18 CHAPTER 17

Paggising ni Hellion ay isang puting ilaw ang sumalubong sa kanya.

"Papa Jesus is this Heaven?"

"Yes my Child you are in heaven.....pakyu ka sa dami ng kasalanan mo akala mo makakaapak ka sa langit!"

Pagtingin ni Hellion sa right side niya ay doon niya nakita ang pagmumukha ni Wyatt.

"Ah....di mo nalang sinabi nasa impiyerno na pala ako dahil sa pagmumukha mo...nakakawalang ganang mabuhay." Sabi naman ni Hellion.

"Aba kakagising mo lang ang talas na agad ng dila mo.....di mo alam pinagluluksa ka namin nung panahong hindi ka namin kasama."

"Muntik na kong maniwala sa sinabi mo mabuti nalang naalala ko may sayad ka pala sa utak...."

"Hashtag 143 talaga kita!"

"Lab mo ko."

"Tanga lab mo pwet ko...sabi ko I hate you..."

"Ang ingay mo talaga kahit kailan."

Natigil ang pagbabangayan nila Hellion at Wyatt nang pumasok si Dhom habang tulak tulak siya ni Beatrix.

Naiiyak na napayakap si Beatrix kay Hellion at isang matamis na halik sa pisngi ang binigay niya kay Hellion.

"Opsssss....SPG.... my innocent eyes," pag iinarte ni Wyatt with matching pailing iling pa.

"Namiss kita Hell," paglalambing ni Beatrix.

"I miss you too Bea," sagot ni Hellion.

"Oooooh....lovers! may single dito maawa naman kayo!" Sabi ni Wyatt sabay turo sa sarili.

"Wait where's my brother?" Tanong ni Hellion sasagot na sana si Beatrix nang inunahan siya ni Dhom.

"Nasa kabilang kwarto, walang malay dahil sa mga natamo nitong sugat at ilang tama ng baril sa binti...but he's okay sabi ng doktor in 1 to 2 weeks magigising na siya." Sagot ni Dhom.

Nang makalapit si Dhom kay Hellion ay isang tapik sa braso ang natanggap ni Hellion mula kay Dhom.

"Welcome back man...glad your finally awake."

"Thanks man."

Natagalan sila sa pagkwekwentuhan dahil marami silang pinag usapan tulad nalang ng pag aasawa ni Dhom, at mga ibang importanteng bagay na naganap sa isang taong pagtulog si Hellion.

Samantalang si Billie naman ay nasa 7 Eleven bumibili ng mga chichirya dahil naisipan niyang sa Ospital magpalipas ng gabi para mabantayan niya si Dhom, naisipan niya kasing bumawi rin Kay Dhom parati kasing si Dhom lang ang bumabawi sa kanya at ngayon siya naman ang babawi kay Dhom. Naisip niya kasing mag movie marathon sila sa kwarto ni Dhom sa Ospital dahil may malaki itong flat screen na tv at may USB siya na dala na punong puno ng mga movies na hindi niya pa napapanood.

Pagbalik niya sa kwarto ni Dhom ay wala siyang naabutang Dhominic Demetrius MacCoughlan doon, muli na namang kumulo ang dugo niya. Kakasabi niya Lang kasi kanina na bawal siyang lumabas pero lumabas parin ang damulag na yun.

Inis na hinagis ni Billie ang mga pinamili niya sa sofa bago tumalikod palabas ng silid.

Siguro pa kapanahunan ng malamig na klima may mga usok kang makikita sa ilong ni Billie.

Kung saan-saan naghanap si Billie sa Ospital, hindi niya kasi alam kung nasaan ang kwarto ni Hellion na sinabi ni Dhom na nandito na rin. Hanggang sa inisa isa niya ang kwarto sa 2nd floor kung saan naroroon narin ang silid ni Dhom. Hanggang sa narinig ni Billie sa Hindi kalayuan ang boses ni Dhom at ang mga kasamahan nito sa room 86.

Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nakita ang asawa nito na masayang nakikipagkwentuhan sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala, marahil ay ito ang Hellion na tinutukoy ni Dhom sa kwento niya kaninag umaga.

"Dhominic anong ginagawa mo dito diba sinabi ko bawal kang lumabas hangga't hindi pa gumagaling ang pilay mo." sabi ni Billie sa asawa.

Agad na napalunok si Dhom dahil kilala niya ang asawa nito. Pag nagagalit o may ginawa siyang hindi maganda ay tinatawag siyang Dhominic. Pero ibang usapan na pagtinawag niya siyang DHOMINIC DEMETRIUS MACCOUGHLAN! ibig sabihin galit na galit na ito. Tulad nalang nung isang araw nang kinain ni Dhom ang last piece ng blueberry cake ni Billie dahil sa galit nito ay sa kotse pinatulog ni Billie ang asawa nito habang bumabagyo pa.

"Yes baby babalik na po..."

"Tsaka ka nalang makipag tsimisan pag okay ka na ha?!"

Pagkaalis nila Dhom at Billie ay tawang tawa sila Hellion, Beatrix at Wyatt sa nakita nila.

"Tsk...tsk...tsk...mukhang susunod si Dhom sakin...naka under." Bulong ni Hellion.

"May sinasabi ka?!"

"Wala naman bebe ko," sagot agad ni Hellion sabay halik sa balikat ni Beatrix.

"Maawa naman kayo sa walang jowa, baka mag suicide ako niyan." Sabi ni Wyatt para madistract ang dalawa dahil mukhang maghahalikan pa sila sa mismong harapan ni Wyatt.

"Ma'am may I go out bawal po kasi sa mga inosenteng katulad ko ang SPG AT LIVE PA." sabi ni Wyatt bago lumabas ng kwarto.

Pagbalik nila Dhom at Billie sa kwarto ay agad sinara ni Billie ang pinto at sinuguradong nakalock iyon bago siya humarap kay Dhom.

"Dhominic Demetrius MacCoughlan..."

"Yes baby..." Kinakabahang sagot ni Dhom sa asawa nito.

"Its not my fault kasalanan ni Wyatt!" Agad na pagpapatuloy ni Dhom.

"Si Wyatt ba talaga o ginagawa mo lang siyang dahilan. Umamin ka Dhominic kung gusto mo sa sahig matulog mamayang gabi!"

"I ask Beatrix... pinilit ko siyang dalhin ako sa kwarto ni Elliot para bisitahin then after that dinaan namin ang kwarto ni Hellion." Paliwanag ni Dhom, mabuti nalang at nakakaintindi ang asawa nito.

"Tapos baka nakalimutan mong may naghihintay sayo dito?"

"No...as if I could do that you." Sabi ni Dhom sabay kindat sa asawa nito na salubong parin ang kilay.

"Ikaw ha.... pinakilig mo ko...tumigil ka naiinis ako!"

Mahinang napatawa naman si Dhom sa sagot ni Billie kaya napa iling nalang ito habang may ngiti sa labi. Napalingon si Dhom sa sofa at nakita doon ang kumpol kumpol na mga chichirya, agad nangunot ang noo ni Dhom at mabilis na tinignan ang asawa na nakatayo sa harapan niya.

Kung kanina si Billie ang salubong ang kilay ngayon naman ay si Dhom ang salubong ang kilay.

"Ba-bakit?"

"Too much junk food...may balak ka bang magtayo ng sari-sari store dito sa Ospital?" Seryosong tanong ni Dhom.

"Teka bakit ikaw tong galit diba dapat ako! Wala naman akong ginawang masama ah!...

Tsaka hindi ko ninakaw ang mga yun!... binili ko sa 7eleven yun...sabi mo buy whatever you want bago mo ibigay sakin ang Credit card mo... tapos ngayon nagagalit ka.....sabi mo naman kasi kanina buy whatever you want! Napaka kuripot mo talaga! Gusto ko nang makipag hiwalay ginugutom mo kami ng anak mo!"

Sigaw ni Billie kay Dhom sabay turo sa maliit na tambok ng tiyan niya.

"I want a divorce!" Sigaw ni Billie habang tumutulo ang luha nito, napa hawak nalang si Dhom sa ulo nito dahil sa inaasta ng asawa nito. Hindi niya naman pwedeng sabihin na itapon nalang ang mga pinamili ni Billie dahil baka pag uwi ko na sa bahay lahat ng damit ko nasa labas na. Minsan niya rin kasing ginawa iyon nung pinangako kong mag dadate kami pero hindi natuloy dahil may emergency sa kompanya, kaya nabigla nalang ako nang pag uwi ko naka lock yung gate tapos ang mga damit ko nasa isang malaking supot na itim kaya no choice ako ng gabing yun kundi makitulog kila Elliot total mag isa lang naman siya dun dahil nasa Ospital pa Si Hellion.

"Sige....sayo na yang mga chichirya mo....pero wag mong lamunin ng minsanan." Sabi ni Dhom bago maingat na tumayo para humiga sa kama nito.

Ang malungkot na mukha ni Billie kanina ay bilang umaliwalas dahil sa sinabi ni Dhom.

"Baby matutulog muna ako... gisingin mo ako pag may kailangan ka."

"Yes ser!" Sagot agad ni Billie.

Iimbitahan sana ni Billie ang asawa nito para samahan siyang mag movie marathon pero napansin niyang kailangan mag pahinga ng asawa niya, kaya naisip niya siguro sa uulitin nalang dahil kailangan ni Dhom ng pahinga. Mabuti nalang at hindi nasabi ni Billie kay Dhom na samahan siyang manood dahil tiyak na pagbibigyan siya ni Dhom at kahit pagod ang katawan niya ay pipilitin niyang samahan ang asawa nito makita lang niyang masaya si Billie ay okay lang kahit siya pa itong mahirapan.

Linapitan ni Billie ang asawa na agad na nakatulog dahil sa pagod. Inayos ni Billie ang kumot ni Dhom at bago siya bumalik sa mini living room ng kwarto ni Dhom ay hinalikan ni Billie ang asawa sa noo.

"Tsaka nalang sa lips paggising ka na." Bulong ni Billie kay Dhom ang akala ni Billie ay hindi narinig ni Dhom ang binulong niya pero nagkamali siya.

"Pag gising ko aasahan ko yang kiss mo sa labi ah..." Sabi ni Dhom bago tuluyang makatulog na may ngiti sa labi.

"O-Oo naman," sagot ni Billie sa kinakabahang tono.

Agad na napahawak si Billie sa dibdib niya dahil sa bilis ng tibok nito, siguro pag may pusong pwedeng iloud speaker bingi ang lahat ng mga taong nasa paligid ni Billie.

Umupo si Billie sa sofa at ini-on ang Tv, hindi na niya tunangkang isaksak ang USB niya dahil maraming magagandang palabas.

Napahinto nalang si Billie nang may marinig siyang katok, napatingin si Billie sa pinto at nagtataka itong naglakad patungo sa pinto.

Sa pag kakaalam niya wala nang bibisita kay Dhom dahil kakaalis Lang ni Manang Ellen kanina.

Sino kaya iyon?

Pagbukas ni Billie ng pinto ay agad siyang napa-upo sa sahig dahil tinulak siya ng isang babae dahil sa pagmamadali nitong makapasok. Dahil sa malakas na pagkakabagsak ni Billie sa sahig ay agad siyang dinalaw ng takot para sa anak nito baka may hindi magandang mangyari dito.

Dahan-dahang napatayo si Billie at pinakiramdaman ang sarili kung may nararamdaman ba siyang hindi maganda nang masigurong wala maliban lang sa pang upo niya.

Ay agad niyang sinugod ang babaeng nagtulak sa kanya na ngayon ay nakayakap sa natutulog niyang asawa. Malakas niyang hinila ang buhok ng babae para pakawalan nito ang asawa niya.

"Bakit mo niyayakap ang asawa ko...hariparot ka!!!" Sigaw ni Billie dahilan para magising si Dhom. Pag dilat niya ay naabutan niya ang asawa nito na hila hila ang buhok ng babaeng kilalang-kilala niya.

"Let go of my hair you bitch!!!" Sigaw ng bagong dating na babae sabay kamot sa braso ni Billie dahilan para magkaroon siya ng sugat at dumugo ito.

Nang makita ni Dhom si Billie na may dugo sa braso ay agad siyang tumayo kahit nahihirapan ay agad siyang pumagitna sa dalawa nang tangkaing ihampas ng babae ang flower vase Kay Billie.

"One last move then I'll break your arms! One after the other!" Pagbabanta ni Dhom sa babae.

avataravatar
Next chapter