15 CHAPTER 14

Binalik ni Elliot ang selpon nito kung saan ito nakapatong, humiga siya sa kama at sa pagkakataong ito ay dinalaw siya ng antok.

Matapos ipaalam nila Dhom at Billie ang pagbubuntis niya kila Manang Ellen, Beatrix at Wyatt.

Hindi na nabigla si manang Ellen dahil alam na niya ang tungkol rito. Pero ang dalawa ay nalalaglag ang mga panga nila. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila, lalo na si Wyatt na parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa hindi makapaniwala sa impiyernong iyon.

Parang kailan Lang nung nilalandi niya si Billie sa harapan ni Dhom para lang inisin ang lalaki.

Bagsak balikat si Wyatt na lumapit kay Billie at binati ito.

"Kung may balak kang mangabit tawagin mo lang ako..." sabi nito kay Billie na labis naman na ikinangiti ng dalaga.

"Wyatt...." banta ni Dhom.

"Dhom wag kang mag-alala di ibig sabihin pagnanlalaki si Billie ay pinagtataksilan ka...isipin mo nalang na dinadagdagan ka lang niya." Nakangiting saad ni Wyatt Kay Dhom, kahit kailan talaga tong si Wyatt lahat nalang ginagawang biro.

"May laman na yan grabe Dhom ang lakas mo!" Natatawa saad naman ni Beatrix.

Napuno ng tawanan at biruan ang sala hanggang sa tinawag na sila ni Manang Ellen para kumain. Hanggang sa kusina ay pinagpatuloy nila ang pagkwekwentuhan nila. Masarap sa tenga ang mga pinag-uusapan nila. Tulad ng anong balak nila sa bata pag lumabas na ito. Alam ni Billie na masyado pang maaga pero hindi niya maiwasang ma-excite.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya na si Billie na magpahangin sa labas. Samantalang ang tatlo ay bumaba sa underground basement ng mansyon para tumungo sa hideout nila.

Pagdating nila sa Hideout ay laking gulat nila Beatrix at Wyatt nang hindi manlang magbigay respeto ang mga kasamahan nila sa Boss nila na walang iba kundi si Dhom.

Pero pinagsawalang bahala nalang ni Dhom ang kakaibang hangin na sumalubong sa kanya. Tumungo sila sa opisina ni Dhom at laking gulat nila na may naka upo na roon sa trono ni Dhom. Walang iba kundi ang taong laging makikipagkonpetensya sa kanya, na si Mark Grey.

"Dhominic my friend!" Masayang bati nito kay Dhom na walang emosyong nakatayo sa harapan ni Mark. Tinaasan niya ng kilay si Mark na pinaparating niya kung anong ginagawa nito sa upuan niya.

"Mark anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Dhom habang naglalakad patungo sa sofa at umupo roon. His mere presence shouted with so much power and authority!

"Me...I'm just only the new leader of HETHEROMOS!" Sagot nito, hindi maikakaila ni Dhom na nabigla siya sa sagot ni Mark. Pero hindi niya ito pinahalata lalo na at kilalang kilala niya si Mark, tuso ito.

"I see...." Simpleng sagot ni Dhom bago tumayo at naglakad palabas sa opisina niya.

"Leaving already I thought you could pour me a drink?!" Halata sa boses ni Mark na iniinis niya lamang si Dhom.

Pero hindi makitid ang pag-uunawa ni Dhom. Nginitian niya ito bago tuluyang lumabas.

"Save it for later....."

Sagot ni Dhom.

Mabibigat ang bawat yapak ni Dhom sa sahig. Nagtungo sila sa opisina ng mga council. Malakas niyang sinipa ang pinto para ito ay bumukas. Nabigla ang mga council sa ginawa ni Dhom.

Galit na galit na pumasok si Dhom sa loob at kinuha ang baril nito sa likod niya at pinasabog ang mga CCTV dahilan para umusok ang mga ito.

"Dhominic! What the f*ck do you think your doing. Are you crazy!!!" Sigaw ng pinakamataas na pinuno ng council. Natigilan si Dhom at tinapon sa sahig ang baril na hawak nito.

"I should be the one to say that to all of you. F*ck you! Are you all f*cking crazy. Why did you appoint Mark Grey to be the next leader of HETHEROMOS at wala pa talagang nagsabi sa akin!" Sigaw ni Dhom sa bawat pagmumukha ng council.

"If it's the heir that your worried of don't waste your time. I'm already married and my wife is 3 weeks pregnant! Kung di kayo makapaniwala I have tons of information to support me. Now remove Mark out of my sit or else this will be the end of HETHEROMOS."

Sabi ni Dhom bago lisanin ang hideout. Galit na galit itong bumalik sa mansyon, hindi na nagtangka pa ang dalawang magtanong dahil kilala nila si Dhom kung ayaw niyang sabihin ay wag pilitin. Hayaan niyo siyang siya mismo ang magsabi sa inyo.

Iniwan nila Beatrix at Wyatt si Dhom para palamigin niya ag ulo niy. Hindi nila napansin na ginabi na pala sila ng uwi, dumiretcho si Dhom sa kusina para kumuha ng tubig.

Samantalang si Beatrix ay umakyat sa second floor para tignan ang kapatid nito.

Pagpasok niya sa kwarto ni Dhom ay naabutan niya si Billie na nakahiga sa sofa at hindi sa kama, gigisingin niya sana ito nang magsalita si Wyatt mula sa likuran niya.

"Don't...hayaan mo nang si Dhom ang maglipat sa asawa niya sa kama nila."

Tumango naman si Beatrix at dumiretcho sa kwarto kung saan siya natutulog pag nasa mansyon siya ni Dhom ganun din kay Wyatt.

Nang mahimasmasan ang galit ni Dhom ay nagpasya siyang umakyat para makapagligo narin at makapagpalit ng damit. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang napansin na wala si Billie sa kama agad siyang kinabahan pero agad na napanatag ang loob niya nang makita nito ang asawa na nakahiga sa sofa.

Nakahinga ng maluwag si Dhom, dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Billie at dahan-dahang binuhat ito para hindi magising.

Maayos na linapag ni Dhom si Billie sa kama at inayos ang kumot nito pagkatapos ay naglakad na si Dhom patungo sa banyo.

Mabilis siyang naligo at nagkapagpalit ng damit.

Maingat niyang kinuha ang isang unan sa tabi ni Billie, at dinala sa sofa. Nitong nakaraan ay sa sofa na siya natutulog, at kahit kailan ay hindi niya pa nakatabi si Billie simula nung dumating siya dito sa mansyon.

Gustohin mang tabihan ni Dhom si Billie ay hindi niya magawa dahil hinihintay niya ang sagot ni Billie dahil hangga't kaya niya pang magpigil ay dadahandahanin niya para kay Billie.

Hindi pa man nakakahiga ng tuluyan si Dhom sa sofa nang magising si Billie.

"Anong ginagawa mo diyan...lika tabihan mo ko." Sabi nito sa inaantok na tono habang kinukusot ang mata nito.

Tuluyan namang napangiti si Dhom sa sinabi ni Bullied. Ngiting tuta naman siyang napangiti at masayang kinuha ng unan nito sa sofa at binalik sa kama.

Mabilis siyang humiga at niyakap si Billie.

Finally.

"Teka wag masyadong mahigpit...." Natatawang reklamo ni Billie.

"Oo nga pala...sorry baby masaya lang si daddy..." Sabi naman ni Dhom sabay hawak sa tiyan ni Billie.

"Akala ko ba ako lang ang baby mo?"

"Oo naman ikaw lang ang baby ko...pero itong nasa tiyan mo...ay.baby natin..diba mommy ng anak ko." Sabi ni Dhom sabay kagat ng tenga ni Billie na ikinangiti ng dalaga.

Maagang nagising si Dhom para ipaghanda si Billie ng pagkain, kaya naisipan niyang ipagluto ito ng pancake dahil alam niyang mahilig si Billie sa pancake.

Pagbaba niya sa kusina ay naabutan niya si manang Ellen na nagvavacuum, samtalang ang mga ibang katulong ay may kanya-kanyang ginagawa.

Pagkatapos niyang magluto ay agad niyang pinagtimpla ng gatas si Billie at hinanda ang mga bitamina nito.

Bago tumungo sa kwarto nila, malawak ang ngiti ni Dhom dahil ngayon niya lang naipagluto si Billie, noon kasi ay puro siya order o di kaya si manang Ellen ang nagluluto at siya lang ang nagdadala.

Linapag niya ang tray sa lamesa bago gisingin si Billie na mahingbing parin ang tulog.

"Baby, wake up breakfast is ready?" Sabi ni Dhom pero hindi parin magising-gising si Billie kaya sinundot-sundot nalang ni Dhom ang pisngi ni Billie baka sakaling magising ito. Pero sadyang tulog mantika ang dalaga kaya walang ibang pagpipilian si Dhom kundi gawin ang ipinagbabawal na technique!

Mabilis niyang binuhat ang asawa nito at dinala sa banyo.

At walang sabi-sabing hiniga sa malamig na bathtub sabay buhos ng malamig na tubig dahilan para magising ang buong diwa ni Billie.

"Aaaaahhhhhhh!!!!!!Mama!!!!!!!mama!!!!!"

"Good morning baby." Note the sweetest smile of Dhom.

Natigilan ni Billie dahil sa matamis na ngiti ni Dhom, kaya naman hindi niya napigilan ang sarili sa pamumula. Mabilis siyang nag iwas ng tingin at tumingin sa kabilang direksyon kung saan hindi niya masisilayan ang ngiti ni Dhom na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

"Maligo ka na...then you'll have your breakfast." Sabi ni Dhom bago siya iwan. Tumango naman si Billie pero bago pa man siya iwan ni Dhom ay isang matamis na halik ang natanggap ni Billie sa pisngi.

"Morning kiss especially just for you."

Tuluyan nang namula ang mukha ni Billie, hindi niya kasi inaasahan ang halik ni Dhom. Nasanay kasi siya sa noo pero sa pisngi....she didn't expect that.

Pagkaalis ni Dhom ay agad na napatayo si Billie at linock ang pinto. Binuksan niya ang shower at habang naliligo siya ay hindi niya maiwasang kiligin kaya dahil sa kilig ay nabitawan niya ang sabon at aksidenteng natapakan ito dahilan para madulas siya.

avataravatar
Next chapter