webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 1.4

Sa huli ay nasaksihan ng lahat na natalo ng maangas ngunit mapamaraang babaeng tila ang familiar nito ay may kakayahang maglagay ng lason sa pamamagitan ng dugo ng nasabing cyclops nito.

Konektado ang nasabing familiar ng isang summoner sa katawan nito kaya ang nararamdaman ng mismong familiar ay maaaring makaapekto sa kalagayan ng mga summoner na naglalaban.

Hindi naman natuwa si Evor sa nasabing labanang ito. Ramdam niyang hindi naging maingat si Marcus Bellford sa naging taktika nito kaya nabaliktad ang resulta ng labanan.

Ang malaking praying mantis na inilabas ng babaeng nakalaban ni Marcus Bellford ay isa lamang iyong pain para sa malakas nitong pamamaraan upang ungusan ang nasabing binata.

Kakaiba nga ang cyclops nito dahil ang dugo nito ay kakaiba, nagiging lason kapag humalo sa katawan ng sinumang nilalang.

Lumipas pa ang mga oras at narinig na lamang ni Evor na tinawag ang kaniyang numero. Kasabay rin nito ay tinawag ang numero ng makakalaban niya.

Naglakad naman si Evor patungo sa gitna ng Arena habang kitang-kita naman nito na papunta naman ang nasabing makakalaban niya sa gitna.

Halos kasing tangkad niya ang nasabing lalaking nakaitim na balabal habang may suot na kulay ubeng maskara.

Nakaramdam naman kaagad ng panganib si Evor. Hindi sa praning siya o kung ano pa man ngunit ngayon niya lamang napansin ang nilalang na ito. Sa tingin niya ay kaduda-duda ito lalo pa't hindi naman kasi malabong walang ganitong klaseng nilalang na lumahok.

Nang magkatapat si Evor ang nasabing nilalang na nakasuot ng kulay ubeng maskara ay agad niyang tinanong ito.

"Sino ka?! Hindi ko alam ang iyong pagkakakinlanlan ngunit alam kong wala ka sa nasabing lalahok. Ang natatandaan ko ay isang matabang mama ang makakalaban ko sa numerong hawak mo!" May diing wika ni Evor habang hindi nito pinalampas ang mga napansin niya.

Kakaiba kasi ito at hindi siya maaaring magkamali lalo pa't pansin niyang halos karamihan dito na lumahok kahapon ay wala habang mga bagong mukha ang nakikita niya na lalahok sa labanang ito.

"Yun ba?! Tingin ko ay alam mo na ang madilim na parte ng pangalawang elimination round. Kaya sumuko ka na binata kung ayaw mong sa susunod na parte ng elimination round ay ikaw na ang mabibiktima. Ingat-ingat ka din ha?! hahahaha!" Nakangising demonyong sagot naman ng nasabing kalaban ni Evor habang makikitang tila nagugustuhan nito ang labis na kuryusidad ng binatang makakalaban niya pa lamang.

"Ikaw ang mag-ingat dahil hindi ako natatakot sa isang katulad mo!" Malakas na turan ni Evor habang makikitang biglang nagpalit ang kulay itim nitong mata sa kulay bughaw.

"Pwes hindi rin ako natatakot sa isang katulad mo binata. Laro lamang ito ngunit marami ka ng nalalaman kaya kailangan na kitang paalisin sa paligsahang ito bago pa lumaki ang problema namin!" Sambit ng nakamaskarang nilalang habang makikitang biglang nagpalit ang kulay ng mga mata nito sa kulay ube.

"Eredox, I summon the darkness within you!" Sambit ng nakamaskarang nilalang.

Inihagis niya sa ere ang summoner ball na nasa braso nito.

Biglang nagkaroon ng malaking magic circle sa ere at tila umalpas doon ang kulay itim na mga enerhiya habang kasabay nitong makikitang biglang nabalutan ng kulay itim na enerhiya ang buong katawan ng mismong kalaban ni Evor.

Kasunod nito ay tila biglang dumilim ang kalangitan habang gumapang ang nakakapangilabot na itim na usok patungo sa loob ng arena na para bang may pwersang nagmumula sa binata na siyang mismong kalaban ni Evor.

Isang nakakatakot na anyo ng nilalang ang biglang nabuo sa nasabing napakaitim na usok na gumapang patungo sa arena. Isang hugis kalansay ng isang kakaibang nilalang ang nakita ni Evor maging ng mga manonood sa nasabing elimination round.

Walang pag-aalinlangan namang umatungal ng malakas ang nasabing nilalang na iyon at tila na lumutang sa hangin patungo sa direksyon ni Evor.

Imbes na matakot si Evor ay hindi siya nagpasindak rito kundi ay mas uminit ang kaloob-looban niya upang pantayan ang lakas ng makakalaban niya.

Isang darkness type ang nasabing familiar ng kalaban niya. Nagmumula ang lakas nito sa dilim ngunit tila hindi napapansin ng kalaban niya ang malaking pagkakamaling magagawa nito.

"Zhaleh, show yourself!" Malakas na wika ni Evor habang makikitang biglang nagbago ang mga mata ng nasabing binata.

Inihagis niya sa malakas ang Summoner ball niya sa itaas ng ere.

Lumitaw ang napakalaking magic circle sa ere habang makikitang misteryosong tumipon ang mga nagkakapalang mga ulap sa mismong lugar kung saan naroroon ang tinawag na familiar ni Evor.

Kitang-kita ng lahat kung paano'ng biglang nagbago ang kulay ng ilang hibla ng buhok ng ni Evor tandang ginagamit nito ang lakas ng familiar niya.

Mas dumilim ang kapaligiran at kitang-kita ng lahat ang malalakas na paggapang ng paggapang ng lamig ng temperatura sa buong paligid.

Tahimik lamang ang lahat habang nababahala an din ang iilan ngunit karamihan ay nagtaka sa bagay na ito.

Sa isang iglap ay napansin nilang may bumabagsak sa ere na mga bagay. Sa una ay hindi pa klaro sa lahat ang nasabing mga pabagsak na mga bagay ngunit mabilis nilang napansin ito nang...

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na tunog ng pagbagsak ng mga tipak ng yelo ang narinig ng lahat na bumagsak sa lupa at ang iilan sa mga ito ay bumaon sa kalupaan o di kaya ay nangabiyak sa lupa.

Sa himpapawid ay nakita nito ang isang kulay asul na nilalang na hugis tao ngunit kapansin-pansin ang kaanyuan nito, nakakahalina ngunit sa paunang pagpapakita nito ay masasabing naghahamon din ito sa makakalaban niya.

Nanlalaki ang mga mata ng nasabing nilalang na kasalukuyang kalaban ni Evor. Nanlalaki ang mga mata nito na animo'y nagulat sa kakayahang meron ang kalaban niyang kapwa niya summoner.

"Isang Ice type Summoned Hero iyan hindi ba?!"

"Namamalik-mata ba ako?! Yelo ang elemento ng familiar ng binatang iyan?!"

"Ngunit mukhang malakas naman ang makakalaban nito. Natural na malakas ang Ice type Summoned Hero na iyan ngunit kung basura naman ang may hawak nito ay mahina at lampa!"

"Halatang hindi pa gamay ng binatang iyan ang familiar niya base sa pinapakita nitong kilos!"

"Kung sa akin mapupunta ang summoned hero na iyan ay tiyak akong mapapalakas ko iyan ng higit pa sa binatang iyan!

Sambit ng mga manonood na kakikitaan ang tono nila ng magkahalong mangha, inis at inggit. Purong negatibo ang binibitawang mga komento ng mga ito na akala mo ay mga taga-dikta, ng laban.

Nakita ni Evor na nagsalita ang nasabing kalaban nito sa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan at nagsalita itong muli.

"Nakakamangha ang pangyayaring ito ngunit hindi na ako nagulat pa dahil batid ko ang iyong presensya rito. Ikaw nga ang hinihintay kong makalaban!" Nakangising demonyong sambit ng nakamaskarang nilalang habang makikitang gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi nito.