng mga tao ay bakit sumabay siya sa private elevator kung saan mga importanteng tao lang ang pwedeng sumakay.

"Sino naman yan?"

"Bakit siya sumakay sa private elevator?"

"Kaano ano niya si Mrs. MacCoughlan?"

"Isa ba siyang importanteng panauhin?"

"Bisita ba siya ni mr. MacCoughlan?"

Ilan lang ang mga iyon sa mga naririnig ni Billie sa mga tao sa loob ng kompanya. Natahimik lang ang lahat nang sumara ang elevator. Nakahinga ng maluwag si Billie dahil wala na siyang naririnig na bulungan.

"Billie hija are you okay?" Nag aalalang tanong ni granny kay Billie dahil namumutla ito, agad na pinindot ni Granny ang emergency button.

"Call my grandson!"

"Yes madam," sagot ng operator sa kabilang linya. Matapos iutos iyon ni Granny ay mabilis na ipinaalam ng operator ang tungkol sa emergency sa elevator. Mag aapat na buwan na kasi ang tiyan ni Billie at madali itong mastress kung ikukumpara ang normal na 4 months na tiyan ay di hamak na mas malaki ang tiyan ni Billie.

"Granny nahihilo ako?" Sabi ni Billie at hindi sinasadyang nabitawan ang bag kung saan naroroon ang mga pagkaing niluto nila ni Manang Ellen para kay Dhom.

Saktong pagkabukas ng elevator ay agad na pumasok si Dhom hingal na hingal ito mabuti nalang at natanggap niya ang emergency call ng operator, mabuti nalang at mabilis niyang nasalo ang asawa nito na nanghihina.

Nakahinga naman ng maluwag si Granny kaya pinulot niya agad ang bag na nabitawan ni Billie at sumunod kay Dhom habang buhat buhat ang asawa nito.

"You okay?" Nag aalalang tanong ni Dhom kay Billie bago niya ito ipahiga sa kama niya, may sarili kasi siyang kwarto sa opisina nito incase maisipan niyang mag overnight ay dito na siya nagpapalipas ng gabi.

"O-okay lang nahilo lang siguro ako dahil sa aircon. Hindi kasi ako sanay." Sagot ni Billie at lumipas ang ilang sandali ay nakakaramdam na ito ng matinding pagsusuka. Agad siyang binuhat ni Dhom at dila sa Comfort room at pinaupo si Billie sa malamig na tiles para sumuka sa inidoro.

Lahat ng nakain ni Billie sa breakfast ay nilabas niya, sapo-sapo ni Billie ang ulo nito bago sumandal sa paa ni Dhom dahil nasa likod niya lang siya nito. Hawak hawak ang buhok ni Billie para hindi madumihan, kinuha ni Dhom ang isang tali ng buhok sa kamay ni Billie at ginamit iyon para ipantali sa nakalugay na buhok ng asawa.

Habang nasa banyo sila ni Dhom at si Granny ay nasa opisina ni Dhom, nakaupo sa sofa at hinihintay ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto at ilinuwa nito si Callisto Mackenzie na nakasuot ng di pormal kung saan kita mo ang mahaba at makinis nitong legs at ang hapit na hapit nitong damit na kita ang puson nito.

"Callisto....is that you?"gulat na tanong ni granny kay Callisto na ngayon ay nasa harapan na ng table ni Dhom.

Humarap siya sa matanda at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Yes, its me Granny i missed you so much..." Sabi naman ni Callisto bago yakapin ng mahigpit ang matanda. Gumanti rin ng yakap ang matanda pero ilag sandali lang ang lumipas ay agad na kumawala si Granny Amelia kay Callisto.

"Where is Dhominic granny I would like to invite him on a date in LA' Paris Çáfè. I heard that place is amazing specially for lovers." Masayang saad ni Callisto kay Granny Amelia, bago muling yakapin ni Callisto ang matanda dahil sa sayang nararamdaman. Tinanggal ni Granny Amellia ang pagkakayakap ni Callisto sa kanya at humakbang paatras papalayo sa dalaga. Bumalik ito sa pagkaupo, agad napansin ni Callisto ang pag iiba ng mood ni Granny sa kanya.

"Granny is there's something wrong?" Tanong ni Callisto, lumapit ito sa matanda. Hahawakan niya sana ang kamay nito nang iniwas ni Granny ang kamay niya para hindi mahawakan ni Callisto.

"Yes, there's something wrong and that is you. Dhominic is now happily married to his wife Billie and she's pregnant with Dhominic's child. So please Callisto ako na ang nakikiusap let go and move on." Mahabang paliwanag ni Granny kay Callisto. Agad na napaatrass ng ilang hakbang si Callisto habang ilang beses na umiiling then suddenly she Burst out of anger.

"NO!!! DHOMINIC IS MINE AND MINE ALONE!!!" Sigaw ni Callisto kay Granny habang dinuduro ito. Lalapitan sana siya ni Granny Amelia para pakalmahin nang malakas siyang tunulak ni Callisto kaya bumagsak ang matanda sa sahig at dahil sa lakas ng paglakaimpact nito ay nakaramdam ng matinding sakit sa likod ang matanda.

"Don't touch me!" Sabi ni Callisto at hindi manlang nito naisipang tulungin dahil agad niyang hinanap si Dhom. Habang namimilipit sa sakit ang matanda ay ang paglampas ni Callisto sa kanya.

"Callisto help...." Nahihirapang saad ni Granny kay Callisto para tulungan siyang makatayo dahil hindi hamak ang sakit na nararamdaman ng likoran niya, pero mas pinili ni Callisto na pabayaan ang matanda.

"Serves you right Granny," sabi ni Callisto.

Nang marinig ni Dhom ang ilang sigawan sa opisina nito ay agad siyang nakaramdam ng kaba dahil ang lola nito ay naroroon sa opisina nito at baka kung anong nangyari dito.

Nag angat ng ulo si Billie at sinabihan si Dhom na okay na siya na kaya na niya ang sarili niya.

"Dalian mo baka may hindi magandang nangyayari ngayon sa loob ng opisina mo, susunod ako agad pagkatapos kong mahimasmasan."

Agad na tumango si Dhom at bago man siya umalis ay hinalikan niya muna sa noo si Billie.

"Kung di mo kaya hintayin mo ko, I'll back soon." Sabi ni Dhom bago umalis.

Pagdating niya sa opisina nito ay agad nahagip ng mata niya ang lola nito na nasa sahig habang namimilipit sa sakit, hawak hawak niya ang likuran niya kung saan siya nakakaramdam ng matinding sakit.

"Granny!" Agad na nilapitan ni Dhom ang matanda at mabilis na binuhat mabuti nalang at habang buhat buhat niya ang matanda ay nakasalubong niya ang isa sa mga tagalinis at sinabihan itong tumawag ng ambulansya.

"Dhominic!!!" Masayang sigaw ni Callisto pero dahil sa matinding pag aalala ni Dhom kay Granny Amelia ay hindi niya binigyan ng pansin si Callisto dahil dali-dali siyang lumabas habang hubat si Granny. Pagbaba niya sa First floor ay agad siyang sinalubong ng dalawang lalaki na nurse at kinuha sa kanya ang matanda.

"Wait," pagpipigil ni Granny Amelia sa dalawang nurse "Dhom where's Your wife?" Nag aalalang tanong ng matanda.

"Nasa restroom, iniwan ko siya doon matapos kong marinig ang ilang sigawan ni Callisto." Sagot ni Dhom.

"Quick go back baka kung ano nang magawa ni Callisto kay Billie pag naabutan niya ito. Besides Billie is not feeling well baka mapano ang baby, bilisan ko Dhom I know Callisto hindi siya magdadalawang isip na saktan ang asawa mo pag nakita niya ito."

Hindi na sumagot si Dhom nang mabilis siyang bumalik sa private elevator, habang nasa loob ay naisipan niyang tawagan si Billie pero nang kapain niya ang bulsa niya ay wala siyang mahawakan na selpon roon at naalala niya naiwan niya pala iyon sa table niya.

Samantalang mahilo hilong naglakad palabas ng banyo si Billie naglakad siya ng ilang sandali bago muling makarating sa opisina ni Dhom.

Pero laking gulat nito nang nakaharap niya si Callisto na galit na galit na nakatingin sa kanya. Natatakot na napa atras si Billie dahil malakas ang kutob niyang may gagawing masama si Callisto sa kanya lalo na't nakapokus ang atensyon ni Callisto sa Tiyan niya. Napahawak si Billie sa tiyan niya na parang pinoprotektahan niya ito,nang malakas na napatawa si Callisto. Tumawa ito sa mapang asar na tono, at biglang tumigil sabay tulak kay Billie. Mabuti nalang at nabalanse pa ni Billie ang katawan nito kaya napa attras siya hanggang sa tumama ang likuran nito sa ding ding.

"Because of you Dhom will never come back to me.....and this is all your fault you b*tch!" Sigaw niya kay Billie agad na napapikit si Billie dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Callisto sa Kanya.

"I want to k*ll you so bad!!! I want to kill that child inside your womb kung iyon lang ang paraan para muling mapasakin si Dhominic, I will definitely k*ll that child!" Sigaw ni Callisto agad namang binalot ng takot si Billie hindi para sa sarili niya kundi para sa anak nila ni Dhom. Naluluhang napa upo si Billie sa sahig habang hawak ang tiyan nito.

Ilang beses ring sinigaw ni Billie ang pangalan ni Dhominic sa utak nito, dahil hindi niya kaya ang takot na nararamdaman niya ngayon dahil kay Callisto dahil buhay ng anak nila ang pinagtatangkaan ni Callisto.

Maslalo lang tumindi ang takot na nararamdaman ni Billie sa oras na iyon nang makita ang gunting na hawak ni Callisto habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Billie.

Tuluyan nang binalot ng takot si Billie kaya hindi niya maiwasang mag isip ng mga nagatibo dahilan para tuluyan siyang paghinaan ng loob.

"Go to h*ll b*tch!!!" Sigaw ni Callisto kay Billie at mabilis na sinaksak iyon kay Billie, pero mabuti nalang at naprotektahan ni Billie ang tiyan niya dahil mabilis siyang tumalikod kaya sa likoran niya bago tumama ang gunting sa tiyan niya.

Huwag kang mag alala baby proprotektahan ka ni mama. Sabi ni Billie sa tiyan niya habang hinahaplos haplos ito. Pinilit niya ring huwag isip ang malaking sugat na natamo niya dahil tinutuon niya ang lahat ng atensyon niya sa anak niyang nasa sinapupunan niya palang.

Pagbukas ni Dhom ng pinto ay agad dumapo ang tingin niya sa gunting na may bahid ng dugo na hawak ni Callisto, agad hinanap ni Dhom ang asawa nito at nakita niya itong nakaluhod habang kaharap ang dingding at hawak hawak nito ang tiyan habang walang tigil ang mga luha nito sa pagpatak.

"Dhom...Dhom...Dhom...Dhom...Dhom." ilang beses na binubulong ni Billie iyon habang hawak ang tiyan nito, agad na nakaramdam si Dhom ng matinding galit. Pero pinigilan niya iyon dahil walang magagawa ang galit niya kung iyon ang papairalin niya sa oras na ito. Naglakad si Dhom patungo kay Billie kahit na nanginginig ang paa nito, lumuhod siya para pantayin si Billie pero ang labis na nagpakagulat kay Dhom ay ang dugo na nagmumula sa likuran ni Billie, mabilis niyang tinignan ang sugat ng asawa at nagulat sa laki nito. Isang nanlilisik na tingin ang natanggap ni Callisto Kay Dhom.

"sorry I'm late," sabi ni Dhom bago tanggalin ang suit na suot nito at pinatong Kay Billie bago ito bubatin.

Nanghihinang napadilat si Billie at sinalubong ang nag aalalang titig ni Dhom, kahit nahihirapan ito ay nagawa niyang ngitian si Dhom.

"Ligtas na ba ang anak ko?" Naiiyak na saad ni Billie, hindi magawang sumagot si Dhom kaya napatango nalang ito.

Our baby is safe.

avataravatar
Next chapter